webnovel

Chapter 15 : balisa 2;

maayos na nakarating sa nayon ang grupo nila kiko kasama si Arnie, dali dali silang sinalubong ni Peter, Betty, Orya mga kaibigan at kapatid ni Arnie ganon na rin ng iba pang kapitbahay.

Natutuwa sila na minasdan si Arnie at sinigurong maayos ang kalagayan

Pinang; (kapitbahay, asawa ng pinsang ikalawa ng tatay ni Arnie) naku Arnie buti naman at ligtas kayong nakabalik dito! alam mo bang buong baryo ay nagulo at nag aala sa'yo? kami'y alalang alala dahil sa sinabi ni ka Tonyo anang Pinang kay Arnie

Orya; kiko ang mabuti pa ay pumasok na muna kayo dito sa loob at nang makapag almusal, may inihanda kami ni betty'ng almusal sa kusina, pumasok na muna kayo at sabay sabay na kayo mag almusal nila Arnie,

may nilagang kape na rin. si Peter ay nagkakatay ng manok sa kusina pang ulam mamaya

Oh sige nga ateng at kami'y napagod at ginutom sa paglalakad, para makapagpahinga din uli si Arnie maka almusal sagot ni kiko

sabay sabay na pumasok sila orya kiko Arnie at mga kasama kasunod ang ina at mga kapatid ni Arnie, ang iba naman ay nagpaalam na muna at nagsabing babalik na lamang sa hapon upang makapag pahinga si Arnie pagkatapos mag almusal.

Orya; (Nagtitimpla ng kapeng nilaga sa lamesa habang naghahapag ng almusal si Betty )

kiko kumusta naman ang naging lakad nyo? balita ko'y maraming kakatwang naganap?usisa ni Orya sa nakababatang kapatid (panganay si Orya sa apat na magkakapatid, bunso si Peter)

Kiko; naku!!! ay siyang tutuo!!! sabi ni kiko. at ikinwento nya kay Orya at Betty ang kanilang naging karanasan.

Orya; totoo palang nakakapangilabot! sila Peter man ay naka engkwentro din ng kakatwa habang nagbibyahe sila ni Isyu kagabi,...sagot ni Orya

muling nakatulog si Arnie matapos mag sipilyo at maglinis ng katawan pagka almusal, si kiko naman ay lumakad na paibaba pauwi kasama si Adobo.

si Pekoy, Jessie at Barako ay pare parehong sa ilaya ang bahay.

mahimbing na natutulog si Arnie, dumating si ka tonyo upang tingnan si Arnie

Tonyo; mabuti naman at nakita s'ya bago maghating gabi, kagabi sabi ni Ka tonyo.

Betty; oho nga ka tonyo, maayos naman ang anak ko, ang ipinagtataka ko laang ay balisa siya sa kanyang pagtulog kapag sinusubukan namin ilagay ang Rosario sa kanyang kamay

Tonyo; natural laang iyon! mamayang bago mag alas sais ako'y babalik dito para maisagawa ang orasyon ng pagtataboy. maigi na laang at nakita s'ya bago natapos ang ritwal ng pagkuha, sa ngayon ang katauhan ng anak mo ay angkin pa ng tikbalang, tanging ang isip nya ang di nagawang kunin nito. saad ni Tonyo

Siguiente capítulo