After class.....
Naupo ako sa bench under the Legume tree known as Bani.
Now, gusto ko ulit mapag-isa. I just wanted to watch the clouds this time.
Naalala ko tuloy yung araw nung may nagtangkang pumatay sa akin.
Hapon na iyon at ako na lang ang naiwan sa classroom. I'm making some lists kasi na pwedeng gawin para sa upcoming na acquaintance party. Sabi kasi ni Vice Gov. na 'yung idea ko raw ang pagbabasehan ng magiging concept ng acquaintance party kaya minabuti kong bigyan talaga ng time ang bagay na iyon. I don't want to disappoint him at yung Supreme body. Minsan ko lang rin kasing maexperience na bigyan ng ganoong klaseng obligation. Pinalabas na nga ako ng guard eh kasi ilolock na niya ang classrooms. Nasa school policy rin kasi iyon kaya lumabas ako ng school building at naisipan kong doon muna magstay sa Forest park since may table naman doon at may ilaw rin if ever na maabutan ako ng gabi. Actually, hindi naman talaga ako masyadong matatakutin eh, kayang-kaya kong magstay ng mag-isa sa isang tahimik na place. Ngunit laking gulat ko na lang nang may biglang humila sa buhok ko at kinaladkad ako sa ground malapit sa mga roses.
Tatlo silang nakabonnet.
May dalang kutsilyo yung isang lalaki habang yung dalawang babae naman na nakaschool uniform pa, ay nakatayo lang at naghihintay ng mangyayari. I tried to fight back at ginamit ko ang self defense na itinuro sa akin ni dad but it didn't work since tatlo sila kaya nasugatan ang aking braso.
Luckily, I managed to run away from them at nakapagtago ako sa corner ng school building. Balak talaga nila akong patayin that time and may mga suspects na akong pinaiimbestigahan.
(I will never forgive those person involved once na nalaman ko ang tunay na identity nila)
"Ang ganda tingnan noh?"
Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa gilid ko.
"Excuse me?" I said looking at him. Sino naman ang isang ito?
Nakatingala lang siya habang nakangiting pinagmamasdan ang bughaw na langit at mga ulap na unti-unting binabaybay ang kalangitan.
Shocks.
Habang pinagmamasdan ko ang mala-anghel niyang mukha, bumilis ata bigla ang pintig ng puso ko.
Am I palpitating? Hindi naman ako uminom ng coffee kanina ah.
"Sometimes, masaya rin palang pagmasdan ang mga ulap noh?"
Tapos lumingon siya sa akin at nung time na iyon, para bang nagslo mo bigla ang aking mundo.
( Tulad nung nasa mga palabas na akala ko noo'y nage-exaggerate lang.)
Why?
"Ah, pasensya na...ako nga pala si Nathan" pakilala niya.
Siguro mga ilang minutes rin bago ako natauhan. Peacock, ano bang nangyayari sa akin?
"S_so, what_ what do you need from me?" I tried to act like usual.
"Eto naman, masyado ka namang suplada. Ako 'yung nagdala sa iyo sa hospital, isasauli ko lang sana ito"
Ipinakita niya ang necklace ko. Wait, siya 'yung sinasabi ni dad?
"Ayos ka na ba? kumusta ka na?" then tiningnan ko ang tila nangungusap na mga mata niya.
Ewan ko kung feeler lang ako or naghahallucinate lang pero he looks so worried for me. 'Yung para bang matagal na niya akong kakilala.
"I'm fine now. But, H_how did you find me there?"
"Ah yun? si_"
"Bro! andito ka lang pala, hinahanap ka na ni coach" sabi nung kaibigan niya na nakauniform nang pangbasketball.
"Uy, sino na naman iyan ah? ipakilala mo naman kami"
Ngumiti lang siya sa sinabi ng mga kaibigan niya.
I find him cute anyway.
(blush)
"Ah, Aikka right? eto na pala ang necklace mo. Pagaling ka huh?" then he winked at me before he left.
dug dug....
dug dug....
dug dug....
My baby heart...
No...
Hindi....
I get my books, mabuti pang magbasa na lang ako.
"Huli ka!"
"Elaine?"
"You remembered my name! so it means, bffs na tayo?" then inakbayan niya ako.
"No, wala akong sinabing ganon" sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa balikat ko.
"Grabe ka, pagsisihan mo yan." kinuha nya ang libro ko.
"Hey, wag ka ngang magulo, magrereview ako okay?"
"Stop pretending. Alam ko namang hindi ka rin makakapagconcentrate, lalo na't iniisip-isip mo sya" Elaine while teasing me.
Hay naku, kaya ayaw kong makipagclose sa mga girls eh. Yan lang ang mapapala ko.
"Ano bang pinagsasabi mo?" kinuha ko sa kanya ang book ko.
"Si Nathan, yung star player ng Flying Hawks. Halata namang type mo siya eh. Kitang-kita ko kaya ang reaction mo kanina"
"Are you my stalker?" me.
"Mukha bang stalker ang face na ito?"
"I think"
"Ay grabe ka talaga sa akin. Sige ka..kapag ako nagtampo di ko ishe-share sayo ang nalalaman ko about dun kay Nathan"
"Bakit, ano ba iyon?" nasambit ko.
Okay, now, I'm interested with that guy lalo na't niligtas niya ako mula sa incident doon sa Forest Park.
"Hmp, ayokong sabihin, inaaway mo ako eh"
"Eto naman, para ka namang bata. Kung ayaw mo eh di wag." nagsimula na akong magligpit ng gamit ko. I decided na sa coffee shop na lang ako magpalipas ng oras while waiting para sa afternoon class ko. Ayoko rin kasing makipagkulitan pa sa isang ito.
"Sus. Eto na, sasabihin ko na in one condition"
Bah, may pacondition pa siyang nalalaman.
"Ano naman iyon?"
"Ililibre mo ako sa Aristocrat bukas"
"Fine, yun lang pala eh"
"Yes! pero wait saan ka pupunta?"
"Coffee shop" me.
"Okay, sasama na lang ako sa'yo para habang naglalakad tayo eh masabi ko kung ano ang big revelations ko about Nathan" pangungulit niya.
Napabuntong hininga na lang ako dahil dito.
"Siguraduhin mong may sense iyang sasabihin mo huh?"
"Of course. Ganito kasi iyon, kilala mo ba si Markus?" kwento niya habang naglalakad na kami.
"Nope"
"Ano ka ba, yung lalaking number 4 ang jersey, yung tsinito, yung gwapo, mapula ang labi, may tantalizing eyes at may dimples...'yung crush ko?"
"Sorry, hindi ako interested sa kanya"
"I know, pero siya 'yung childhood friend ni Nathan na nanliligaw kay Jenna"
"Jenna?"
Bakit naman nasama sa usapan ang witch na iyon?
"Oo, alam kong kilala mo siya kasi anak siya ng may-ari nitong SA. Anyways, si Jenna ay may gusto kay Nathan kaya iniignore niya si Markus and I'm thankful of it dahil hindi napunta sa masamang kamay si Prince Markus ko."
"So...you mean, si Nathan 'yung rumored boyfriend ni Jenna?"
"Tumpak ka dyan girl! pero don't worry, walang panama yang si Jenna sa iyo. Kung idedescribe naman kita eh, may itsura ka naman, maputi ka, hindi ka naman maliit, pinagkalooban ka rin naman ng dibdib saka butt_"
"Hey stop it, you're making it awkward." me
She sighed.
"Girl, if you wanted to get his attention, you need my help..expert ako dyan, kailangan mo lang ng konting makeover."
"So you mean, I am the one who will make the first move? tss. ang swerte naman niya"
"Wow! ang ganda mo teh. Honestly, okay lang naman magkaroon ng self confidence eh but hindi 'yung over. And besides, no offense huh, if Nathan will choose, marami namang ibang babae dyan na compared to you ay MAS maganda....MAS makinis.....MAS matangkad....MAS malaki_"
"Peacock, kailangan mo ba talagang ipamukha sa akin na there's someone better than me? No need to do that. Matagal ko nang tanggap iyon. And kontento na ako sa kung anong meroon ako ngayon."
Natahimik siya bigla. Well, totoo naman eh, okay na ako sa ganito kaya hindi na ako maghahangad pa ng mga bagay na magpapacomplicate sa buhay ko.