Patuloy na nagkaka - kawag na parang nahuli ng lambat si Sirenita, si Neptuno naman at ang lahat ng mga sirena , sireno at siyokoy na naroroon pati na ang ibat ibang uri ng isda hipon at alimango na naroroon ay hindi nakahuma sa bilis ng pangyayari....
Fishna : ina!!! ang takot namang tawag ni Fishna sa ngalan ng ina na noon ay nakasabit sa korals, tinangka nitong lumangoy papunta sa ina ngunit mabilis itong napigilan ni Arnie..
Arnie : hep hep hep..... dyan ka lamang batang sirena ,muli ay may lumabas na kakaibang liwanag sa kamay ni Arnie at pumigil kay fishna.
wag kang mag alala, hindi maaano ang iyong ina, pansamantalang inalis ko lamang ang istorbo sa aming pag uusap ni Neptuno
Nang sa darating ang pangkat ng mga kawal na sireno at siyokoy ,sa pangunguna ni Sirekoy . Heneral ng mga sireno at siyokoy na kabiyak ni Sirenita....
Sirenita : Asawa ko!!! tulungan mo ako!!! ang agad na pagtawag ni Sirenita sa pansin ng asawa
Fishna : ama!!! si ina.... kawawa naman baka gawin siyang daing dahil hindi pwedeng isangla ang kanyang kaliskis.... ang umiiyak namang salubong ni Fishna sa ama .
humarap si Sirekoy kay Neptuno at nag bigay galang muna bago nag ulat sa resulta ng kanilang pag hahanap.
Sirekoy : nag pupugay ang abang lingkod sa bathalang Neptuno ....
Mahal na bathala, bigo po kaming matagpuan ang salarin na nagnakaw ng tinidor..... ang pag uulat ni Sirekoy bago muling sinulyapan ang asawa at nag tanong kay Neptuno
Bathalang Neptuno....... ano po ang nagawang sala ng aking kabiyak at siya'y nakabitin doon sa korals upang gawing daing???
Neptuno : 😬😬😬
ah..... ahem.... ganito kasi ang nangyari ang pasimula ni Neptuno, ng biglang mag salita si Arnie na noon ay nasa likuran ni Sirekoy at kasalukuyang inuusyoso at tulo laway pa ng mga kawal na sireno at siyokoy.
Arnie : ako ang nag bitin sa iyong kabiyak doon sa korals, at kung dadaingin ko nga siya??? maaari ba??? ang tila nakalolokong tanong ni Arnie
natigalgal naman si Sirekoy sa nakitang kagandahan at ka seksihan ng babaeng nag salita, hindi nito nagawang sumagot ngunit ang ulo'y panay ang tango bilang pag sang - ayon...