Sa gitna ng batis sa mismong kina uupuan ni Arnie unti unting nabalot ng liwanag
ang paligid, Ang liwanag na sa umpisa ay banayad lamang ay unti unting naging
naka sisilaw na liwanag na bumabalot kay Arnie at sa kanyang paligid, Nabalot ng
nakasisilaw na liwanag si Arnie habang unti unti siyang lumulutang sa ere mula sa
tubig na kanyang kina uupuan....
Manghang nakatingin sa kanya si haring Boras at mga kasama .,suot ang antipara
(sun glass) na sadyang ipinabili nila kay Kabatao at Kabayuhan sa kabayanan upang
gamitin sa gabi ng ritwal.
Ang liwanag na bumabalot kay Arnie ay lalong sumidhi, sa kabila ng may suot silang
antipara hindi pa rin nila magawang panoorin at titigan ng deretso ang liwanag na
numabalot kay Arnie. ilang saglit pa ay may tatlong makukulay na liwanag ang mula
sa kung saan, ay lumitaw sa tapat ng ulo ni Arnie.
Ito rin ang kakaibang makukulay na liwanag na nakita ni Arnie noong namimintana
siya sa itaas ng kanilang bahay. Ang makukulay na liwanag na ito rin ang simbolo
ng pagbabalik ng itinakdang taga - pagligtas. At ang pagsasanib ng makukulay na
liwanag na ito at ng liwanag ng buwan ang siyang hudyat na ganap na ring nagbalik
ang buong lakas at kapangyarihan ng itinakda.
Ang makukulay na liwanag ay biglang nagsabog na isang napaka tinding liwanag
na bumalot kay Arnie kasabay ng pag balot ng mstinding liwanag na nagmumula
sa buwan.....
Tila isang diwata si Arnie na nakatayo sa ere, nababalot ng nakasisilaw ngunit kaiga-
igayang tingnan na makulay na liwanag. Parang rainbow na bumalot ang liwanag sa
kabuuan ni Arnie. Ang kanyang damit na mahaba ang laylayan ay nagkaroon ng
kaka - ibang kulay habang ito ay nililipad ng hangin ,ang mahaba at itimang buhok ni
Arnie ay naging kulay ginto na may mangilan ngilang hibla na kulay bahag hari
( rainbow)