webnovel

Time attack successful!

Bago niya pa maitaas ang kanyang staff upang harangan ang atake ni Ye Song, ang dagger ay lumagpas na sa kanyang lalamunan.

Naging blanko ang kanyang mga mata at siya ay bumagsak sa lupa na walang anumang palatandaan ng buhay!

*DING*

[Nakakuha ka ng 2,000 Exp]

(00:51)

"Ngayon ikaw naman!" tumalikod si Ye Song at tumakbo patungo sa direksyon ni Berserker Kisig.

Naiintindihan ni Ye Song na wala siyang panahon para mag-isip dahil hindi niya makukumpleto ang quest kapag nagdalawang isip siya sa kanyang paggalaw.

Para makumpleto ito ay kailangan niyang ibigay ang lahat ng kanyang makakaya!

Namutla ang kutis ni Berserker Kisig nang makita niya si Ye Song na kumukurap-kurap ang katawan papunta sa kanya.

Dali-dali niyang itinaas ang kanyang espada sa pagtatangkang pigilan ang paparating na kalaban.

Ang dagger sa kamay ni Ye Song ay humiwa ng isang malawak na arko pagkatapos ay biglang nagbago ang direksyon sa kalagitnaan ng slash!

Ang greatsword ni Berserker Kisig ay tumama sa dibdib ni Ye Song. kasabay nito, ang dulong talim ng dagger ni Ye Song ay direktang tumama sa noo ni Berserker Kisig!

-9999

Ang effect ng [God's Blessing] ay na-trigger ginawang pag atake ni Ye Song.

Ang bibig at mata ni Berserker Kisig ay nakabukas habang nakatingin sa payat na everest guard na nasa kanyang harapan.

Hindi siya makapaniwala na mamamatay siya ng ganoon kadali!

(00:35)

*DING*

[Nakakuha ka ng 7000 Exp]

[Matagumpay ang Time Attack!]

[Nakakuha ka ng 150,000 Exp]

[Nakakuha ka ng 1,000 Heaven Coins]

[Nakakuha ka ng isang Title: Speed Demon]

(Agi + 5 , Dex + 5)

[Nakakuha ka ng isang bonus skill!]

[Backstab LV.5]

[Congratulations sa pag level-up!]

-

Nang makita ni Ye Song na nagtagumpay siya sa time attack quest ay naglabas siya ng isang malumanay na ngiti.

Habang siya ay nakakaramdam ng kasiyahan ay bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib.

Ngayon niya lamang napagtanto na siya ay tinamaan ng greatsword ni Berserker Kisig.

Mapait na ngumiti si Ye Song nang makita niya ito kaya naupo muna siya para magpahinga at pagalingin ang kanyang sugat. dahil sa aura ng god slayer, dahan-dahang gumaling ang sugat sa kanyang dibdib.

Hindi malalim ang sugat na ito kaya't naghintay lamang ng ilang minuto si Ye Song hanggang sa magsara ang sugat. nang mapansin niyang medyo ayos na tingnan ang kanyang dibdib, tumayo siya at tinawag si Kuchi.

"Hanapin mo kung saan nakakulong ang mga alipin" inutos ni Ye Song kay Kuchi.

"I'm on it, master!"

Tumango si Kuchi at umalis kaagad upang hanapin kung saan nakakulong ang mga alipin.

Nang nawala na si Kuchi ay lumakad si Ye Song patungo kay Wang Bao upang kunin ang susi sa kanyang bulsa.

Pagkatapos makuha ay hinanap niya ang food warehouse at dahan-dahang lumakad papunta dito.

Binuksan niya ang pintong nakasara at awtomatikong bumukas ang mga ilaw pagpasok niya sa warehouse.

Napapikit ng saglit si Ye Song dahil sa biglaang liwanag at pagkatapos makapag-adjust ng kanyang paningin ay hindi mapigilan ng kanyang mukha na magulat ng makita niya ang nasa kanyang harapan.

Hindi makapaniwalang pagkabigla ang sumulpot sa kanyang mga mata habang tumitingin siya sa paligid ng walang katulad na pagtataka.

Mga high quality meat ang naka-display sa isang freezer aisle!

Mayroong baboy, baka, manok, pabo at lahat ng uri ng karne ay naka-display sa isang hilera. ang mga top quality na halaman at pampalasa ay naka-display naman sa gitna ng bodega. ang lahat ng uri ng junk food at mga de-latang produkto ay nakadisplay rin. maliban sa mga iyon ay mayroon ding mga uri ng bitamina at toneladang mga produktong pangkalusugan!

Gulat ang nararamdaman ni Ye Song habang tumitingin siya sa kanyang paligid. ang mga bagay na andito ay naka-organize nang maayos. kung hindi mo alam na ito ay isang storage area, iisipin mo na ito ay isang grocery store!

"Napakaraming pagkain! ang bayan ko ay pwede nang mabuhay ng ilang taon sa lahat ng pagkaing ito hahaha!"

Si Ye Song ay hindi isang matuwid na binata at nabubuhay lamang siya para sa kanyang sarili at sa mga taong malapit sa kanyang paligid.

Kaya naman nang makita niya ang maraming pagkain na nasa kanyang harapan ay hindi niya ito bibitawan. lalo na kung ang lahat ng ito ay pagmamay-ari ng masamang tao.

Naglakad-lakad siya nang kaunti upang suriin ang laman ng bodega at pagkatapos niyang kumpirmahin ang lahat ng ito, hindi na inantala ni Ye Song ang mga bagay.

Sinimulan niyang kolektahin ang mga pagkain sa isang kapanapanabik na bilis at nilagay niya ito sa kanyang [Storage].

Kinuha din niya ang mga freezer para hindi na siya bumili sa [Item Shop].

Maingat niyang inilagay ang lahat ng pagkain sa kanyang storage at sa maikling panahon lamang ay nalinis na niya ang bodega!

"Hehe, sa dami ng mga pagkaing ito, makakakain na rin kami ng karne araw-araw!"

Labis na nasasabik si Ye Song sa kanyang puso. ang ngiti sa kanyang mukha ay mas nakasisilaw pa kaysa sa araw. ito ang unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon na nakakita siya ng napakaraming pagkain, lalo na ang mga karne.

Dati ay nasa mahirap na posisyon si Ye Song dahil sa pagsalakay ng mga halimaw. kailangan niyang maglakad ng isa hanggang dalawang oras upang makakuha lamang ng pagkain para sa kanyang pamilya at ang pagkain na palagi niyang natatanggap ay isang slice lamang ng karne at isang piraso ng tinapay.

Ngunit ngayon, dahil sa kanyang current supply ng pagkain sa kanyang storage ay hindi na ito magiging problema. sa wakas ay makakakain na rin sila nang hindi nag-aalala tungkol sa pagkain kinabukasan!

Pakiramdam ni Ye Song ay hindi totoo ang lahat ng ito. hindi niya akalain na darating ang araw na papatayin niya ang governor ng everest na nagpapahirap sa mga ordinaryong tao ng malnutrisyon at matinding gutom.

"Heh. ano kaya ang magiging reaksyon ng Rockcliffe Mansion kapag nalaman nilang nawala ang kanilang pinagkukunan ng pagkain"

*DING*

[Rob the Hood Completed]

[Nakakuha ka ng 10,000 Exp]

[Nakakuha ka ng Heaven Gift Box!]

[Nakakuha ka ng isang Title: Robin Hood]

(Dex + 1 , Int + 1)

[Nakakuha ka ng isang bonus skill!]

Pahinga muna ngayon. sama ng pakiramdam ko di ko madilat mata ko haha.

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts
Siguiente capítulo