webnovel

CHAPTER TEN

BUONG ARAW na nakatingin sa kanyang laptop si Marie. Pinilit niyang mabuhay ng normal pagkatapos nilang maghiwalay ni Kurt. At kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. She started working again. Sa cake shop niya ibinuhos ang oras para makalimot. Patuloy pa rin si Kurt sa pagsuyo sa kanya at hinayaan na lang niya ang binata. Alam niya na hindi ito titigil. She expects him to be mad at her after what she said but it didn't happen. Hindi daw ito naniniwala sa sinabi niyang hindi niya na ito mahal.

"Ma'am, hindi niyo pa po ba kakausapin si Sir Kurt," tanong ng assistant niya na si Jasmine.

Napatingin siya sa table ni Kurt di kalayuan sa kanya. Nagtagpo ang mga tingin nila ngunit siya ang unang nag-iwas. Hanggang ngayon ay hindi niya kayang salubongin ang tingin ng dating nobyo.

"Kawawa naman si Sir Kurt. Araw-araw po siyang nandito para kausapin po kayo."

Hindi siya umimik. Napabuntong-hininga siya sa sinabi ng assistant niya. Muli siyang napatingin kay Kurt. Kanina pa ito naruruon, mula ng bumukas ang shop niya kaninang umaga. Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa ngunit pagkalipas ng ilang oras ay makita niya ang sarili na naglalakad palapit kay Kurt.

"You should leave," sabi niya pagkatapos mailapag ang isang tasa ng kape sa table nito.

Natigil si Kurt sa ginagawa nito sa laptop at napatingin sa kanya. Nakita niya ang malungkot na kislap sa mga mata nito.

"Marie..."

"Inumin mo iyan at umalis ka na." Walang emosyon sabi niya rito.

Hindi nakapagsalita si Kurt. Nakita niya ang pagrehistro ng sakit sa gwapong mukha nito. Naramdaman niya ang pagtusok ng isang matalim na bagay sa puso niya. Tinalikuran niya ito at pumasok sa loob ng kanyang opisina. Inabala niya ang sarili sa mga papel na nasa harapan niya. Tumayo lang siya ng makaramdam ng gutom.

Lumabas siya ng kanyang opisina at patungo sana sa kusina ng cake shop ng makita niya si Kurt na nakaupo pa rin doon sa pinag-iwanan niya kanina. Nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy sa pagpasok sa kusina. Nakasalubong niya si Jasmine na may hawak na isang platong may pagkain.

"Ma'am nandiyan na pala kayo. Ihahatid ko na sana ito sa opisina niyo." Nakangiting sabi ng assistant niya.

"Ha! Wala naman akong sinabi na hatiran mo ako ng pagkain sa opisina ko." Salubong ang kilay na sabi ko.

Nakagat ni Jasmine ang ibabang labi nito at umiwas ng tingin. "A-ano po kasi m-ma'am---"

"Did Kurt told you to do that?"

Napaangat ng mukha si Jasmine at nanlalaki ang mga mata natumingin sa kanya. Napabuntong hininga siya. Kitang-kita niya ang pamumutla ng dalaga.

"From now on, Jasmine don't take any order or favor from Kurt. Hindi siya ang boss mo. AKO." Tinalikuran nita ang dalaga at lumabas ng kusina.

Hindi niya napigilan hindi tumingin sa kinauupuan ni Kurt. Naruroon pa rin ang binata. Mataray na umiwas siya ng tingin. She hates how much he cares for her. She is trying to be fine.

Muli niyang itinuon ang sarili sa ginagawa ng pumasok siya ng opisina niya. Hindi niya pinansin ang sinisigaw ng puso niya. Ang lumabas ng opisina at lapitan si Kurt. Nais niyang bumalik sa mga bisig nito.

KASAMA si Carlo, isa sa mga staff, na magsara ng cake shop niya. It's already 9pm and her other staff went home.

"Thank you, Carlo," sabi niya pakatapos maibalik nito ang susi sa kanya.

"Walang anuman po, Ma'am." Magalang na paalam ni Carlo.

Ngumiti siya at inilagay sa bag ang susi ng shop.

"Ma'am Marie, mag-isa lang po kayo uuwi?"

Tumungo siya rito.

"Hindi po ba kayo natatakot ma'am? Mag-isa lang kayo uuwi tapos babae pa kayo. Baka po mamaya kung anong mangyari po sa inyo. Dapat talaga nagstay pa kanina si Sir Kurt at hinatid kayo."

Natigilan siya sa sinabi nito. Memories suddenly flash on her mind. Napapikit siya ng mariin ngunit agad din napamulat ng mga mata.

"I can take her home."

Napalingon siya sa kanyang likuran at parang nakakita siya ng angel nang makita ang lalaking nakatayo sa harapan niya. Hindi niya napigilan ang hindi mapangiti ng makita ang nakangiti nitong mga labi.

"Cole." Lumapit siya sa kaibigan at niyakap ito.

"Hi Clara." Gumanti naman ng yakap si Cole.

"How are you? Ang tagal mong hindi nagpakita sa akin," tanong niya pagkatapos kumawala sa mga yakap nito.

"I'm fine, Clara. Umalis lang ng bansa kaya hindi ako nakapunta ng ilang araw. Pero bago ako pumunta ng U.S pinuntahan pa kita rito sa shop mo at sabi nila nagbakasyon ka daw."

Nawala ang ngiti sa sinabi nito. Sinabi nga ng staff niya na may naghanap sa kanya ng mga panahon na nagkulong siya sa bahay. "Ganoon ba. Sorry ha. Biglaan lang kasi iyong bakasyon ko. Bakit ka pala nandito?" tanong niya.

"Ma'am Marie," tawag ni Carlo na nagpalingon sa kanila ni Cole. Yumuko ang staff niya. "Una na po ako ma'am. Ingat po kayo sa pag-uwi." Tumingin ito kay Cole at magalang na yumuko.

"Sige na Carlo. Ingat ka sa pag-uwi."

"Maraming salamat po ma'am." Yumuko lang ulit ito kay Cole bago sila iniwan.

"Napadaan lang ako. May meeting ako malapit dito kaya na isipan kong puntahan ka. Nagbabakasakali rin ako na baka nandito ka na."

Ngumiti siya sa kaibigan. "Ah... Kung ganoon katatapos lang ng meeting mo?"

Tumungo si Cole at kinuha ang kanyang bag. "Halika na. Hatid na kita."

"Dala ko ang kotse ko," aniya

Ngumiti si Cole. "Let me ride you home. Ipapakuha ko na lang ang kotse mo sa secretary mo."

Alangan siyang ngumiti sa kabigan. "Naku! Wag na, Cole. Baka maka-abala ako sa inyo."

Ngumiti lang si Cole at tinalikuran siya. Agad siyang sumunod sa kaibigan. Cole didn't change at all. He won't take 'no' as an answer. Hindi naman kalayuan sa shop niya ang kotse nito. Isang itim na BMW ang kotse ng kaibigan. Alam niyang mayaman ang pamilya ni Cole. May ari ang pamilya nito ng iba't ibang uri ng inumin. From distilled water to the very expensive wine, name it and they have it. Ang alam niya ay may-ari din ang pamilya nito ng isang grape yard sa Europe. Meron din negosyo ang mga ito sa U.S. Sabi nga nila, maswerte ang babaeng pag-aalayan ni Cole ng pag-ibig nito. Nasa lalaki na kasi ang lahat. Mayaman, matalino at gwapo. Trixie is very lucky to have Cole in her life.

Inalalayan siya ni Cole na makapasok ng kotse. Napatingin siya sa loob ng kotse nito. Sobrang linis noon at amoy na amoy ang natural na bango ni Cole. Nanoot sa kanya ang amoy nitong panglalaki. Wala sa sariling naipikit niya ang mga mata. Napasandal siya sa upuan ng kotse. Para siyang dinadala sa langit dahil sa amoy nito.

"Hey! Are you okay, Clara?" tanong ni Cole.

Bigla siyang napamulat at napatingin sa kay Cole. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa kanya. Waring nagtataka ito kung bakit ganoon ang kilos niya. Bigla siyang nailang at nahiya sa ginawa. What's happening to her? Bakit ganoon siya?

"Ahmm.... I'm fine," sagot niya at tumingin sa labas ng kotse.

"Are you sure?"

"Yes. Napagod lang siguro ako."

"Okay. I will take you home." Binuhay ni Cole ang kotse nito. Naghari ang katahimikan sa pagitan nila.

Hindi naman siya umimik. Nanatili siyang nakatingin sa labas ng kotse. Hind niya alam kung paano sisimulan ka-usapin ang kaibigan. Napatingin siya kay Cole. Seryuso itong nakatingin sa daan. Hindi naman ganoon ka traffic, marahil ay dahil sa hindi na rush hour.

"Hindi mo yata kasama si Trixie?" Umayos siya ng upo.

Sinulyapan siya ni Cole. Seryuso pa rin ang mukha nito. "May business trip siya sa Singapore kaya wala siya ngayon. Next week pa ang balik niya."

Tumungo siya. "Ilang taon na kayo ni Trixie?" Hindi niya napigilan itanong sa kaibigan.

Wala kasi talaga siya naging balita simula ng umalis ito ng bansa. Nawala ito na parang bula. Kahit nga mga taong nakakakilala dito ay walang alam.

"Five years na kami."

"Ang tagal niyo din pala."

Tumungo si Cole. "Thankful ako kay Trixie. She is my little light during my dark days. Simula ng magkita ulit kami sa U.S parang nagkaroon ng liwanag ang buhay ko." Binalot ng lungkot ang mga mata ni Cole.

Natigilan siya sa sinabi nito. "Dark days?"

Lumingon sa kanya si Cole. Ngumiti ito ngunit nandoon pa rin ang lungkot. "I was diagnosing with Bipolar disorder, Clara."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Napahawak pa siya sa mga labi. "Y-you are w-what?"

Muling napasulyap sa kanya ang kaibigan. "Bakit gulat na gulat ka? Hindi mo pa ba napapansin ang pagbabago sa akin noon?"

Umiling siya. "I thought you are just mad because I choose Kurt."

"And that one triggers my disorder." Inihinto ni Cole ang kotse nito sa gilid ng kalsada at tumingin sa kanya ng mariin. Huminga ito ng malalim. "I was jealous of Kurt that time. Image I been in love with you for so many years and someone stole you from me. It makes me mad. Noon kasi kapag nakikita kita ay nagiging okay ako, kalmado lang ako pero simula nang makita kita na kasama si Kurt may mga emosyon ako na hindi ko kilala at unti-unti akong kinakain noon. There are times na masaya ako tapos biglang magagalit ng walang dahilan. Hindi lang din iyon, I even hurt people around me. Hindi ko na iyon makontrol pa at kahit ikaw ay nasaktan ko rin, physically." May gumuhit na sakit sa mga mata ni Cole.

"Cole..." tangin pangalan nito ang lumabas sa bibig niya.

She remembers everything. Iyong pag-uusap nila. Ang pagbabago ng ugali nito bigla sa harap niya. Iyong mga panahon na bigla itong nagagalit at hindi niya makita ang dating kaibigan dito. Iyong sinabi ng kapit bahay ng mga ito.

"I'm sorry, Clara. I'm sorry for what I did in the past."

"A-are you o-okay now? Magaling ka na ba?" Hindi niya maiwasan na hindi manginig.

Nais niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Hindi niya akalain na may pinagdadaan pala ang kaibigan ng mga sandaling iyon. At wala siya sa mga panahon na kailangan siya nito. She suddenly feels guilty.

Ngumiti si Cole. "I never feel better now, Clara." May sumilay na kislap sa mga mata nito.

Nakaramdam siya ng kasayahan sa puso niya. "That's good to hear. Mukhang napabuti ka sa U.S at si Trixie sa iyo."

"Yes. Nakatulong sa akin ang mga gamot na iniinom ko at mga sinasabi sa akin ni Trixie. She knows what to do to make me happy."

"I'm happy for you, Cole."

"Thank you, Clara." Binuhay ni Cole ang makina ng kotse.

"Thank you for what?" Tumingin siya sa labas ng kotse.

"Thank you for your kindness and understanding. Kung ibang tao siguro iyon baka tuluyan ng nagalit sa akin at kinamuhian na ako. What I did to you back then was not right? Pilit ko ka--"

"Don't feel sorry. You are emotional unstable that time. I understand and I'm proud of you right now. You overcome everything. And I guess, you're stronger now."

Nakita niya ang ngiting sumilay sa mga labi ng kaibigan. "I am. I'm also wiser that before. I know when and how to get what I want."

Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. Napatingin siya rito. May naglalarong ngiti sa labi nito. Mukhang napansin din ni Cole ang pananahimik niya at napatingin ito sa kanya. Nakita niyang nagtaka ito. "May nasabi ba akong mali?"

Ngumiti siya ng bahagya at umiling. "No. I feel like you change a lot."

Hindi agad nakaimik si Cole. Tinitigan lang nito ang kanyang mukha. Waring pinag-aaralan nito ang emosyon niya.

"Don't get it wrong. What I mean is? You..."

"I know." Putol ni Cole sa iba pa niyang sasabihin. "People change Clara. It's either because of the environment he in or maybe the situation he in. Years can make people change. You don't except me not to change, right?"

Napakurap siya sa tanong nito. What will she saids? Oo nag-expect siya na hindi ito magbabago, na ito pa rin ang dati niyang best friend? Ngunit sino ang niluluko niya? She can't deny that she wants to see the old Cole in the Cole in front of her that moment, but it won't happen. Eight years. Marami na ang nagbago. Maraming pangyayari ang maaring magpabago sa isang tao at kahit isang tulad ni Cole ay hindi makaka-iwas doon. Hindi ba si Kurt din. Kurt change also. Siya din naman hindi ba. Kahit pangarap niya ay nagbago din.

Hindi na lang siya sumagot sa tanong nito. Bugkos ay tumingin siya sa labas ng kotse at pinanood ang ibang sasakyan. Natigilan lang siya ng biglang umiba ng daan si Cole. Napatingin siya sa kaibigan. Nanatili itong serysuo sa pagmamaneho.

"Where are we going? Akala ko ba ihahatid mo ako pa-uwi?" Hindi niya maitago ang takot na nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Napasulyap sa kanya si Cole. "Hey! Relax. We are going to eat. Nagugutom pa kasi ako at saka ayaw ko pang-umuwi ka. Ngayon lang ulit tayo magkaka-uusap kaya susulitin ko muna. Hindi ko alam kung kailan ulit ako magkaka-oras para makipagkwentuhan sa iyo."

"Ow!" Tanging nasabi niya. Kumalma naman siya sa sinagot nito.

Simula kasi ng mangyari iyon sa kanya ay hindi na siya sumasakay ng taxi. Madalas ay sumasakay siya ng bus o di kaya ay dala niya ang kanyang kotse. Marunong naman siya sumakay ng bus. Madalas nilang gawin iyon ni Kurt noong nasa kolehiyo siya. They explore their curiosity.

"Why are you acting like I will do something bad to you, Clara."

"Ha!" Napatingin siya sa kaibigan. "A-ano? K-kasi..."

"Hey! Is there something wrong, Clara?" Napabuntong hininga si Cole. "Is this because of my mental health? Don't worry, I take my med so I'm good right now." Nakita niya ang sakit sa mga mata ni Cole.

"Cole..." She suddenly feels guilty. Hindi naman kasi iyon ang dahilan. "I'm sorry." Yumuko na lang siya.

Gusto niyang itama ang maling akala nito ngunit papaano siya magpapaliwanag dito.

"Don't be feeling guilty, Clara. People think at me that way. Lahat ng tao na nakaka-alam na may sakit ako ay lumalayo sa akin. They are scared at me. Baka daw kasi bigla akong manakit." Tumawa ng mapakla si Cole.

Malungkot niyang tinitigan si Lincoln. Gumuhit ang lungkot sa mukha nito. He had been through a lot. Hindi niya alam kung anong dinanas ni Cole dahil sa sakit nito. Nasasaktan siyang makita na ganoon ang kaibigan. Alam niyang nasasaktan ito kapag nilalayuan ng mga tao. Lalo pa kaya ng mga taong malapit dito. Hindi siya nakatiis, hinawakan niya sa braso si Cole. Napasulyap naman sa kanya ang kaibigan.

"I'm sorry not because of what I did earlier but because I'm not there when you need me as your friend. You are a great guy, Cole. You have been a good friend to me. There's nothing wrong to you. Sadyang may pingdadaanan lang ako kaya ganoon na lang ang reaksyon ko." Paliwanag niya.

Nakita niyang nagsalubong ang kilay ni Cole. "What do you mean 'may pinagdadaanan ka'? May dapat ba akong malaman, Clara?" Muling inihinto ni Cole sa gilid ng daan ang kotse nito.

"It's nothing serious," sagot niya at umiwas ng tingin.

"Nothing serious? Don't fuck at me, Clara. You won't react like that if there's nothing serious happen." Madilim ang mukhang tanong ni Lincoln.

Nanuyo ang lalamunan niya at tumayo ang balahibo niya sa nakikitang galit sa mukha ni Cole. She is a dangerous man now. Wari bang papatay ito ng tao sa uri ng galit nito sa mga mata. Kinabahan siya at hindi niya iyon maitago sa kanyang mukha. Agad naman nagbago ang bukas ng mukha ni Lincoln ng makita ang takot na nararamdaman niya. Napakurap ito.

"I'm sorry." Tanging nasabi nito at umiwas ng tingin. Kinuha nito ang tubig na nasa gilid ng kotse at uminum.

"Cole, are you okay?"

"Yes. I'm sorry."

"It's okay. Are you sure you are okay?"

Kumurap si Cole. "Yes." Tumungo pa ito. Ilang beses itong huminga ng malalim. "Now, tell me, what happen, Clara? Bakit parang natakot ka ng mag-iba ako ng direksyon kanina? At wag mong sasabihin sa akin na wala lang iyon dahil hindi mo maikakaila ang takot sa iyong mga mata."

Hindi siya nakakibo. Sasabihin niya ba sa kaibigan? Handa na ba siya sa magiging reaksyon nito. Alam niyang hindi stable ang mental health nito. At natatakot siya na baka biglang umataki ang sakit nito. Ayaw niyang makagawa ito ng mga bagay na pagsisihan din sa bandang huli. Alam niyang magagalit ito kapag nalaman ang nangyari sa kanya. At siguradong gagawa ito ng paraan para mabigyan siya ng hustisya.

"I will tell you. But you need to promise first?"

"You know me, Clara. I will--"

"J-just promise me, you will try to calm down. Na hindi ka magagalit o gagawa ng mga bagay na maari mong pagsisihan. P-promise me, you won't get angry and harm someone. Promise me, Cole." Tuluyan na siyang napa-iyak.

Unti unting nabuhay ang takot sa puso niya. Nasasaktan siya ng mga sandaling iyon. Para bang unt- unting nabubuhay ang masamang panaginip. Natatakot siya. Natatakot siya sa sasabihin ng kaibigan. Natatakot siyang makita ang sakit at pandidiri sa mga mata nito. Ngunit si Cole ang nasa harap niya. Alam niyang hindi siya huhusgahan ng kaibigan. Kilala niya si Cole, hindi siya nito pababayaan. They been best friend, he was her knight in armor, and he is her shoulder to cry on.

Mariing pumikit si Cole at huminga ng malalim. "Fine. I promise. Now tell me, why are you like that?"

Pumatak ang mga luha niya. "Cole... Cole..." Yumakap siya sa kaibigan at sa mga malapad niyang dibdib siya umiyak. "Ang sakit, Cole. Anong ginawa kong mali sa kanya? Bakit niya iyon ginawa sa akin, Cole?"

"Clara..." Narahang hinagod ni Cole ang kanyang buhok. "It's okay. I'm here now. Tell me everything, Clara. I am here. I'm your best friend. I am here. I won't leave you alone."

"Cole... I-I was r-rape. Nirape ako, Cole. At putang ina hindi ko man lang mabigyan ng hustisya ang sarili ko." Sigaw niya habang yakap pa rin ang kaibigan. At kagaya ng inaasahan niya, naramdaman niya na natigilan si Cole.

At wala pang isang minuto ay narinig niya ang malutong na mura rito.

"I kill him, Clara. Walang kahit sinong pwede manakit sa babaeng noon pa ay iningatan ko." Puno ng galit na sabi ni Cole.

Kumalas si Cole sa pagkakayakap niya. Hinawakan nito ang kanyang mukha. Kitang-kita niya ang galit at pagkamuhi sa mga mata nito. Naruruon ang katutuhanan na nais nitong pumatay ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya hahayaan ang kaibigan na gumawa ng mali. Marahan niyang hinawakan sa mukha si Cole.

"Don't. Please, Cole. I'm okay now. I'm doing okay now."

"But it's --"

"I'm okay." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Lincoln need to calm down. "Yes! It's a nightmare but I'm trying my best to forget. Alam ko na hindi ko na makakamit ang hustisya na sinisigaw ko at alam ko na mananatili ang sugat sa pagkatao ko ngunit hindi pwedeng huminto ang buhay ko dahil lang sa nangyari sa akin. I need to move on. I'm doing well now even I broke up with Kurt."

Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Lincoln. "You broke up with Kurt?"

"Yes. I don't want him to suffer like me. I don't deserve him anymore. I'm tamed. Hindi na ako buo kaya hindi ako ang babaeng nararapat sa kanya." Patuloy sa pagpataka ang mga luha niya.

Bigla siyang kinabig ni Lincoln at buong higpit na niyakap. "I'm here, Clara. Hindi kita iiwan. I be your best friend again. Cry... I will lean you my shoulder."

Siguiente capítulo