webnovel

Tickets

Chapter 27. Tickets

         

         

HINDI makapaniwala si Nicolea sa narinig. Seryoso ba si Jave sa mga sinasabi nito? Oo nga't hindi naman talaga siya ikakasal kay Hugh pero walang ibang nakakaalam niyon! And Jave, telling her to cheat with him was totally ridiculous.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?"

"Oo."

Napapikit siya para pakalmahin ang sarili. Hindi pwedeng kiligin siya! Dapat ay magalit siya.

Sa dinami-rami ng sinabi nito ay isa lang ang tumatak sa kanya, na may nararamdaman pa rin ito sa kanya! And her heart went wild hearing him say that.

Kung makipagtanan kaya ako?

She immediately shook her head when she thought about her parents. Kahiya-hiya ang gagawin niya kung nagkataon.

"Pero paano ang serbisyo mo?" nag-aalalang tanong niya.

Napagtanto niyang mali ang tanong niya dahil para na rin niyang sinabi na pumapayag siya.

"I mean, I can't go with you. I'm getting married." Pang-ilang beses na ba siyang sinabi iyon para ipaalala sa sarili ang palabas nila ni Hugh? Pero baka naman pwede nang bawiin? Tapos na rin naman ang misyon.

He licked his lips and smiled. "You're coming with me," he stated.

Kung magtatanan sila, paano na nga ang serbisyo nito? Hindi pwedeng mag-AWOL o Absence Without Leave ang huli. May karampatang parusa iyon sa batas. There was only one thing that she knew, that's if he would quit and get discharged.

"Let's go."

Hindi makapaniwalang tumingin siya rito. "Agad-agad? I don't have my th—" Shet! Iyon talaga ang sasabihin ko? Wala akong dalang gamit?

"I'll drive you home."

Ah, iyon naman pala ang sasabibin nito.

"Alam kong wala si Karding sa labas. You're just running away."

"Hindi, magpapasundo talaga ako sa kanya."

"Bakit? Nasaan ang fiancé mo?" He was mocking her.

She shouldn't be swayed!

"Babawiin kita sa kanya."

"Hindi ako bagay na pag-aari ninoman!" Totoong nainis siya sa narinig. Kung ang iba'y kikiligin sa mga salitang iyon, iba sa kanya. O puwede ring kinilig din naman siya. Slight lang! Mas nangibabaw kasi ang pagkainis niya.

"I'm not going to say sorry about what I've said. I meant it. Kahit mainis ka pa."

Mababaliw na yata siya rito.

"Tara, ihahatid na kita."

"Wala ka nang ibang sasabihin? Puro hatid hatid lang?" She didn't have anything to rebut.

"I still love you."

Mabuti na lang at nakapatong na sa hita niya ang mga palad niya kaya hindi nito napansin ang matinding panginginig ng kanyang mga kamay. Mabilis na kumuyom siya para hindi ito makahalata.

Dahil alam naman niya sa sarili kung gaano siya karupok dito, nagpahatid pa rin siya sa kanila. She even offered him to go inside! Mabuti at tumanggi ito. Hindi niya alam ang idadahilan niya kung sakali.

The next day, she agreed on meeting Jave. Namasyal lang sila nito at nagplano na mag-yachting nang hapon din iyon. At ganoong nga ang nangyari.

Hinatid ulit siya nito pero hindi na niya niyayang pumasok sa loob ng Villa. She stayed inside his car for a while.

"Let's go to Cebu," bulalas niya. She had a unit in Cebu and if they're going on a vacation there, that would be favorable for her. Hindi na nila kailangang magtago sa mga kakilala o pamilya nila.

"I'll buy the tickets." He's pertaining to the plane tickets. Hindi na siya umangil dahil ipagpipilitan nitong ito ang gagastos sa kanilang dalawa.

Hindi importante sa kanya iyon ngayon, ang importante ay ang makasama niya ito nang hindi nagkakaproblema. 'Tsaka ba niya aayusin ang tungkol kay Hugh.

"Just don't buy first class tickets," bilin niya. She knew she was right when he groaned to protest.

"Alright. Go inside now."

Pagkapasok niya ay naabutan niyang kumakain na ng hapunan ang kanyang mga magulang.

"Kumain ka na," ang mama niya.

"Kumain na po ako sa labas."

Pero umupo pa rin siya para saluhan ang mga ito. Kumuha na lang siya ng panghimagas.

"'Pa, 'Ma, magbabakasyon po ako sa Cebu."

Nangunot ang noo ng kanyang Papa. "Sinong kasama mo? Kung wala, huwag ka nang tumuloy."

"Iyong kaibigan ko po."

"Sinong kaibigan mo?" Nagdududa ang kanyang ama.

Gusto niyang sabihin ang totoo, pero nagsinungaling siya. "Iyong nakatira po sa unit ko. Don't worry, she's a nice friend. She takes care of my place very well."

"Isama mo si Manang," ang kanyang ina.

"Huwag na po. Alam kong may inaalagaang bata si Manang ngayon kaya." That child was Manang's granddaughter from her late niece.

Kaunting paglalambing pa at pagsisigurong magiging maayos siya ay pinayagan siya ng mga magulang. Pero may kondisyon, iyon ay ang sa Villa siya mamamalagi kapag lumaki-laki na ang kanyang tiyan.

Isa pa iyon sa pino-problema niya. Kung pikutin na kaya niya si Jave at magpabuntis para maging totoo na ang pagbubuntis niya? Humagikgik siya sa naisip. Hindi niya inakalang sa edad nilang iyon, kung saan pwede na silang magpakasal ni Jave, ay nakuha pa nilang magtanan.

Kapag nalaman ito ni Hugh ay paniguradong pagtatawanan siya nito.

"Why are you smiling?" pansin ni Jave sa kanya habang lulan sila ng eroplano. Kanina pa kasi niya naiisip ang pagpapaalam na ginawa niya sa mga magulang.

"Wala, naalala ko lang si Hugh." Hindi niya na napigilan ang sasabihin. Mali tuloy ang impresyon nito sa sinabi niya.

"Huwag mo nang isipin ang lalaking iyon."

Tumahimik siya.

"You have me. You don't need him," masungit na bulalas nito.

Hala, nagselos.

Eh, kung umamin na kaya siya? Mabilis niyang tinaboy iyon sa isipan. Hindi siya aamin dahil alam niyang maraming katanungan si Jave kung sasabihin niya ang totoo. She couldn't blow up her cover to him. Kahit pa nga may pakiramdam siyang alam na ni Rexton kung ano ang trabaho niya.

Iyon ang pinagtatakhan niya. Hindi kinanta ng pinsan nito ang tungkol sa kanya. At iyon din naman ang pinagpapasalamat niya.

"Are you feeling guilty?"

Tumango siya kahit hindi naman rumehistro sa kanya ang tanong nito.

"Damn... I will make sure you won't feel that again."

"I'll just go to the bathroom," palusot niya.

Naghilamos siya ng mukha nang makapasok sa banyo. Napakislot siya nang may yumapos sa tiyan niya. She alerted herself and almost used self-defense, but she felt those infamous butterflies on her stomach. And there she knew that there was no threat.

"Did I make you upset?"

"No."

He rested his chin on her left shoulder. Nagkatitigan sila sa repleksyon nila sa salamin. Masikip sa loob ng banyo at mas lalong sumikip dahil dalawa silang nandoon.

"I really miss you, Nic," malat ang tinig na usal ni Jave. Pumungay ang mga mata nito habang binabanggit ang pangungulila nito sa kanya.

She turned her face to him and gave him a peck on his right cheek.

"Bumalik na tayo sa upuan. Malapit na yata."

True to her words, when they went back on their seats, it was announced that they're landing shortly.

Siguiente capítulo