webnovel

Chapter 102

Crissa Harris' POV

"P-pati ba naman kayo, Lily at Rose?"

Namamaos nang sabi ko habang mabagal na tinutungo yung lugar kung saan nakahiga ang kapwa ring duguan na magkapatid. Ang una agad na pumukaw sa atensyon ko ay ang parehas nilang tama ng bala sa noo. Halatang wala rin silang planong buhayin ng gumawa nito dahil doon pa talaga sila pinatamaan.

"Yung babae na mukhang leader nila ang gumawa n'yan."

Napabaling ako kay Fiona na umiiyak sa may gilid. Umiiyak s'ya pero hindi lungkot at paghihinagpis ang emosyon na nakikita kong nangingibabaw sa kanya; kundi matinding pagkapoot. Napansin ko rin na mayroon s'yang tama ng baril sa kaliwang braso n'ya pero parang hindi n'ya masyadong iniinda 'yun.

"Ganyan din ginawa n'ya doon sa kambal na batang babae. Hindi ko alam kung bakit pati yung 2 bata na yun dinamay n'ya. H-hindi naman makakalaban sa kanya yun e.." paghikbi n'ya.

Napaluhod nalang ako sa tabi nung dalawang bata at kapwa ko pinulsuhan ang mga leeg nila. Nung maramdaman kong wala nang kahit na anong senyales pa ng buhay sa kanila, tanging madiin na kagat nalang sa labi ko ang nagawa ko.

Sobra-sobra na 'to.

Sobra-sobra na.

Ni hindi ko pa nga lubusang natatanggap yung nangyari kay Renzy kani-kanina lang e. Wala pang isang oras 'yun. Tapos ganito ang sasalubong samin dito sa kampo? Wala ang kakambal ko pati yung iba? Tinangay si Alex at Alessa, tapos patay na si Lennon at ate Romina? May nadamay pang apat na musmos at apat na matanda?

Ano ba naman 'to? Bakit ba nangyayari 'to?

Ano bang ginawa naming mali para parusahan kami nang ganito? Isang grupo lang naman kami na nag-aasam na pare-parehas makaligtas sa kaguluhang bigla nalang nangyari dito ha?

Ni hindi ko rin ba alam kung ano ba dapat kong unahin na gawin e. Naghahalo-halo na sa isip ko yung lahat ng nangyayari.

Ipagluluksa ko ba muna yung mga namatay?

Dadamayan at pakakalmahin ko ba muna yung mga naiwang buhay?

Susugod na ba ako ulit sa kampo ng mga demonyo na yun at maghihiganti na ako?

Hahanapin o iintayin ko nalang ba munang dumating yung kakambal ko at yung iba pa para makagawa na kami agad ng plano?

O mas mabuti pang tapusin ko na lang ang buhay ko? Tutal naman wala akong nagawa para maipagtanggol silang lahat e.

Napayuko ako at hinawakan ang mga pisngi nila Lily at Rose. Tumutulo sa mukha nila ang mga luha na galing sa mata ko kung kaya't pinupusan ko rin iyon. Pero wala ring silbi dahil patuloy lang akong nagpapakawala ng luha.

Sobrang sakit at hapdi na ng mga mata ko. Damang-dama ko na ang pamamaga nito pero nakakapagtakang wala pa ring humpay ito sa pag-iyak na tila ba hindi nauubusan ng luha.

Kinuha ko yung maliit na kahon na ibinigay sa akin ni Brod kanina at binuksan ko iyon. Kinuha ko yung pinakamalaki singsing at isinuot ko kay Lily. Ganon din sa mas maliit na isinuot ko kay Rose.

Hinalikan ko sila sa kanilang mga pisngi at mas lalo pang nadurog ang puso ko nang madama kong unti-unti nang nawawala ang init nila.

"S-sorry, ha? Hindi na kayo naabutang buhay ni ate Crissa para makikita n'yo nang personal yung singsing na bigay ng papa n'yo. Para kayo rin magsusuot nyan sa sarili n'yo.." pinusan ko ang mga mata ko. "Nabigo ko ang papa Brod n'yo.. Hindi ko natupad yung bilin n'ya na patuloy pa rin kayong alagaan.." nagcrack ang boses ko pero patuloy pa rin akong nagsalita. "Pero alam n'yo ba? Mahal na mahal n'ya kayo.. At talagang napakabait n'ya.. Kasi tinulungan n'ya kami na makatakas.." hinaplos-haplos ko ang mga buhok nila at binigyan ng mariing halik. "Kaya bilang ganti, gaganti rin si ate Crissa. Pero, secret lang natin 'to ha? Kasi hindi ko sila isasama..

..Mag-isa lang susugod si ate Crissa.."

Fionna's POV

Pinagmamasdan ko lang si Crissa habang umiiyak sa tabi ni Lily at Rose. Nakita kong may inilagay s'ya sa kanilang mga singsing, at kahit napapaisip ako kung kanino ba galing iyon, hindi na ako nagtanong at hinayaan ko na lang s'yang magkaroon ng sapat na oras para ipagluksa yung mga namatay, lalo na si Lily at Rose. Itatanong ko nalang siguro mamaya kay Renzo kung kanino galing yun.

Pero nahanap na kaya nila si Renzy?

Sana naman oo. Kasi 'di ako mapapalagay talaga kung sakaling hindi pa pala nila s'ya nahanap. Ayaw kong mapahamak s'ya.

Sobra-sobra nang pasakit 'tong nangyari kani-kanina lang e. Ang hirap tanggapin. Parang ayaw pang mag-sink in sa akin lahat lahat kahit na ba kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung pano kami pinaulanan ng bala nung mga tao na 'yun. Kitang-kita ko kung paano tinamaan ng bala 'yung iba pa. At kitang-kita ko rin kung paano walang awang pinaputukan nung babae na yun sina Lily at Rose nung sinubukan nilang ipagtanggol si ate Romina; na isa ring nakikipagbarilan. At yung nangyari kay Eudora at Aurora? Yun ang hindi ko lubos maunawaan. Kung paano nagawang barilin nung babae na yun yung kambal na tahimik lang na umiiyak sa isang tabi.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Sobrang sakit. Ayaw ko nang alalahanin pa. Walang kapares 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon kahit na ba may tama rin ako ng baril sa braso ko ngayon.

Ito magagamot pa. Pero yung saksak sa dibdib dulot nitong mga namatay na kasama namin? Hindi na 'to mawawala pa. Dadalhin ko na 'to hanggat buhay pa ako.

Napatingin ulit ako kay Crissa dahil wala na akong naririnig na pag-iyak mula sa kanya. Basta tahimik lang s'ya doon na hinahaplos ang mukha ng mga bata. Lalapitan ko na sana siya para tabihan nang biglang dating ng humahangos na si Elvis.

"C-crissa, si ate Romina.."

Agad na tumayo si Crissa at sumunod kay Elvis habang ako naman ay sumunod lang sa kanila.

Nadatnan nalang namin sa may harapan na bakuran si ate Romina na nakahiga sa tabi ni Lennon. Umiiyak ang anak at pamangkin n'ya habang pinipilit namang pakalmahin ni nanay Nelie.

"W-wala na talaga.." umiiyak na sabi ni Harriette na pinilit pa s'yang isalba.

Sabay na tumakbo si Rusell at Rosette kay ate Romina para yakapin ang katawan n'ya. Maging ako man ay gusto na ring tumakbo doon para yakapin at alalayan yung mga bata. Pero laking gulat ko nalang nung senyasan ako ni Crissa na 'wag. Lumapit s'ya sa akin at hinaltak ako papunta kay Elvis at Owen.

"Elvis, pakibuhat yung katawan ni ate Romina at ipasok mo sa kwarto n'yong mga lalaki. Ikaw naman Owen, 'wag mong hahayaan na sumunod samin si Rusell at Rosette. Fionna, sumama ka samin ni Elvis." seryosong utos ni Crissa kaya wala nang ni isa man sa amin ang nagtanong pa.

Nagpupumiglas pa yung dalawang bata pero hindi na sila nakalaban pa dahil niyakap na sila ni nanay Nelie at Owen. Unang pumasok si Elvis na karga ang katawan ni ate Romina. Ang sumunod at dahil si Crissa ang huli, kinando n'ya ang pinto para masigurong hindi makakasunod yung dalawang bata.

Nang maihiga ni Elvis yung katawan ni ate Romina sa sahig, seryoso akong hinarap ni Crissa.

"Yung mga armas ba natin, nakuha nila?"

Sumagot ako. "Yung iba, nakuha nila. Pero dun sa kwarto natin, kay nakatagong pistol, at micro SMG."

Hindi sumagot si Crissa pero agad din naman s'yang nagsalita ulit. "Sino may combat knife sa inyo d'yan?"

"A-ako." kinuha ko yung combat knife sa may bewang ko at agad kong inabot ko sa kanya.

Kapwa nanlaki ang mga mata namin ni Elvis nang maingat na hiniwaan ni Crissa yung bandang ilalim ng tiyan ni ate Romina. Matapos nun ay maingat niya ring ipinasok ang kanang kamay n'ya at animo'y may kinakapa-kapa s'ya doon. Agad kong nakuha ang ibig n'yang gawin kaya lumapit na ako sa kanya para tumulong.

Ako ang nagbuka nung ginawang hiwa ni Crissa dahil wala naman kaming tool na magagamit para gawin yung ganon. Doktor ang mga magulang ko pero wala pa naman ako ganong maraming knowledge about sa pagpapaanak. Dahil hindi rin naman pagpapaanak ang trabaho nila mama at papa. Parehas silang epesyalista sa puso. Kaya ibinuka ko nalang yung hiwa na 'yun sa paraan na alam kong mabuting makakalabas yung bata. Dahil sa ngayon din, wala na kaming concern para sa lagay ni ate Romina. Patay na s'ya. Ang tanging concern nalang namin ay yung ligtas na paglalabas sa bata.

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil maayos naming nailabas yung bata. Gayon nalang ang saya namin nang mailabas ni Crissa yung batang babae na agad umiyak. Niyakap ni Crissa yung bata at binalutan gamit yung malinis na kumot na dala-dala ni Elvis.

Maluluha pa rin ako dahil sa kasiyahan nang biglang lumapit sa akin si Crissa at sabay na iabot yung bata na walang tigil sa pag-iyak. Ngiting-ngiti ako habang pinagmamasdan yung munting biyaya na 'yun.

Pero agad naman ding parang binawi yung ngiti ko nang tumayo si Crissa at seryosong-seryosong hinarap si Elvis.

"Kunin mo 'yung mga baril na nakatago." utos n'ya pero dahil hindi nagsalita si Elvis, si Crissa na mismo ang nagpunta sa kabilang kwarto para kuhanin ang mga yun.

Hawak-hawak na ni Crissa yung mga baril pagkabalik n'ya.

"Fiona, ingatan mo si Romina. Elvis, ikaw na ulit bahala dito."

Yun nalang ang sinabi ni Crissa at dere-deretso na s'yang umalis. Nagkatinginan kami ni Elvis at agad naming hinabol ang mabagal na naglalakad na si Crissa.

"Anong gagawin mo? At saan ka pupunta?" tanong yan ni Elvis pero nagdere-deretso lang si Crissa hanggang sa labas.

Pinilit pa s'yang ukilkilin ni Elvis. Pinigilan at pinagbawalan dahil mukhang alam na n'ya kung ano bang pinaplano nito ni Crissa. Maging ako man din ay biglang tinamaan ng matinding kaba dahil sa namumuong hinuha sa isip ko.

Hinawakan ni Elvis si Crissa sa balikat at laking gulat nalang naming lahat nang tutukan s'ya noon ng baril sa noo. Nanlilisik ang mata n'ya at nanginginig ang panga. Natahimik kaming lahat doon at tanging yung iyak nalang ng sanggol na mas lalo pang lumakas ang nangibabaw.

"Subukan n'yo lang na pigilan ako sa pagkakataong 'to. Baka sa inyo ko maibuhos ang galit ko."

Yun lang ang sinabi n'ya at wala nang nagtangkang pigilan pa s'ya. Hanggang sa tuluyan na nga s'yang nakaalis at nawala sa mga paningin namin.

Naiwan nalang kami lahat doon na nagpapalitan ng tingin. Kahit hindi kami nagsasalita, alam kong pare-parehas lang din ang mga naiisip namin.

Sa isang iglap, parang hindi na agad si Crissa yung kasama namin.

May iba sa kanya ngayon..

..at talagang kinikilabutan ako dahil doon.

to be continued..

Siguiente capítulo