webnovel

Chapter 12

Crissa Harris' POV

We survived day 2 of zombie apocalypse. And now we're facing day 3..

Maaga kaming nagsi-gising nung umagang yon kahit na napakaraming nangyari sa nagdaang araw. Nakakapagod talaga, pero siguro kailangan na lang talaga naming tanggapin na sa araw-araw na dumadating samin, pahirap pa nang pahirap ang haharapin namin para lang maka-survive at mabuhay. And after all, mas gugustuhin nalang talaga namin to. Mahirap man at masakit yung nangyayari, buhay naman kaming lahat at sama-sama.

Kumain na kami ng almusal at as usual, corned tuna nanaman. Nakakalungkot lang dahil tatlong kahon nalang pala ang natitira. Mukhang ilang araw mula ngayon, kailangan na naming mag-run para sa supplies.

"Renzy, diba diet ka? Akin nalang yung kalahati ng iyo. Nagugutom pa ko e." - Renzo

"Tse! Taggutom na nga tayo dito, nakukuha mo pa talagang pairalin ang katakawan mo kuya!?" - Renzy

Natawa ako ng palihim nang makita ko yung nguso ni Renzo na halos sumayad na sa sahig. Binuksan ko naman yung pangatlong kahon ng mga corned tuna na nasa tabi ko tapos kumuha ako ng isang lata.

"Renzo, catch!" sigaw ko sabay hagis nung lata sa kanya. Buti naging alerto naman sya kundi, sapul yung ilong nya.

"Whoa! Buti pa to si Crissa, may malasakit! Pag tumakbo kang mayor, sure talagang ikaw ang iboboto ko, Crissa. Sana ikaw nalang naging kapatid ko e. Swerte naman ni Christian at naging kakambal ka nya."

"Dami mo pang sinabi Renzo. Wag mo na kong utuin dahil baka bawiin ko yan." sabi ko na tumatawa.

"Sus. Nababaitan lang talaga ako sayo. Tara nga dito, pakiss!"

Umakma syang lalapit sakin. Pinigilan ko naman si Christian na nasa tabi ko dahil bigla syang humugot ng pocket knife at tumingin ng masama kay Renzo. Si Harriette din, nakita kong nakatingin ng masama sa kanya habang bumubulong. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba yun pero parang nakita ko rin kasi si Sedrick at Tyron na biglang tumingin ng masama kay Renzo nung malapit na nya kong mahalikan sa pisngi.

Buti nalang hindi na nya natuloy dahil biglang sumulpot si Renzy sa harapan namin at hinaltak sya sa kwelyo nya. Ewan ko kung pano nya nagawang haltakin si Renzo sa kwelyo samantalang topless sya ngayon.

"Binigyan ka na nga ng pagkain, nag-iinarte ka pa." nagtitimping bulong ni Renzy habang patuloy lang sa pagkaladkad dun sa kuya nya papunta sa may sulok.

Siniko ko naman si Christian.

"One of these days, we have to run for supplies."

"Yeah. Sa nakikita kong katakawan nyo, mukhang hanggang bukas nalang yan."

"Excuse me, katakawan namin? Exempted ka ha? E nakaka-tatlong lata ka na nga?"

Hindi ako pinansin ng magaling kong kakambal at nagpatuloy lang sya sa paglamon. Siniko ko uli sya.

"I think, pagkatapos ng gagawin natin mamaya, dapat isunod na natin to."

"Sige. Ikaw naman pinakamatakaw dito e." bulong nya na halos mabulunan na dahil sa dami ng nginunguya sa loob ng bibig.

Binatukan ko nalang sya. Ako pa raw ba ang pinakamatakaw sa lagay na yon. Hmp. Sarap saksakin.

Nung matapos kami sa pagkain, naghanda na kami para sa gagawin naming pag-clear sa buong bakuran ng mansyon. Kanya-kanya kaming dala ng mga weapons namin. At syempre, may kanya-kanya rin kaming dala na pistol at combat knife. Iba na yung nag-iingat kaya nilagyan na rin namin ng silencer yung mga pistol para if ever na magamit namin, hindi agaw-pansin sa mga undead.

Oo. May silencer palang nakita si Chrisitian sa isang drawer sa living room kaya ginamit na namin. Kung paano nagkaron nang ganun don? Ewan ko lang din.

Ngayon nandito na kami sa may entrance ng mansyon at pinagmamasdang mabuti yung kabuuan ng iki-clear namin. At I swear, sa pagtingin palang, pagod na pagod na kami.

"This is place is really fvcking huge. Saan tayo magsisimula nyan?" tanong ni Renzo at pare-parehas naman kaming tumingin kay Christian.

"Well, sa laki nga talaga, kailangan nating gumawa ng dalawang grupo uli."

"Yung grupo pa rin na magkahiwalay tayong dalawa?" tanong ko sa kanya.

"Yep. But we have changes. Lilipat na si Renzy sa grupo natin in exchange for Harriette. Baka yung pagtatalo pa kasi ng magkapatid na yan ang ikamatay nilang dalawa e." tumatawang sabat ni Elvis.

"Right. Hindi rin kasi ako makapag-isip ng mabuti dahil ang ingay nila." dagdag pa ni Christian.

"Waaahh. It's my pleasure na mapahiwalay dyan sa lalaki na yan."  tuwang-tuwang sabi ni Renzy habang kumakapit sa braso ko.

"Akala mo naman, natutuwa akong kasama ka." - Renzo

Napatingin naman ako ay Harriette dahil mukhang sumama ang timpla nya nang malaman nyang ka-grupo na nya yung pinakakinaiinisan nya.

"Wag kang mainis Harriette. Hawak-hawak mo naman yang spear mo e. Anytime, pwede mo syang sibatin." bulong ko.

"Oo nga. Hindi rin kita pipigilan." dagdag pa ni Renzy na nakapagpabuhay sa aura ni Harriette. Bigla syang ngumisi samin at naglakad papunta kila Christian.

Bigla namang dumeretso ng tayo si Christian at hinigpitan yung hawak sa axe nya.

"8am na. Kung magsisimula tayo agad ngayon, baka maaga pa tayong matapos. Yang grupo mo Crissa, dyan sa may harapan. Samin naman yung sa likuran. All in all, we're expecting 25 securities ang nandito right? Walang mahirap kapag tulong-tulong tayo. So kapag natapos na tayo, dito nalang tayo magkita-kita sa entrance. Aight?"

"Ready nako." - Alex

"I'm always ready." - Elvis

"This is exciting." - Sedrick

"Yeah right." - Tyron

"Damn. Ang pogi ko talaga." - Renzo

"Psh. Mabilaukan ka sana sa mga pinagsasasabi mo." - Harriette

"Kinakabahan ako." - Alessandra

"Ako nga rin e." - Renzy

Hinarap ko si Alessa at Renzy tapos nginitian ko sila parehas.

"Kung di nyo pa kaya ngayon, okay lang. Hindi naman namin kayo pababayaan e."

"Thanks, Crissa." sabay nilang sabi at ngumiti sila pabalik sa akin.

"So, let's start."

Pagkasabi nun ni Christian, pare-parehas na may nabuong nakakalokong ngiti sa amin. Yung nararamdaman kong excitement, nakikita ko rin sa aura nila ngayon. Wala nakong inaksaya pang oras at tinawag ko na yung grupo ko.

"Crissa, be responsible for your group. And as well as for yourself.."

Nang hindi lumilingon, sinagot ko yung pahabol ni Christian.

"Sure. Kung gusto mo nga e, paunahan pa tayong matapos."

"Deal."

Deal pala ha? Hindi ako magpapatalo sa kanya.

Mabilis akong tumakbo sa may papuntang main gate. Sinundan naman ako ng takbo nung apat.

"Competitive twin sister, huh?" bulong ni Elvis sakin. Ngisi nalang ang isinagot ko sa kanya at mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Sakto namang may lumitaw na apat na undead galing dun sa mga puno.

And yeah, isa sila dun sa 25 na securities na hinahanap namin.

Bago pa makaporma yung iba kong kasama, mabilis nakong tumakbo palapit dun sa undead na nauuna. Pero hindi nako nag-abala pang gamitin yung mga club ko at binitawan ko yun. Nung ilang hakbang nalang ang layo ko sa undead, mabilis akong yumuko at sinipa ko yung binti nya. Natumba sya sa sahig dahil dun at kinuha ko na naman ang pagkakataon para magawa yung plano ko.

The Alexander Valdez' Style..

Mabilis akong tumayo at tinadyakan ko yung ulo nya. Damang-dama ko sa running shoes ko yung pagkakadurog nun. Ew.

Napatingin ako kila Sedrick, Tyron at Renzy. Pare-parehas silang gulat na nakatingin sakin. Si Elvis nakangisi lang. Nakita na nya kasing ginawa to ni Alex nung isang araw.

Naging alerto naman ako agad nang marinig ko yung ungol ng pangalawang undead na naglalakad na papunta sakin. Binunot ko agad yung kutsilyo ko at sinaksak ko sya sa mata. Natumba sya sa sahig. Nagulat nalang ako nang makita kong kasunod nya na pala yung dalawa pa at napakalapit na nila sakin. Nakita ko rin sa peripheral view ko na tutulong na sila Elvis.

"Wag kayong makialam! Kaya ko to!" sigaw ko saka ko binunot ng mabilis yung baril ko.

Sinipa ko yung mga binti ng undead kaya napahiga sila parehas. Kinuha ko na uli yung pagkakataon at pinaputukan ko silang tatlo sa ulo. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na sila gumalaw.

 

"Wooo. That was close!" bulong ko habang hingal na hingal. Pinulot ko rn yung club ko na hinagis ko kanina.

Nagsilapitan silang lahat sakin.

"Kinabahan ako dun, Crissa!" - Renzy

"Nice one! That's unbelievable!" - Sedrick

"Wag ganun. Hayaan mo namang makapatay din kami." - Elvis

"Tss. Pasaway talaga." - Tyron

Inirapan ko nalang yung huling nagsalita at tinignan ko yung tatlo pa. Ngumiti ako at nag-peace sign sa kanila.

"Hehe. Sige kayo na sa susunod. Tara." sabi ko at nagpatuloy na kami sa pagtakbo. Baka maunahan pa kami ng magaling kong kakambal e.

Habang tumatakbo, nagmamatyag kami kung meron bang mga naglalakad na undead. Dun sa may malapit sa gate, may nakita naman

kaming lima. Sinenyasan ko sila at mabilis kaming pumunta dun sa kinaroroonan nila. Nung malapit na kami dun, tumayo nalang ako sa isang gilid at hinaltak ko rin si Renzy.

"Dito nalang tayo. Panoorin nalang natin sila." bulong ko sa kanya.

Kaya pinanood nalang nga namin yung tatlong lalaki. Si Elvis, tinaga sa leeg yung isa. Si Sedrick naman, hinataw ng club yung isa sa mukha. Pumaling nga yung mukha e. Nang mapatingin naman ako kay Tyron, hindi ko maiwasang mapabilib. Like seriously? Isang tirahan lang ng katana nya, tatlo agad ang tinamaan? Wow. Gumulong pa sa paa namin ni Renzy yung isang ulo ng undead na napugot.

Kahit nanlulumo ako na makitang security din namin sya, wala akong nagawa kundi sipain nalang yung ulo nya palayo.

Damang-dama ko yung higpit ng kapit ni Renzy sakin.

"It's okay. Wag kang matakot." bulong ko sa kanya at tumakbo na kami uli. Hindi pa kami nakakalayo ay may nakita na agad kaming tatlo pang undead na naglalakad.

"Dyan ka lang ah." bulong ko kay Renzy at lumapit nako sa tatlo pang undead.

Hinawakan ko ng mahigpit yung club ko. Ihinampas ko yon ng malakas sa ulo nung unang undead. Ire-ready ko pa lang sana yung sarili ko sa pag-atake dun sa pangalawa at pangatlo, inunahan na ako agad ni Tyron at Elvis.

"Sorry. Kami din dapat." - Elvis

"Pffft." - Tyron

"Tse!" inis na sigaw ko sa kanila at nag-walk out ako. Mga pakialamerong to!

Nagtatakbo ako ng mabilis dun sa may pabalik sa mansyon. Tutal naman, wala nakong natatanaw na undead.

"Uh oh. Kakasabi ko palang e. Hehe." nagkamot ako ng ulo. Pano may lumitaw nanamang undead out of nowhere. Nananadya ata tong mga to e.

Kinuha ko yung baril ko at pinaputukan ko sya. Sakto namang pagkahandusay nya sa sahig ay may lumabas nanamang panibagong undead. Hindi lang isa. Tatlo pa sila.

"C'mon. Lapit!"

Yikes! Lumapit nga ang mga loko.

Umatras ako ng konti at binaril ko silang tatlo. Hindi naman tinablan agad yung isa dahil naka bulletproof vest sya. And take note, naka helmet din sya. Nagningning naman ang mata ko nang mapatingin ako sa nakasukbit sa balikat nya.

Shotgun

"Oh my! Akin na yan ngayon. Hehehe." mabilis kong kinuha yung kutsilyo ko at sinaksak sya sa leeg.

Nung mapahandusay na sya sa sahig, kinuha ko na agad yung shotgun. Hmm. Isa sya siguro sa nagbabantay sa may gate. May ganito sya e.

"Wow! Shotgun! San mo nakuha yan Crissa?

Napatingin ako dun sa mga biglang sumulpot at nakita ko na yung apat pa. Lumapit agad sakin si Elvis.

"Dun oh." sabi ko sabay nguso dun sa nakahandusay na undead.

Tumayo naman ako at saka isinukbit sa balikat ko yung shotgun.

"Tara. Punta na tayo kila Christian. Ipapakita ko to. Hehe." excited na sabi ko.

Hindi ko na sila inantay pa na sumagot. Naglakad na uli ako papunta sa may entrance ng mansyon. Malayo palang natanawan ko na agad na may mga nakatayo na dun. Hmp. Naunahan na pala ako ng magaling kong kakambal.

Pero teka, bakit apat lang sila?

Tumakbo ako ng mabilis papunta doon. At nung makita ko kung sino ba yung wala, unti-unti na akong kinabahan. Lalo pa nung makita ko yung mga di maipintang mukha nung apat pa.

"Asan si Christian?"

Walang sumagot sa tanong ko at nanatili lang silang apat na nakatingin sa magkakaibang direksyon.

Siguiente capítulo