webnovel

Sa wakas ay natagpuan na rin kita!

"This is amazing"

Namangha ang mga LEMONS sa mga pangyayaring nagaganap sa kanilang harapan habang si Ye Song ay mahinahon lamang na nanonood sa tuktok ng pader ng bayan.

Ang ilang halimaw ay nakalapit sa pader ng bayan ngunit nakaharap ng mga ito ang isang hindi matagos na depensa ng mga LEMONS kaya sila ay natalo sa ilang sandali lamang.

Sinubukan ng mga halimaw na umatras ngunit maraming nasawi sa kanila dahil sa paulit-ulit na pag-atake ng mga LEMONS. ilang hakbang lang ang kanilang nagagawa bago sila tuluyang mamatay.

Sa ilang sandali, ang mga bangkay ng mga halimaw na ito ay nakasalansan sa isa't isa at parang bumubuo ng isang malaking bundok ng mga bangkay.

Sa isang iglap lamang ay libu-libong mga halimaw ang namatay!

Nakaramdam sila ng tuwa nang matagumpay nilang natalo ang mga sumugod dahil alam nilang nakaligtas sila sa unang wave ng mga halimaw.

Ngunit habang sila ay nagsasaya, ang susunod na wave ng mga halimaw ay papalapit na sa isang kapanapanabik na bilis.

Nang makita nila ang mga ito ay nagsimula ulit silang makaramdam ng paninigas ng katawan.

Agad nilang inobserbahan ang pangalawang wave ng mga halimaw at laking gulat ang kanilang nadama.

Ang mga halimaw ay maingat na sumusugod papunta sa kanila. papalapit ang mga ito ng mabilis ngunit sila ay organisado.

Tumingin si Ye Song sa papalapit na mga halimaw at may napansin.

Mayroong tatlong tao na kabilang sa mga halimaw!

Ngunit naiiba ang mga ito sa karaniwang tao. mayroon silang katawan na katulad sa mga tao ngunit ang kanilang balat ay kakaiba. mayroon din silang ilang bahagi ng katawan na hindi mo makikita sa karaniwang tao kaya malalaman mo pa rin na sila ay mga halimaw.

Ang tatlong human-like monster na ito ay binubuo ng dalawang lalaki at isang babae.

Ang babae ay may maputlang balat at nakakaakit ng katawan. sa banayad na mukha at nakakaakit na katawan nito ay sapat na para sa karamihan ng mga kalalakihan na ipagsapalaran ang kanilang buhay upang makita lamang siya.

Mayroong isang bagay na espesyal sa babae na ito at yun ay mayroon siyang pakpak sa kanyang likuran na ginawa siyang katulad ng isang anghel!

Ang sumunod ay isang maliit na matandang lalaki. mukha siyang dwende na may apat na talampakan ang taas at mayroong magaspang na pulang balat. kapag tiningnan mo siya, pakiramdam mo ay binabangungot ka dahil sa pangit nitong mukha na puno ng kulugo.

Namangha si Ye Song nang makita niya ang mala-taong halimaw na ito!

Habang inoobserbahan niya ang alon ng mga halimaw ay binaling niya ang kanyang atensyon sa gitnang bahagi ng alon at doon ay nakita niya ang isang middle age man sa gitna ng lehiyon.

Sa isang sulyap lamang ay masasabi mo na siya ang nag-uutos sa mga halimaw!

Ngunit nang makita ni Ye Song ang lalaki na namumuno sa lehiyon ng mga halimaw, nakadama ng galit ang kanyang puso at namula ang kanyang mga mata.

Ang killing intent ay bumulwak sa bawat sulok ng kanyang katawan na balak durugin ang lahat ng kaaway sa kanyang paligid!

Ang middle age man na ito ay may matigas na pangangatawan at kulay violet na balat.

May balbas ang kanyang mukha at masasabihan mo siyang gwapo kapag nakita mo sya.

Ngunit hindi ito ang pinaka-kapansin-pansin tungkol sa kanya!

May isang bagay na nawawala sa kanyang mukha.

Wala siyang kaliwang mata!

Ang kanyang kaliwang mata ay may malalim na galos. maaari mong sabihin na ang peklat na ito ay nagmula sa isang pinsala.

Nang makita ni Ye Song ang violet middle age man na ito, Ang kanyang hangarin sa pagpatay ay umangat sa langit!

Nagpakita ang kanyang [God Slayer] aura ng buong lakas!

Ang aura ay sumabog sa kanyang katawan na naging sanhi ng pagkulog ng langit!

Ang eksenang ito ay para bang ang diyos ay nagalit at nagsimulang umungal sa itaas ng langit!

Ang pader ng bayan kung saan siya nakatayo ay nagsimulang manginig at magpakita ng mga palatandaan ng pag-crack.

Ang kapaligiran ay naging mas malamig at ang lahat ay kinilabutan sa kanilang gulugod.

Kahit na ang hangin ay nagsimulang bumigat na naging dahilan ng paghirap sa paghinga!

Tinitigan ni Ye Song ang violet middle age man at sinabi niya na may boses na puno ng galit.

"Sa wakas ay natagpuan na rin kita—— !!"

-

Nang makita ni Ye Song ang middle age man na halimaw na ito ay naalala niya ang mga eksena dalawang taon na ang nakakalipas.

Hindi niya makakalimutan ang hitsura na iyon kahit siya ay nasa anyong tao na dahil nakaukit na ito sa kanyang puso!

Ang kanyang ama na nagsakripisyo para sa kanila upang makatakas, ang violet na yeti na humila ng braso ng kanyang ama.

Ang mga mata ni Ye Song ay naglabas ng isang siksik na hangarin sa pagpatay habang ang aura sa kanyang katawan ay kumalat sa kanyang paligid.

"Sa wakas ay natagpuan rin kita, Yeti!"

Bumaba siya sa pader ng bayan at lumabas upang harapin ito.

Si God Yeti na nasa harap ng pader ng bayan ay tinititigan ang mga nasa loob ng may malamig na ekspresyon.

Habang nakatingin siya dito ay nakita niya ang isang binata na palabas ng gate.

Sinundan ng isang mata niya ang binata at nakita niyang naglalakad ito palapit sa kanya.

Naglakad siya nang kaunti at sinenyasan ang mga halimaw sa kanyang likuran na huwag umatake hanggat hindi niya sinasabe.

Hinintay niya ang paglapit ng binata sa kanya hanggang sa halos sampung metro na lang ang layo nila sa isa't isa.

Sandali silang nagkatitigan at pagkatapos ay tinanong ni God Yeti si Ye Song.

"Ikaw ba ang sumira sa base camp dito?"

Nang marinig ni Ye Song ang tanong ng Yeti ay sinagot niya ito ng isa pang tanong.

"Naaalala mo pa ba ako?"

Nagulat ang god yeti sa tugon na ginawa ni Ye Song kaya naman tinitigan niya ng mabuti ang binata sa kanyang harapan.

Kumunot ang kanyang mga kilay at pilit na inalala kung sino itong binata na ito ngunit hindi niya matandaan ang kanyang mukha.

Nang makita niya ang reaksyon ng yeti ay malamig na ngumiti si Ye Song dahil inaasahan na niya ang reaksyon na ito.

Pagkatapos ay nagsalita siya ng boses na naglalaman ng galit.

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts
Siguiente capítulo