webnovel

Prologo

prologó

Three months ago,

Ang buong unibersidad ay hinalughog upang hanapin ang salarin sa lahat ng nangyari sa mga estudyanteng nakulong sa loob nang matagal na panahon. Habang iniimbestiga ang lugar na iyon, aksidenteng napadpad ang grupo ng mga lalaking nakasuot sa kanilang mga puting uniporme, may hawak na board sa kanilang mga palad at isang sulatang bolpen sa kanang kamay.

Isa sa kanila ay may suot-suot na salamin. Isa siyang lalaking nasa kanyang mid-thirties, at ang kasama niyang iba pa ay mga binata't dalaga, siguro'y mga estudyante pa lamang. Papalapit na sila sa lugar na iyon nang isang lalaki ang pumigil sakanila. "Sir, bawal po kayong pumasok sa lugar na ito." bigkas ng lalaki na may suot naman na kulay kayumangging damit at may kupya sa ulo.

"We're also here to investigate." bigkas ng nangunguna sakanila. Maya-maya'y may lumapit sa lalaking nakasuot din ng kayumangging damit, ngunit may tsapang nakadikit sakanyang uniporme at mukhang nangangahulugang may mataas itong ranggo. Nagsaludo ang lalaki atsaka naman ito rinispondi ng kadadating lang na lalaki.

"Sila ang pinadala ni Mr. Santiago dito upang mag-imbestiga din dahil hindi natin alam ang ibang kagamitang nilikha ng lalaking iyon." saad nito. "Opo, sir!" bigkas ng lalaki atsaka na napaatras nang bahagya, binibigyan ng daan papasok ang mga naka-puting lalaki. Napangisi ang isa sa mga ito.

"Colonel, dapat tinuturuan mo ang iyong mga bata na rumespeto sa mga nakakataas sa kanila." bigkas nito, mukhang sarkastiko at para bang pinapamukha sa lalaki na hindi ito nagpakita ng paggalang. Napayuko lamang ito sa kahihiyan. "Maliwanag na iyon sa akin, Mr. Antonio. Humihingi ako ng paumanhin." Hindi na sumagot ang lalaki at binigyan ito ng isang tingin at sila'y kaagad na pumasok sa loob ng nakatagong laboratoryo.

Tumambad sa mga nakaputing lalaki ang mga nakakalat na mga gamit at mukhang nagulo ang mga lugar. May mga makina ding sira sa gilid at may mga bakas ng dugo sa sahig. Lumuhod ang nangungunang lalaki sa sahig upang may pulutin dito. May kumikinang na bagay sa lupa, kaya't ito ang nakakuha ng kanyang atensyon. Isinuot niya ang kanyang mga gwantis atsaka iniangat ang bagay.

"Isang kuwintas, Sir Denoyv?" tanong ng isa sa mga kasamahan niyang lalaki. Ang disenyo ng kwintas ay bilog na may bituwin sa gitna. Mariin lamang ang tingin ni Mr. Antonio sa kuwintas. Nababasa ang Marc Denoyv Antonio sa name plate na nasa kanyang puting uniporme. Hindi nito maalis ang kanyang tingin sa bagay na iyon. "I need to identify what is this." bigkas niya at ipinasok sa isang platic bago itinago  sa kanyang bulsa.

Nagpatuloy sila sa paglalakad, patuloy lamang ang pagsunod nila sa lalaki. Nang mapasok nila ang isang kwarto, nakita nila ang isang bookshelf na bahagyang naka-usog at may liwanag na lumalabas rito. Papasok na sila nang magsalita ang isa sa mga lalaki. "Sir Denoyv, may isang file dito kung saan nakasulat ang mga imbensyon ni Mr. Solomon." saad nito. Lumapit si Mr. Denoyv atsaka ito tinignan.

"Relmet Gun, Jacket of Invisibility, Cloning Machines at Zombie Remote?" basa ni Mr. Denoyv sa mga pangalan. Ito ang nagbigay interes sa kanya upang ipagpatuloy ang pagbabasa. "Isang baril na nakakapaglusaw ng kahit anong bagay, Isang jacket na kapag sinuot mo'y magiging invisible ka, cloning machines na makakapagrelease ng dalawang bagay sa isang pagkakataon, at isang zombie remote na magpapabuhay sa mga clones kahit sila'y namatay na?"

"Sir! May lagusan po rito!" sigaw ng isang lalaki. Kaagad na nagtungo sila sa loob no'n. Natagpuan nila ang mga patay na mga extinct na hayop sa kanilang harapan. "I-Isang e-extinct na h-hippopotamus?" bigkas ng isa. Napatingin ang lahat sa direksyon na iyon. Marami pa silang nakitang mga extinct na hayop at mukhang nalusaw ang ilang parte ng katawan ng mga ito.

Napatid ang paglalakad ni Mr. Denoyv nang may masipa siya sa kanyang paa. Ito'y hugis baril at may trigger. "Ito na siguro ang tinatawag niyang Relmet Gun?" bigkas niya sa kanyang sarili. Mariin na sinuri niya ang bawat parte ng bagay na iyon. Ilang saglit ay itinutok niya ito sa isa mga estudyante niya. "S-Sir?" alalang bigkas ng isa sa mga ito.

Nang pinindot ni Mr. Denoyv ang baril, isang laser ang lumabas dito at tumama sa paa ng lalaki. Nalusaw ito at napa-luhod na lamang ito sa iniindang sakit. "M-Mr. Denoyv! Bakit niyo naman ginawa iyon!" bigkas ng isang babae. Napailing si Mr. Denoyv at napangiti sa bagay na iyon. "Sinubukan ko lang. Huwag kang mag-alala, Xavier, babalik din ang iyong paa mamaya, kapag napainom ko na sa iyo ang bago kong imbensyong gamot na may kakayahang magpatubo ng lahat ng natanggal o nabali sa iyong katawan." pagpapaalala niya.

"Ayos ka lang?" tanong ng babae. Hindi umimik ang lalaki, sa halip ay iniinda parin nito ang sakit. "Don't overreact, Keisha. You look like a girl crying over her lover." sabi ni Denoyv. Pumula ang mga pisngi ni Keisha. Tuluyan ng nawalan ng malay si Xavier. "Xavier! Gumising ka!" tapik ni Keisha sa pisngi ni Xavier. Hindi parin ito nagising.

Hindi na lang pinansin ni Mr. Denoyv ang mga nangyari at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod ang iba pa sakanya, maliban kay Xavier at Keisha. Sa isang kwarto, natagpuan nila ang isang naka-shut down na makina. Lumapit si Mr. Denoyv sa mga ito at hinawakan ang mga salamin. "So, is this it?" tanong niya. Patuloy ang pagkamangha niya sa mga makina.

Nagtungo siya sa mga operating machines atsaka pinindot ang isa sa mga button nito. Umilaw ang on atsaka nag-umpisang gumana mga makina. "Daevid, copy the files on the computer." bigkas nito. "Okay, sir." tipid na sagot ng binata atsaka na lumabas ng kwarto.

Papalabas na si Daevid nang salubungin siya ng mga pulis na naka-kayumangging damit. Lumapit ang mga ito kay Mr. Denoyv. Napatingala ang mga lalaki sa mga makina. "Ano ang mga ito?" tanong ng Colonel. Matagal bago sumagot si Mr. Denoyv.

"We don't know yet. We need to bring and analyze them in our laboratory. Mr. Colonel Santos, will you please assist us and bring them?" pagsisinungaling ni Mr. Denoyv. "Naiintindihan ko." bigkas ni Mr. Colonel Santos atsaka na siya lumabas upang tawagin ang iba pang kasamahan. Muling pinindot ni Mr. Denoyv ang isang button atsaka naman bumukas ang mga salamin na pintuan.

Ipinatong ni Mr. Denoyv ang Relmet Gun sa loob atsaka muling isinarado ang pinto. Pinindot niyang muli ang isang button atsaka naman naghintay sa mga mangyayari.

"Cloning Machine at operation, please wait." bigkas ng boses na nanggaling sa makina atsaka naman sila naghintay. Ilang saglit ay tumigil ito at may lumabas sa kabilang makina. Isa iyong Relmet Gun at kamukhang-kamukha ng desenyo ng baril na nasa loob ng cloning machine. Sa mga oras na iyon, may mga ideyang pumasok na sa isipan ng lalaki. Humalakhak nang napakalakas si Mr. Denoyv at takang pinagmasdan lang siya ng kanyang mga kasamahan.