webnovel

Sukob

Chapter 15. Sukob

    

   

HINDI MAIPALIWANAG ang tuwang nadarama ni Jasel mula nang bumalik sa buhay niya si Vince. Hindi na niya pinatagal pa ang panliligaw nito, o kung nanligaw nga ba ito dahil sa bilis niyang um-oo para magkabalikan sila.

"Bakit ko pa patatagalin kung sigurado akong sasagutin naman kita?" Naalala niyang sinabi niya iyon dito dahil hindi ito makapaniwala na mabilis siyang napa-oo. Napangisi pa ang lalaki noon. 'Ika nito ay inakala nitong mahihirapan ito sa panunuyo sa kanya. Buweno'y nagkamali ito.

They were having dinner with her brother and Ice. Nasa isang Japanese restaurant sila ngayon para ipaalam na sa mga ito ang relasyon nila ni Vince. Tahimik lamang na nagmamasid sa kanila ang kuya niya habang si Ice ay panay tanong tungkol sa trabaho ni Vince sa pagiging surgeon nito.

Saglit na katahimikan ang namayani nang ipaalam nilang nagkabalikan na sila. Napansin niyang bahagyang pinisil ni Ice ang kamay ng kanyang kuya, na para bang sinasabing huwag itong maging masungit. Kanina pa kasi hindi umiimik ang kuya niya at alam na alam niya ang dahilan kung bakit.

"Baka mamaya, magkaroon ka ng gagawin sa trabaho't iwanan mo na naman si Jasel gaya noong nag-aaral ka."

There, he said it. Honestly, it bothered her as well when he told her he wanted to be her man. Naisip niya agad na baka umalis na naman ito. Pero mas may tiwala naman siya kay Vince ngayon at rerespetuhin niya ang trabaho nito, lalo na ang magiging desisyon nito kung sakaling kailangang lumayo pansamantala. Call of duty.

"I won't go that far anymore. Hinding-hindi ko na uulitin pa ang pagkakamali ko noon."

"You should be," malamig na tugon ng kanyang kuya. "She was devastated when you left. You were untraceable. I almost thought you're an undercover agent and you just used a fake name when you met my sister."

"Kuya," saway niya. Iba talaga kung mag-isip ang kuya niyang ito. Sumulyap lang ito sa kanya at ngumisi. Ibig sabihin ay hindi pa ito tapos sa sasabihin

"Muntik ko na siyang ipakasal nang mahuli kong may kahalikan sa sasakyan." Natampal niya ang noo. Ilalaglag pa yata siya ng kuya niya. Pero matagal na iyon. She was single back then. Walang masama kung makipag-make out siya sa kapwa single na lalaki.

Umigting ang panga ni Vince pero hindi iyon naging dahilan para tumigil ang kuya niya.

Napakagat-labi siya. Vince looked so adorable being jealous. Pero wala naman nang basehan ang pagseselos nito ngayon. Siyempre, wasak na wasak siya noon, alangan namang magkulong siya sa loob ng kwarto maghapon, magdamag? Eh, 'di nabaliw siya nang tuluyan.

"Party nang party, kahit sino ang dine-date. Kaya hindi ko magawang magtagal sa abroad ay dahil sa kanya. Ang tanda nang nagrebelde." Alam naman niyang biro ang huling pangungusap ng kanyang kuya kaya natawa na lang siya.

"Who are those guys?" Madilim na tanong naman ni Vince. Natigilan siya sa pagtawa.

"'Tsaka—"

Sinapakan ng sushi nj Ice ang bibig ng Kuya niya kaya natigil sa pagsasalita.

Ngumuso siya. "Scammer ka, Kuya," sabi niya, ginantihan ang ngisi nito, "Si Ice ang binabalik-balikan mo rito. Hindi ako," pag-iiba niya sa usapan.

Natawa siya nang makitang namula ang tainga ng kanyang kuya habang si Ice ay bahagyang napahagikgik. Ninulok naman ng kuya niya ang sushi matapos nguyain.

"You're the scammer here, Jase. You told me countless times that you won't ever let him in your life again. Pero ano ito? Mukhang uunahan n'yo pa ang kasal namin ni Ice."

"Thanks for the idea, bro," sabad ni Vince, nakangisi na rin ngayon sa kanyang kuya.

'Tsaka pa lamang siya nakahinga ng maluwag. Alam niyang pinapakita lang ng kuya niya na matigas ito ngayon, pero ang totoo'y tanggap na nito ang lalaki. Hindi yata't na-chika na sa kanya ni Ice kamakailan lang na nag-usap ang dalawa noong nasa naka-confine pa ang kuya niya—nag-usap nang masinsinan.

"Hindi pwede iyon, Vince. Have you heard about sukob?" si Ice.

Umiling ito.

Natawa siya nang makitang puzzled talaga si Vince sa ibig sabibin ng sukob. Kunsabagay, hindi rin siya sigurado sa kahulugan niyon.

"Ano ba iyon?" Ang kuya na niya ang nagtanong.

"Ewan ko rin," sagot ni Ice at uminom ng tubig. "Napanood ko lang iyong horror movie, years ago. Sa loob ng isang taon ay magkasunod na ikinasal iyong magkapatid, tapos may masamang nangyari or something. I don't know. Hindi ko na matandaan." Instant recommendation ng horror movie itong si Ice. Napailing siya.

"Igu-Google ko iyan mamaya," aniya. Napalingon siya kay Vince at sa kuya niyang abala rin sa kung ano. Natawa siya nang mapansing hawak ng dalawa ang kani-kaniyang mga cellphone, at hula niya'y nag-search ang mga ito sa browser kung ano ang ibig sabihin ng sukob.

Sabay pang napatangu-tango ang mga ito nang mabasa na ang kahulugan.

"Talagang hinanap n'yo pa, ha?" biro ni Ice.

"Just curious," sagot ni Vince.

"Patingin," si Ice na nakapalad para ibigay ng kuya niya rito ang cellphone. "So... Siblings should not marry within the same year. This superstition is called "sukob" and advises against siblings marrying within the same year as it is said to divide the luck between the two marriages. Another type of sukob advises against marriages within the same year as the death of an immediate family member."

Hindi niya napigilang matawa habang binabasa ni Ice ang lumitaw na meaning sa Google na animo'y nagre-recite sa isang klase. Natawa na rin ang dalawa dahil todo-bigay talaga sa pagbabasa ang kaibigan niya with her unnatural British accent. Napangiwi pa ito nang basahin ang huling pangungusap.

"Tama na nga iyan. Hindi pa naman kami magpapakasal ni Vince ngayon."

"Hindi pa..." parang lutang na ulit ni Vince.

"Damn, you're smitten. Very good iyan," komento ni Ice.

Natuwa siya sa gaan ng takbo ng pag-uusap nila. Her brother wasn't stiff anymore. Kinakausap na nito si Vince na parang gaya lang ng dati sa tuwing umuuwi ito para magbakasyon at lagi silang kumakain sa labas.

Siguiente capítulo