webnovel

Epilogo

Huling Sandali

Epilogó

2 months later

"Becca, inayos mo na ba ang mga gamit mo?" tanong ni Mama. Napangiti lamang ako habang ipinapasok ang kanyang damit sa loob ng bag. "Opo, Ma. Nilalagay ko nalang ang ibang gamit ko po, Ma." sagot ko. Nag-iimpake na ngayon kami upang makauwi na kami sa probinsya, kung saan nakatira ang mga magulang ni Mama.

Ilang minuto ang nakalipas nang may marinig silang kumakatok sa pintuan. Napalingon ako sa direksyon ng pinto. "Becca, may tao yata sa labas. Buksan mo ang pinto." dinig kong sigaw ni Mama. Kaagad ay nagtungo ako upang alamin kung sino ang nasa likod ng pinto. "Good morning, Ms. Becca!" bati saakin ng gwapong nilalang na may dala-dalang boquet ng bulaklak sa kamay.

"Oh, Jack. Ikaw pala." sabi ko atsaka napangiti. "Becca, oh." abot saakin ni Jack ng mga bulaklak. "Becca, anak. Tatayo nalamg ba kayo diyan ng bisita mo?"

"Heto na po, papapasukin ko na po si Jack." sabi ko. Inaya kong pumasok si Jack atsaka naman siya idinala sa sala upang makaupo at makakain manlang ng merienda. "Bakit hindi ka pumasok? Madalas ka na yatang nagka-cutting class, Ms. Sungit." bigkas ni Jack. Itinulak ko ang kanyang balikat gamit ang daliri ko. "Baliw, hinde. Hindi ako pumasok para-"

"Becca, napasok mo na ba lahat ng kailangan mo? Huwag ka nang masyadong magdala nang maraming gamit. Ang importante lang ang dalin mo, ha?" sigaw ni Mama na nasa loob ng banyo at mukhang naliligo. "Opo, Ma." maikling tugon ko. Nagtungo ako sa kusina upang makakuha ng pagkain ni Jack.

"Aalis kayo?" tanong ni Jack. Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko pa nasasabi sakanya na aalis kami dito ng ilang buwan at doon muna maninirahan sa Nueva Ecija upang alagaan ang lola kong may sakit. "Uhm, oo, Jack." sagot ko. Naiilang ma sagutin siya. Natatakot sa magiging reaksyon niyan. Dahil baka hindi ako makaalis ng dahil sakanya.

"Saan ang punta? Sama ako!" sigaw ni Jack mula sa sala. Lumabas si Mama mula sa banyo at nakatali ang kanyang tuwalya sakanyang buhok. "Hindi mo pa sinabi sakanya, anak?" tanong ni Mama. Hindi ako nakasagot. "Sabihin po ang alin, Tita?" tanong niya naman.

"Hijo, aalis kami. Pupunta kaming Nueva Ecija upang alagaan ang Lola ni Becca na may sakit." sagot ni Mama. Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko. Nabitawan ko ang hawak-hawak kong kutsara may asukal. "Osiya, maiwan ko na muna kayo diyan, ha? Mamalengke lang ako upang mabilhan ng pasalubong ang lola mo." paalam ni Mama. With that, binuksan niya ang pinto at isinara, hanggang sa naiwan nalang kami ni Jack mag-isa sa bahay.

Kumakabog nang napakalakas ang puso ko. Hindi ko alam ang ikikilos ko. Pinulot ko ang kutsarang nahulog sa sahig. Idinala ko 'yon sa lababo atsaka hinugasan nang maramamdaman kong may pumalupot na kamay sa bewang ko. "Becca, b-bakit hindi m-mo kaagad sinabi?" tanong niya. Naririnig ko ang pag-sniff niya. "Balak mo bang umalis nang hindi nagpaalam?" Oo, para hindi ka masaktan.

"Becca, sumagot ka naman." bigkas niya. Naramdaman kong may tumulong luha sa pisngi. Nakaramdam ako ng basa sa balikat ko kung saan nakapatong ang ulo ni Jack. "I-I'm sorry, Jack." bigkas ko, tumatagas na ang mga luha sa pisngi ko. Sa loob ng dalawang buwan na nakalipas, madami akong mga masasayang alaala kasama siya. At hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ko siya makikita buong maghapon. Pero ang ilang buwan? Makakayanan ko ba?

"I l-love you." ani niya. Napangiti ako. Gustong-gusto kong sumigaw sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako. Pinalalukso nito ang aking puso, at hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya. "Ilang buwan kayo doon?" tanong niya. "Hindi pa ako sigurado, Jack. Depende kung gagaling agad si Lola." sabi ko. Nanatili kami sa posisyon na 'yon ng ilang minuto.

"Mahal kita, Becca." paalala niya. Napangiti niya muli ako. "Huwag na huwag kang magtatangkang mambabae, Jackques, babaliin ko lahat ng binti mo." sabi ko sakanya, pilit na pinapagaan ang sitwasyon namin. "Opo. Loyal po ako sainyo, Ms. Natividad. Dalawang buwan ko na po kayong liniligawan, kailan niyo po ba ko sasagutin?"

"Sa tamang panahon, Jack." sabi ko. "Hindi pa ba tama ang panahon?" tanong niya. Tamang-tama lang, aking mahal. Humarap ako sakanya. "Tigilan mona nga ang pag-iyak mo. Para ka namang namatayan." sabi ko habang ipinapahid ang aking daliri sakanyang mukha.

"Kailan ang alis niyo?" tanong niya. Nilagyan ko nang mainit ma tubig ang dalawang tasa. "Bukas ng hapon." tipid na sagot ko. Nakita ko siyang nagbibilang gamit ang kanyang daliri. "31 oras nalang kitang makakasama." sabi niya. Makakasama ko pa siya nang matagal.

"Aalis ka ba? Saan ka pupunta ngayon? Alis tayo mamaya?" tanong niya saakin. "Oo. Makikipag-usap ako sa bagong head ng school aasikasuhin ang tranfer files. Narinig ko papalitan daw nila ang head, sinong bago?" tanong ko.

"Hindi ako sure, eh." sabi niya. Pinunasan ko ang mga kamay ko sa towel atsaka idinala ang mga tasa sa mesa sa sala. "Huwag kang magmadale, Jackques. Mainit 'yan." paalala ko sakanya. "Ahhh! Ang init, ang init!" sigaw niya habang nakalabas ang dila at pinapaypayan ito gamit ang kanyang kamay. "Jackques, sinabi ko namang dahan-dahanin, minadali mo kasi." sabi ko naman.

"Ayos ka lang?" alalang tanong ko. "Nagbibiro lang po." bigkas niya. Pinalo ko siya sa balikat. "Jackques isa pang gawin mo 'yon, hahalikan talaga kita." Pagbabanta ko sakanya. He's not threatened, he's more eager na gawin ko sakanya iyon.

Matapos pa naming mag-usap nang matagal ay naubos na namin ang mga kape namin atsaka na kami nagtungo sa university upang mag-asikaso ng mga papel na may kinalaman sa pagta-transfer ko.

--**--

Nakatayo lamang si Mrs. Natividad doon, hinihintay ang sagot ng lalaking nasa harapan niya. Nanginginig ang kanyang mga kamay, hindi mapakali. "Maaari na po kayong pumasok." bigkas ng lalaki atsaka na siya nagpatuloy sa pagpasok. Doon ay nadatnan niyang nakaupo ang isang lalaking nasa kanyang mid-30's sa kabila at pumapagitan sakanila ang isang napakalaking salamin. May maliliit na butas sa gitna nito na nagsisilbing pasukan ng ingay na nanggagaling sa labas

"Hoy, Solomon. May bisita ka." sigaw ng guwardiyang pulis atsaka naman napalingon sa direksyon na ito si Mr. Solomon. Umupo si Mrs. Natividad sa harap ng salamin, at hinarap ang lalaki. "Aalis na kami." bigkas nito. Hindi magsalita pabalik ang lalaki. "Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa anak ko. Ni hindi mo manlang ba inisip na anak mo rin siya? Nagawa mo pa siyang saktan!" halos sigaw na bigkas ni Mrs. Natividad. Walang kibo si Mr. Erginald, nakatingin lamang sa kawalan.

"Isa lang ang anak ko. At iyon si Erzeclein." malamig na bigkas niya. Napangisi si Mrs. Natividad sa mga salita ni Mr. Solomon. "Wala kang kwenta, Erginald. Tama 'yan. Huwag na huwag mo na kaming babalikan ni Becca. Hindi mo manlang matanggap na patay na ang anak ng kabit mo. Hindi mo manlang maipakita saamin ng anak ko na minahal mo kami." sabi niya, medyo basag ang kanyang boses at naluluha.

"Si Erzeclein lang ang mahal ko. Wala akong pakialam." sagot ni Mr. Erginald na wala sa sarili. Sa inis ni Mrs. Natividad ay tumayo siya, iniiwan si Mr. Erginald sa harap ng salamin. Bago siya tuluyang umalis, isang mainit na luha ang tumulo sa kanyang pisngi. Mapait na pinunasan ito ni Mrs. Natividad. "Paalam, Erginald."

--**--

"Ano? Mag-ta-transfer ka?" gulat na tanong ni Ms. Dela Vara habang tinitignan ang mga papel na ipinakita sakanya ni Becca. "Opo, Ms. Vara. Ano po pala ang ginagawa niyo rito?" tanong ng dalaga sa mas nakatatanda. Napangiti si Ms. Dela Vara. "Kung kailan pa naman napagdesisyunan kong, ako ang pumalit bilang Head Teacher ng unibersidad na ito. Sigurado na ba kayo, Becca?"

"Talaga po? Congrats, Ms. Vara! Pero si Mama po kasi ang nagsabing babalik kami sa Nueva Ecija para alagaan ang lola kong may sakit. Pasensya na po kayo." bigkas ni Becca na nagkakamot. Nasa likod lamang niya si Jack, nakahawak ang kamay nito sa balikat ng dalaga. "Becca, maaari ba tayong mag-usap?"

"Sige po, Ms. Vara." tipid na sagot ng dalaga. "Kung pwede sana, tayo lang dalawa?" Napatingin si Ms. Vara sa binata, sumisimbolong iwan sila nito. "Ah, sige po. Becca, balikan kita." bigkas ni Jack atsaka na lumabas ng kwarto. Tumayo si Ms. Vara mula sakanyang swivel chair atsaka ipinakita kay Becca ang daan.

Nagtungo sila sa Dandelion Garden, kung saan bihira na lamang ang makikita mong Dandelion. Napatigil sila doon, atsaka naman sila umupo sa ugat ng puno. "Ang ganda ng lugar na ito, hindi ba?" tanong ni Ms. Vara. Tumango lamang si Becca, hindi parin mauunawaaan ang mga nangyayari. "Dito niya ako unang natagpuan." Napatingin si Becca sa matanda.

"Po?" takang tanong ni Becca. "Si Erginald, ang ibig kong sabihin." Tahimik lang na nakinig si Becca. "Nakaupo ako noon sa damo, habang pinagmamasdan ang ganda ng mga bulaklak nang bigla niya akong natagpuan sa lugar na ito. Ako lamang ang nakakaalam noon sa lugar na ito, kaya laking gulat ko nang mapadpad siya rito."

"Simula nung araw na iyon, araw-araw na 'din siyang bumalik dito. Ang buong akala ko nagkagusto siya saakin. Ginamit niya lang pala ako. Ang gusto niya lang mula saakin ay ang kapangyarihang taglay ko. Sa bawat panahong nagdadaan, hindi na siya interesado saakin. Interesado siya sa mahika ko."

"Isang araw tinanong ko siya kung may nararamdaman ba siya saakin. Hindi siya sumagot, sa halip ay itinulak niya ako at hinalikan. Nagtalik kami at ang naging bunga no'n ay si Erzeclein." Halos magulat si Becca sa mga narinig mula kay Ms. Vara. Gayunpaman ay nagpatuloy parin siya sa pakikinig. "Pero nung sumunod na araw, nalaman ko na lamang na may nililigawan siyang babae. Mas bata, mas maganda, mas matalino, at mas kilala sa buong unibersidad. Ang ngalan nito ay Teresita Natividad." Nanlaki ang mga mata ni Becca sa narinig. Kumakabog ng napakalakas ang kanyang puso.

"T-Teresita N-Natividad po? P-Pero 'yun po ang ngalan-" "Pangalan ng iyong ina. Nalaman kong siya ay may gusto sa iyong ina. Kaya sa halip na awayin o sunggaban ito, lumayo na lang ako. Pinabayaan ko na sila. Itinago ko ang pagbubuntis ko kay Erzeclein. Pero tama nga ang kasabihan. Walang sikretong hindi mabubunyag."

"Nang malaman po ni Mama na may anak si Papa sa ibang babae..." "Pinili 'din niyang lumayo. Hindi niya alam ang tungkol saamin ni Erginald. Itinago niya 'din ang katotohanan na anak ka 'din ni Erginald." Tumulo ang mga luha ni Becca sakanyang pisngi. "Ang ibig po bang sabihin nito, half sister ko po si Erzeclein?" Hindi sumagot si Ms. Natividad, sa halip ay ngumiti siya ng mapait kay Becca.

Napasandal si Becca kay Ms. Vara atsaka doon nilabas ang kanyang iyak. Pinatahan siya ni Ms. Vara. Inaya niya itong tumayo. "Siguro anak, kailangan nalang nating kalimutan ang mga nangyari sa nakaraan." bigkas niya. Iniharap ni Ms. Vara ang mukha ni Becca sakanya. "Huwag ka ng umiyak. Magiging ayos 'din ang lahat." Sa isang kumpas ni Ms. Vara sa hangin, umangat ang mga talulot ng bulaklak ng Dandelion sa hangin, muling bumagsak sa lupa, at tumubong muli ang mga bulaklak. Napaligirang muli ang unibersidad ng dilaw na bulaklak.

"Becca!" sigaw ni Jack, na mukhang kanina pa hinahanap ang dalaga. Napaharap ang dalawa sa direksyon ng paparating na binata. "Ang ganda po ng ginawa niyo, Ms. Dela Vara." papuri ni Jack. Napangiti lamang ito sakanya. "Sige po. Hanggang dito na lamang po siguro ang pag-uusap natin. Bukas na ang alis po namin."

"Gano'n ba, hija? Sige. Mag-iingat kayo." paalam ni Ms. Vara. Muli ay hiniling ni Becca na yakapin ang matanda sa huling pagkakataon. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na sila. Papalabas na sila sa unibersidad nang magsalita si Jack. "May pupuntahan tayo."

Upang pagaanin lalo ang pakiramdam ni Becca. Idinala siya ni Jack sa isang carnival. Doon ay nagpunta sa iba't ibang booths, sumakay ng iba't ibang rides, at kumain ng kung ano-ano. Abala sila sa paglalakad nang mapansin nila ang grupo ng mga magkakaibigang pamilyar ang mukha. "Tol!" sigaw ni Jack at humarap ang gwapong nilalang sakanya. "Oh! Isma!" sigaw ni Nath pabalik atsaka lumapit sa dalawa at nag-apiran.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Nath. "Ano 'din ang ginagawa niyo dito?" tanong pabalik ni Jack. "Hindi kami pumasok. Lumabas kami para mag-date ni Mikee." buong pagmamalaking bigkas ni Nath. Lumapit si Becca kay Mikee atsaka siya yinakap.

"Kami ni 'din ni Becca. Pinilit niya nga ako, eh. Ayokong lumiban pero nag-insist talaga si Becca." bigkas ni Jack. Napa-ubo si Becca sa mga narinig. "Wow, ha. Ako talaga ang namilit sa'yo, ha. Ako pala ang nagpumilit na pumasok sa horror house, tapos sisigaw-sigaw dahil nahawakan siya nung white lady." sarkastikong bigkas ni Becca. Natawa naman sakanya si Nath at Mikee.

"BTW, hindi ko pa nasabi sainyo." saad ni Becca. "Ang alin?" tanong ni Mikee sakanya. Nalungkot na naman si Becca dahil naalala niyang aalis sila kinabukasan. "Bukas na ang alis namin. Pupunta na ako sa probinsya ng lola ko."

"Ha!?" takang bigkas ni dalawa. "Becca, ba't ngayon mo lang sinabi. Edi sana nagkaroon tayo ng farewell foodtrip, lahat tayo kasama sina Lyneth." sabi ni Mikee. "Oonga, hays. Becca."

"Kaya nga sinusulit ko na ang oras, kasama siya." sabi naman ni Jack. "Ayy, dapat pala hindi namin kayo inistorbo. Sige na, Becca. Mauuna na kami. Mag-iingat ka bukas ha, Becca?" Yinakap siya ng mahigpit ni Mikee. Mamimiss nila si Becca, lalong-lalo na ng lalaking katabi niya ngayon. Kumalas na si Mikee sa pagkakayakap, habang naglalakad papalayo ay kumaway lamang si Becca sakanila.

"Dumako na tayo sa susunod na part?" tanong ni Jack sakanya. Napangiti lang ang dalaga sakanya. Inalukan siya ni Jack ng kamay. Masayang tinanggap ito ni Becca atsaka na sila tumakbo papaalis ng carnival. Sumakay na sila ng kotse ni Jack atsaka na sila umalis.

Matapos ang ilang minutong biyahe, tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking building. Si Jack ay anak ng isang mayaman na businessman sa bansa, siguro'y pagmamay-ari 'din nila ang building na iyon. Sumakay sila ng elevator atsaka nagtungo sa rooftop. Malapit nang lumubog ang araw. Masasaksihan nila ang isang napakagandang sunset.

"Jack..." Natigilan si Becca. Sobrang ganda ng nasaksihan ni Becca. Napakaganda ng araw habang lumulubog ito. Habang nakangiting nakamasid si Becca sa sunset, puno ng pagmamahal na pinagmasdan ni Jack ang kanyang sunset. Si Becca, ang nag-iisang taong lubos na minahal niya. "Becca..." bigkas niya sa pangalan ng dalaga. Humarap si Becca kay Jack.

"Will you be my girlfriend?" tanong ni Jack at ipinakita ang isang kahon na may singsing na nakaipit sa gitna ng foam. Kumakabog ng napakalakas ang puso ni Becca. Ito ay dahil sa kasiyahan. Ito ay dahil sa pagmamahal niya kay Jack. Hindi niya inaasahang magmamahal siya ng ganito. "I'll be your wife, instead." bigkas niya atsaka mahigpit na niyakap si Jack.

"I love you." bigkas ni Jack sakanyang likod habang tumutulo ang luha sakanyang pisngi. "I love you too."

Ngayon alam na ni Becca kung para saan ang mga naging karanasan niya mula sa nakaraan. Iyon ay para makilala niya ng lubos ang kanyang sarili. Matutunan na ang mga kaibigan ang nagdadamayan sa lahat ng oras. Matutunan ang magmahal, kahit sa oras ng kadiliman.

--**--

He was sat at the corner of the prison cell. Everything was still fresh in his memory. How he almost killed his own daughter. How he didn't save his own child. He himself became selfish. He did everything to resurrect his dead daughter, but he failed.

"The time has come." A voice whispered. He roamed his eyes around the cell, to find where the sound came. He was confused. He was afraid, frightened by the fact that he failed by saving his daughter. By not completing the curse of the class picture, he will face one condition.

"You didn't accomplished anything, did you, Erginald?" asked the voice. He shook his head. He repeated the words "I am not" over and over again. "You are a loser."

"A freak who believed he could do anything. But where are you right now?" teased the voice. It drives him nuts. He can't handle it. "I am no-"

"Your soul is mine to keep." And with that, he vanished. Completely leaving the prison cell empty, disappearing from the world. Muttering the three last words which eventually turned into a curse. I Am Not.

Wakas.

Siguiente capítulo