Pamilyar Nga Ba?
Ikaapat Na Kabanata
"Uyy, Becca. Kausapin mo naman ako." pangungulit ni Jerome na kanina pa ako sinusundan. Hanggang dito sa cafeteria pinuntahan niya ako. Hindi tuloy maalis ang mga tingin ng mga tao saamin. Baka akala nila manliligaw ko si Jerome o boyfriend ko siya. Kahit anong pilit na pagpapalayo ko kay Jerome, ayaw niya akong tantanan.
"Ano bang kailangan mo, Jerome?" tanong ko. Itinago ko ang aking inis. Gustong-gusto kong magkaibigan, hindi ko 'yon maitatanggi. Pero hanggang ngayon ay natatakot parin ako. Dalawang pagkamatay ng mga kaibigan ko ang nasaksihan ko. Pero wala akong ginawa. Kaya ayokong maulit na naman ang nangyari sa nakaraan.
"Kaibigan mo'ko, Becca. Sinusubukan kolang namang mapalapit sa'yo dahil napansin kong wala namang lumalapit sayo." bigkas niya habang nagkakamot ng kanyang batok. "So, naawa ka sakin? Dahil ba wala akong kaibigan?" sarkastiko kong tanong sakanya. Tumalikod ako sakanya. Sinundan niya naman ako at muling humarap sa mesa. "Hindi naman sa gano'n. Interesado lang ako sayo, gusto ko lang namang naging magkaibigan tayo." bigkas ni Jerome atsaka pilit akong tinitigan sa mata kahit na iniiwasan ko ang titig niya.
"Madami namang iba diyan? Ba't ako pa ang napili mo." tanong ko sakanya atsaka na tumayo at binitbit ang bag ko. Ipinasok ko sa plastic ang kinakain kong burger. "Kaya tantanan mo na ako, kung ayaw mong may mangyaring masama sa'yo." tuglong ko sa sinasabi ko atsaka akmang aalis nang marinig ko siyang tumawa.
"Ha? Anong mangyayaring masama saakin. Nakikipagkaibigan lang naman ako." bigkas niya atsaka ngumisi. Naglakad na ako at naramdaman ko ang mga yapak niya na sumusunod saakin. "Kung ano man 'yon, hindi mo na dapat malaman. Dahil mapapahamak ka lang lalo." bigkas ko atsaka na nagpatuloy sa paglalakad. Hinayaan ko lang siyang sumunod saakin. May naisip akong puntahan para tantanan niya na ako, kaya binilisan ko pa lalo ang lakad ko.
"Becca, sandali." dinig kong sigaw niya. Pero huli na nang makapasok ako sa loob ng girl's bathroom. Sumulyap ako mula sa labas. "Ano papasok ka dito?" tanong ko sakanya atsaka ngumiti. Alam kong 'di niya magagawa 'yon at kung gawin niya man, isa siyang manyak. Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Humanda ka nalang sa susunod na klase mo. Umalis ka na Jerome. Hindi ako naghahanap ng kaibigan." sabi ko at pumasok na sa girl's bathroom.
Pagkapasok ko, doon ko lang napagtantong ako lang pala mag-isa dito. Naglakad ako papalapit sa salaminan at lababo. Naghugas ako ng kamay at pagkatapos ay tinignan ang sarili. Huminga ako ng malalim. Tama lang ang ginawa ko. Nararapat saakin ay walang kasama, dahil malas ako. Mapapahamak ang lahat ng taong makikipagkaibigan saakin.
Ilang saglit lang, habang hinihintay kong umalis si Jerome ay dahan-dahan akong naglakad papalapit sa labasan para tignan kung andito pa ba siya. Napangiti ako nang malaman kong wala na siya. Ilang segundo ang nakalipas at naramdaman kong lumamig ang presensya dito sa loob. Tumaas lahat ng aking balahibo nang marinig kong mag creak ang isang pintuan.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa pinto na 'yon. Naramdaman kong kumakabog ng napakalakas ang puso ko at hindi ko alam kung ano ang matatagpuan ko doon. Gayunpaman, hindi ako nagpatinag sa takot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Hahawakan ko na sana ang pihitan ng pintuan ng marinig ko ang malakas na kulog na nagpatalon sa akin ss gulat. Napahawak ako sa dibdib ko.
Narinig ko ang malakas na pagbuhos ng ulan mula sa labas. Wala akong dala-dalang payong. Kailangan ko na namang mabasa ng ulan. Tinanggal ko muna ang ibang bagay na nasa isip ko at itinuon ang atensyon sa isang cubicle. Muli kong pinihit ang door knob at pagkakataong ito ay nabuksan ko na ng buo pero wala akong nakitang kahit ano.
Paalis na sana ako pero nakarinig ako ng kumakalampag sa toilet. Nakatakip kasi ito kaya baka may kung ano ang nasa loob. Marahan kong binukas iyon at laking gulat ko nang tumambad saakin ang isang maliit na itim na pusa na basang-basa ang kalahating katawan nito. Kanina pa yata nito sinusubukang kumawala pero hindi siya makalabas dahil nanghihina na ito. May sumadyang nagkulong sakanya dito. Mga walang awa.
Hinubad ko ang aking blouse atsaka ginamit iyon upang mailabas ko siya at mapatuyuan. Nang tuluyan ko siyang mailabas ay pinunasan ko ito. "Kawawa ka naman. Sino bang nagkulong sayo doon?" tanong ko kahit alam kong 'di naman niya ako maiintindihan. Isang 'meow' lang ang natanggap ko mula dito. "Halika't dadalhin muna kita hanggang sa mainitan ka na." sabi ko atsaka siya binitbit.
Papalabas na ko ngunit naalala ko na naman na wala kaming payong. Baka pareho kaming mabasa ng pusa. Napatingin ako sa paligid upang tignan kung may malapit na silungan. Nang makakita ako, mahigpit kong yinakap ang blouse kung saan nakatakip ang pusa atsaka mabilis na tumakbo upang hindi ako lalong mabasa. Naramdaman ko ang putik na tumalsik sa aking mga paa.
Malapit na ako sa silungan ngunit bigla na lamang akong nadulas at hindi ko inaasahan ay may nakahila saakin. Una kong nasaksihan ang langit na natatakpan ng itim na ulap, ngunit mabilis 'din itong natakpan ng pulang payong na hawak ng kung sino. Mabuti nalang at hindi ako bumagsak sa maputik na damuhan. Itinayo niya ako.
Unti-unti kong naaninag ang mukha ng nakasalo saakin. Ang lalaking kanina pa nangungulit saakin. "Jerome?" bigkas ko. Napatawa siya ng bahagya. "Hindi ko naman inexpect na tatakbo ka sa ulan. Sasalubungin sana kita dahil alam kong wala kang payong. Eh, nagulat ako bigla kang tumakbo." kwento niya atsaka muling tumawa.
"Salamat." bigkas ko at inayos ang pagbitbit sa dala-dala ko. Napahawi siya sa kanyang buhok na basa 'din dahil naramdaman kong may tumalsik kahit konti. Medyo malaki ang bitbit niya payong kaya hindi kami nabasa. Siguro'y pangtatluhan ito. Naglakad na kami upang makasilong.
Nang matakpan na kami ng bubong mula sa malakas na ulan, pinagpagan ko ang aking mga paa dahil may ilang putik ang tumalsik rito. Iwinagay-way ko 'din ang aking mga kamay para matiktikan sa tubig. Nakita kong isarado ni Jerome ang bitbit niyang payong. "Naririnig kitang nagsasalita kanina sa banyo. May kasama ka ba?" tanong niya saakin. Umiling lang ako.
"Eh sino 'yung kausap mo?" tanong niya. Itinaas ko ang bitbit kong blouse at tinanggal ang pagkakatakip ng pusa. "Woah. Saan mo galing 'yan?" gulat na tanong niya atsaka hinimas ang ulo ng pusa. "May nagkulong sakanya sa banyo. Nakakaawa nga eh. Balak yata nilang patayin." saad ko habang mahigpit na isinarado ang aking mga kamao.
"Don't worry. Nailigtas mo na naman siya. Hayaan mo nalang ang mga iyon." pagpapakalma niya saakin at hinawakan ang braso ko. Ilang segundo akong napatitig sa kamay niya, pero agad ko iyon inalis nang magising ako sa katotohanan. Narinig ko siyang umubo bago magsalita muli. "Saan mo 'yan itatago? Alam mo namang bawal ang mga pagdala ng alaga sa loob ng eskwelahan.
"H'wag mong sasabihin sa iba ang tungkol sakanya, ha? Dadalhin ko muna siya saamin hanggang sa gumaling siya." sabi ko atsaka muling tinakpan ang pusa. Tumango lang siya saakin at nakita ko siyang ngumiti. "Bakit ba ngiti ka ng ngiti?" tanong ko sakanya. Umiling lang siya.
"Wala. You were so unique, kase. I like you." bigkas niya. Nagulat ako sa mga sinabi niya at napatingin sakanya. "I like your personality." pagtatama niya. Napakunot-noo lamang ako sakanya. "Okay. Salamat uli sa pagtulong." sabi ko sakanya. Nang maglakad na ako papaalis, bigla na lamang lumiwanag at tumila na ang ulan.
"Becca!" rinig kong sigaw muli ni Jerome. Humarap ako sakanya. "Anong sunod na klase mo?" tanong niya. "Chemistry, bakit?"
"Sabay na tayo." bigkas niya atsaka tumakbo papalapit sakin. Halatang-halata ang tangkad niya. Hanggang lips niya lang ako. Napakagwapo niya 'din kapag ngumingiti. Napangiti ako sa sarili ko. Siguro hindi ko na matataboy ang isang 'to. Kahit kasi paalisin ko siya, kukulitin niya pa 'din ako. Tatanggapin ko nalang siya siguro kung gusto niyang makipagkaibigan saakin. Gagawin ko nalang ang lahat para maprotektahan siya at all cost.
Sabay na kaming naglakad at pumasok na sa mga klase namin.
--**--
Pagpasok namin sa loob ng silid ay hindi matanggal ang mga tingin saamin ng aming mga kaklase. Gayunpaman, hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa upuan sa bandang likuran. Nakasunod lang saakin si Jerome. Nang umupo ako, nakatingin lang siya saakin at ginawa 'din ang ginawa ko.
"Oh? Baket? May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko sakanya dahil halos dumikit na ang mga mata niya sa mukha ko. Ipinatong ko ang blouse ko kung saan naka-tago ang puso sa ilalim ng upuan. Napa-iling siya sa tanong ko. "Ang ganda mo pala, no?" bigkas niya. Nakaramdam ako ng pamumula at nag-iwas ng tingin sakanya. "Since bestfriends na tayo, tawag ko na sa'yo ay Eka." dinig kong bigkas niya at nakatuon lang ang atensyon ko sa harapan.
"Eka? Ba't naman Eka?" takang saad ko. "Eka, as in Rebecca, Be-cca, Eka!" paulit ulit na bigkas niya sa pangalan at palayaw ko. "Eka? Hindi ba parang tunog kontrabida 'yun?" bigkas ko. Napaisip siya tuloy ng dahil sa sinabi ko. "Becca nalang, mas gusto kong tinatawag akong Becca. Actually, 'yun ang tawag saakin ni Ash—" naputol ang sinasabi ko. Napayuko ako. Naalala ko na naman.
"Ano 'yun?" tanong niya. Hindi ko inaasahan ay tumulo ang mga luha sa pisngi ko. "Uyy, napano ka? 'Di kita sinaktan, ha? Ni hindi nga kita hinawakan!" saad niya. Pinunasan ko lang ang mga luha ko. "'Di mo naman kasalanan 'yun. Anyways, bad vibes away, at baka may masamang elemento pa ang makapasok dito."
"Masamang elemento?—" "Wala kang narinig, okay?" sabi ko sakanya at mabuti nalang ay hindi na niya ako kinulit. Ilang saglit lang ay dumating ang aming propesor, atsaka na inumpisahan ang aming talakayan. Sa kalagitnaan ng pagtuturo ng aming guro at natigilan siya nang makarinig ng isang tunog. Lumakas ang tibok ng puso ko. Anong gagawin ko? Papaano kung makita nila ang pusa?
"Meow! Meow!" dinig kong paggaya ni Jerome sa tunog. "Is that you, Mr. Manalastas?" tanong ng propesor namin. "Don't talk to me, I'm a cat now." bigkas niya. Natawa naman ang mga kaklase ko sa narinig. "This stray cat will not get a mark from my class." mataray na bigkas ng aming propesor at naglakad na pabalik sa harap.
"Ma'am, I'm just kidding." bigkas ni Jerome. Natawang muli ang mga kaklase ko. "Well you're not a kid to be kidding, Mr. Manalastas. I want you to ge—" natigilan ang propesro nang magsalita ako. "Ma'am, there's someone behind the door." pagkukunwari ko. Nakasarado naman ito kaya baka makalusot ako. Naglakad ito papalapit sa pinto at laking gulat ng lahat nang makita ang aming Head Teacher na nakatayo ngayon sa harapan ng pintuan.
"Mr. Dimorsnol." the professor stuttered. Napadpad ang atensyon ng lahat sa pintuan. "Ms. Roque, Mr. Manalastas, and Ms. Natividad, will you please go to my office." Narinig ko ang pangalan ko. Marahan akong tumayo kasabay ni Jerome. "May I ask, Mr. Dimorsnol? What for?" tanong ng aming propesor.
"Tommorow is the start of 10-Day Camping, is that right, Mrs. Milagros?" Tumango lang ang aming propesor. "Will you mind your business, now?" nakakatakot na bigkas ng Head. Napayuko si Mrs. Milagros. "The three youngsters, follow me to my office." Naglakad na siya palabas ng kwarto at sumunod naman kami. Bago makaalis ay kumapit si Mrs. Milagros sa braso ni Jerome.
"We are not done talking yet." she warned. Napa-gulp lamang si Jerome. Sumunod na kami sa paglalakad papunta sa Head Teacher's office.
--**--
Nadatnan naming tatlo ang iba pang kasamahan para sa camping bukas. Nakapaikot ang mga ito sa table ng Head Teacher. Naglakad kami papalapit sa mga ito, ngunit ako'y naiilang pa kaya hindi ko sila masyadong napagmasdan ng maayos. Katabi ng Head Teacher ang assistant niyang lalaki. May hawak itong mga papel atsaka isa-isang ibinahagi saamin.
Inilibot ko ang tingin ko at masasabi kong magara ang lahat ng nandidito. Nakita ko ang makinang kamay na automatic na nagwa-wipe ng bintana. May mga nakita 'din akong frame at mga certificates. Mga trophies at iba panga napanalunan ng eskwelahan. Nakapatong sa isang mesa ang isang printer at nakakalat sa taas nito ang mga papel.
"That'll be the list of the materials you need to bring. No more, no less. Anything which aren't included in this list will be confiscated." sabi ng Head. Tinignan ko ang nakasulat dito.

"Is this all? How about make up, something the would make us blooming all the time. Aren't they allowed?" tanong ng isa sa mga kasama namin. Kung hindi ako nagkakamali ang pangalan nito ay Mark. "You may do so, Mr. Canasa." Saad ng Head. "Ayy, ang chaka naman ng Mr. Canasa. My name is Markie Josefina Canasa!" Seryosong tinitigan siya nito.
"I'm kidding, Sir. Okay, that's all." bigkas niya at naglakad na siya paatras. "Is that all? You don't have any questions?" walang nagsalita saamin. Napaharap saakin ang Head at pinagmasdan ako. Ngayon na mas malapitan, narealize ko na para bang familiar ito. Sino nga ba ang lalaking ito at bakit parang namumukhaan ko siya?
"Ms. Rebecca, do you want to ask something?" tanong niya. Nakita ko ang pagkaitim ng kanyang mga mata. Hindi ko padin maalala kung saan ko nakita ang mukha niya. "You will know my identity soon." Bigkas ng Head Teacher at nag-iwan ng isang smirk.