webnovel

CHAPTER 61 : PAGSUBOK AT KALAMIDAD 4 :

Matapos kausapin si Dong agad na binuksan ni Peter ang kanyang facebook account doon ay nakita niya sa news feed na marami na ang nag post ng mga larawan at video ng naturang pag bubuga ng makapal na usok at abo ng Taal.

BETTY : Lia ,anak mag message ka nga sa kapatid mong si Arnie, malapit lamang ang kinaroroonan ng patay na burol sa panungyan Mendez sa siyudad ng Tagaytay....

Alamin mo kung narandaman nila ang nangyaring pag yanig, ang utos ni Betty kay Lia na kalong ang anak na si Chibog.

dali daling nag send ng message si Lia kay Arnie....

LIA : inay, hindi raw ho nila narandaman ang pag yanig....Wala din daw epekto ang anumang nagaganap dito sa lupa, sa mundo ng mga tikbalang at lupain ng mga enkanto. ang sabi ni Lia sa ina na binasa ang reply ni Arnie....

BETTY : Ganoon ba????

LIA : oho inay, sinabi ko na rin na baka hindi tayo matuloy umalis bukas dahil walang masasakya.

BETTY : ano ang sabi ng kapatid mo? ang tanong agad ni Betty.

LIA : sandali lang inay...

ah!!! mamaya daw ay pupunta sila ni Borjo dito upang tumulong na gumawa ng paraan, ang sabi ni Lia na muling binasa ng malakas ang panibagong message ni Arnie...

BETTY : aah mabuti naman kung ganoon, nasasabik na rin akong makita ang iyong kapatid, ang nakangiting sagot ni Betty.

Ipinag patuloy na nila Peter ang pag aayos ng gamit si Lia naman ay tumulong sa ina sa pagka katay ng manok na uulamin nila....

Sa kaharian ng mga tikbalang, nag aalalang nag uusap si Arnie at Borjo tungkol sa nangyaring pag aalburuto ng bulkang taal.

Ipinaalam na nila sa hari at reyna ang naturang insidente, ipinaalam din nila ang planong pag punta sa kanilang tahanan...

Matapos mag usap ni Arnie at Borjo, dali daling linikom ni Arnie ang mga mamahaling batong hiyas na ibinigay sa kanya ni haring Usarin, inilagay niya ang mga batong hiyas sa kanyang backpack at lumabas na sa kanyang silid...

Sa bulwagan, sinalubong siya ng reyna at hari na may dala dalang dalawang malaking sisidlan.....

REYNA MAREANA : Arnie ...dalhin mo ang mga batong hiyas na ito sa iyong mga magulang, makaka tulong ito sa kanila, ang sabi ng reyna na agad iniabot kay Arnie ang dalawang sisidlang gawa sa makulay na tela.

ARNIE : mahal na reyna hindi na po kailangan, ang nahihiyang sagot ni Arnie na ang mga kamay ay agad namang inabot ang mga sisidlan mula sa reyna...

REYNA MAREANA : shhh tawagin mo na lang akong inang reyna, gaya ng pag tawag ni Borjo sa akin, ituring mo akong pangalawang ina, dito sa palasyo. Ang nakangiting wika ng reyna.

Inang reyna.... ang mahinang nausal ni Arnie...

Nakangiting nagka tinginan si haring Boras at Borjo, natutuwa sa ginawa ng reyna.....

HARING BORAS : Oh sige, ang mabuti pa ay lumakad na kayong dalawa, ang utos ng hari kay Arnie at Borjo.

Dagli namang ikinumpas ni Borjo ang kanyang kamay, upang mag bukas ng portal.

Sa bahay nila Arnie agad na sinalubong siya ng kanyang ama at ina na hindi na nagulat sa kanyang biglang pag labas sa portal....

PETER : anak.... mabuti at narito na kayo.....

BETTY : Arnie anak, paano na ang gagawin natin, ang tanong naman ni Betty na agad yumakap kay Arnie.....

JR : bayaw!!! mabuti naman at narito na kayo ni ate, ang dagling pag bati naman ni Jr kay Borjo.

napamaang na lumingon si Arnie kay Jr, nagtataka sa itinawag nito kay Borjo....

PETER : Maupo muna kayo upang mapag usapan nating mabuti ang plano, ang mabilis namang agaw ni Peter sa pansin ng anak.....

Anak, wala na tayong sasakyan na pwedeng gamitin sa pag alis bukas, kailangan pa ba naming tumuloy? ang agad na tanong ni Peter matapos na sila ay maka upo...

ARNIE : opo itay, mas lalong kina kailangan ninyong umalis, hindi pa natin alam kung ano ang pinag mulan ng pag aalburuto ng bulkan.

Kung kinakailangan nating bumili ng trak at sasakyan para magamit , ay bibili tayo.

Ang agad na sagot ni Arnie sa ama.

PETER : marami pang natira sa mga pinag bilhan ng mamahaling hiyas, maaari nga nating gamitin pambili iyon, at kung kukulangin marami pa tayong batong hiyas na mai - bebenta ang agad na sinabi ni Peter.

ARNIE : may ipinadala pa rin po dito ang hari at reyna upang magamit ninyo kung kukulangin... at ipinakita niya ang dalawang sisidlan ng mga batong hiyas na ibinigay ng reyna.

Pagkatapos noon ay nag bukas muli ng portal si Borjo patungo sa isang bayan, kung saan sila maghahanap ng truck at van na pwedeng bilhin...

Siguiente capítulo