AIKKA's POV
Shocks, parang kararating lang namin ng SA kanina tapos now, balik ulit kami sa bahay nila Cloud.
"We're here, ayos ka lang bestie?" worried na ask ni Elaine.
I just nodded tapos pumasok na kami sa bahay ni Cloud.
"She sent me the pictures and some info. kaya mas madali na nating mahahanap si Ralph Sylus" sabi ni Cloud habang paakyat na sa kwarto niya.
Sumunod naman kami hanggang sa makarating kami sa kanyang computer room.
After 20 minutes siguro, he gave us the paper na he printed.
Andoon ang pictures ni Ralph with his background info. May CCTV footage na rin siyang nadownload sa computer niya.
I don't know how he did it but thanks to him. Mas mapapadali ang paghahanap namin sa kanya.
"He's not a student of SA. Kakilala lang niya si Ms. Georgia. According sa information na nakuha ko, nakick out siya sa New World Academy at may ibang litrato na nagpapatunay na mahilig siya sa gimik at pagliliwaliw." sabi ni Cloud habang nakatingin sa computer niya.
"So, possible bang niyaya niya si Ms. Campo na gumimik...so that he can do his plan?" me while tinitingnan ang mga larawan na kuha ng anonymous sender.
I'm trying to know kasi kung sino ang nagbigay ng mga information sa kanya. But anonymous lang talaga ang nakalagay sa email.
"Okay, I'll ask you something too while giving you the ideas, so be attentive" then he stood up at humarap sa aming dalawa.
Maybe, 'yun na lang talaga ang tanging magagawa namin ni bestie as of this moment.
"Ms. Elaine, natatandaan mo ba kung anong oras nagsend ng message si Ms. Campo kay Ralph Sylus?" Cloud habang hawak ang eyeglasses niya't busy sa pagpupunas dito.
Honestly, sobrang bilib na talaga ako sa utak na meroon siya. After having the clues, may theory na agad siya sa mga possible na nangyari sa pagkamatay ni Miss Campo.
"ah....if..if I am not mistaken, 3:00 na iyon ng hapon." Elaine tapos tumingin siya sa akin trying to confirm it from me.
Well, sa pagkakatanda ko, iyon nga ang oras na nakalagay sa ilalim ng message niya for Ralph.
"correct at ayon naman sa CCTV footage (then he played it to us), mga 3:30 na nang dumating si Ralph para sunduin siya sa Green Hills..tama?" then he looked at me matapos niyang isuot ang eyeglasses niya.
I'm trying to think kung ano ba ang gustong i-point out ni Cloud this time.
"Yes, you're right" sagot ko naman sa kanya.
"But wait, di ba Friday na nang matagpuan ang bangkay niya sa Northwoods, so how did it happen knowing na Thursday pala ang meet up nila?...." Elaine.
"Its part of their plot, para hindi na sila mahihirapan sa mga susunod nilang hakbang" me.
"Tumpak! And of course, their first step is to bring her somewhere na walang CCTVs para magawa ang plan nila. Well, sa tingin niyo...saan ba ang lugar na iyon?" Cloud.
"sa abandoned places?" me.
"you got it Miss Aikka Montero" tapos ngumiti siya.
So ang ibig sabihin, possible na ang lungga ng killer ay isa sa mga abandoned places na malapit lang sa Green Hills or Northwoods.
"Oh M!" Elaine na gulat ang reaction.
"gets mo na rin?" tanong ni Cloud sa kanya.
"hindi, wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo Cloud. Pwedeng pakilinawan mo for me?" Elaine while pouting.
He smirked.
"okay, for the sake of a slow like you....ganito iyon.....Noong 3:30 ng hapon, sinundo ni Ralph si Miss Campo sa labas ng subdivision para sa isang mahalagang pagtatagpo. It is either may sasabihin si Miss Campo kay Ralph dahil she's trusting him or talagang pinilit ni Ralph si Miss Campo na sumama sa kanya..."
"hmm wait, bakit sa labas ng subdivision pa sila nagkita?"
"good question, kasi may kasama nun si Ralph at tago ang identity niya, ayaw nilang may makaalam para walang gusot sa trabaho nila...alam niyo naman ang rule na before makapasok sa subdivision ay nirerequired ang Identification Card."
"uhuh"
"so...nang maisakay na si Miss Campo, dinala muna siya sa isang lugar na abandoned." he continued.
Magaling talaga siya. Abandoned places lang ang pwedeng pangyarihan ng krimen na walang ibang makakapansin o makakakita.
"sa tingin mo, may kinalaman kaya si Mr. Black doon...kasi yung span ng time ng pagkikita nila ni Ralph at araw na nakita 'yung bangkay niya is mahaba" me trying to connect the stories.
"possible na kinausap muna siya bago patayin. At base sa mga photos na nakuha ng mga investigators noong Friday, halata namang fresh pa ang blood stains sa apartment..it means wala pang lagpas isang oras bago nadala ang bangkay niya sa loob ng apartment when the police arrived."
"how did you come up with that idea?" curious na ask ni Elaine.
"Its because, ang loob ng apartment ay may average temperature na 20 degree celcius dahil sa placement ng mga bintana at air conditioning nito. Isa pa, may linoleum ang sahig ng apartment kaya medyo accurate ang time estimation ko."
"at dahil ayaw nilang may CCTV na makakuha sa mga ginagawa nila...sa likod ng pinto sila dumaan"
"Oh M! so may basis na talaga tayo para mapatunayang hindi nga siya nagsuicide but pinatay! kailangan na talaga nating mapaamin ang Ralph Sylus na iyon para mahuli na siya't masolve na natin ang murder case na ito." Elaine.
"Don't worry, I have a plan" sabi ni Cloud tapos nagsimula na siyang maglakad. Papalabas na siya this time ng bahay nila with his keys and ballpen.
"hey, wait!" sabi ko.
Dali naman kaming sumunod at sumakay sa kotse niya.
"just thank me after this" him then he started driving. Hindi na kami nagtanong kung saan siya papunta...ang kaso.....padilim na ng padilim ang lugar na dinadaanan namin. Nasa makipot na kasi kaming daanan. Tapos may mga establishments kaming nakikita with so many people sa labas at iba't-ibang lights from the inside naman.
"Cloud, dito ka ba nagpapalipas ng oras mo kapag nabobored ka?" biglang tanong ni Elaine habang iginagala ang tingin sa paligid.
"ano bang pinagsasabi mo?" Cloud.
"you know.....jug jug...ah..ah...?" Elaine na medyo awkward ang reaction.
Baliw talaga itong bestie ko eh. Napalingo-lingo na lang si Cloud at hindi pinansin si Elaine.
Makalipas ang ilang minuto, bumaba na kami ng kotse niya't sinundan siya sa loob ng isang club.
Shocks! Pagpasok na pagpasok ko pa lang, naamoy ko na yung alak at amoy ng sigarilyo sa loob. Grabe...habang pumapasok kami dito, sobrang sakit na ng dibdib ko dahil sa lakas ng tugtog sa loob. Feeling ko nga sasabog na ang dibdib ko this time eh.
"Bestie! okay ka lang?" ask ni Elaine habang nakahawak sa braso ko.
Tumango lang ako kasi honestly, hindi talaga ako okay. Medyo nahihilo kasi ako lalo na't sobrang nakakasilaw din ang lights. Tapos halos lahat pa ng tao dito eh sumasayaw ng wild. 'Yung parang sayaw na sobrang saya nila na para bang wala nang bukas.
"asaan na si Cloud?" tanong ko kay bestie.
"what?!" ask naman ni Elaine.
"I said, where's Cloud?" malakas na sabi ko since di niya ako marinig.
"ayun oh" itinuro niya si Cloud.
Napanganga kami kasi bigla na lang siyang may kinaladkad papalabas kaya sumunod naman kami sa kanila.
"ano bang problema mo huh?!" sabi nung guy.
Tiningnan ko siya ng maigi, teka.....siya ata si Ralph Sylus eh!
"wala naman akong problema...ang kaso.....ikaw ang may problema" sabi ni Cloud habang ginugulo-gulo ang sariling buhok nya. Now, mas naging maangas ang dating niya lalo na't hinubad na niya ang kanyang eyeglasses at ihinagis kay Elaine.
"sana....ang polo shirt naman niya ang kanyang sunod na hubarin" biglang nasabi ni bestie habang pinagnanasahan ang kawawang Cloud. Shocks, mabubugbog na nga ang tao eh, iyon pa talaga ang iniisip nitong si Elaine. Peacock.
"sino ba kayo sa inaakala niyo huh? kilala ko ba kayo?" super galit na sabi niya.
"sabihin na lang nating hindi PA....Ralph Sylus"
"teka, paano mo nalaman ang pangalan ko?" tapos tiningnan niya kami at si Cloud ng masama.
"huwag kang mag-alala, a moment from now, magiging sikat ka na sa buong lugar na ito" Cloud tapos nagsmirk siya.
Natigilan saglit si Ralph.
Tapos nagsalita ulit siya.
"kung ganon, alam niyo na pala ang tungkol kay Georgia" tapos dahan-dahan siyang humakbang papalapit kay Cloud.
"oo...ang galing ko di ba? nalaman ko agad na ikaw ang pumatay sa kanya." nakangiting sabi ni Cloud.
Shocks, is this his plan? mukhang hindi ata ito maganda ah.
"bestie.....may naiisip ka bang ibang paraan ngayon?" biglang tanong naman ni Elaine sa akin.
Actually, wala naman talaga akong idea sa kung ano ang binabalak ni Cloud.
Then tiningnan ko siya. Super kalma lang niya habang kausap ang taong pumatay kay Miss Campo. Siguro naman, this time, mapapagkatiwalaan namin siya sa ganitong bagay.
"I think, we need to trust him" sabi ko.
"eh....ang kaso...madami sila bestie eh....makakalabas pa kaya tayo ng buhay ngayon?" Elaine in a worried voice.
Napatingin ako sa paligid, unti-unti nang nagsisilabasan ang mga kakampi ng ungas na iyon.
"impressive di ba?" Cloud without knowing na pinapaligiran na kami.
"eh ano naman ngayon kung ako nga?" tapos ngumiti si Ralph. Yung evil smile.
Saka lang napansin ni Cloud na marami na rin palang nakapaligid sa kanya.
"baka nakakalimutan mong nasa lungga ka namin" tapos lumapit pa siya kay Cloud at kinuha yung ballpen na dala niya.
"impressive nga.." tapos tiningnan-tingnan niya ang ballpen.
Doon ko lang narealize na hindi lang pala iyon basta ballpen, kasi isa iyong recording device.
"ang kaso, sayang ang effort" tapos bigla niya itong tinapak-tapakan hanggang sa nasira ito.
"nagkakamali ka, well, at least may interesting fact akong nalaman patungkol sa iyo....Ralph...Sylus" Cloud na kalma pa rin kahit marami nang kalaban.
"interesting fact, ano iyon?"
"na baliw ka pala"
Dahil sa sinabi ni Cloud, sinapok siya nito sa mukha kaya napadura siya ng dugo.
"how dare you pangit!!!!!!" galit na sabi ni Elaine. Susugurin na sana niya yung ungas na iyon but hinawakan na kami ng mga mukhang addict na mga lalaki.
Tinawanan lang kami ng psycho na Ralph na iyon.
"akala niyo ba hindi ko ito ine-expect na mangyayari? matapos niyong itago ang isa pa naming kasama, aba! natuto na kami ngayon." him habang nakapamulsa.
Bwiset! Kumukulo na talaga ang dugo ko sa ungas na iyon.
Matapos niyang patayin ang isang inosenteng tao, aarte siya na parang kami pa ang may atraso sa kanya?
"hoy baliw! bakit nyo ba ito ginagawa ha?" sabi ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin.
"Ito ba ang plano mo? ang mamatay ng maaga..kasama ang dalawang babae na ito? hay naku naman...ang saklap naman ng kapalarang pinili mo" tapos sinenyasan niya yung dalawang lalaking nakahawak kay Cloud.
Sinikmura siya ng mga ito kaya napaluhod si Cloud sa harapan ng mamatay tao na iyon.