webnovel

CHAPTER 53 – Long Distance  

V3. CHAPTER 19 – Long Distance

ARIANNE'S POV

"Aldred! Diyos ko! Bata ka! Anong ginagawa mo?!"

Napatakbo si Cheeky sa biglaang pag bulyaw ni Tita Cecil. Agad ding napatayo si Aldred mula sa pagkakasalampak niya sa sahig habang pinupunasan ko naman ang mga luha kong kanina pa hindi matigil sa pagtulo. Tulirong sumulyap si Aldred sa akin bago sa Mama niya.

"Mama. Ano po kasi- ano—"

Hindi matukoy ni Aldred ang sasabihin niya. Tinignan ako ni Tita. She has this sorry look on her face. Umupo siya at tumabi sa akin.

"Arianne anak, iha..." Kahit siya ay parang napapaisip. Linapat niya ang kamay niya sa balikat ko. Humihikbi akong nakatingin kay Tita bago ako tumayo. Ang dami kong nararamdaman pero isa lang ang nagingibabaw. Saglit kong nilingon si Aldred bago ako tumakbo paakyat sa kwarto ko dahil sa matinding kahihiyan.

♦♦♦

Dumiretso ako sa kama at nagtalukbong. Patay ang ilaw at madilim ang paligid. Malamig din kahit hindi ko buksan ang aircon. Wala ng tumutulong luha mula sa mga mata ko pero hindi pa rin ako natitigil sa paghikbi. Bukod sa normal na pagkumpas ng orasan ay isa ito sa maririnig na tunog sa silid ko.

Hiyang-hiya ako sa nadatnan ni Tita Cecil at Monique. Kaming dalawa ni Aldred sa ganoong posisyon at— at naghahalikan. Hindi ko maalala kung paano kami nauwi sa ganoon. Hindi ko alam ang pagmumukhang ihaharap ko sa kanila bukas... o sa mga susunod pang bukas.

Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto pero nilingon ko lang ito at hindi sinagot. Nang mawala ang tunog ay napatingin naman ako sa kisame at napatitig sa kawalan. Hindi ko alam kung segundo o minuto ba akong nakatulala hanggang sa kumurap ako at si Aldred ang agad nilaman ng utak ko. May galit akong nararamdaman at gusto ko mang isisi iyon sa kaniya ay hindi ko magawa.

Nag-aalangan kong idinampi ang kaliwang hintuturo ko sa labi ko at parang naging switch iyon upang malinaw na umulit sa isipan ko ang pangyayari. Nag-init ang pakiramdam ko at mabilis na tumibok ang puso ko.

I should really hate Aldred for what he did but a part of me doesn't agree. Somewhere inside my brain does not regret what happened.

Nahihiya ako pero hindi ako nagsisisi na nag-kiss kaming dalawa. Nagagalit ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay okay lang naman talaga yung nagyari kahit na hindi dapat.

Ang hindi ko lang maalala ay kung paano iyon nagsimula. Huling pag-uusap kasi namin ay ang tungkol kay Pristine.

"Nasisiraan ka na Arianne," nasabi ko na lang bago maagaw ang atensyon ko ng tunog ng cellphone. Kinuha ko ito at nang makita ko kung sino ay agad kong sinagot.

"Hello, Ma."

"Hello anak, magandang gabi sa iyo," masiglang bati ni Mama.

"Magandang umaga po ma. Bakit ka po napatawag?" tanong ko habang nakatingin sa orasan. 10pm sa Pilipinas ay katumbas ng 10am sa New York kung saan nagi-stay si Mama. Mga ganitong oras ay busy siya kaya agad naging isang katanungan sa akin ang pagtawag niya.

Tumawa siya pero hindi tuwa ang naramdaman ko sa pagtawa niya kundi pagka-ilang.

"Na-miss kita..." Mama blurted and something struck my head.

Kailan nga ba kami huling nag-usap ni Mama? 2 weeks ago? 3 weeks ago? Or a month ago? I roll to the other side of the bed. Hindi ko matandaan kung kailan.

"Hindi mo ba ako na-miss?"

Agad ko siyang sinagot.

"Huh? Anong klaseng tanong po 'yan ma? Siyempre na-miss kita," I answered with a smile on my face.

Of course, I miss my mom. I miss her... so much? I love my mom, there's no doubt about it but being able to grow up without her by my side feels like missing her is not normal.

Muli ay tumawa siya at ngayon ay dahil na iyon sa tuwa. I'm glad.

"Kamusta na ang baby ko? Okay lang ba na tumawag si Mama? Papatulog ka na ba?"

Umiling ako saka involuntary na napasinghot.

"Okay lang po ako. Nakahiga lang po ako sa kama pero hindi pa naman ako inaantok."

Muli ay napasinghot ako at napansin na ito ni Mama.

"May sakit ka ba anak? Bakit panay ang singhot mo?"

Napatigil ako saglit at napayakap sa unan na nasa tabi ko. Napaisip ako at hindi ko naiwasang malungkot. Kahit na tawag lang ang komunikasyon namin ni mama ay hindi ko ugaling magsinungaling sa kaniya. Mabilis kasi siyang makakutob at siguradong malalaman niya kaagad kapag nagsinungaling ako. Kapag nagsinungaling ako ay mapag-aalala ko lamang siya at ayokong mangyari iyon.

"Wala po akong sakit."

"Baka may allergy ka?" Nag-aalala na ang tono niya.

"Wala po."

Ayokong makapagsinungaling kaya't hanggang maaari ay maiksi ko lang siyang sinasagot pero dahil doon pala ay mas lalo lang akong naging kahina-hinala.

Narinig ko ang malalim na paghinga ni mama bago siya muling nagsalita.

"Ayaw mo bang makausap si Mama? Pasensya na anak a. Wrong timing ata yung pagtawag ko. Nakakaistorbo siguro ako."

Napabalikwas ako at mabilis na umiling kahit hindi niya naman ako nakikita. Hindi ko in-expect ang sinabi niya. Na-guilty ako sa reaksyon ni mama kaya't agad akong humingi ng paumanhin.

"Hindi po. Hindi ka po nakakaistorbo ma. So—Sorry."

Hindi agad nagsalita si mama.

Mahigpit akong napahawak sa kumot ko. Lumitaw sa isip ko ang sa tingin ko'y kasalukuyang facial expression ni mama. Lagpas kalahating taon na kaming hindi nagkikita at sa tono ng mga salitang binitawan niya ay alam kong nalungkot siya. Matagal ng malungkot si Mama dahil sa akin at ngayon ay dinagdagan ko nanaman ang bigat ng nararamdaman niya.

Napakagat ako sa labi ko, "Mama so—sorry,"

"Okay lang anak..."

Mapait akong napangiti.

Bata pa si mama nang ipagbuntis niya ako. 23 years old siya noon at biglaan lang kaya hindi siya handa. Tila nga isang shotgun marriage ang nangyari sa kanila ni papa at naging malaking isyu ang pag-iisang dibdib nila dahil pareho silang nagmula sa magkalaban na angkan. Though kagustuhan din ni papa ang nangyari ay naging mahirap iyon para kay Mama.

Dumaan ang pamilya namin sa malalaking pagsubok. It costs a lot for both families- Arevalo and Fernandez. Lahat ng pinaghirapan ng kanunu-nunuan nila ay nawala. Masakit pero afterall lahat ng iyon ay materyal lamang na bagay. Maaaring maibalik kapag pinaghirapan. Hindi katulad ng alaala, ng pakiramdam at emosyon. Nabubura pero walang kasiguraduhan ang pagbalik. Tatatak at hindi na malilimot.

Wala pa akong masyadong kamalayan noon pero bilang isang bata ay lahat ng nakikita ko ay tumatatak sa akin at huli na ng mamalayan nilang bukod sa yaman ng pamilya ay pati parte ng pagkatao ko ang nawala.

6 years old ako noong una akong magka-amnesia. Nag-aaway noon si mama at papa then suddenly hindi ko ma-take lahat ng narinig at nakita ko. Nagdilim ang paningin ko at bigla na lamang akong hinimatay. Pagkagising ko ay wala akong maalala. Though short term lang naman at nabalik rin ka agad ang memorya ko ay naging kabaha-bahala ito lalo na at umuulit. Sa bawat pag-ulit ay ilang alaala ang permanenteng nawala na sa kaisipan ko.

Malapit ako kina mama at papa ngunit kapag nakikita ko sila ay bigla na lamang may mga alaalang lumolobo sa utak ko. Lolobo at lolobo hanggang sa parang sasabog na at kapag sumabog ay bigla na lamang akong mapupundi.

Dahil sa kondisyon ko ay hindi naging normal ang paglaki ko. Kapag nalalagay ako sa mga hindi komportableng sitwasyon ay agad naninikip ang dibdib ko, nahihirapan akong makahinga tapos bigla akong mahihimatay. Kapag nagising ako ay burado na ang ilan sa alaala ko.

Pinatingin ako ng mga magulang ko sa isang psychiatrist at simula noon ay dumaan ako sa maraming therapy sessions. Ayon kasi sa doctor ay nagkaroon ako ng trauma. These past years ay masasabi kong nag-improve na ako. Mga halos tatlong taon na ang lumipas mula ng huli akong magka-amnesia at tanging anxiety na lamang ang madalas kong nararamdaman.

Alam kong mahirap para sa mga magulang ko ang nararanasan ko. Alam kong sinisisi nila ang sarili nila kaya kahit masakit ay ginawa nila ang makakabuti sa akin at isa roon ang paglayo.

♦♦♦

Ngayon ay tumawag si Mama pero mas iniisip ko pa si Aldred. Tumawag si Mama dahil na-miss niya ako at ibig sabihin ay gusto niya akong makausap.

Bumitaw ako sa kumot na kanina ko pa mariing hinahawakan.

"Ma, kamusta po kayo?" tanong ko. Isinantabi ko ang pag-iisip kay Aldred at mas itinuon ko ito kay mama.

"Okay naman ako anak. Nag-postpone ako ng meeting kaya nakatawag ako sayo ngayon."

"Eh? Hindi ba magagalit yung mga ka-meeting mo ma?"

"Internal meeting lang naman 'yon. Subukan nilang magalit alam na nila mangyayari sa kanila."

Muli ay ramdam ko ang genuineness ng tuwang nararamdaman ni Mama.

"Whew, scary," impit akong napahagikgik, "Matigas pa po ba ang ulo ni Maru ma?" sunod na tanong ko.

"Oh, not anymore. Medyo nagma-mature na ang kapatid mo. Anyway, did he contact you? Sabi niya kasi sa akin gusto niyang dalawin ka bago mag-start ang school year nila."

"Ah talaga po? Bukod sa mga kalokohan na memes na tina-tag niya sa akin. Wala naman po siyang nasabi."

"Ganoon ba... oh my, hindi kaya balak niyang i-surprise ka? Naku, magpanggap ka na lang anak na wala akong nasabi sayo a."

Napahagikgik ako.

"Opo ma, sige po."

"Anak, si papa mo ba? Kailan kayo huling nakapag-usap?"

Napaisip ako at inalala kung kailan nga ba. Bumalik ako sa pagkakahiga at napatingin sa kisame.

"Bago magpasukan?" I replied unsurely then laughed awkwardly, "Pero pinapadalhan naman po ako ni papa ng mga souvenirs and specialties ng mga pinupuntahan po niya. May mga nakalakip pa nga pong letters at kinikwento niya yung mga ginagawa niya..." dagdag ko.

"Ganoon ba..." tugon ni mama na may hint ng pagkairita.

Sa kanilang dalawa ay si papa ang mas naapektuhan ng kondisyon ko. Sinisi niya lahat sa sarili niya ang nangyari at dahil doon ay lumayo siya sa akin. Ginugol ni papa ang panahon niya sa pangarap niya na maging isang guro. Nagtuturo siya sa mga liblib na lugar kasama ng binuo niyang grupo ng mga voluntary teachers. Ayon sa kaniya ay ito ang way niya para mapatawad ang kaniyang sarili.

Minsan akong na-interview sa isang school na pinasukan ko dati about sa abnormal na set-up ng pamilya ko. Tinanong ako ng guidance counselor kung anong nararamdaman ko, kasi di ba laganap na nagrerebelde yung mga bata kapag hindi nila kasama ang parents nila. Well, since hindi naman ako lumaking normal ay never naging kwestyon sa akin kung bakit iyon ginagawa ng mga magulang ko.

"Ma, okay lang 'yon. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi ako madalas kinakausap ni Papa,"

"Papagsabihan ko 'yang papa mo. Lagot siya sa akin."

"Huwag na ma."

"Ay ewan," she groaned.

Nag-usap pa kami ng ibang mga bagay. How was school? How is our school festival? Kamusta si Tita Cecil?

"Ang bait niya po ma... Lagi niya nga po akong kinakamusta. Tinatanong niya po kung may kailangan ba ako... Kung okay ako etc."

"Really? I'm glad, at least Cecil can replace me as your mom."

"Ma!"

Tumawa siya.

"Oh, kung alam mo lang anak. Lahat kaming magkakaibigan ay si Cecil ang takbuhan noong kabataan namin. Parang siya ang nanay ng grupo. Understanding, caring, gentle, smart... bonus na nga lang na maganda siya."

"Oo nga po ma, ganoon nga po siya kaya hindi ko nadama kahit kailan na iba ako dito sa pamamahay po nila…"

"That's good."

Saglit ay pumagitna ang katahimikan sa pagitan namin ni mama at dahil dito ay narinig ko ang mga bagay na mga napapakinggan niya. Isang musical piece galing sa music box ang kasalukuyang tumutugtog. Nakakarinig din ako ng mga kaluskos ng papel pati na tipa ng keyboard. Mahilig si mama sa musika at nagiging mas produktibo siya kapag nakakapakinig siya ng mga tugtugin habang nagtatrabaho.

"Ma, ano...mahal po kita. Kahit na ganito tayo. Kahit na hindi ka katulad ni Tita Cecil. Hindi mo po kailangan maging katulad niya para maging best mom para sa akin."

Bumalik kami sa pag-uusap.

"Anak..." I heard her sniff, "Salamat," dugtong niya.

"Ma, hindi niyo man po ako nabigyan ng normal na buhay pero nabigay niyo naman lahat bilang isang magulang sa akin. More than that pa nga and I couldn't ask for more. I know how much you and papa sacrificed for me... how much you've been hurt. Mahal na mahal ko po kayo ni Papa at naa-appreciate ko po lahat nang ginagawa niyo para sa akin."

"Basta para sa iyo anak. Gagawin namin lahat ng papa mo."

"Salamat po ma."

"Anak, ang bilis ng panahon... from my baby Arianne, so cute and fluffy then now you are graduating highschool. Soon to graduate also from being a teenager. Arianne, I'm really proud of you. Kahit wala kami sa tabi mo nakikita namin ni papa mo kung paano ka mag-blossom into a fine young lady. Sabihin mo lang sa amin anak kung ano ang mga gusto mo a... We trust your judgement and decisions. Susuportahan ka namin sa lahat nang gusto mo."

Napaisip ako bigla sa sinabi ni mama. Sabi niya kasi ay susuportahan niya ako sa lahat ng bagay. Never akong nagkwento kay mama tungkol sa mga suitors ko. Nakakahiya naman kasi. Pero ngayon ay gusto ko talagang magsabi sa kaniya. Sa tingin ko kasi'y mas malilinawagan ako kapag si mama ang makakausap ko tungkol sa pag-ibig.

Nag-isip ako ng ilang ulit hanggang sa pumasok sa isipan ko kung may nasabi kaya si Tita Cecil sa kaniya tungkol sa amin ni Aldred.

"Mama, ano... ki—kilala mo po ba yung mga anak ni Tita Cecil?" Pa-curious kong tanong para ma-open up ang topic.

"Oh, yes naman. Si Aldred saka si Monique. Pareho silang modelo ng Mari. Kung matatandaan mo lang anak, kababata mo si Aldred."

"Nabanggit nga po ni Tita. May pic nga raw po kami na magkasama though baby pa siya noon kaya siguro hindi ko talaga matatandaan."

Tumawa si Mama.

"Nakikipaghalubilo ka ba sa kanila anak? Maayos ba ang pakikitungo ng mga anak ni Cecil sa iyo?"

"O—Opo."

"Anak, gwapo si Aldred ano?"

Nagulat ako sa sinabi ni Mama.

"O—Opo," nasambit ko tuloy ng bigla. Muli ay nakarinig ako ng tawa ngunit tila pigil ito.

"Ma, may nasabi po ba sa inyo si Tita Cecil?"

"Huh? Wa—Wala. Ay ano, tungkol saan ba?"

Sa sagot niyang iyon ay sinagot niya na ang tanong na umiikot sa isipan ko. Dinig ko ang tono ng pagsisinungaling ni mama. Kung kilala niya ako ay kilala ko rin siya. Madali lang sabihin kapag may pinagtatakpan siya.

"Ma?!" I whined and she giggled. Bumalikwas ako at napanguso na lang.

"Anak, sige na a, bye bye na si Mama. May kailangan akong i-meet e. Basta anak a, bata ka pa pero di naman kita pinagbabawalang mag-boyfriend. Enjoy your life. Good night."

"Ma!"

Sa isang iglap, without vocally answering my question ay nawala na siya. Napabuntong hininga na lamang ako. Ibig sabihin ay may alam si mama at parang ine-encourage niya pa ako. Kaya pala wala rin masyadong nasasabi si Tita Cecil.

Naramdaman ko tuloy ang biglaang pag-init ng pisngi ko.

"So ibig sabihin, o—okay lang pala na maging kami ni Aldred," sabi ko sa sarili ko. Bigla ay isang malinaw na imahe ni Aldred ang lumitaw sa isipan ko.

"I love you,"

Biglang nag-pop out sa isipan ko ang malalim na tinig dahilan para gustuhin kong i-suffocate ang sarili ko gamit ang mga unan sa tabi.

Bumalik ako sa pagkakahiga.

Sa saglit lang naming pag-uusap ni Mama ay nagawa nitong mapagaan ang pakiramdam ko. Iba talaga kapag kahit boses lang ng magulang ang naririnig. Kahit hindi ko nasabi sa kaniya ang pinoproblema ko ay sapat na ang tinig niya para maaalis ang pag-aalala ko sa mga bagay-bagay.

"Mama, honestly something is happening inside of me... It's kind of conflicting and it is something that I can say is new. I have a feeling that once I surpassed this then I can surpass anything. I can't tell it to you right now but one day in the future, because of this I will surprise you and Papa. One day in the future magkakasama-sama na tayong buong pamilya," masaya kong sabi sa sarili ko before I am interrupted by an incoming call from no other than Aldred.

Napatitig lang ako sa screen ng cellphone ko hanggang sa tumigil ang pag-ring nito.

Balak ko talagang sabihin kay Aldred ang kondisyon ko pero napagdesisyonan kong huwag na lamang dahil nakaraan na naman iyon... saka baka mag-iba ang tingin niya sa akin at isipin pa niya na-weird ako.

Muli ay tumawag si Aldred pero hindi ko parin siya sinagot. I know na magso-sorry siya tapos hihintayin niya kung ano yung itutugon ko. Ang problema ay hindi ko alam ang itutugon. Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya kaya di ko siya sinasagot yet I've waited pero nasaktan ako ng hindi na iyon nasundan pa.

Tumunog muli ang aking cellphone pero dahil na ito sa text.

ALDRED: Arianne, sorry sa nagawa ko. Sana mapatawad mo ako. I know this text message is not enough kaya sana magka-usap tayong dalawa bukas. Good night.

♦♦♦

Siguiente capítulo