webnovel

Ikawalong Kabanata

Kakaibang Pakiramdam

Ikawalong Kabanata

Becca's POV

Pinulot ko ang larawang nahulog sa sahig. Isa iyong larawan ng Class 8 - A Batch of 2032 - 2033. Nalaman ko iyon nang suriin ko ang larawan at nakita ang nakasulat na date. Mayroong dalawampung upuan doon, labing anim ang may nakaupong estudyante at apat doon ay bakante. Ang tingin nilang lahat ay nasa camera at base sa nakikita ko sa mga ekspresyon nila, mukha silang takot.

Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko. Nakaramdam ako ng pangingilabot. Pagkatapos kong kunin ang mga softdrinks, mabilis kong nilisan ang lugar na iyon. Kumakabog ng malakas ang puso ko at pakiramdam ko ay may nakasunod sa mga yapak ko. Nakalabas ako sa madilim na lugar na iyon, at doon kolang napagtantong maling direksyon ang aking napuntahan. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakita ang guard house. Malapit na pala ako sa school gate.

Kaninang umaga ko pa iniisip kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga pangyayari kagabi. Ang pagkain nina Jerome ng mga pagkain at nakatulog. Ang mga nakita kong nag-iimpakeng mga media kagabe. Ang note na natanggap namin na mamamatay si Liza samantalang lahat kami'y magkakasama ng mga oras na iyon kaya't wala kaming mapagbintangan. Sino nga ba ang may gawa nito?

Hinayaan ko ang kuryosidad ko. Ito ang nagtulak saakin upang lumapit sa guard house upang itanong kung nasaan ang mga taong nagbabantay saamin. Nang makalapit ako ng tuluyan, sumilip ako sa bintana ng guard house. Nakaupo lamang ito sakanyang upuan. "Manong, saan po nagtungo ang mga media? Nag-iwan po kasi sila ng note sa kampo pero hanggang ngayon ay wala parin po sila." bigkas ko. Hinintay ko ang magiging tugon niya ngunit wala akong natanggap. Siguro'y natutulog na ito at ayoko naman siyang gisingin, kaya bumalik nalang ako sa kampo.

Nakabalik na ako sa lugar at mabilis na lumapit saakin si Jerome. "Saan ka galing? Bakit antagal mo?" tanong niya saakin. Hindi ba niya alam na inutusan niya akong bumili ng pagkain dahil naduduwag siya? "Becca, answer your boyfriend. Kanina pa siya nag-aalala dahil ang tagal mo nga." sabi naman ni Ashley. Lumapit ako kay Ashley, binigay sakanya ang pagkain niya atsaka ang credit card niya. "H-Hindi ko s-siya boyfriend." sagot ko naman atsaka iniwasan ang mga tingin nila. Napatingin ako kay Jerome at mukhang nag-iiwas 'din ito ng tingin.

Iniabot ko sakanya ang soda na pinabili niya. "Huwag kang mag-alala..." Napatingin siya ng daretso saakin. "Ayus lang ako." bigkas ko. Nakahinga na siya ng maluwag. Hinarap ko na muli ang mga kaibigan ko atsaka sinamahan sila sa pagkain. "Big news! Big news!" sigaw ng paparating na si Markie na may bitbit na papel. Nakuha niya ang aming atensyon.

"May bago tayong activity!" sigaw niya at pinakita saamin ang papel. "Andiyan na si Mr. Bang? Saan mo galing ito?" tanong ni Mikee kay Markie. Inilapag niya ang papel sa mesa atsaka humingang malalim. "Nakita ko lang, na nakadikit sa bulletin board." sagot niya. Napasinghal siya.

Kinuha ko ang papel at binasa ito upang malaman ng lahat ang susunod na activity. "Task two, Camp! Kinakailangang i-desenyo niyo ang ating kampo. You are being watched." 'Yun lang ang kabuuan ng note. "You are being watched na naman. Nakita kaya nila 'yung pag-aawayan ng tatlo?" tanong ni Ashley. Nagkibit-balikat si Jerome.

"Guys! Guys! Pumunta kayo dito, dali!" sigaw ni Rinnah at hindi ko inaasahan na sisigaw siya at gan'on kalakas ang kanyang boses. Sumunod kami sakanya hanggang sa marating namin ang harapan ng bulletin board at sa tabi no'n ay mga materyales. "The materials are here, so we have to work until midnight or else..." natigilan si Rinnah. Lumapit ang iba sa mga materyales upang makita nila ang mga ito, habang ako ay nakaharap lang sa note na nakadikit sa bulletin board.

Mabilis na kinuha ko ito at hinila si Rinnah papalayo sa iba pa. "Nakita mo diba?" tanong niya saakin. Tumango lang ako sakanya. "Anong gagawin natin? Kung isa sa kanila ang makakita no'n, tiyak na mapapamak siya." Nanginginig na bigkas ni Rinnah. "Hindi natin hahayaang mangyari iyon. Kailangan muna nating malaman kung nakanino ang larawan."

Nadatnan naming silang lahat na nag-uumpisa na sa paggupit ng mga papel. Nagkatinginan muna kami ni Rinnah bago kami umupo at sinamahan sila. "Gumupit kayo ng mga kakailanganing piraso ng papel para sa mga banderitas." utos ni Ashley. Sinunod lang namin ang sinabi niya.

Habang inaayos ni Markie ang mga papel ay may nadampot siyang isang piraso ng papel. Napatingin ako kay Rinnah. "January 2015?" takang basa ni Markie. Iniikot na niya sana ang papel upang makita ang larawan ngunit natigilan siya matapos naming sumigaw ni Rinnah. "Huwag mong titignan!" sigaw ko. Natawa lang siya saakin.

"Ano ba 'to? Para namang mamamatay ako 'pag nakita ko 'tong papel na 'to." biro niya habang pinagmamasdan ang likuran nito. Sa oras na tignan niya ang harap nito, siya ang tatanggap ng banta. "Kung ayaw mong mangyari ang sinasabi mo, huwag mong titignan." bigkas naman ni Rinnah. "Nagpapatawa ba kayo? Akin na nga 'yan, Markie!" Pilit na inagaw ni Mikee ang litrato ngunit tinago ito ni Markie.

"Naku-curious na ako kung ano ba ang hindi ko dapat makita. At gusto kong testingan kung mamamatay nga ba ako, tulad ng sabi ni Becca, sa simpleng pagtitig sa larawan na 'to." Wala na akong magagawa. Napaka-pasaway niya at ayaw nilang makinig. Alam kong hindi ako dapat nagpapaniwala at baka pranks lamang ang mga ito, pero ang kutob ko ang nagsasabing totoo ito at kailangan naming sundin.

Nanlaki ang mga mata ni Markie. "Hindi b-ba s-si Ma'am C-Carmelita yang nasa litrato?" sabi ni Markie na medyo kinakabahan at parang natatakot. "Ha? Patingin nga." Lumapit si Ashley sa litrato para makita niya ito. Halos magulat ito sa natuklasan. "O to the M to the G! Let's get outta here. It's getting spooky here." sabi ni Markie na hindi ko maintindihan kung natatakot ba o nandidire. Ang yabang-yabang niya kanina pero ngayon ay natatakot siya. Hindi ko naman nilalahat, pero ang tulad niya ay may mga katangiang mapagmataas.

"Huwag ka ngang OA diyan, Markie. Samahan mo nalang kaya si Liza matulog, no? Pareho yata kayong may sapi, eh." iritang sabi ni Mikee. "Ito namang si Mikee, hindi mabiro. Ginagaya kolang talaga si Liza, bakit ba?" Tumawa siya ng bahagya. "Ano na, Becca? Andito parin ako, buo parin ang katawan ko? What nonsense are you saying earlier?" sarkastiko niyang tanong saakin.

"Believe whatever you want. We need to finish decorating the camp bago mag-midnight. Or gusto niyong mangyari ang tinutukoy ko." sabi ko. "Are you threatening me? Siguro ikaw ang nag-note na mamamatay si Liza, no!?" sigaw niya saakin. Dumistansya ako ng kaunti sakanya. "It's Year 2043, guys. Wake up! Maraming species na ng mga hayop or the so called mga engkanto ang napapatunayang nag-eexist. Sa simpleng hindi niyo lang pagtitiwala sa bawat isa saatin, ikakapahamak natin. And watch your mouth, Markie. You've crossed the line this time." Sabi ko. Hindi na ako nag-iwan ng kahit anong salita kaya umalis na ako.

Nagtungo ako sa tent mag-isa. Muli ay may napansin ako sa bulletin board kaya nilapitan ko ito. Napasigaw ako matapos mabasa ang isang sulat na ipinahid gamit ang dugo. Mabilis na nagpunta silang lahat dito. "The thrill starts now. Escape or Die?" Nabasa nila isa-isa ang nakasulat sa bulletin board. Maya-maya'y narinig ko ang pagpalakpak ni Markie. "Congrats, girl. You scared us this time." Muli, isang sarkistikong pahayag na nagmula kay Markie.

"Ano?" Pumunta sa pagitan namin ni Markie si Jerome. "Tama na, guys. Baka kayo na naman ang susunod na mag-aaway." Awat saamin ni Jerome. Isang smirk ang natanggap ko mula kay Markie. Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na ako sa loob ng tent ko. "Mabenta ang prank ni Becca, ah? Tignan mo, oh. Takot na takot si Bebe Lyneth." Dinig kong bigkas ni Nathaniel. "Stop it. Immature jerk." Rinig ko 'ding bigkas ni Lyneth at pumasok 'din sa loob ng kanyang tent.

Narinig ko silang nagtawanan. "Since sabi ni Becca, minumulto na tayo, ineengkanto or whatsoever, sinong gustong mag-ghost hunting!" bigkas ni Nathaniel. Hindi ko nalang sila pinakinggan atsaka nagtakip ng tenga gamit ang mga unan.

Rinnah's POV

"I'm out." mabilis na pagtanggi ni Jerome at pumasok sa loob ng tent namin ni Becca. "Guys, mas mabuti kung sama-sama tayo. Huwag na kayong lalayo." paalala ko sakanila. Hindi naman sa takot ako pero ayaw ko namang maiwan dito, at isa pa, naniniwala ako kay Becca. Nakita ko siyang gumawa ng isang bagay na hindi makakayang gawin ng kung sino man, kaya baka totoo nga ang mga sinasabi niya.

"Si Rinnah, oh! Ang KJ." sabi ni Nathaniel atsaka pakunwaring nagdabog. Tinignan ko siya ng masama. "Tara, Nath. Tayo nalang ang mag-ghost hunting." aya ni Jack atsaka ngumiti ng nakakaloko. "Sama ako! Let's see if totoo nga ang sinasabi ni Becca. Pabebe lang naman 'yan. Weirdong babae. Sinong maniniwala sakanya, may pa-engkanto pa siyang nalalaman. Attention-seeker. Palibhasa walang kaibigan." pagpaparinig ni Markie. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang masumbatan. Dahil ba natatakot ako na baka mag-iba ang tingin nila saakin?

"Lahat ng hindi sasama, pumasok na kayo sa mga tent niyo at kung gusto niyo ay tapusin niyo ang walang kwentang task na 'yan." Nanatili kaming lahat saaming mga puwesto. Nakatayo ngayon sa harapan ng bulletin board ay sina Jack, Mikee, Ashley, Nathaniel, Markie, at ako. Kung sakali ay maiiwan sina Becca, Jerome, Lyneth, at Liza sa kampo.

"Tara na!" aya ni Nathaniel. Nag-umpisa na silang maglakad at sumunod lang ako sakanila. Bago pa man kami makaalis ay lumabas si Jerome at Becca sa tent. "Sasama na kami." bigkas ni Jerome. Nanatiling tahimik si Becca at nasa likod lang ni Jerome.

"Cool! Let's prove together na tama ang hinala mo, Becca. All we have to do is wait for 12 midnight to come." ani ni Nathaniel. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Inilawan ni Jack ang daan atsaka nakami umalis.

Becca's POV

Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nito pero simula ngayon ay tatahimik na lang ako. Hindi na ako makikipagsagutan sa mga taong hirap ang pag-intindi saakin. If they want things to happen, then I will let them. Sana lang ay hindi sila mag-sisi kung may mangyaring hindi maganda.

Patuloy lang ang pag-ilaw ni Jack sa daan. Maya-maya pa, may narinig kaming kumaluskos. Kaagad naman kaming nagdikitan at napahawak lang ako sa braso ni Jerome. Hindi sila natakot at dahan-dahang sinundan kung saan nagmula ang ingay.

Ilang minuto lang ang nakakalipas nang mawala ang mga kaluskos at narinig namin ang malakas na sigaw ng isang babae. Halos mabingi kaming lahat at napatakip ng tenga. Nang tumigil na ang pagsigaw, tinaggal ko na ang kamay kong nakatakip sa tenga atsaka nagmasid sa paligid. "What the f*ck is that!?" sigaw ni Jack.

"Narinig niyo 'yon 'di ba?" tanong saamin ni Ashley. Tumango lang ang iba ngunit hindi na ako nakasagot. "Guys, mabuti pang bumalik na tayo. Baka hinahanap na tayo nina Lyneth." alalang bigkas ni Rinnah atsaka na tumalikod para maglakad pabalik. Mabuti't nahimasmasan sila sa sigaw na iyon. Pero ako mismo, hindi ko mapigilan ang sarili ko na matakot at mangamba.

Nang makarating kami, isa-isa kaming umupo. Wala paring pinagbago ang buong paligid. Napatingin ako sa orasan ko at napagtantong eleven-thirty four na pala. Malapit na ang midnight. Sa oras na lumagpas na kami sa ibinigay saaming takdang oras ay nasa panganib na ang buhay ni Markie, at sa tingin ko'y hanggang ngayon ay ayaw parin niyang maniwala. "Rinig na rinig ng dalawa kong tenga. May sumigaw talaga." kwento ni Ashley.

"May tenga 'din kame. Narinig 'din namin malamang." sarkastikong sagot ni Mikee kay Ashley. "Teka lang guys, nasaan si Lyneth?" tanong ni Jerome. "Oonga. Si Liza lang ang nandito." sabi naman ni Markie matapos tignan si Liza sa loob ng tent na mahimbing ng natutulog ngayon. Nagkibit-balikat lang ang iba. Nasaan nga kaya siya?

Ilang saglit lang ay dumating si Lyneth, at kapansin-pansing pawis na pawis siya. Napatingin kaming lahat sakanya. "Saan ka galing, Bebe Lyneth?" biro sakanya ni Nathaniel. "W-Wala kang p-pakialam." bigkas niya atsaka na uli pumasok sa loob ng kanyang tent. "May ginawa ang babaeng 'yon." bigkas ni Nathaniel. Hindi na siya pinansin ng lahat.

"Guys, mabuti pang matulog na tayo. Bukas nalang natin ipagpapatuloy ang paggawa sa task natin." sabi ni Rinnah atsaka na pumasok sa aming tent. Isa-isa na silang pumasok sa kani-kanilang mga tent. "Pumasok ka na, Becca." aya ni Jerome. Umiling ako. "Mauna kana." sagot ko. Pumasok na 'din siya sa tent nila ni Markie. Nanatili ako sa labas, at linanghap ang sariwang hanging nagmumula sa mga puno.

Ilang minuto ang nakakalipas at may narinig akong lumabas sa kanyang tent. "Huwag mo na akong alalahanin, Jem. Pumasok ka na." bigkas ko at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Nabigla ako nang mapagtantong si Lyneth pala ang tumabi saakin. "Ikaw 'yon, tama ba ako?" tanong ko sakanya. Tumango lang siya saakin.

"Nararamdaman ko ang nararamdaman mo, Becca. Nagawa ko iyon dahil napaka-immature nila. Naniniwala ako sa mga sinabi mo." sabi niya. "Talaga?" tanong ko. Tumango siya at napatingin sa lahat. "I can't help to believe you, Becca. Medyo kakaiba ang mga pangyayari. May kakaiba 'din akong naramdaman, matapos mong magsalita kanina. At alam kong hindi mo naman iyon sasabihin kung hindi ka nagsasabi ng totoo."

"Tulad mo, malawak 'din ang pag-iisip ko. Madami ng nabago ang teknolohiya, at marami nading napatunayan ang tao. Sinasabi ko 'to hindi dahil masyadong malawak ang imahinasyon ko, kundi dahil walang imposible sa mundo." Kwento niya. Nakinig lang ako sa mga sasabihin niya. "Kaibigan mo ba si Rinnah?" tanong niya saakin. Tumango ako.

"I doubt it." tipid na sabi niya. Napatingin ako sakanya. "Kasi kahit andami ng sinabing masama sa'yo si Markie kanina, hindi ka niya nagawang ipagtanggol." sabi ni Lyneth. "May rason siguro siya." tugon ko. Siguro natatakot lang siyang magsalita dahil baka awayin siya ng lahat. Nakikita ko kasi sa mga mata niya na minsan na siyang nabigo.

"Ang sinasabi ko lang ay 'wag mong ibibigay kahit kanino ang kabuuan ng iyong tiwala. Baka sa huli, ikaw ang masaktan." paalala ni Lyneth saakin. Napatingala ako at pinagmasdan ang mga bituwin sa langit. "Matulog na tayo." aya niya atsaka na siya tumayo. Pinagmasdan ko lang siyang pumasok sa loob ng tent. Tumayo na ako at pumasok na 'din sa tent.

Tinitigan kolang ang mahimbing na tulog na ngayong si Rinnah. Sana mali ang iniisip ko. Sana mapagkakatiwalaan ko sila. Itinaas ko ang kanyang kumot atsaka inayos ang nagulo niyang buhok. Humiga na 'din ako pagkatapos.

Ang misteryosong paglikha ng head teacher sa event na ito. Ang kanyang pamilyar na mukha na nakita ko na noon sa kung saan. Ang pagkawala ng media kahapon. Ang note na nagsasabing mamamatay ang unang makakalabas sa bahay ng patintero. Ang mga bakanteng upuan sa Class Picture ng Class 8 - A Batch 2032 - 2033. Ang larawan ni Ma'am Carmelita (Isang psychotic na guro na pinatay at kinain ang laman ng mga biniktima niyang estudyante). At ang magiging kahihinatnan ng pagtitig ng unang biktima sa larawan nito. Ano nga ba ang ibig sabihin ng lahat ng ito?

Patuloy lang akong ginulo ng isip ko sa mga sunod-sunod na pangyayaring medyo kakaiba. Pinikit ko nalang ang mga mata ko atsaka sinubukang matulog.

Sa sobrang lalim ng pagtulog ko, nanaginip ako. Isang babae. Tumatakbo sa corridors ng university. Tanging bakas lang ng mga paang may dugo ang humahabol sakanya. Nagmamasid lang ako. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko.

Tumakbo lang siya ng tumakbo hanggang sa madapa siya. Mga kamay na may bahid ng dugo ang humawak sa kanya. Nang mahimatay ang babae, kinaladkad lang niya ito hanggang sa makarating sila sa isang classroom.

Isinandal niya ang babae sa upuan atsaka tinalian. Sunod-sunod lang na pagsigaw ang narinig ko. "Nasaan ang vial!?" sigaw ng nakakakilabot na boses. Hindi nakasagot ang babae sa sobrang takot. Pinaghahampas niya ito ng latigo. Patuloy lang sa pagsigaw ang babae. Napuno ng latay ang katawan niya, dahilan ng pagkamatay niya. Sumigaw ako ng tulong ngunit walang nakakarinig saakin.

Nagising nalang ako ng alugin ni Rinnah ang mga balikat ko. Salamat, at panaginip lang iyon. Akala ko totoo na. Pero, namukhaan ko ang babae. Kamukha ito ni Liza.

"Hoy, Liza! Gising na! Bumangon ka diyan at tumulong ka sa pag-aayos!" sabay sipa ni Markie kay Liza. Ilang beses niya itong tinawag sa pangalan pero wala siyang narinig na tugon. Mabuti nalang at hindi nagkatotoo ang mga sinabi ng mga note.

Umupo si Markie at lumapit kay Liza. Nang itaas nito ang kumot. Walang bakas ni Liza, kahit ang anino nito, ang nakita. Nagtinginan lang kaming lahat sa isat'isa. Para bang pinapahiwatig namin ang iisang tanong.

Nasaan si Liza?

Siguiente capítulo