Isa Kang Makasarili
Ikalabing-dalawang Kabanata
Becca's POV
Nang bumagsak ang katawan ni Mikee sa kama, hindi ko na alam ang gagawin ko. Inalog siya ng mga kaibigan ko. Ano bang nangyayari sakanya? May kung ano bang elemento ang tubig kaya siya nagkaganto? Lumapit si Rinnah kay Mikee atsaka tinignan ang pulso niya. "Humihina na ang pulso niya." bigkas nito.
"Guys, ano ba? Ano nang gagawin natin? Hindi 'to pwedeng mangyari kay Mikee. Lalabas pa tayo dito ng buhay." Maging si Lyneth ay balisa na at hindi alam ang gagawin. Napahawak ako sa aking sintido upang makapag-isip. Unti-unti kong naalala na may dala pala akong vial sa bag!
Mabilis na kinuha ko ang kulay rosas na likido sa aking bag. Hindi alam ng mga kaibigan ko kung ano ang ginagawa ko. Si Rinnah lamang ang nakakaintindi saakin. Tinanggal ko ang takip nito atsaka akmang ibubuhos sa bibig ni Mikee nang pigilan ako ni Nathaniel. "Anong gagawin mo sakanya?" tanong niya. Mabilis kong tinapik ang kanyang kamay. "Dalian mo na. Wala ng oras. Mauubusan na siya ng hininga!" sigaw ko at hindi na naka-kalma dahil sa sitwasyon.
Lumapit ako kay Mikee, itinutok ang vial sakanyang labi atsaka ko iyon ibinuhos sa kanyang bibig. Iniangat ko ang kanyang ulo upang malunok niya ang likido. Habang unti-unting itong bumaba sakanyang lalamunan ay nasaksihan naming lahat ang pagkinang nito. "Anong..." Nathaniel trailed. Napatingin ako sa iba pa. Nakanganga ngayon sina Lyneth, Jerome, Ashley, at Jack. Si Rinnah ay normal lamang ang kanyang ekspresyon dahil nasaksihan na niya ako noon.
Unti-unting minulat ni Mikee ang kanyang mga mata. "Becca..." narinig kong bigkas niya. Yinakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kinailangan ko iyong gawin. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran, sinusuklian ang aking yakap. "Ano 'yung pinainom mo sakanya, Becca?" tanong ni Nathaniel. Hindi ko siya nasagot. Napaupo ako sa kabilang kama at hinarap si Mikee.
"Ayos ka lang? Anong pakiramdam mo?" tanong ko sakanya. "M-May l-lasa 'yung tubig." bigkas niya. Aling tubig ang tinutukoy niya? Ang ibinigay sakanya ni Lyneth? Napatingin kaming lahat kay Lyneth. "Anong nilagay mo doon, Lyneth?" tanong ni Rinnah. "H-Ha? Wala akong nilagay na kung ano. Kinuha ko lang ang tubig sa gripo!" bigkas ni Lyneth.
"Ano bang lasa ng tubig?" tanong ni Rinnah sakanya. "M-Mapait. Nang rumagasa ito sa lalamunan ko, uminit ang pakiramdam ko. Sumikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga." sagot naman ni Mikee. "See what happened? Sigurado ako, may ginawa 'yang si Lyneth." sabi ni Rinnah. Ikinagulat ko ang mabilisang pag-iba ng ugali niya.
"Ano bang sinasabi mo, Rinnah!" Hinarap niya si Rinnah. Pumagitan ako sakanila. "Tama na guys. Huwag tayong magsisihan. Baka hindi pwedeng inumin ang tubig sa mga faucet. Kaya siguro siya nalason." paliwanag ko. "So, ano nga ang pinainom mo sakanya?" tanong ni Nathaniel. Ang kulit talaga niya, akala ko makakalimutan na niya.
I sighed in defeat. "Isa iyong healing potion." sagot ko. "Healing potion? Ano ka, mangkukulam?" sabi ni Nathaniel atsaka tumawa ng malakas. Sinuntok siya sa tiyan ni Mikee atsaka naman siya natahimik. "Isa iyong abilidad matapos kong sumailalim sa pagsasanay."
"Tignan mo 'to. Abilidad amputek." bigkas ni Nathaniel at muling natawa. Sinamaan siya ng tingin ni Rinnah. "Mahirap ba ang pagsasanay na iyon? Sinong nagsanay sa'yo? 'Yan lang ba ang kaya mong gawin?" sunod-sunod na tanong ni Ashley. "What!? You really believe that girl!?" bigkas muli ni Nathaniel at tumawa ng malakas. Hindi ko lang siya pinansin at sinagot ang tanong ni Ashley.
"Oo, napakahirap ng pagsasanay. Hindi ko pwedeng sabihin dahil pinaalalahanan niya akong huwag. Hinde." sagot ko sa lahat ng tanong ni Ashley. "Sige nga. Kung may powers ka talaga, ba't hindi mo palutangin itong vase na nakapatong sa mesa?" Gustong-gusto ko siyang upakan. Pero hindi ko maiangat ang kamay ko para magawa ito.
"Wala akong telekenesis, Nathaniel." Ngumisi lang siya saakin. "Kitam? Wala ka naman palang katuturan, eh. Healing potion ka pang nalalaman. Baka gamot lang 'yan at tumalab dahil may asthma si Mikee." bigkas niya. "Hindi ko na alam kung sino ang papaniwalaan ko." sabi naman ni Ashley. Hinayaan ko na lamang siya sa kanyang walang sawang pang-iinis saakin. Matapos ang ilang minuto, natahimik muli kaming lahat.
Ilang saglit lamang ang nakakalipas nang may narinig kaming kumakatok na naman sa pintuan. Lahat kami'y napaatras.
"Guys! Let me in!" sigaw ng kumakatok sa labas. Lahat ay hindi sigurado kung pagbubuksan nila ng pintuan ang kumakatok. Tinignan ni Jerome ang misteryosong kumakatok mula sa bintana. Marahan niyang inilihis ang mga kurtina. Laking gulat niya nang makita niya kung sino ang kumakatok. Napa-upo siya atsaka nag-sign of the cross. Sino ba ang kumakatok?
"Please open up! I'm being chased!" sigaw ng boses. Napatingin kaming lahat kay Jerome. Lumapit sakanya si Lyneth atsaka niya ito hinayaang makatayo. "S-Si... S-Si..." nauutal niyang bigkas. "Sino!?" sigaw naming lahat. "S-Si Liza." bigkas niya atsaka siya napatakbo sa likuran namin. "Liza!? Hindi ba patay na si Liza?" nanginginig na tanong ni Ashley.
"Ano? Bubuksan ba natin o hindi?" tanong naman ni Jack. Saglit na natahimik ang lahat. Nagtungo si Jack sa harap ng pintuan. Isa-isa niyang binukas ang mga kandado. Pagbukas niya, nakita namin ang mukha ng isang taong nakasisigurado kaming patay na. "Guys!? What are you doing!? You want me to get killed by that psycho!?" sigaw niya. Walang sumagot saamin. Napaatras ang ilan saamin.
"L-Liza? Buhay ka?" tanong ko sakanya. Napakurap siya ng ilang beses bago nagsalita. "Sino bang nagsabing patay na ako? That stupid prank of yours na ipinaskil niyo sa bulletin board? Will you please get out of that sh*t." sabi niya. Puno parin kami ng pagtataka. "P-Paano 'yung bangkay na nakita namin doon sa gate? Hindi ba ikaw 'yon?" tanong ni Mikee kay Liza. Tumawa si Liza na ikinagulat namin.
"You can see me, right here, breathing, then y'all tell me that I'm dead? Wtf, are you telling me that I rose from the dead?" tanong niya. Napatingin kami sa isa't isa. "Then let's see what you're talking about. Puntahan natin 'yung harapan ng gate. I've been there. Nakabukas na iyon and all you need to do is get out of here." sabi niya.
"Tama ba ang narinig ko, Liza? Bukas na ang gate?" tanong ni Nathaniel sakanya. Ngumiti si Liza sakanya at tumango. May kakaiba sakanyang ngiti. Ito'y ngiting may balak. "Sasama na ako sa'yo, Liza. Hindi kasi ako makapaniwalang may mangkukulam dito..." Napatingin siya saakin. "May nagtatangkang manglason..." Itinuon niya ang kanyang tingin kay Lyneth. "At may sinungaling." sunod na sabi niya habang nakatingin saaming lahat. Hindi namin siya nasumbatan.
"Nath." Narinig namin ang boses ni Jack sa kauna-unahang pagkakataon. "Ano Mael? Nag-aagree ka ba sa sinasabi ko. Hin-" "Ibang-iba ka na sa Nathaniel na kilala ko. Ang Nathaniel na kilala ko may respeto sa babae at hindi basta nagpapaniwala ng walang sapat na ebidensya."
"Well, people change, bro." sagot niya. "And so, you are. A lot of change." "Hindi mo ako masisisi, Mael. The situation made it worst. At isa pa't nawala na ang loob mo saakin simula nang magkasama kayo ni Becca. Ano? Nalason na 'din ba ang utak mo sa babaeng 'yan!?" tanong ni Nathaniel. "Ano!? Inakit ka ba niya? Ginayuma!? HAHA, nakarinig ako ng umuungol nung minsan, binigyan ka ba niya ng saya? Niland-" Dumapo ang isang malakas na suntok sa mukha ni Nathaniel.
Dinakma ni Nathaniel ang kwelyo ni Jack. "G*go ka ba!?" sigaw niya. Akmang susuntukin niya si Jack nang matauhan siya. "Sige! Isuntok mo, g*go! Ang galing mo 'ding gumawa ng kwento, no!? Ang dapat sa bastos na bibig na 'yan sinisira!" sigaw ni Jack sakanya. "Tigilan niyo na 'yan. Jack, kumalma ka, please." sabi ko sakanya atsaka siya pinaupo.
"Huwag mo nga akong hahawakan! Baka kulamin mo ako, eh." Mayabang na bigkas niya. Tatayo na sana si Jack ngunit pinigilan ko siya.
"At ngayon sinusundan mo na ang sinasabi ng mangkukulam na 'yan." bigkas ni Nathaniel. Napahawak siya sa kanyang labi. Naramdaman niya ang kirot. Ilang saglit ay narinig namin siyang tumawa. "Sinong gustong sumama saamin ni Liza?" tanong ni Nathaniel. Nakita kong nagtaas ng kamay si Ashley. "Ayoko na talaga dito! G-Gusto ko ng m-makaalis." sabi niya, tumayo at naglakad palalapit kay Nathaniel.
"Who else?" tanong niya. Nagtaas 'din ng kamay si Rinnah. "Sasama ako. It's because I can't trust someone here anymore. Baka we're the next the victim. I have my dreams pa. Kaya gusto kong makalabas sa impyernong 'to." saad ni Rinnah. Wala na akong nagawa kundi yumuko, hindi ko siya mapigilan. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong sumunod sakanila. Ito na naman ang kutob ko na may mangyayaring masama. At sigurado ako sa nakita ko. Bangkay ni Liza 'yon at hindi ako maaaring magkamali dahil tandang-tanda ko ang damit at ang pulseras na suot niya.
"So... Hindi kayo naniniwala kay Liza?" tanong ni Nathaniel. Nakakapagtaka lang. Bakit ang tapang-tapang ni Liza ngayon? At kung nakaligtas siya, saan siya nagtago at bakit hindi siya nagpakita pagkalipas ng ilang araw? Ngayon, bumalik pa siya at sinasabing bukas na ang gate. Kahina-hinala talaga siya. Wala ng iba pang sumunod sakanila. "I don't care. If you want to die here, then you stay here. I don't need you all anyways." sabi ni Liza.
"Rinnah..." I let out. She gave me her last stare atsaka na siya lumabas. Sumunod na lumabas si Nathaniel at Ashley. Dahan-dahang isinara ni Liza ang pintuan at bago ito tuluyang nagsarado ay nakita ko siyang ngumisi. Lahat kami'y walang kibo. Jerome, Mikee, Jack, at Lyneth. Sila na lamang talaga ang mga taong naniniwala saakin.
--**--
Nathaniel's POV
"Saan ba dito ang daan papalabas?" tanong ko kay Liza. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at papunta kami ngayon sa labasan ng eskwelahang ito. Tama naman ang naging desisyon ko. Mas gugustuhin ko pang sumama kay Liza kesa sa makasama ko ang tulad ni Becca na may lahi yatang mangkukulam o ang sinungaling na si Lyneth. Hindi ko alam kung paano ako nagkagusto sa babaeng 'yon. Isa palang demonyo.
Narating namin ang gate. Nakasarado parin ito. "Halikayo dito." aya ni Liza. Binukas niya ang gate at himalang bumukas ito. "What are you doing there, come on!" aya ni Liza. Napaatras sina Rinnah at Ashley. "A-Ano bang d-dapat na ikatakot natin, guys? Si Liza naman 'yan, oh!" bigkas ko sakanila. Hindi parin maipinta ang mga mukha nila.
"Kung ayaw niyong lumabas, ako gustong-gusto ko. Kaya mauuna na ako sainyo." sabi ko sakanila. Una kong inilabas ang aking kanang paa, pero laking gulat ko nang makita ko si Liza na maitim ang kanyang mga mata at may hawak na kutsilyo. Napaatras ako na dahilan ng pagkatisod ko sa gate. Mabilis siyang naglakad saakin at tumalon sa tiyan ko at ang sumunod na nangyari ay naramdaman ko ang paglabas ng dugo mula sa tiyan ko.
Rinnah's POV
Halos mapasigaw ako matapos saksakin ni Liza si Nathaniel gamit ang kanyang kutsilyo. Ano bang nangyayari? "R-Rinnah, kailangan na nating tumakbo!" sigaw ni Ashley at nauna na saakin. Napagmasdan ko ang duguang katawan ni Nath. Nakaupo parin si Liza sakanya. Nakayuko ang ulo nito. Iniangat niya ang ulo niya at tumingin saakin. Nang mapatingin ako sa kanan ko, nakita ko ang imahe ni Ma'am Carmelita. Nag-umpisa na akong tumakbo papalayo nang marinig ko ang mga ungol ni Nathaniel.
"R-Rinnah. T-Tulungan mo ako." bigkas niya. Gusto ko siyang lapitan. Pero nasa harapan niya si Liza. Anong gagawin ko? Tumayo si Liza at papunta sa direksyon ko. Alam kong mabagal akong tumakbo at tiyak na mahuhuli niya ako kahit na tumakbo pa ako. Inilibot ko ang aking tingin. Nakita ko ang isang nakakalat na bakal sa lupa. Mabilis na tumakbo ako upang kunin iyon nang itulak ako ni Liza. "Nararapat lang na mamatay ka!" sigaw niya.
Pinigilan ko ang kamay niya. Itinulak ko siya ng dahilan ng pagkakaupo niya sa lupa. Mabilis na kinuha ko ang bakal, atsaka iyon mabilis na itinusok sa kaniya. Naipikit ko ang mga mata ko. Naramdaman ko itong tumagos sa kanyang laman. Tinanggal ko ang bakal na nakatusok sa tiyan niya. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang duguang katawan ni Liza. Nabitawan ko ang bakal.
"H-Hindi ko s-sinasadya. Liza, anong gagawin ko?" Iyinugyog ko ang kanyang katawan. Hindi ko aakalaing mapapatay ko siya. Anong susunod kong gagawin? "R-Rinnah..." Nadinig ko ang boses ni Nathaniel. Napatingin ako sa direksyon kung saan siya nakahiga. Nakita ko 'din ang papalapit na si Ma'am Carmelita. "Pasensya na, Nathaniel. Kailangan kong iligtas ang sarili ko. Paalam." bigkas ko.
Tumakbo na ako papalayo. Bago tuluyang mawala sa paningin ko ang duguang katawan ni Nathaniel at ni Liza, nakita kong binubuhat ni Ma'am Carmelita ang katawan nito. Tumakbo lamang ako ng tumakbo upang makabalik sa clinic at mailigtas ang sarili ko.