webnovel

Chapter 88

Crissa Harris' POV

"Halos isang oras ka nang kumakain diyan. Nakatingin lang ako sayo. Baka nakakalimutan mo na kung anong ipinunta natin dito?" seryosong sabi niya na ginantihan ko naman ng pagtataas ng kilay.

"So? Inggit ka naman? Edi kumain ka rin at ako naman ang tititig sayo. Yan ang hirap sayo e. Kunwari ka pa. Pero sa totoo naman talaga, naiinggit ka lang talaga."

Tumayo ako at kasabay ng pagpunta ko sa pharmacy area ay siya namang pag alis niya mula doon. Hindi ko na lang siya pinansin at nagdere-deretso na akong kumuha nung mga kailangan namin na gamot. Nahanap ko agad yung mga pain killers, paracetamol, at antibiotics. Pero yung para sa nebulizer at sa hika, hindi ko agad nahanap. Medyo natagalan ako at kitang kita ko naniinip na siya doon. Naka crossed arms at papadyak padyak.

Tsk. Matadyakan mo sana sarili mong paa.

Aminado naman akong napasarap ako sa pagkain pero anong karapatan niyang sungitan ako? Ni hindi man lang niya nga ako pinigil sa pagkain kanina e. Halos isang oras niya akong tinitigan? Ano siya, CCTV? Watcher sa eleksyon? Tsk. Baliw amputa.

Nung matapos kong mahanap yung mga kailangan, isinilid ko lahat yun sa isang shopping bag at nagbaon pa ako ng ilang sweets partikular na mga chocolates. Iuuwi ko doon para sa bata.

"Tsk. Talagang may take home pa ha?"

Sinamaan ko lang siya ng tingin at nag dere-deretso na lang ako sa paglabas.

"Akin na yan, ako na magdadala." pag agaw niya sa shopping bag na dala ko.

Tinapik ko agad yung kamay niya. "No thanks. Nakakahiya naman kasi sa iyo e. Ikaw pa magdadala ng mga pagkain ko!"

Inirapan ko nalang siya at dumeretso na ako sa may motorbike ni Zinnia. May ilang undead na umaaligid pero siya na agad ang tumapos doon. Nung sasakay na sana siya, parehas kaming natigilan nang may mapansin kami sa mirror nung motorbike.

Lumingon na talaga kami para masigurado yung nakita namin. At doon, parehas na nanlaki ang mata namin nang makita namin yung konpirmasyon.

Sa daan na pinanggalingan namin ay may isang horde ng undead na naglalakad. Kinilabutan ako dahil halos ganito rin karami yung undead na sumugod samin dati sa mansyon. 300? 500? Hindi ko alam. Parang mahigit pa doon.

"Hurry up. Hindi na kakayanin ng gasolina natin kung magiiba pa tayo ng daan. Hindi pwedeng magpaikot ikot pa tayo sa kung saan saan dahil mas delikado. Isa pa, papagabi na. Mas mahirap maiwan sa daan kung gabi."

Nakuha ko agad yung sinabi niya lalo pa nung itinulak niya papasok ng drug store yung motorbike.

Kailangang antayin namin na makalagpas tong grupo ng mga halimaw na ito. Hindi pwedeng salubungin namin sila or takasan sa pamamagitan ng pag-alis. Siguradong maiipit lang kami.

Pagkapasok niya nung motorbike ay agad naman akong naghanap ng pwedeng ipangkalso dun sa pintuan. Nakakita agad ako ng ilang mga tungkod ng matanda na binebenta rin sa drug store na yun at ihinarang ko doon. Hindi matibay to pero kung hindi naman mapapansin ng undead na may tao sa loob nitong drug store, hindi sila magpupumilit pumasok dito.

"Crissa, tara na!" mahinang sigaw sakin ni Tyron na papunta na sa likod ng pharmacy area.

At mula doon, pasimple naming pinagmasdan yung grupo ng halimaw na yun na nagdadaan. Nakakabingi yung ginagawa nilang ingay at sobrang nakaka kabog ng dibdib na makita na paminsan minsan, may ilang undead na bigla nalang hihinto at titingin sa loob na para bang may hinahanap.

Para isang magkakasunod na thumbnail pictures ang nakita ko sa isip ko. Bumalik yung mga alaala ko nung gabing magkasama kami ni Tyron na nastranded sa cafeteria ng school nila si Zinnia. Parang ganito rin yun. Maraming halimaw sa labas na pwedeng magpiyesta samin sa isang maling galaw lang. Sobrang nakakatakot.

Sa loob ng halos isang oras, pigil ang paghinga ko. Dahil kung nagkataon na magiiba sila ng focus at nanaisin nila na makapasok dito, mababasag nila agad tong glass wall nito. At walang wala kaming laban ni Tyron dito. Hindi sasapat yung baril na hawak namin ngayon sa dami nila sa labas.

Perro napahinga nalang ako ng malalim habang unti-unting kumonti yung dumadaan hanggang sa tuluyan nang mawala.

"Wait. Lets wait for another 15 minutes. Baka mamaya, may natitira pang naglalakad sa labas, mahirap na." bulong niya sakin.

And there, for another 15mins, nag intay pa kami. At nang matapos na yun, lumabas na siya sa pinagtataguan namin. Inantay kong sabihin niya na lumabas na rin ako pero nagulat ako nang bigla siyang pumasok ulit. Hindi maipaliwanag ang ekspreyon niya. Tatanungin ko na sana siya pero hindi ko na naituloy.

Bigla ko nalang narinig ang unti unting pagbuhos ng sobrang lakas na ulan. May kasamang hangin, kulog at kidlat. Napahalukipkip nalang ako doon.

Nakakagagong timing naman to. Gusto ko nang umuwi. Ayaw ko na ulit maulit yung dati na ilang araw kaming napahiwalay kela Christian. Hindi ko na kaya. Sobrang hirap nun.

"Pag huminto yung ulan, umalis na gad tayo dito." mahinang bulong ko. Pero parang nananadya talaga yung panahon dahil hanggang sa kumagat yung dilim, umuulan pa rin.

Pero dahil sa mas mahina na yung ngayon, tumayo na ako at itinakip sa ulo ko yung leather jacket ko.

"Tara na. Walang mangyayari satin kung mananatili tayo dito." sabi ko. Pilit kong inanimah yung dinadaan ko gamit yung flashlight na kinuha ko kanina dito rin sa may drugstore..

Pero nagulat ako dahil mabilis na hinigit ni Tyron ang kanang braso ko

"Baliw ka ba ha? Kita mong umuulan pa e. Paano kung sa madilim na daan pa tayo abutan ng isang horde ng undead? Tapos lumakas pa ang ulan? Anong laban mo ha?"

Kahit di ko masyadong nakikita ang mukha niya damang dama ko pa rin ang seryosong awra na tinataglay niya ngayon.

"Kailangan nung bata itong gamot! Hindi pwedeng puro first aid lang ang ibigay nila doon!" sigaw ko pabalik sa kaniya.

Pero nakakalokong pagngisi na lang ang narinig ko na ginawa niya.

"Wow ah? Talagang ngayon mo pa sinabi yan ah? Samantalang kaninang kumakain ka, wala ka nang pake sa paligid mo!"

Tinulak ko siya nang malakas pero hindi siya natinag sa pagkakatayo.

"Edi sige. Magpalipas ka ng gabi dito. Bahala ka sa buhay mo! Aalis na ako!"

Mabilis akong tumalikod pero hindi naging sapat yun para hindi niya mahawakan agad ang kanang braso ko. Parang may malakas na pwersa na nakapagpaatras sakin na naging dahilan na rin para di ko makontrol ang balanse ko at mapaupo sa sahig.

I-itinulak niya ko. Itinulak ako ni Tyron.

Dali dali kong binawi ang pagkagulat ko at mabilis akong tumayo para salubungin siya ng malakas na sampal. Talagang inipon ko yung pwersa ko para maibigay sa kaniya yun.

"Pakialamero! Kaya wag ka nang magtataka diyan kung bakit ibang lalaki ang gusto ng babaeng mahal mo! Sobrang sama kasi ng ugali mo!"

Hindi ko na siya inantay na makapag salita at dumeretso na ako sa employee's room nung drug store. Pagkapasok ko doon, napaupo agad ako sa sahig. Hindi ko alam pero dahil na rin siguro sa sobrang frustration na nararamdaman ko dahil sa kaniya, napaiyak nalang ako.

Itinulak niya ako. Ni hindi niya man lang ba naisip na baka masaktan ako? Na may sugat pa ako? Tapos ginawa niya yon? Anong dahilan niya? Nabigla lang siya? Tuluyan na siyang nainis sa mga pagtatalo at pag aasaran namin?

Hindi makatwiran. Sobrang hindi makatwiran,

Habang umiiyak, bahagya kong napansin yung mga kama dito sa loob ng kwartong to. Kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumipat agad ako doon.

Mabilis kong niyakap yung unan at doon ko binuhos lahat ng iyak ko. Kasabay nang pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos din ng luha ko. Naramdaman ko na rin ang lamig na buhat ng pag ihip ng hangin sa labas kaya binalot ko na ang sarili ko nung kumot.

Siguro dahil na rin sa pagkapagod ko sa ilang minutong pag iyak, at sa lamig na nararamdaman ko, unti-unti ko nang naramdaman ang antok.

Tyron Matsumoto's POV

I was left dumbfounded there. Yung malakas na sampal niya hindi ko ininda. Because what she said in front of my face is much more painful. Those words coming from her? Parang binuhusan ng asido ang puso ko hanggang sa tuluyan nang nalusaw.

Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili ko na tinutungo yung lugar na tinakbuhan niya. Binuksan ko yung pintuan at gamit yung flashlight na nailaglag niya kanina, pinilit kong aninagin siya.

Mukhang nakatulog siya dahil sa pagod sa pag iyak. Ano pa bang aasahan ko? E sinaktan ko siya ng pisikal. Kahit na ba hindi ko naman sinasadya yun. Nadala lang ako. At hindi ko alam ang bakit.

Pero nagsisisi ako. Hindi ko dapat ginawa sa kaniya yun. Lalo pa at, lalo pa at wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko para sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi niya. Pero gayon nalang yung biglaang pagkabog ng malakas ng dibdib ko dahil sa bahid ng kung anong likido sa puting kumot na nakatakip sa may bandang tagiliran niya.

At inaamin ko, parang literal na huminto sa pagtibok ang puso ko nung mapagtanto ko kung ano ba yung likido na iyon

Sariwang dugo.

Siguiente capítulo