Masaya ang lahat sa katatapos na ritwal ngayon ay wala na silang
dapat ipangamba laban sa mga masasamang elemento at engkanto
na mag tatangkang sirain ang katahimikan at kapayapaan ng kanilang
lugar na nasasakupan, ganon na rin sa mundo ng mga tao.
Nanatiling nakapikit ang mga mata ni Arnie, walang kibo itong tila
ninanam - nam pa ang katatapos na ritwal ng pagsasanib ng liwanag.
Tumingala si haring Boras sa ere sa gitna ng batis kung saan
naroroon si Arnie ,nakita niyang nanatiling nakapikit ang mga mata
nito.
HARING BORAS : A_ _ _ _ _ Arnie ???? ang mahinang usal ni haring
Boras, nag dadalawang isip kung tatawagin na si Arnie o hahayaan
muna itong manatili sa ganoong posisyon dahil sa pag aalalang
baka ikagalit nito ang kanyang gagawing pang -iistorbo.
Litong sinulyapan ni Haring Boras ang mga kasama na nooy nakatingala
rin at tinatanaw si Arnie . Nakita niyang sabay na umiling si haring Usarin
at reyna Mareana bilang sagot sa kanyang nagtatanong na mga mata
Matiyagang naghintay ang lahat na pawang naka nga - nga ang
bunganga na tila nag hihintay na may bumagsak na pagkain mula
sa langit.......
ilang minuto pa ang lumipas....
Ang ilang minuto ay umabot ng isang oras, nanatili ang lahat sa
matiyagang pag hihintay...
Lumipas ang halos pitong oras hanggang mag liwanag, hudyat
ng pagsapit ng umaga. Nanatili pa rin ang lahat sa ganoong ayos
matiyaga pa ring hinihintay si Arnie, habang ang mga bibig at leeg
ay tila nanigas na sa magdamag na pagka nga - nga at pag tingala.
lumipas pang muli ang ilang sandali, si Arnie na kaipala ay nakatulog
ng mahimbing sa ere sa ganoong posisyon dahil sa masarap na
pakiramdam na kanyang naramdaman.... Na tila minamasahe
ang kanyang buong katawang ng mahiwagang liwanag ay unti unting
nag mulat ng mga mata.