webnovel

Chapter 5 (Power of Magic, Power of Love)

Mikay's POV

Heartthrob nga talaga ang genie na 'to.

Biruin n'yo, ang isang Susanna Ramos, matangkad, maputi, sexy, at sobrang artistahin, napanganga n'ya? Masarap na food ba s'ya kaya ngumanga si Susanna? Ibang klase!

"Hi, din.. Alam mo pangalan ko?" nagawa nang makapagsalita ni Susanna.

"Oo naman. Lagi ka kayang kinukwento nito ni Mikay. Bestfriend ka raw n'ya since grade 2 kayo at talaga magaling ka raw magluto ng kare-kare."

Napakunot ang noo ko at mabilis kong siniko sa sikmura si Gino. Lagi kong kinukwento sa kanya si Susanna? E kakarating n'ya nga lang kahapon dito? Tapos anong bestfriend since grade 2? Pati magaling magluto si Susanna? Ng kare-kare? E nung once nga lang na sinubukan nong magsaing, 'di n'ya nga nilagyan ng tubig?

"Ah, Susanna. Pasensya na ah? Malayong pinsan ko 'to. Naghahanap ng bagong trabaho kaya andito s'ya. 3 days nang walang tulog 'to e. Kita mo? 'Di na n'ya alam pinagsasasabi n'ya? Hehehe." pagpapalusot ko. Tinulak ko papasok si Gino sa loob ng kwarto tapos sinaraduhan ko s'ya. Mahirap na e. Baka kung ano pang imbento ang masabi nito.

"Ikaw, Mikay ah! 'Di mo sinabing may pinsan ka palang pogi, edi sana matagal ko nang tinigilan si Cardo!"

Napangiwi ako. Nakalimutan kong flirt nga pala ang isang 'to.

"Nako, Susanna. May asawa't anak na 'tong pinsan ko. Grade 5 na nga 'yung isang anak n'ya e." lintek. Pakiramdam ko kasing haba na ng traffic sa Edsa 'yung ilong ko. Sobra-sobra nang pagsisinungaling 'to!

Nagpout si Susanna. "Okay. May Cardo pa naman dito e. And speaking of Cardo.."

Parehas kaming napatingin dun sa lalaki na kaaakyat lang ng hagdan.

"D'yan ka na Mikay, ah!" humahagikgik na sabi ni Susanna sabay sinalubong na si Cardo.

"Cardo naman kasi, pakasalan mo na ako.. Promise, mag-aaral na akong magluto.."

Napa pokerface na lang ako sa pagmamalandi na 'yun ni Susanna. Kahit kelan talaga 'tong babae na 'to! Kulang na lang ibenta na n'ya sarili n'ya kay Cardo e!

Pumasok na nga lang ako sa kwarto ko. At pagbukas ko ng pinto, tumambad agad sakin ang naka pokerface na itsura ni Gino.

"May anak na ako, ha? Tapos grade 5 na 'yung isa? Ginawa mo naman akong matanda."

Nilock ko 'yung pinto. "E ilang taon ka na nga ba talaga?"

"Secret. 'Wag mo nang itanong, malulula ka lang."

Inirapan ko nga. "Papa mo secret. Mama mo lula."

"Joke 'yon?"

'Di ko na lang s'ya pinansin at umupo na ako sa kama ko. Award ah? 'Di ko namalayang sukbit ko pa pala 'yung backpack ko. Hinubad ko 'yun at tinignan ko s'ya.

"Salamat nga pala dun sa pambayad. Kahit nakuba ako ng 34%, salamat pa rin."

"Sus, wala 'yon. Ikaw pa ba, Maria Mikaela Maghirang Dela Rosa? E master kita? Lakas mo sakin e!"

"Mukha mo, lakas!" humiga ako dahil sobrang sakit ng likod ko. Nakita ko naman s'yang lumutang doon sa itaas ng study table ko habang naka cross legs. "Pero teka. Di mo pa sinasabi sakin kung bakit alam mo nickname ko. Tapos 'yung full name ko, pati 'yung pangalan ni Susanna. 'Yung totoo, stalker na genie ka 'no?"

"Kung ikaw lang iistalkin ko, 'wag na lang. Saka, hello? 'Di mo pa alam lahat ng kakayanan naming mga genie. At isa na sa mga hindi mo alam ay 'yung meron kaming sixth sense. Ilang libong ulit na mas matalas ang senses namin kesa sa inyong mga tao. Mga powerless."

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ako at sinugod ko s'ya. "E kung sinasapak kaya kita d'yan para makita mo power ko!? Maka-powerless ka samin ha! Yabang mong humal ka."

Gigil akong bumalik sa pagkakahiga sa kama. Wala rin namang pag-asang masapak ko s'ya dahil ang taas ng lutang nya. 'Pag tumuntong naman ako sa silya, baka ilaglag pa n'ya ako. Mabubukulan pa ako o mabubutas pa bunbunan ko.

"Masyado namang masama tingin mo sakin. Ilalaglag talaga? Better kung paliliparin na lang kita sa bubong."

Umalis s'ya sa ibabaw ng study table ko tapos naglanding naman sa ibabaw ng kama ko. Literal s'yang nakaupo malapit doon sa paanan ko.

"Pero Mikay, 'diba nasabi ko na sayo na may mga nagagawa rin kayong mga tao na hindi namin kayang gawin?" seryoso nang sabi n'ya. Tumango ako bilang pagsagot tapos nagsalita na s'ya ulit. "Kung sa mundo n'yo, most sovereign thing or feeling ang love, sa mundo naman namin, power ang most soveriegn thing. Power of Magic to be specific. Kaya natural lang samin 'yung mga ganto. Nakakapag summon ng bagay, nakakalipad, nakakapag teleport, nakakaperceive ng mga bagay na hindi basta basta napeperceive ng 5 senses n'yong mga tao. Pero 'yun nga lang, there's just this one thing na hindi nag-eexist samin. Something that we are not capable of doing. Nagegets mo na ba?"

Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Nagegets ko naman mga sinasabi n'ya pero hindi ko naman matumbok-tumbok 'yung pinaka pinupunto n'ya. Dahil ang lalim kasi e. Ang lawak. Parang sinkhole.

Tumayo si Gino at naglakad sa may tapat ng bintana. Sumilip s'ya doon at tumanaw sa malayo.

"Mikay.."

Napatingin ako nang deretso sa likod n'ya. Hindi ako sumagot dahil alam kong may sasabihin pa s'ya. 

At tama nga ako. Bigla kasi s'yang humarap sakin at nagsalita.

"Mikay sa mundo namin, there's no such thing or feeling as love. Kaya hindi rin namin alam 'yung pakiramdam ng mahalin, or magmahal. Lalo na sa opposite sex. We, genies, are not capable of loving. We do not have the power of love."

Napabangon ako nang mabagal mula sa pagkakahiga ko. Seryoso ba 'tong mga naririnig ko ngayon? O baka naman chinacharot lang ako nito? Pero hindi e, seryosong-seryoso s'ya ngayon. Daig pa CEO sa isang malaking kompanya.

"Hindi kayo marunong magmahal?" pag-uulit ko.

Nakita ko namang biglang nagbago ang aura n'ya at ngumiti s'ya.

"Oo, seryoso. Pero 'wag mo naman akong tignan d'yan na para bang naaawa ka sa akin. Hindi namin alam 'yung feeling nang mahalin or magmahal. Kaya hindi rin namin alam 'yung feeling ng absence non."

**

Hindi namin alam 'yung feeling nang mahalin or magmahal. Kaya hindi rin namin alam 'yung feeling ng absence non.

Sa loob ng ilang araw, paulit-ulit na nagplay sa isip ko 'yung mga katagang 'yun na sinabi ni Gino. Bukod kasi sa 'yun ang maituturing kong huling matinong pag-uusap namin for the past few days, sobrang nakakaaning lang kasi. Ang lalim. Ang lawak. Napakalaking palaisipan pa rin sakin 'yun.

Hindi sila marunong magmahal? At hindi nila alam 'yung pakiramdam ng magmahal at mahalin? Parang ang hirap naman non. Nakakalungkot. Ang lata, ang boring, walang dating. Walang sense ang buhay kapag walang pagmamahal. Kung hindi ka pwedeng mahalin at hindi ka pwedeng magmahal. Ang empty at dreadful lang sa dibdib nun kung walang love sa mundo.

Pero teka nga, bakit ko ba pinoproblema 'to? E yung genie na kerengkeng nga mismo, hindi pinoproblema 'to? Palutang-lutang lang ngayon?

Haay. Saka sabi na nga n'ya diba? 'Wag ko s'yang kaawaan dahil hindi present and existent ang love sa kanilang mga genie. Kaya hindi rin nila alam 'yung feeling ng absence non.

Lintek. Kaya dapat ang pinoproblema ko, 'yung meeting ng thesis group namin. Dahil Saturday ngayon at imemeet din namin 'yung adviser namin.

Bumangon na ako sa higaan ko nang mapatingin ako sa wall clock. 8am na pala, hindi ko namalayan. Paano kasi 'tong genie na 'to, doon sa tapat ng orasan nakalutang kanina kaya 'di ko makita-kita. Natatakpan n'ya.

Sa loob din ng ilang araw, grabeng pang-iinis ang binigay sakin n'yan. Sa bawat hiniling ko kasi d'yan, ni isa wala s'yang eksaktong naibigay. Nasira 'yung aircon ko kaya nagwish ako ng pampalamig, bigyan ba naman ako ng ice cubes? Nasira 'yung doll shoes ko na pamasok, bigyan ba naman ako ng bakya? Tapos kagabi lang, nagblot 'yung sign pen ko. Bigyan ba naman ako ng quill pen na tulad ng kay Jose Rizal?

Juskong Genie talaga 'to e. Palpak talaga.

"Aray. Sakit naman ng sinabi mo."

Napatingala ako sa kanya.

"Hmm, ako? Wala naman akong sinabi ah? 'Di naman ako nagsasalita."

Nag tss s'ya. "Sige irerephrase ko." naglanding s'ya sa harapan ko at nagcross arms. "Ang sakit ng mga iniisip mo. Nahuhurt ako."

"EDI WOW!"

'Yun nalang ang sinabi ko tapos naligo na ako. 9am ang usapan namin nila Allen. Susunduin n'ya kami sa gate 5 ng campus tapos pupunta kami sa bahay nila. Dun na kami magmemeeting since malapit lang din daw doon sa village nila 'yung office ng thesis adviser namin.

Saktong paglabas ko ng banyo, tumunog 'yung cellphone ko. Text message galing kay Allen.

"Mikay, may sudden change sa schedule ng adviser natin. Need natin na una s'yang puntahan bago tayo magmeeting. Sunduin ko na lang kayo. 8:30 am sharp."

Gulat akong napalingon sa likod ko kasi andun na pala nakatayo si Gino. At s'ya pa talaga mismo ang nagbasa ng text ni Allen.

"Susunduin n'ya kayo pero 'di n'ya naman sinabi kung saan? Galing pala." dagdag pa n'ya.

Natahimik ako bigla lalo na nung makita ko 'yung oras. 8:23 na. Tapos shete, wala pa akong load! 'Di ko marereplyan si Allen!

Mabilis kong sinukbit 'yung backpack ko. Mabuti na lang nakapagbihis na rin ako sa banyo. Nilagay ko rin sa bulsa ko 'yung wallet ko tapos tumakbo na ako nang mabilis palabas.

Halos lumaglag naman ako sa hagdan nang paghakbang ko ay biglang lumitaw doon si Gino.

"Aalis ka na agad? 'Di ka man lang nagpaalam?"

Napakapit ako sa may dingding at mabilis kong hinaltak pabalik si Gino sa kwarto ko.

"Diba sinabihan na kita? 'Wag ka basta-basta lilitaw nang ganon! Pinapahamak mo ba sarili mo? Pasalamat ka walang cctv doon! Pero paano na lang kung may taong nakakita sayo? Ano na gagawin mo? Ano na gagawin ko?!" bulyaw ko sa kanya.

"E ikaw kasi e, bigla ka na lang umalis. Nang walang paalam."

Medyo nakonsensya ako dahil sa pagbulyaw na ginawa ko sa kanya. Lalo pa nung makita ko 'yung itsura n'ya na parang batang pinapagalitan.

Napa-sigh na lang ako.

"Gino, look. Nagmamadali na kasi ako. Susunduin kami ni Allen ng 8:30 sharp at hindi ko pa alam kung saan. Kaya kailangan ko ng load para mareplyan s'ya.." mahinahon na sabi ko. Ang gulat ko naman nang bigla s'yang naging parang usok at lumutang sa hangin.

"Yun lang naman pala kailangan mo e, hindi mo sinabi agad." ngumiti s'ya nang malawak sakin at.. "Master, your wish is my command."

Pagkasabi n'ya non, bigla na lang may dumating na message. Autoload max. May dumating nga na load sakin pero, toinks.

"5 pesos. Wow." pokerface na bulong ko.

"At least, may pangreply ka pa rin."

Hindi ko na lang s'ya pinansin doon at nagregister na lang ako sa Sulitxt 5 para kahit papaano may pang 25 texts pa ako para kay Allen since same network lang din naman kami. Nagmadali na rin akong magcompose ng message para sa kanya pero just before I hit send may natanggap na naman akong text.

Galing sa kanya. And I swear nung mabasa ko 'yung text n'ya, parang biglang gusto ko na lang ding manapak.

"Wag n'yo nang ihassle mga sarili n'yo, guys. Ako na lang daw muna ang kikitain ng adviser natin. Just go to the nearest coffee shop sa campus and I will meet you there. I'll text you again kung anong oras." natatawa-tawang basa ni Gino sa text ni Allen.

Samantalang ako gigil na lang doon na napaupo sa kama ko. Nakakainis e! Todo madali ako dito at kinabahan pa ko pero 'di ko rin naman pala makikita agad 'yang paimportanteng humal na adviser na 'yan? Lakas maka sudden change ng schedule e! Feeling artista lang? Bwisit!

Mga 30 minutes lang, nagtext na ulit si Allen kaya tumayo na rin ako kahit 'di pa rin nawawala inis ko. Pero ito namang genie na 'to, talagang dinadagdagan pa pagkairita ko.

"Mikay, sama ako.." nag peace sign s'ya at ang gulat ko rin nang makita kong iba na naman ang suot n'ya.

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya at umoo na lang din ako. Hindi na rin naman s'ya siguro magiging agaw pansin sa mata ng mga babae, bakla, pusit, tahong, talaba, at hipon na makakakita sa kanya. Since plain white shirt lang ang suot n'ya at malaking kawalan sa appeal n'ya ang hindi pagsusuot ng magandang pangporma.

Narinig ko pa s'yang ngingisi-ngisi bago kami bumaba. Kaya nung nakababa na nga kami at naghihintay na ng jeep na masasakyan, hindi ko s'ya pinayungan. Tirik na tirik ang araw e, pero nang-iinis s'ya kaya bahala s'yang matusta d'yan.

Mga 15 minutes pa kaming naghintay doon bago ako mag-umpisang mag-alburoto sa galit. S'ya na 'yung pinaghawak ko ng payong dahil lintek, wala kaming masakyan. Lahat ng dumadaan puno na. Alam ko 'yung tinutukoy ni Allen na coffee shop, at hindi uubra na lalakarin lang namin ni Gino papunta doon. Bago pa kami makarating doon, barbecue na kami parehas.

"Ano ba 'yan.. Bakit puno na lahat ng jeep? Kailangan natin ng masasakyan." init na init na sabi ko. Parang gusto ko na ring inumin 'yung sarili kong pawis dahil nauuhaw na ako.

Napatingin ako kay Gino dahil napansin kong nakatingin din s'ya sa akin. 

Ngumiti s'ya nang malawak at.. "Your wish is my command, master.."

Pagkasabi n'ya noon, bigla na lang s'yang tumakbo paalis. Pero meron pa s'yang pahabol na sigaw.

"D'yan ka lang, Mikay. Babalikan kita!" nakangiti, at kumakaway pang sabi n'ya.

Napangiti na lang din ako. Tirik na tirik ang araw pero ang taas pa rin ng energy ng isang 'yon. Parang 'di s'ya napapagod.

Pero teka, ilang araw ko na s'yang kasama pero ni minsan hindi ko pa s'ya nakitang kumain. Ganon ba mga genie, hindi nagugutom? O baka naman kapag tulog na ako, saka s'ya kumakain? Tapos hindi n'ya ako ginigising kasi masarap ang kinakain n'ya? At ayaw n'ya akong bigyan?

Salbaheng genie 'yun ah? May pagka ganid rin? Hmm. Di naman siguro. Pero para makasigurado, tatanong ko na lang sa kanya mamaya.

Mga tatlong jeep na maluwag ang dumaan sa harapan ko habang wala si Gino. Pero ni hindi ako nangahas na sumakay dahil nakakakonsensya naman kung iiwan ko s'ya. Nag-eeffort 'yung tao, I mean 'yung genie, para ibigay 'yung wish ko tapos nung nakakita ako ng sudden convenience, iiwan ko na s'ya sa ere? Hell no. I'm not like that. Kahit lagi s'yang palpak, may konsensya pa rin ako. Bait ko kaya.

"Mikay, Mikay!"

Mabilis akong lumingon sa may likuran nang marinig ko 'yung boses ni Gino na hinihiyaw ang pangalan ko. Full of energy pa rin. At mula sa malayo, natanawan ko na agad s'ya.

Nagpepedal ng pedicab.

Bago pa s'ya makapag pedal sa pwesto ko, naglakad na ako nang mabilis para salubungin s'ya.

"Gino, bakit may ganyan ka?" medyo gigil na bulong ko paghinto n'ya.

"Ahm kasi, dahil nagwish ka ng masasakyan?"

Napahawak ako sa noo ko. "Oo, alam ko. Pero saan mo kinuha 'yan? Saka bakit naman sa lahat ng masasakyan, pedicab pa?"

"Ay wow, choosy pa? Saka sakin galing 'yan. Para sa wish mo." ngumiti s'ya. "Wag ka ring mag-alala dahil walang nakakita na lumitaw at kinuha ko yan."

"Okay, sabihin na nating ganon na nga. Walang nakakita. Pero bakit pedicab? Nakakapagod gamitin 'yan. Malayo-layo nang kaunti dito 'yung coffee shop na sinasabi ni Allen. Katabi ng gate 2 ng campus 'yun." frustrated na sabi ko. Pero itong magaling na genie na 'to, nakuha pa akong pagtawanan.

"Ganda mo 'pag nagagalit ka. Laki ng butas ng ilong mo." umalis s'ya sa pagkakasakay sa bisikleta nung pedicab at hinawakan ako sa balikat. "Saka sino ba nagsabi sayong mapapagod kang gamitin 'yan? Ituro mo sakin 'yung daan papuntang coffee shop, at dadalhin kita doon. Hala sige, sakay na."

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makaalma pa dahil ipinagtulakan na n'ya ako papasok ng pedicab. Lawak pa ng ngiti n'ya habang tinutulak ako at hanggang sa makasakay na s'ya sa bisikleta. Kaya ayun, tinuro ko na lang din 'yung daan sa kanya. Ginusto n'ya 'yan e. Bahala s'yang magpedal.

"Bahala talaga akong magpedal. Dahil hindi ko hahayaan na mapagod at mainitan ang master ko." nakangiting sabi n'ya.

Nagmake face na lang ako sa kanya pero sa loob-loob ko, napapangiti na rin ako dahil ang bait naman pala n'ya. Hindi ko s'ya pinayungan kanina dahil naiinis ako sa kanya, tapos ngayon ipagpepedal pa n'ya ako sa pupuntahan ko para 'di ako mapagod at mainitan? Ano 'to, from bad boy type, naging pretty boy type na rin s'ya tulad ni Allen? Gaya-gaya naman pala s'ya e.

Nang matanaw ko na 'yung signage ng coffee shop ay pinahinto ko na s'ya agad. Agad din akong bumaba dahil natanaw ko na rin mula sa malayo na 'yung iba kong kagrupo ay dumating na.

"Oy, oy! Teka lang, teka lang!"

Taas-kilay ko s'yang nilingon.

"Bayad mo? Para sa pagpepedal ko?"

Napa-huh na lang ako at tinuro ko 'yung pedicab. "Todo volunteer ka na ipagpepedal mo ko n'yan tapos biglang pagbabayarin mo ako ngayon?"

"Aba, syempre. Hindi uubra na palagi na lang libre serbisyo ko sayo. Bigyan mo man lang ako kahit na kaunting talent fee. Init-init kaya, tapos ang sakit pa ng paa at legs ko."

Napatingin ko sa kanya at nakita ko ngang may bakas ng pawis 'yung shirt n'ya. May tumutulo ring pawis sa gilid ng noo n'ya hanggang leeg. Medyo hinihingal din s'ya.

Lintek na genie na 'to ah? Ang galing magpaawa effect. Tinatablan ako.

"Okay fine, sige. Bibilhan kita ng iced coffee. Pero 'yung maliit lang ha? Wala akong budget para sa malaki."

Nagkaroon s'ya nang malawak na ngiti sa labi n'ya. Nung tatalikod na sana ako, bigla na naman n'ya akong tinawag.

"Mikay, joke lang. Ang paniwalain mo ha? Mag smile ka lang, bayad ka na." nag pout s'ya tapos sabay hinawakan ang magkabilang pisngi n'ya. "Sige na, please.. Nakakapaso init ng ulo mo e.."

Napailing ako tapos binigay ko na rin 'yung hinihingi n'yang bayad. Isang malawak na ngiti. Tapos nag okay sign ako sa kanya.

"Bayad na ako ha? Sige na, dali. D'yan ka na lang sa labas at bantayan mo 'yang pedicab mo. Hindi ko alam kung hanggang anong oras 'to ah? Pero pipilitin ko na makalabas agad." nagwave ako sa kanya tapos pumasok na ako ng coffee shop.

Naabutan ko sa loob si Allen na kausap na 'yung tatlo ko pang kagrupo. Si Miley De Ocampo, si Nika Cruz, tapos si Dash Agua. At pare-parehas silang may hawak-hawak ngayon na USB. Isa-isa naman nila akong binati.

"Oh, Mikay. Buti dumating ka na. Kararating lang din nila kaya inabot ko na rin agad 'yung mga flashdrive. Para na rin makauwi na tayo agad."

Ano? Makauwi na agad? Tama ba rinig ko?

Nabasa siguro ni Allen 'yung ekspresyon ko na clueless kaya nagsalita rin s'ya ulit agad.

"Ano kasi, nung mineet ko 'yung adviser natin kanina, binigyan n'ya lang ako ng flashdrive na naglalaman ng lahat ng possible na pwede nating maging topic. Gumawa na ako ng copy, and 'yan. Dinistribute ko agad 'yung flashdrive. Kasi need daw natin aralin agad 'yun dahil next week, dapat daw makapagdecide na tayo kung ano 'yung napili natin." inabutan n'ya rin ako.

Hindi pa rin ako sumagot dahil pakiramdam ko nabibingi na ako e.

So ang labas pala nito, nagpakapagod kaming mataranta sa pakikipagmeet sa kupal na adviser na 'yon, may pa change change schedule pang ipinutok ang butse n'ya, pati si Gino hiningal pa sa pagpedal papunta dito, only to receive a goddamn copy of whatever shit is stored in here. In this crap.

Bullshit. At talagang pinangunahan pa n'ya kami sa pagpili ng itotopic namin ah? E sa pagkakaalam ko, dapat nagbibigay lang ng advice or suggestions ang adviser. Tapos kaming grupo ang iisip ng gagawin namin.

"We feel you, Mikay. Hindi ako umuwi samin para lang imeet s'ya pero the heck. Flashdrive lang ang nameet ko. Birthday pa man din ng mommy ko." sabi ni Nika na tumirik na 'yung mata kakairap. Halatang naiinis din.

"Bawian na lang natin sa susunod na meeting. Gulpihin natin." biro naman ni Dash na sumusuntok pa talaga sa hangin. Nasuntok tuloy n'ya si Allen sa panga.

"Aray ah. Tama na 'yan. Sa ngayon, pakisamahan na lang muna natin s'ya. And 'wag tayo magpadistract, magfocus tayo sa grupo natin, at sa gagawin natin. Alright? See you sa class on Monday." nakangiting sabi ni Allen tapos nag-umpisa na kaming magpaalaman sa isa't-isa.

Nauna na akong lumabas sa kanila dahil naiinis talaga ako. Hindi sa kanila but dun sa kupal naming adviser. Wala s'yang consideration. Ang pabebe n'ya e. Hindi n'ya ba kami sineseryoso?

Natanaw ko agad si Gino na nakangiting nakaupo sa pedicab n'ya. Kaya kahit gusto kong manuntok, manikmura, manabunot, pinigil ko pa rin ang sarili ko. Pinakalma ko 'yung nagagalit na halimaw sa loob ko tapos kinawayan ko si Gino. Hindi lang naman kasi ako ang napagod kaya ang unfair ko kung pati si Gino mapagbabalingan ko ng inis. Samantalang todo effort nga 'yung tao para tulungan ako.

"Ang bilis ah. Ano napagmeetingan n'yo?" nakangiting tanong n'ya.

"Ahm, wala pa naman. Pero may kailangan akong aralin. Kaya 'wag mo kong guguluhin pagkauwi ah?" masungit na sabi ko sabay ipinakita ko sa kanya 'yung USB.

"Opo, master. Sakay na.."

Nag-umpisa na s'yang magpedal. Kahit katirikan ng araw, ngiting-ngiti pa rin s'ya doon. Akala tuloy nung ibang babae, bakla, pusit, tahong, talaba, at hipon na nadadaanan namin, sila ang nginingitan ng isang 'to. Kay aarte! May isa pa nga na pilit kaming pinapara dahil sasakyan daw n'ya si Gino e. Neknek n'ya! Ano tingin n'ya kay Gino, kabayo? Hatawin ko s'ya e!

Napatingin ako sa labas dahil nakita ko na nag-iba ng direksyon ng tingin si Gino. Napako 'yung atensyon n'ya sa isang gilid kung saan may isang lolo na natutulog sa sidewalk. Unti-unti kaming huminto at sinenyasan n'ya ako na bumaba. Kaya sumunod na rin ako.

Nakita kong ginising n'ya 'yung lolong natutulog tapos kinausap n'ya. Maya-maya pa hinaltak na n'ya ako paalis. Nang naglalakad. Dahil 'yung pedicab, iniwan na lang n'ya doon sa harapan nung lolo.

"Wala ka namang paglalagyan ng pedicab na 'yon sa dorm mo kaya binigay ko na lang sa kanya."

Napakunot ang noo ko. "Mukha nang uugod-ugod si Lolo. Hindi na n'ya magagamit 'yon."

"At least may masisilungan s'ya." ngumiti s'ya sa akin tapos nauna nang maglakad.

Ako tuloy, naiwan na lang doon na pinagmamasdan ang likod n'ya. Napangiti na lang din ako nang lingunin ko 'yung lolo. Nakatanaw sa amin at nakangiti rin?

Natural na talaga sa mga genie 'yung maging matulungin 'no?

Pero saan nanggagaling 'yung malasakit at pagtulong na ginagawa nila? Sa puso nila? Edi parang pagmamahal na rin 'yun diba?

Haayyy. Hindi ko rin talaga lubos na mapaniwalaan. Na ang tulad nilang matulungin na nilalang, hindi magagawang mahalin at magmahal. Sayang e. Sobrang laking sayang.

Kasi kung ako 'yung nasa posisyon nila? Hindi ko kakayanin 'yon.

Aanhin ko naman kasi 'yung power of magic? Kung 'yung puso ko naman hindi ko magagamit para sa pagmamahal?

Hindi ko magagamit para maranasan ang power of love?

* to be continued

Siguiente capítulo