webnovel

Chapter 76

Crissa Harris' POV

"Wow. Nice shot Crissa.." nginisian ako ni Renzo at nakibato na rin. Tinamaan yung undead sa ulo. At matapos nun, mabilis nyang nilapitan yun at tinapos gamit yung combat knife nya.

"Dyan ka lang ha? Kukuha lang ako saglit ng tubig natin." kumindat sya sa akin.

Napangiti nalang ako habang tinatanaw syang pumasok sa loob ng bahay nila. Talaga nga namang tinotoo nya yung sinabi nya sa akin dati. Na kapag sya ang kasama ko, ipagtatanggol nya ako. Sya ang bahala sakin. Simula nung araw na sinabi nya yon, pinatunayan nya naman talaga. Kapag kasama ko sya, hindi ko nagagamit ang weapons ko. Dahil nauuna na sya na gamitin yung mga weapons nya para ipagtanggol ako.

Haaayy.. I have the sweetest guy bestfriend in the world..

"Crissa, catch!" mabilis akong lumingon sa likuran ko at niready ang sarili ko sa kung ano mang ibabato nya sakin.

Eh? Marshmallows?

"Bilis ng reflexes! Hahahaha. Dapat pala yung mineral water na ang ibinato ko sayo e." umupo sya sa tabi ko at ininom yung tubig na inabot nya.

Napatingin naman ako dun sa marshmallows na hinagis nya sa akin.

"Bakit may ganto?" tanong ko.

"Dessert."

"Sarap namang dessert neto. Favorite mo ba to?"

"Yep. Ganyan din kasi kalambot ang puso ko." humarap sya sa akin at nginisian ako. "Pero hindi ganyan kalambot yung ano k---"

Tinampal ko yung bibig nya.

"Aw. Kasi, matigas pa sa---"

Tinampal ko uli yung bibig nya at pinagsasakal sya. Tumigil naman na sya dahil doon.

"Bastos ka talaga bestfriend kahit kailan." inirapan ko sya.

"I told you. May mas ibabastos pa ako. Hahaha."

Hindi ko na sya pinansin at nakipag-agawan nalang ako sa marshmallows nung ilang piraso nalang ang natitira. Inubos ko na rin yung tubig pagtapos.

"Wait. Real talk Crissa. Bakit sakin ka nalang palagi sumasama? Hindi na don sa mga babae?"

Napalingon ako sa kanya at ginantihan ng seryosong expression yung mukha nyang nagtataka.

"Bakit bestfriend? Ayaw mo bang sumasama ako sayo?"

"Nako, hindi! I mean, syempre gusto kong kasama ka."

"Bakit?"

Kumunot ang noo nya.

"A-anung bakit?"

"Bakit gusto mo kong kasama? Kasi, bestfriend mo ko?"

"S-syempre naman! Hahahahaha!" inakbayan nya ako at mahinang sinakal-sakal. "Pero s-seryoso Crissa, bakit parang sakin ka na mas sumasama ngayon?"

Huminga ako ng malalim at bahagyang napaisip dahil doon sa tinanong nya. Inakbayan ko nalang din sya at mahinang sinakal-sakal.

"Hmm, di ko rin alam e. Parang ikaw ang mas gusto kong kasama ngayon kesa sa mga babae."

"Di mo naman nasagot yung tanong ko e." nagpoker face sya.

"Okay fine. Basta bestfriend di ko rin alam. Dahil siguro kasi, ikaw ang bestfriend ko? Hay! Di ko talaga alam. Komportable kasi ako sayo."

"Talaga?" tanong nya.

"Oo nga. Kasi diba sabi mo, ipagtatanggol mo ko? Kaya ayun, komportable ako sayo. Saka, masaya rin akong kasama ka. Nailalabas ko yung kabulastugan ko."

Narinig kong napangiti sya.

"Ako rin. Komportable rin ako sayo. At masaya rin akong kasama ka."

Tinitigan ko sya at mabilis na kinurot sa pisngi.

"Kasi, bestfriend mo ako?"

Umiwas sya ng tingin at nagkamot ng ulo.

"S-syempre naman. Hahaha!"

Tinitigan ko pa sya ng ilang saglit kaya dun ko mas natitigan pa ang mukha nya.

Sobrang kinis pala ng mukha nito ni bestfriend Renzo. Wala akong makita ni isa man lang na acne o miski na pimple mark. Wala rin akong pimple marks pero nagkakaron ako ng acne lalo dati. Pero itong si bestfriend talaga oh, kutis baby. Walang kapintasan sa mukha nya.

"W-wag mo naman akong titigan ng ganyan, Crissa."

Bigla akong napabalik sa katinuan at natawa.

"Hahaha. Ang kinis mo kasi bes. Ano bang sabon mo?" tinitigan ko pa lalo ang mukha nya. Bigla naman syang nagtakip at umiwas-iwas sa akin.

Natawa na naman ako.

"Makaiwas ka naman bes. Hahahaha. Hindi ka ba sanay na may nakatitig sayo? Pero chick boy ka diba? Gwapo mo kaya."

Umiwas pa sya lalo habang tinatakpan yung mukha nyang pulang-pula na.

"S-syempre sanay. Hahahaha. Gwapo kong to e. Ayoko lang mainlove ka sakin. Hahahahahaha!"

Tumawa pa sya nang tumawa doon at hindi ko nalang sya pinansin. Mukha na ring sasabog yung mukha nya dahil sa sobrang pula.

Ilang saglit pa e, naglubay na rin kakatawa si bestfriend Renzo. Sinandig ko nalang ang ulo ko sa balikat nya at pinagmasdan ang paligid. Nakakabagot din pala kapag wala kang masyadong nakikitang undead. Nakakamiss rin yung maya't maya, may tinatapos ka.

Napalingon ako sa may bandang kaliwa at gayon na lang ang sayang naramdaman ko nang makita kong may isang undead na naglalakad papalapit sa amin. Naramdaman ko ring napalingon dun si Renzo pero hindi sya kumilos para puntahan yon.

Naglakad pa yung undead hanggang sa lagpasan na kami nun.

"Wow? Busog ata kaya di tayo pinansin." sabi ko at kinalabit ko si bestfriend Renzo. "Go, bestfriend. Di mo ba ako ipagtatanggol this time?"

"Nilagpasan na nga tayo e. Hahaha pero sige. Sabi mo e."

Tumayo si Renzo at hinabol yung undead habang mahigpit ang kapit sa combat knife nya.

May bigla namang nag pop out sa isip ko kaya hinabol ko si bes bago nya pa masaksak yung undead na walang kaalam alam.

Hinawakan ko sya sa braso nya. "Wait bes. May naisip ako."

*****

Napakaganda nga naman nitong naisip ko. Magandang pampalipas ng oras habang inaantay yung iba para sa afternoon training namin.

"Siguro ka ba dito, Crissa? Baka mayari tayo kay Christian nito e."

Inirapan ko si bes Renzo.

"Hindi tayo mahuhuli kung hindi tayo magpapahuli. Dali, dali. Ipasok mo nalang yan."

Wala na ngang nagawa pa si bes Renzo kundi itulak papasok itong undead na nakita namin kani-kanina lang.

Nandito kami ngayon sa bakanteng lote na nasa likod lang ng bahay nila. Malaki-laki rin ito. Bahagyang may damo at napapaligiran o nababakuran ng barbed wire.

At kung ano yung pinaplano ko? Just watch and see. Hahahaha.

"Go, bes. Bitawan mo na yan."

Binitawan nya nga yung undead pero not in a gentle way kasi tinulak nya yun nang pagkalakas-lakas na sya ring ikinasubsob nun sa lupa.

"Hay! Ano ba yan, bes! Ang sama mo!" sigaw ko. Nung makabangon yung undead, lumapit ako kay bestfriend Renzo at itinulak sya sa may gilid. "Dyan ka lang bestfriend. Wag kang makikialam."

"Bakit? Ano ba kasing gagawin mo?"

Nagtatakang tanong nya. Hindi ko na lang sya sinagot at nginisian ko na lang sya.

Lumapit ako dun sa undead. As in malapit na malapit. Nung malapit na rin nya akong mahablot, mabilis akong yumuko at sinipa sya sa binti. Ayun natumba sya.

Inantay ko syang makabangon at inulit ko lang yung ginawa ko. Lumapit ako nang malapit na malapit tapos nung mahahablot na nya ako, mabilis akong umiwas para magpahabol. Basta tuwing malapit na nya akong mahawakan, umiiwas ako. Kaya tuloy sya, parang hindi mapakali at lokong-loko kung paano ako mahuhuli. Paminsan-minsan, pumupuslit ako sa likod nya tapos kakalabitin ko sya. Pag haharap na sya, bigla akong uupo at ayun parang magtataka sya kung san ako napunta. Hahahaha.

"Nice Crissa, at sa undead mo pa talaga nakuhang makipaglaro ah?" nakangising sabi ni Renzo sa may gilid. Bigla namang lumihis yung tingin ng undead at sa kanya napunta.

Tumakbo ako papunta sa kanya at binablot ang braso nya.

"Hahahaha. Tara bestfriend sumali ka. Ang sarap inisin nung undead oh." hinaltak ko sya palayo sa undead para magpahabol.

Mukha kaming tangang dalawa dahil para kaming mga bata na nakikipag patintero dun sa undead habang tumatawa. Kunwari, magpapaabot kami sa kanya. Pero pag malapit na sya, bigla naman kaming magtatatakbo at lilipat ng ibang pwesto.

"Hahaha. Wala atang kapaguran to. Ako napapagod na e." hingal na sabi ko.

"Ginusto mo yan e. Hahaha. Pero mas maganda siguro to kung at least lima yung mga undead. Mas nakaka challenge pag ganon." sagot pabalik ni bestfriend Renzo at hinaltak ang kamay ko papunta sa kabilang direksyon.

"Good idea. Actually, pwede nga nating gawin na game to e. Mataya-taya. Ang gagawin, iwasan, takbuhan at tayaan. Tapos ang twist sa game, may mga undead na kasali bilang obstacle at panggulo. Basta ang rules, gaya lang ng mataya-taya. Yun nga lang, yung mga undead, hindi pwedeng patayin, saktan o hawakan man lang. Pwede lang iwas---"

"Shit! Look out!" mabilis akong niyakap ni bestfriend Renzo at itinulak ang katawan namin pagulong sa damuhan.

Okay.

I am totally clueless. Di ko alam kung anong nangyari. Ang nakikita ko lang e, nakahiga kami parehas ni Renzo dito sa sahig at yakap-yakap nya ako.

Mabilis ko syang hinaltak paupo.

"Muntik nang mag dive sa atin yung undead. Daldal mo kasi kanina e." pokerface na sabi ni Renzo.

"Oh? Hindi ko napansin ah? Hahahaha. Ikaw bestfriend ah? Niligtas mo na naman ako. Love na love mo talaga ako no?" tinitigan ko sya gamit ang pinaka nakakaloko kong tingin. Umiwas naman sya at biglang tumayo.

Sumunod agad ako sa kanya.

Yung undead na muntik nang magdive sa amin, ayun nakadapa na sa lupa. Gumagalaw pa naman pero parang hindi na makatayo. Napagod ata sa kakahabol samin. Hahahaha.

"What do you say? Okay ba yung idea ko sa mataya-taya na may twist?" tanong ko.

Hindi na nakasagot si bestfriend Renzo dahil parehas na kaming napalingon dun sa bagong dating. Bagong dating na parang bagong ligo lang din. Amoy sabon ang Dove Men ang hangin e. Saka amoy Head n' Shoulders Men.

But naka pokerface na naman sya.

Uh oh.

"Renzo, nag barge in yung mga lalaki sa kwarto mo. Baka may gusto kang wag nilang makita?" nakangising sabi ng magaling kong kakambal.

"Oh? Actually, meron. Pero mas maganda kung isheshare ko sa kanila yung mga yun." ngumisi si Renzo. "May panonoorin kaming movie collections ko. Alam mo na, pampagana lang. Hahaha. Sunod ka na lang samin pare kung gusto mo." tinapik-tapik nya ang balikat ng kakambal ko tapos kumaripas na ng takbo paalis. Napangiti na lang ako habang tinatanaw sya.

"Bastos talaga nun." bulong ko.

"Bastos pero palagi mo pa ring kasama. Hmm. Close na close na kayo nun ha?"

Inakbayan ako ni Christian.

"Kasi bestfriend ko sya. Saka hindi naman ako binabastos nun e. Ang bait bait nya kaya sa akin."

"I know."

Napatingin ako sa mukha ng magaling kong kakambal. Nakatingin din sya sakin at nakangiti ng kakaiba.

"I know I know ka dyan. Feeling mo fortune cookie ka? Hmp. Anung training naman ba gagawin natin mamaya?" humiwalay ako sa kanya at nilapitan ko yung undead na hanggang ngayon ay nakadapa pa rin.

Sasaksakin ko na sana yon ng combat knife ko pero bigla akong pinigilan ni Christian.

"Wag. Wag mo munang patayin."

Takha akong tumingin sa kanya at ngumisi naman sya.

"Actually, you gave me an idea. A very good idea para sa training na gagawin natin ngayong tanghali."

Lumapit sya sakin at pinagtatapik ang balikat ko.

"It's more like of a game rather than a training. I saw what you and Renzo did kung bakit nagkaganyan yang undead na yan. Mataya-taya with a twist? Sounds good."

Kapwa namin tinignan yung undead sa sahig. Pagod na pagod at hindi makagulapay. Maya-maya pa, tinignan ko na uli si Christian at nginisian.

"Alright. Game mode: on."

Siguiente capítulo