webnovel

CHAPTER 33 : PANAGINIP :

nag aalala ang mga magulang ni Arnie na muling maulit ang pagkawala nito kung kaya't minabuti nila na pansamantalang pasamahin si Arnie sa ateng si Lia sa kanilang pag uwi.

bago magpista ng bayan sila muling babalik para sa binyag ni chibog

BETTY : anak, pasensya kana kung kinakailangan mo munang sumama sa ate mo, hindi kami mapapalagay ng tatay mo kung ganitong alam nating lahat na nasa paligid lang at umaaligid ang mga tikbalang at itim na nilalang....

ARNIE; wag kang mag alala inay, naiintindihan ko naman po. Alam ko po na para sa kapakanan ko ito. Kasama ko naman po sila ate Lia, saka wala naman po sigurong tikbalang sa siyudad? sagot ni Arnie sa ina.

PETER : oh sige anak , bukas ng umaga.maaga ko kayong ihahatid ng bayan , mamayang hapon ay papa ilaya ako para makapanguha ng mga prutas na madadala nyo bukas

ARNIE : sige po itay, igagayak ko na po ang mga damit kong dadalhin mamaya, sang-ayon ni Arnie sa ama

bandang hapon puma ilaya ang tatay ni Arnie sa pulo upang manguha ng prutas, sa daan may namataan siyang isang lalake na nakadamit ng itim, may mahabang buhok at balbas at makakapal na kilay na tila nagmamasid sa kanya.

nakarandam ng kilabot si Peter sa itsura ng lalaking iyon, tila ba may dalang panganib ang mga mata ng lalake na nakatitig sa kanya at matamang nagmamasid

PETER : sino kaya ang mamang iyon? bakit ganoon siyang tumingin? mabalasik? hindi kaya isa siyang itim na nilalang?

PRINSIPE MATULING; ito pala ang ama ng babaeng itinakda??? oh kaypangit na nilalang! hindi nakapagtatakang ganon kapangit din ang kanyang anak!!! mukha silang halimaw!!!

sambit nito sa sarili habang matamang minamasdan si Peter na tila diring diri

nagmamadaling lumakad palayo si Peter, nag aalalang baka masundan siya ng mahiwagang lalake

Siguiente capítulo