Nag aalala para sa nakatatandang kapatid, hindi malaman ni
Neptuno kung ano ang iisipin at gagawin sa kinakaharap
na problema ng Atlantis at Olympus, kung saan naninirahan
si Zeus at iba pang kapatid na bathala.
Arnie : tungkol sa bagay na iyan, maaring makatulong
ako sa paghahanap mo ng iyong tinidor, ganon na rin ang maso at
kidlat ni bathalang Zeus ,ngunit dapat siguro ay isa isa lang muna
ang ating gawing pag lutas ng problema. Wala ka bang nalalaman
o pinag hihinalaan na maaaring kumuha ng iyong tinidor?
Neptuno : wala akong alam na maaaring magkaroon ng interes sa aking
tinidor... Wala namang maidudulot na maganda sa sinumang nag
tangka na kunin ang aking tinidor, hindi niya ito magagamit....
Arnie : baka naman isang nilalang na malakas kumain at mahilig sa barbecue
ang kumuha ng iyong tinidor? Isang nilalang na nais kumain ng barbecue' ng
sirena? Saad ni Arnie na sinulyapan pa si Sirenita na nag tatago sa likuran ni
Neptuno....
Neptuno : ah, hindi naman siguro, ang nakangiting sagot ni Neptuno, ng maalala
nito na nasa labas pa rin sila ng palasyo.
Ah... Ipag paumanhin mo nawala sa aking isip dahil sa labis
na pag aalala, halina at pumasok tayo sa loob ng palasyo at doon
natin ituloy ang pag uusap. Ang agad na pag aaya ni Neptuno kay Arnie
ng maalalang hindi pa sila pumapasok sa loob ,nag pati-una na itong pumasok
Sa loob, dumeretso sa bulwagan ng palasyo si Neptuno, agad siyang nag pakuha
ng ma uupuan ni Arnie sa isa sa mga sirenong naroroon. Pag ka upo ni Arnie muling
nagbalik ang kanyang makinis at mapuputing mga hita at binti, nanlaki naman at halos
lumuwa ang mga mata ng sireno at siyokoy sa ka seksihan ni Arnie sa suot
nitong two piece bathing suit, ang kanyang ginintuang kaliskis na buntot ay tuluyang
naglaho....