webnovel

CHAPTER 62 ; PAG - IIMBESTIGA 5 :

Nasalo ni Arnie ang pulang itlog na nababalot ng kumukulong lava sa loob ng liwanag panangga.

Pagkatapos saluhin ang pulang itlog, lumipad muli si Arnie palabas ng bunganga ng bulkan sapo sapo sa mga kamay ang malaking pulang itlog, na tila walang anumang nangyari...

Ang kanyang puting puting mahabang kasuotan ay hindi man lamang nalagyan kahit na isang bakas ng dumi, maging ang kanyang mukha buhok at mga brasong kumikinang at flawless sa kaputian ay walang anumang bahid ng dumi.....

PRINSIPE BORJO : Arnie !!!! ang nagulat na bulalas ni Borjo ng biglang lumabas mula sa makapal na usok abo at nag sasalimbayang matatalim na kidlat ng bunganga ng bulkan...

Sinubukang lumapit ni Prinsipe Borjo at ng mga kawal na tikbalang, kasama sina Kabatao at Kabayuhan, ngunit hindi nila magawang lumapit dahil sa makapal at mainit na abong galing sa bulkan.....

ARNIE : prinsipe Borjo!!!! ang balik na tawag naman ni Arnie, na nang makalapit sa nag aalalang grupo, ay dagling iniabot kay Borjo ang malaking pulang itlog....

Natakot na bahagyang napaurong si Borjo, sa pag - aakalang mapapaso at masusunog ang mga balahibo.... mula sa kanyang beywang pababa sa mga paa.....

PRINSIPE BORJO : aaaaaaaaahhhhh ang takot na sigaw pa nito..... A _ _ _ _ no iyan??? ang tanong ni Borjo na hindi magawang tanggapin ang malaking pulang itlog mula kay Arnie...

ARNIE: HA HA HA HA HA HA Ito ba??? malaking pulang itlog, pang ulam mo mamayang hapunan binuro na yan sa loob ng bulkan. Sa kumukulong lava, maghihiwa ka lang ng kamatis at presto!!! may ulam kana!!!

Ang pabirong sagot naman ni Arnie, na hindi napigilan ang sariling tumawa ng malakas dahil sa nakitang itsura ng natakot na si Borjo

Maging ang mga kawal na tikbalang naman, at sina Kabatao at Kabayuhan ay dagling tumalikod habang nag pipigil sa pag - tawa.

PULANG ITLOG : ah???? aaaaaaaaaaahhhhh

huwag po!!! huwag ninyo akong kakainin!!! hindi ako masarap!!!

ang takot na takot na pakiki - usap ng pulang itlog kay Arnie, sa pamamagitan ng yolk wave ,habang tila bolang tumalbog talbog pa ito sa loob ng liwanag na panangga. Tanda ng pag - tutol.

Muling sinubukang iabot ni Arnie sa takot na si Borjo ang malaking pulang itlog.

ARNIE : sige na, kunin mo na!!! nangangawit na ang mga braso ko, huwag kang mag - alala , nakabalot ito ng liwanag na panangga... .....

hindi ka naman mapapaso o masusunog...

ang sabi pa ni Arnie na tila batang inuuto si Borjo....

Atubiling kinuha ni Borjo ang malaking pulang itlog kay Arnie. Dagli pa itong napangiti nang mapag - tantong hindi nga ito mainit at hindi nakaka -paso...

Siguiente capítulo