webnovel

Chapter 11: Suddenly

Pagkatapos ng dalawang araw naming bakasyon sa Baguio. Unuwi na rin kami. Bumili rin kmai ng pasalubong. Ako kaunting jam lang at fresh na repolyo ang kinuha ko. Sya ilang karton ng strawberry at gulay ang nilagay nya sa likod ng sasakyan.

"Ang dami ata nyan?.." di ko mapigila ang magtanong.

He licked his lower lip when he turned to me. Dinungaw na naman ako sa mismong mukha ko. Shit!. Sigurado akong namula na naman ako na parang kamatis.

"Pasalubong sa pamilya ng taong mahal ko.." kumibot ang labi kp ngunit nanginig lamang iyon nang dampian nya ng halik ang aking pisngi. "Why so cute baby.." hindi pa sya nakuntento sa isa. Kaya nagnakaw na naman ng pangalawa.

Sumosobra na sya!

Gusto mo naman!.

Oo eh!. Sino ba naman ako para di sya magustuhan?. Sino naman ako para di mahulog sa isang tulad nya?. Sino ba naman ako para magkunwari na di ko sya gusto. Lahat yata ng babaeng nalilingat sa gawi namin, naiiwan sa kanya ang mata. Sa inis ko nga eh. Hinila ko sya minsan saking tabi at kinawalit ang braso sa kanyang braso. Nginisihan nya ako at tinukso sa ginawa ko. Ang possessive ko raw. Juiceku!. Oo nalang kung ganun nya ako tignan. E sa makasarili ako pagdating sa mga pagmamay-ari kp eh. Tulad nya!!

Mahabang byahe ang tinahak namin subalit parang nakulangan pa ako. Gusto ko pang bumyahe kasama nya. Gusto ko pang makatabi sya. Lalong gusto ko pa ang mga kwento nya tungkol sa mga nag-aabroad. Minsan na pala syang nangibang bansa. Bumalik lang raw sya rito sa Pilipinas upang mag-aral. At pagkatapos din nyang mag-aral. Babalik ulit sya sa kung saan nakatira ang buo nyang pamilya. Di na ako nang-usisa pa tungkol sa kanyang pamilya dahil medyo ilag syang sumagot tungkol doon.

"Tita, thank you po.." paalam nya na matapos paunlakan ang hapunan na inihanda ni mama. Wala pa sila papa at Carl. Nagtungo raw sila ng mall.

"Hmm.. salamat din sa mga gulay hijo.." tinapik sya ni mama sa balikat bago kami iniwan sa labas.

Sa pinasukan pa rin ni mama ako nakatingin kahit wala na sya.

"Hmm.. babe, so?.." naglinis sya ng lalamunan. Noon lang ako bumaling sa kanya. Kamot na nya ang kanyang batok.

"So?.." tanong ko sa naudlot nyang sasabihin.

"Thank you for letting me do this.." umawang ang aking labi. Anong sinabi nya?.

"Thank you for trusting in me and letting me know more about you and your family.." what?. Nagpapaalam ba sya?.

"Eli?.." pagtataka ko sa mga sinasabi nya. "What are you saying?. Aalis ka ba?."

Mabilis naman syang umiling. Ngumiti pa just like the day we first met. "Nope.."

"Bakit ang drama ng sinasabi mo?.."

"Gusto ko lang malaman mo na, napakaswerte ko dahil nakilala kita, kayo. "

"And?.." bumaba ako sa tatlong baitang na hagdan upang pumantay sak kanya. Matangkad sya ngunit maa gusto ko itong ako ang nakatingala sa mata nya.

"And, grateful ako doon.."

May mali akong kutob dito sa kanya. Pakiramdam ko nagpapaalam sya.

"Babe.." Niyakap nya ako bigla ng mahigpit ng namutawi samin ang napakahabang katahimikan. "Babe ko..." muling himig nya sa aking pisngi saka iyon pinaulan ng halik.

Umiiyak ang puso ko sa ginagawa nya.

Nagpaalam na sya. Sumakay sya ng sasakyan at dahan dahang pinaandar iyon paalis.

Kumaway pa ako hanggang sa mawala na sa paningin ko ang minamaneho nyang sasakyan.

An unshed tears fell.

That's the last day we talked.

Dahil sa sumunod na araw.

He suddenly disappeared. No texts. No calls. No goodbyes too. Just.. he left me out of the blue.

He left me hanging.

He left me breaking.

He left me confused.

He made me back again at square one.

Hinanap ko sya sa shop nya pero sarado na yun. Maging si Bryle, wala na rin.

Nang dahil don. Naging mailap na naman ako sa mga nagpapakilala sa akin.

Para syang bituin sa langit na, abot kamay pero kay layo pa rin.

Umalis sya ng walang paalam. Di nya sinabi kung bakit, kung para kanino at kung saan sya pupunta. Basta nalang nya akong iniwan na para wala lang ako sa kanya. Binalewala nya ang pinagsamahan naming dalawa.

Oo, buwan lang iyon pero para sakin. Taon na yun. Higit pa sya sa taong matagal ko ng nakilala. Komportable akong kasama sya. Tuwing nagpapakilig lamang sya, di ko mapigilang magtago at mahiya. But deep inside. Gusto ko ang lahat sa kanya. Walang labis. Walang kulang.

Siguiente capítulo