webnovel

Chapter 66

Harriette Kobayashi's POV

"Oh, saan punta mo?"

Kinabig ko si Christian sa pagharang nya sa pinto pero ni hindi man lang sya napaatras kahit na konti.

"Umalis ka dyan, Christian. Please lang. Kung ayaw mong hanapin sila Crissa, pwes ako nalang."

"Teka, teka. Kumalma ka nga, Harriette." hinawakan nya ko sa magkabilang balikat ko at nakuha nya pa talagang ngumiti-ngiti.

"At paano ako kakalma, Christian? Halos tatlong araw na silang wala?"

"Sus. Wag kang mag-alala. Hindi hahayaan ni Tyron na may mangyaring masama sa kakambal ko no. Pustahan pa tayo. Saka, di sila maliligaw. Magkikita-kita pa rin tayo."

"At paano ka naman nakakasiguro na mahahanap nila tayo?" tinaasan ko sya ng kilay. Pero nung ngumisi sya, binawi ko rin agad at napalunok ako.

"Ako pa ba tatanungin mo ng ganyan? Tss. Hindi ako gumagawa ng desisyon ng basta-basta. Alam mo yan, Harriette." binitawan nya ako at naglakad sya palayo. "Makakauwi rin sila dito one of these days. Dun sa mini-grocery na pinuntahan natin nung isang araw, sigurado akong dadaanan din nila yon. Kaya nag-iwan ako doon ng note na nagsasabi kung saan nila tayo makikita."

Sinundan ko nalang sya ng tingin hanggang makaalis na sya nang tuluyan.

Tsk. Kahit kailan talaga tong lalaki na to. Hindi na rin talaga ako magtataka kung bakit napakapasaway at napakakulit ni Crissa. Kambal nga talaga sila. Kambal sa pag-iisip. At kambal din sa mga kalokohan at extraordinary na gawain.

Crissa Harris' POV

"Kumuha ka lang nung kung anong kaya mong bitbitin. Ang dami ko nang nakikita na gumagalang undead mula rito.." bulong ni Tyron sakin na ikina-panic ko naman ng wagas.

Teka. Ano na nga bang kukuhanin ko? Cereals, sausages, luncheon meat, tuna.. Aysshh!! Lahat na to kukuhanin ko! Imbes na madali kami dito, lalo pa akong napressure!

Inilagay ko na nga sa loob ng malaking bag lahat ng nadampot ko. Tapos isinukbit ko na. Malapit nga lang tong mini-mart na nakuhanan namin ng supplies yun nga lang, marami namang nagkalat na undead sa labas. Gaya na nga lang nang sinabi nito ni Tyron.

"Shit. Dali.. Tara na." mabilis akong hinaltak ni Tyron papunta dun sa may exit. Pano ba naman, bigla nalang may nagpasukan na undead doon sa main door.

Shete. Kung minamalas ka nga naman. Hindi naman kami pwedeng magpaputok dito dahil mas makukuyog kami pag nagkataon.

Hinaltak lang ako nang hinaltak ni Tyron habang tumatakbo sya. Ang bigat nung bitbit ko sa likod ko dahil karamihan doon ay de-lata. Pero tiniis ko nalang dahil mas ayoko namang madapa pa ako at parehas pa kaming maabutan nung mga undead. Marami kaming nakakasalubong pero iniiwasan nalang namin sila. Tinumbok namin yung way na pabalik doon sa furniture shop at nung matanaw na namin yon, medyo nakahinga na ako ng maluwag.

Pero kung talagang minamalas ka nga naman talaga, kung kelan ilang hakbang nalang kami sa may pintuan, saka ko pa nabitawan at nailaglag yung susi. Shoot pa kamo sa drainage na halos puno na ng kulay itim na burak at tubig.

"Shit. Shit na malagkit." lumuhod ako para sana dukutin at halukayin yung susi. Pero mabilis naman akong hinaltak patayo ni Tyron.

"Hayaan mo na yan. Wala na tayong oras para dyan." tumikhim sya saka itinuro sakin yung side na pinanggalingan namin pati na rin yung opposite side non.

Shit na shit talaga big time. Ganoon kabilis? May nakasunod agad samin na undead? Yung totoo, nakainom ba sila ng Sting o kaya Cobra kaya ganoon nalang kataas ang energy nila? Kalat kalat yung pwesto nila na para bang may nagchoreograph sa kanila na sumayaw ng flashmob style!

"Nakikita mo yung puno na yun? Sanay ka namang umakyat diba? Dali, mauna ka nang umakyat dun.." kalmadong bulong uli ni Tyron na parang di ata tinatablan ng kaba. Itinuro nya yung malaking puno ng mangga sa gilid nitong furniture shop.

"E-eh ikaw?.."

"Wag mo na kong intindihin. Umakyat ka na at susunod ako." seryosong sabi nya sabay pinaputukan na yung mga undead.

Napilitan naman na akong sundin yung sinabi nya at tumakbo na ako palapit dun sa puno. Yung ilang undead na nakasalubong ko, pinagsasaksak ko na rin para man lang makatulong kay Tyron na makabawas kahit konti. Nung nasa may taas na ako nung puno, tinanaw ko agad sya. Sumusunod na nga sya ng unti-unti sakin pero patuloy pa rin sya sa pagpapaputok.

"Dali Ty. Akyat." pumitas ako ng ilang bunga nung mangga at pinangbato ko dun sa mga undead na nagtatangkang umabot kay Tyron habang umaakyat sya. Nahe-head shot ko sila kaso hindi naman nakakamatay ang mangga pag tinamaan ka. Nakakahilo lang.

Nung makaakyat na nang tuluyan si Tyron, bumuntung-hininga ako nang napakalalim. Hinawakan ko rin yung dibdib ko dahil pakiramdam ko bakat na yung puso ko don sa sobrang intense nung mga nangyari. That was so close. Muntik na kami.

"Akin na yang bag. Mabigat yan e." kinuha ni Tyron sa likod ko yung bag. Ito pa yung isang nakapagpa intense ng mga pangyayari kanina. Feeling ko, nakuba na ako sa sobrang bigat ng bag na yan.

Napatingin naman ako sa ibaba namin.

"T-ty, may bala pa ba tayo? Ang dami pa nila oh.. Paano tayo bababa dito?.." binilang ko yung mga undead na nag-aabang at pilit kaming inaabot mula sa ilalim nitong puno.

Isa, dalawa, sampu, kinse, bente, bente syete!? Syete talaga! Ang dami pa nila!

"Wala na e. Naubos na."

Dahan-dahan akong lumingon kay Tyron dahil sa walang kakaba-kaba nyang tono sa pagsasalita. Seryoso ba talaga to? Nakukuha nya pang hindi kabahan sa oras na to? E pano nalang kung sa isang taon pa magsialis tong mga to? Edi sa isang taon na rin kami makakaalis na dalawa? Nako. Di ko maimagine na isang taon din akong hindi maliligo.

At isang taon ko ring makakasama si Tyron. Magka-developan kaya kami?..

Ay, putek! Ano ba tong naiisip ko!? Asa ka, Crissa! Asa! May mahal na yan si Tyron no! At hindi ikaw yon! Sarap mong sabunutan sa mukha! Tsk.

"Sa ngayon, dito lang muna tayo. Mag-antay nalang tayo ng tyempo para makababa."

Sumang-ayon nalang ako sa sinabi nya. Mukhang yung nalang naman ang tangi naming magagawa sa ngayon. Ang mag-antay. Sana nga lang at magkaron ng himala tapos malihis yung atensyon nitong mga undead para makababa na rin kami. Mukha kaming unggoy ni Tyron dito sa puno e.

"Oh, kumain ka muna.." nag-abot sya sakin ng corned tuna. Kahit di naman ako nakakaramdam pa ng gutom, kakain na rin ako.

"Ahmm, yung cereal nalang Ty. Hindi ko alam kung paano ko kakainin yan ng walang kutsara o tinidor man lang e.. Hehehe."

Yun na nga lang ang kinain namin bilang almusal. Hindi ko alam kung anong oras na pero base sa pwesto nung araw, mukhang nasa alas-nuebe na. Buti nalang talaga malago yung sanga at dahon nitong puno kaya hindi kami direktang nasisinagan ng araw. Preskong-presko pa kami dahil ang lakas din ng ihip ng hangin. Pero buti nalang din at malaki at mataba tong sanga na inuupuan namin kaya mukha ring matibay. Hindi kami pupulutin sa bibig ng mga undead kapag nagkataong nabali to.

Napatingin ako kay Tyron. Pano kasi, sa bawat dampot nya kasi ng cereal dun sa box, nag-iiwan sya ng isang piraso sa kamay nya tapos pilit nyang shinu-shoot sa bibig nung mga nakangangang undead sa ibaba.

"Hehehe. Ayos ng trip mo Tyron ha?.."

Tumingin lang sya sakin at ngumisi. Ako naman, nakigaya na rin sa ginagawa nya. Siguro mga naka-sampung bato nako pero ni isa, wala pa kong na-shoot sa bibig nila. Kaya sa sobrang inis ko, bumali na ko ng isang medyo manipis na sanga. Isa-isa kong pinitas yung mga bunga na nakasabit dun tapos ipinukol ko na mismo sa mga mukha nung undead.

"Ayan! Edi bull's eye! Akala nyo ha!? Hahahaha!!" tumawa ako na parang isang kontrabida doon habang pinagmamasdang mapukol sa mukha yung mga undead. May isa pa nga na hindi na nakabangon e. Nahimatay ata. Hahahahaha!

"Sige, Ty! Makibato ka na rin. Tiyagain na rin natin. Malay mo diba? Kapag paulit-ulit na silang nabato, mamatay na sila? Edi makakababa na tayo? Hahahahaha!!" inabutan ko sya ng ilang mangga. Pero di nya naman kinuha at patuloy nya lang akong pinagmasdan habang nakangisi.

"With that kind of hilarious actions, I can't stop falling in love with you, Crissa.."

"Hahahahahahaha!! Ano yun Tyron?.." di ko kasi narinig e. Lumalakas na yung ungol nung mga undead sa baba. Naiinis na siguro sa ginagawa ko.

"Wala. I said, close your eyes.."

Napatigil ako sa ginagawa ko.

"C-close my eyes? Bakit?"

"Basta. Pumikit ka nalang."

"E, bakit nga? Anong gagawin mo?.."

"B-basta. Dali na."

"Bakit nga kasi? Sabihin mo na." medyo naiinis ko nang sabi.

Ano ba kasing drama nito at may papikit-pikit pang nalalaman? H-hindi kaya, pagkapikit ko ay, hahalik----

"Tss! Wag na nga. Mamaya nalang ako iihi." sabi nya sabay tingin sa kaliwa.

Buti nalang ginawa nya yun dahil naramdaman ko na rin ang biglang pag-init ng mukha ko. Nalintikan na pagkataon. Mabilis pa man ding mamula ang pisngi ko. Putek naman kasi yan. Kung ano ano pang naiisip ko e iihi lang naman pala to. Tsk.

"S-sige. Umihi ka na dali. Pipikit na ako."

"Hindi, wag na. Kaya ko pa namang tiisin."

"E-eh, baka magkasakit ka nyan sa bato." tinignan ko sya. Pero sa iba na agad nabaling ang atensyon ko.

"T-ty, may kotse oh.." maingat akong tumayo dun sa sanga at kumaway ako dun sa paparating na kotse. "Oy, oy! Tulong! Tulungan nyo kami! Na-corner kami ng mga asdfghjkl!! Zxcvbnm!!"

Ano ba to si Tyron, biglang tinakpan yung bibig ko at hinaltak ako uli paupo! Hindi nya ako binitawan hanggat hindi lumagpas yung kotse at tuluyang mawala sa paningin namin.

"Ty naman ehh.. Bakit mo tinakpan yung bibig ko? Ayan tuloy.. Lumagpas sila.. Wala nang tutulong satin.." kahit nakaupo na ako, pinilit ko pa rin na magpapadyak at magdabog. Umalog-alog yung sanga na inuupuan namin pero di parin ako tumigil.

Pero yun ang akala ko. Dahil sa sumunod na ginawa ni Tyron, pakiramdam ko hindi lang oras at pag-ikot ng mundo ko ang biglang tumigil. Pati na din yung pagtibok ng puso ko. Naramdaman ko na huminto saglit.

Hinawakan nya ang mukha ko at bigla akong hinalikan..

OH! WALANG MAGREREACT! JOKE LANG YON! Bakit nya gagawin yon, e hindi naman ako yung mahal nya? Niyakap nya lang ako ng sobrang higpit. Yung tipo na sa sobrang higpit, kusa nalang tumigil ang sarili ko sa pagwawala.

"Kulit mo talaga no? Paano kung yun yung grupo na nagmamatyag at humahabol satin? Edi, patay na tayo kung nagkataon?.." bulong nya sa tenga ko.

Bigla naman akong natauhan dahil doon. Hindi ako dapat manghinayang na lumagpas sila. Dapat magpasalamat pa ko dahil kung isa sila sa grupo na humahabol sa amin, e patay nga talaga kami.

Ibinalik ko yung tingin ko sa daan. At napakagat ako ng madiin sa labi ko.

"Sorry, Tyron.." bulong ko pabalik.

"Bakit ka nagsosorry?.."

Imbes na sagutin sya, bumitaw nalang ako sa pagkakayakap sa kanya at itinuro ko yung daan. Napa tsk nalang sya nang makita nyang pabalik na sa kinaroroonan namin yung kotse na lumagpas kani-kanina lang.

This is great. Hindi lang undead ang nakacorner samin. Ngayon, paano na talaga kami tatakas? Lalo na dito sa mga tao na to? Hell yeah. It's my fault.

Siguiente capítulo