webnovel

Chapter 52

Crissa Harris' POV

Nauna akong maglakad palabas habang si Renzo ay nasa kaliwa ko at si Tyron naman sa kanan. Si Harriette at Lennon, nasa likuran at nakasunod na rin sa amin. Yung mga undead na nasa labas ng SLRC, isa-isa na rin naming sinugod at inatake. At dahil nga marami-rami rin sila, napilitan na rin kaming gumamit ng baril. Yung pistol na may silencer lang naman para hindi agaw-pansin.

"Wooohh.. Ang intense nun ah?.." sabi ni Renzo habang humahakbang paatras. Pipigilan ko palang sana sya sa plano nyang pagsandal doon sa glass door ng SLRC pero hindi ko na nagawa.

Ipinikit ko nalang yung mata ko dahil ayokong masaksihan yung susunod na mangyayari sa kanya. Sa likod kasi nung pinto na yun, may tatlong undead na nag-aabang. Hindi nya siguro napansin kaya prente syang sumandal dun sa may pinto. At sa pwersa at bigat nya, imposibleng hindi mabuksan yun.

Sa gantong kadaling paraan nalang ba mawawala ang bestfriend ko?

Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko. Halos malaglag naman ang panga ko nang makita ko pa rin si Renzo na nakasandal doon sa glass door. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin din sakin. Si Tyron, Lennon at Hariette naman, nakatingin lang din at halatang nagtataka.

"Bakit bigla kang napapikit, Crissa? May masakit ba sayo?.."

Umiling lang ako kay Renzo. Hinaltak ko naman sya paalis dun sa pagkakasandig nya sa pinto pagkalapit ko sa kanya.

Hmmm.. Sabi na e.

"Nakalock yung pinto mula sa loob.." pinihit-pihit ko pa yung doorknob para makasiguro.

Lumapit naman uli bigla si Renzo sakin at nakipihit din sa doorknob. E nagkataong nakahawak pa rin ang kamay ko doon kaya nahawakan nya rin yon. Tinignan ko sya ng deretso pero nakangiti lang sya at nakaiwas ng tingin sakin.

Teka. Minamanyak ba ko nito ni bestfriend? Pero parang hindi naman. Kamay ko lang naman ang hinawakan nya e. Tsaka hindi ko rin naman maramdaman na may ganun syang intensyon. Ang cute nga ng ngiti nya e. Parang batang binigyan ng lollipop.

"Ang lambot pala ng kamay mo Crissa. Sarap hawakan." ngumiti uli sya at tinanggal yung kamay ko sa doorknob. Pero di nya pa rin binitawan at parang manghang-mangha pang pinagmasdan.

Eh, ano ba to? Anong nangyayari dito kay bestfriend Renzo?.. Nababaliw na ba?.. O baka sinapian na to ng engkanto?..

Nagulat naman kami parehas nang lumapit si Tyron at haltakin bigla yung kamay ko. Sabay hinaltak nya rin ako papunta doon sa may gilid.

"I suggest, wag na nating pasukin yan." bulong nya sakin. Takha naman akong tumingin dun sa loob ng SLRC.

"B-bakit naman? Malay natin, may tao pala sa loob nyan at nagtatago sa sulok-sulok? Tapos natatakot lang sa mga undead kaya ayaw lumabas?.." paliwanag ko.

Nakita ko namang napaisip sya saglit. Pero maya-maya lang din, bigla na nyang hinawakan ang kamay ko at hinaltak ako.

"O-oy, teka. Saan tayo pupunta?.." tanong ko ignoring the 'nakakabaliw-feeling' na naramdaman ko nanaman. Pero hindi man lang sya humarap sakin at patuloy nya pa rin akong kinaladkad.

Huminto naman kami nung maikot namin yung likod na part nung SLRC. May iba pa palang pintuan bukod dun sa main door.

Lumapit si Tyron at itinuro sakin yung nakalagay sa may bandang itaas nung back door. Isang malaking kahoy na nakatapal para hindi mabuksan yung pinto. At may nakasulat din doon.

Stay out of here, CC. -Z

"Stay out of here, CC?.. At isang 'Z' ang nagsulat nito?..Ang ibig sabihin ba nito.." pinutol ko saglit yung pagsasalita ko at tumingin ako kay Tyron. Tumango naman sya sakin at tumikhim.

"Yes. The two Cs stands for you and your twin brother's name. Crissa and Christian. It is your sister Zinnia who wrote this one. Kasi alam nyang hahanapin nyo sya ng kakambal mo.."

Ibinalik ko uli yung tingin ko dun sa may kahoy sa pinto. Hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon para isipin kung paano nalaman at nasiguro ni Zinnia na hahanapin namin sya. Kilalang-kilala na nya kami ni Christian at alam nya yung mga kakayahan namin. Alam nyang pag may ginusto kaming gawin na kambal, gagawin at gagawin talaga namin.

At kumpyansa rin talaga syang mabubuhay kaming kambal. Ang laki rin talaga ng tiwala nya samin.

Pero, asan na kaya sya? Posible kaya na nakalabas na sya dito sa campus nila? E may kasama kaya sya? O nakayanan nyang makaalis nang ligtas dito nang mag-isa lang sya?..

"I know what you're thinking.."

Napalingon uli ako kay Tyron nung magsalita sya. Ngumiti naman sya sakin ng matipid at nagpatuloy na uli sya sa pagsasalita.

"May possibility na nakaalis na nga sya dito. Pero yun nga lang, medyo nakakapagtaka dahil hindi man lang sya nag-iwan ng note kung saan sya magpupunta. But well, let us just hope na nandito pa rin sya sa loob ng campus. O kung hindi man, meron pa rin syang iniwan na note sa kung saan man dito sa loob.." paliwanag nya.

Okay. It hit me hard. Bakit nga kaya hindi isinulat dito ni Zinnia kung saan sya magpupunta? At saka bakit kaya hindi nya isinulat ng buo yung pangalan nya at itinago nya nalang sa code na Z? At bakit pati rin yung pangalan namin ni Christian, naka-code?

Hmm.. May nabubuo nang conclusion sa isip ko. Pero teka..

"I-ikaw ah?.. Pano mo nalaman ang iniisip ko?.. Hindi naman tayo kambal pero may twinepathy na rin tayo? Ganun ba yon?.." tinignan ko sya nang nakakaloko..

"Tss.." umiling sya at ngumiti. "Tara na. Lagpasan na natin to at puntahan na natin yung iba pang naka-highlights sa mapa." hinawakan nya ko sa braso tapos hinaltak na uli papunta doon sa may main door.

Bago pa kami makalayo, tinanaw ko muna uli yung back door. Hindi ko alam kung bakit kami pinapalayo ni Zinnia sa lugar na yon. But I bet, magiging sobrang delikado para samin kung magpupumilit pa kaming pumasok doon. I don't know why but I can feel it. Para rin kasing sa sulat palang na iniwan nya, nararamdaman ko na yung intensity ng pagbababala nya samin. And I admit, habang binabasa ko yun, para ring nagplay sa isip at tenga ko yung authoritative na boses nya na binabanggit yun.

Nakakakilabot. Kahit sa sulat lang, natatakot pa rin talaga ako kapag si Zinnia na ang nag-utos. May choice akong magpasaway at gawin ang gusto ko. Pero hindi. Kung ano yung ikina-intense ng attitude at personality nung kakambal kong lalaki, triple pa nun yung kay Zinnia.

Kaya sa huli, isa nalang talaga ang choice ko. Ang SUMUNOD.

Pagdating namin sa may main door, tumambad na agad samin ni Tyron ang siguro mahigit sa sampung mga undead na nakahandusay sa sahig. At sa may hindi kalayuan, kapwa nakaupo rin sa sahig si Lennon at Harriette na hingal na hingal. Duguan din yung mga kutsilyong hawak nila. At nang hindi mahagilap ng mata ko yung isa pa naming kasama, unti-unti na akong kinabhan..

"A-asan si Renzo?.." tanong ko. Nagulat pa silang dalawa nang makita nila kami ni Tyron.

Umiling bigla si Harriette.

"Hindi namin alam. Nandito lang yun kanina e. Pero bigla nalang nawala." paliwanag nya.

Napailing nalang ako. Saan naman kayang lupalop nagpunta yung walanghiyang bestfriend ko? Delikadong gumala nang mag-isa dito. Baka malapa sya ng mga undead na naglisawan sa tabi-tabi. Huhuhu.. Dito na ba talaga mawawala ang bestfriend ko? Sadyang nakaligtas lang ba sya kanina pero ito na talaga yung time nya?

Waaahhh. Di ako papayag! Ililigtas ko sya!

Prinepera ko na yung sarili ko para sundan sya. Hinigpitan ko na rin ang kapit ko dun sa shotgun ko. Nung ihahakbang ko na sana yung para tumakbo, nagulat naman ako nung haltakin nanaman ako ni Tyron sa braso.

"There's no need to find him.."

Eh? Paano nya nalaman na hahanapin ko nga si bestfriend Renzo? Pwede rin naman kasing aalis ako dahil magliliwaliw lang ako at magmumuni-muni diba. Tsk. May twinepathy na rin kaya kaming dalawa kaya nalalaman nya yung iniisip ko?

Hmmm. Tinignan ko naman yung itinuturo nya sa kabilang direksyon. At napailing nalang ako. Si bestfriend Renzo, cool na cool na naglalakad. At mukhang pasipol-sipol pa ang loko.

"San ka galing ha!?" binatukan ko agad sya pagkalapit nya samin.

"Aww, ganyan ka ba maka-miss Crissa? Nananakit ka para mas damang-dama?.." reklamo nya habang nakahawak sa ulo nya.

Pinagkukurot ko naman sya sa braso.

"Ay nako, bestfriend! Wag mo kong paandaran ng mga ganyan mo! Naiinis ako sa sayo!"

"Aw! Aw! Bakit naman kasi? Umihi lang ako.."

"Umihi ha!? E bakit di ka man lang nagpaalam kila Harriette!?"

"Kasi para silang may sariling mundo! Mamaya e, sapakin pa ko nyan pag inistorbo ko sila e. Tsk." nakangusong sabi nya.

Wha the? So eto palang dalawa ang may kasalanan?..

Tinignan ng mapanuring mata ko yung bagong sibol na love team. Bigla naman silang nagsiiwasan ng tingin sakin. Si Harriette, kunwari inaayos yung baril nya tapos si Lennon naman, nakaharap sa pader at nagkakamot ng batok.

Haaayy.. Wala na ata akong magagawa sa kanilang dalawa. Alangan namang pigilan ko ang pagmamahalan nila diba? Kakausapin ko nalang siguro sila mamaya.

Ibinalik ko uli yung tingin ko kay Renzo na hanggang ngayon ay nakanguso pa rin. Mukhang masama ang loob. Bakit nga ba hindi, e samantalang sinapak ko agad sya nang hindi nalalaman yung side nya? Huhuhu..

"Sorry na bestfriend.. Wag mo na lang uulitin uli yun ah?.." tinignan ko sya nang deretso sa mata pero umiwas sya.

"Uy, wag ka nang magalit.. Nag-alala lang naman ako sayo e. Kabang-kaba kaya ako nung makita kong wala ka dito.." yumuko ako. Naramdaman ko naman na inakbayan nya ako.

"Hindi ako galit. Kasalanan ko rin naman e. Hayaan mo sa susunod, isasama na kita pag-iihi ako. Para hindi ka na mag-aalala sakin."

Gulat akong napatingala sa kanya. Tumambad naman agad sakin ang nakangisi nyang mukha.

Pero unti-unti rin namang nabago yun at ngumiti sya nang matipid sakin.

"Joke lang Crissa. Hahaha. Basta kung hindi kita pwedeng isama, magpapaalam nalang ako sayo. Sayo talaga mismo. Hindi na sa iba. Okay ba yun?.."

Niyakap ko nalang sya ng mahigpit.

"Hindi. Palagi na kitang sasamahan.." sabi ko at hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

"Sasama rin ako sa inyo."

Gulat nanaman akong napatingala dahil sa boses na yun na biglaang sumingit. Si Tyron, nakapokerface na sa harapan namin. Bigla naman nya akong kinapitan sa braso at hinaltak. Napabitaw tuloy ako kay Renzo.

"Punta na tayo sa susunod." sabi nya.

Nilingon ko naman uli si Renzo sa likod. Sumunod naman sya agad samin at tumabi sa kaliwa ko. Yung love team naman, nauuna nang maglakad samin.

Napatingin naman ako dun sa lalaki sa kanan ko. Pansin ko lang, parang palagi nalang syang sumisingit o lumilitaw kapag may moment kami nitong bestfriend Renzo ko.

Nako, hindi kaya, naiinis na sya sakin kasi inaagaw ko na yung bestfriend nya? Kasi diba nga, bestfriend nya din ang bestfriend ko? Huhuhu.. Baka bigla nalang nya akong sapakin kapag napuno na sya sa pang-aahas na ginagawa ko..

"Bakit ka ganyang kang makatingin? It is as if I'm going to punch you.. Hahahaha.." tumatawang sabi nya. At nanlambot nanaman ang buong pagkatao ko.

Kinikilabutan ako dito kay Tyron.

Inagaw ko nalang yung mapa na hawak nya at pinasadahan ko ng tingin.

"University Clinic ang susunod.."

"Yeah. And iyan na yon.." sagot ni Tyron at itinuturo yung isang palapag na building sa di kalayuan.

Bigla naman humangin ng malakas at nabitawan ko yung mapa. Lumipad yun sa may bandang likuran ko.

"Ako na kukuha." sabi ko sa kanila.

Hindi ko na sila inantay na makasagot at hinanap ko na agad yung mapa. Nakita ko naman agad yun. Hindi naman pala kalayuan ang niliparan. Tumakbo ako sa may trash bin dahil dun sya sumadlak sa katawan nun. Babalik na sana ako kila Ty nang parang may nakita akong tumatakbo dun sa may malayong part sa kaliwa. Lalaki. Base sa body built nya. At kahit malayo, kitang-kita ko pa rin na nakasuot sya ng leather jacket na kulay brown.

Hmmm.. Baka isa lang kila Christian.

Tumakbo na ako pabalik kila Ty. Pero napahinto ako sa kalagitnaan ng pagtakbo ko nang may bigla akong naalala.

Wala akong natatandaan sa grupo namin na nakasuot ng ganong kulay. Si Elvis, Alex, Sedrick at maging si Christian, naka kulay itim na leather jacket din dila.

S-sino yung lalaki na yon?..

Yaaaay! Gandang salubong sa 2020! May 20k views na ang UDOTD, kahit more than a month pa lang nang ipost ko ‘to. Salamat sa lahat ng sumusporta sa UDOTD! Dabest kayo guys ?❤️

hoarderellecreators' thoughts
Siguiente capítulo