webnovel

Chapter 70 :Espesyal Na Sasakyang Pan - Dagat

Ang lahat ay namangha sa lakas at bilis kumain ni Arnie, hindi nila akalaing ganoon ito kalakas kumain dahil napaka ganda ng hubog ng katawan nito, tatalunin nito ang lahat ng artista maging si Katriona Gray kung paseksihan lang ang pag uusapan.

Si prinsipe Borjo, Kabatao at Kabayuhan naman ay tahimik na nakatingin at nanonood lamang sa unti unting pagka simot ng pagkain.

Arnie : BURP...... ang malakas na dighay ng seksing masiba matapos masimot ang mga pagkaing naka hapag....

Ang mga siyokay naman ay luwa ang mga matang naka titig sa mga platong malinis na malinis at wala ng palatandaan na ilang segundo lamang ang nagdaan ay punong puno pa ang mga ito ng pagkain.

Samantala, ang isang kamay ni Arnie ay palihim na kumumpas at may mumunting tila sinulid na liwanag na lumabas mula sa kanyang daliri at lumipad patungo sa kinaroroonan ni Sirenita.

Tila ito may isip na nagpa ikot ikot sa noon ay nakatulog na sirena at unti unti nitong tinanggal mula sa pagkaka - baon sa korals ang tila palasong liwanag......

Biglang bumagsak sa sahig ng dagat si Sirenita na ikina-gulat at ikina - gising nito.

Nag palinga linga ito sa paligid, ng walang makitang isa man sa mga sireno at siyokoy na kawal ang nagbabantay, mabilis itong tumalilis pauwi sa bahay ng kanyang inang si Banak......

Banak : Sirenita.... anak ??? anong nangyari sa iyo??? bakit ganyan kagulo ang buhok mo???

Sirenita : ina ko..... ang humihikbing tawag ni Sirenita sa ina bago ito yumakap at ngumuynguy ng iyak.

huhuhu huhuhu huhuhu ina ko, inapi ako ng babaeng taga lupa, binihag niya ako at isinabit sa korals sa labas ng palasyo ng Atlantis. Plano niya akong idaing, mabuti na lamang at bumigay na ang korals na kina sasabitan ko at ako'y naka takas huhuhuhu huhuhuhu

ang pananaghoy na sumbong ni Sirenita sa inang si Banak, na agad namang nanghilakbot ng marinig ang salitang idaing....

Banak : Sinong taga lupa yon??? paano siya nakarating dito sa Atlantis??? si Neptuno? ang asawa mo??? si Sirekoy??? ano ang ginagawa nila??? bakit hindi ka nila ipinag tanggol???

Sirenita : wala ina.... lahat sila ay naakit na sa taga lupang iyon, maging si bathalang Neptuno at ang aking asawa ay naakit na rin huhuhu ina......

ano ang gagawin ko??? ang patuloy na pag nguyngoy at pag sisinungaling ni Sirenita.

Banak : hindi tama ang ginawa nila...... diyan ka lang anak at akong bahalang kumastigo sa kanila...

Sirenita : huwag ina!!! dumito ka lamang , baka pati ikaw ay bihagin at idaing nila!!! ang mabilis na pigil ni Sirenita sa inang galit na galit......

Banak : 😤😤😤🐟🐟🐟

Siguiente capítulo