webnovel

CHAPTER 17: I’m sorry

OREN

"Portal? "

"That portal is connected to Virtual World" seryosong sabi ni Astrid.

"P—Pero paanong nagbukas ang Portal?" naguguluhang tanong ko. Seryoso ang mukha ni Astrid na tumingin sa akin.

"There is something wrong... malaki ang hinala ko na may kinalaman din ito sa biglang pag babago sa Virtual World"

"What do you mean?" I asked.

"One of the reason kung bakit ako pumunta dito sa Real world ay para imbestigahan ang unti unting pagbabago sa Virtual world" Astrid stated.

"Pagbabago?"

Bahagyang tumango si Astrid. "There is someone that is responsible for this, someone who manipulating the Virtual world" Astrid said.

Kung tamang hinala si Astrid,malamang ay may isang taong gustong sumira ng Virtual World. Ang tanong paano niya nagawang palabasin ang portal.

"Paano natin maisasara ang portal? At ang tanong sino ang taong nagmamanipula ng Virtual—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Astrid.

"Sirius..."

"Sirius? My cousin? Wait bakit nga pala kayo magkakilala? Ang daming tanong sa isipan ko na gusto kong hanapan ng sagot.

"He is also a Virtual Human" Astrid said na mas kinagulat ko.

"What? Hindi kaya siya ang—"

"Yan din ang iniisip ko" Astrid said. Ibang iba ngayon ang awra na nakapalibot kay Astrid,seryosong seryoso ito ,malayong malayo sa masiyahin na Astrid na nakilala ko.

Minabuti namin na takpan ang Portalng itim na tela. Hiniram ni Astrid ang personal computer koat may pinindot ng kung ano sa system ng computer ko. Lumabas doon ang mga data information and shared files sa history ng computer ko, at laking gulat namin sa nakita.

"He already hacked the system" I said.

"Hindi niya buburahin ang data sigurodo ako na may pinaglalagyansiya noon—" natigil si Astrid sa pagsasalita at tumingin sakin atbahagyang ngumiti.

"What? Wag mong sabihin na alam mo na kung saan nakatago ang nawawalang data?"

"Flashdrive... sigurado ako na nakatago ang data sa flashdrive na nasa id lace ni Sirius"

***

ASTRID

Malalim na ang gabi, palihim akong lumabas sa kwarto para umalis, Isa lang ang paraan na naiisip ko para matapos na ang lahat ng ito at hindi ko hahayaan na pati si Ren ay mapahamak dahil lang sa problemang kinakaharap ng Virtul world.

I'm a heroine, kaya marapat lang na ako din ang gumawa ng solusyon at lutasin ang problemang kinakaharap naming mga taga Virtual World. Marahan kong pinagmasdan si Ren na ngayon ay mahimbing nang natutulog,ipinnangakoko sa kaniya na sabay naming haharapin si Sirius ngunit hindi kohahayaan na mangyari iyon.

Pinagmasdan ko ang aking kamay na unti unti nang naglalaho. Alam kong hindi na ako magtatagal sa mundong ito,konting panahon nalang ay maglalaho na ko.

"I'm sorry...Ren"

Pagkasabi ko nang mga katagang 'yon ay umalis na ako.Kanina ay tinawagan ko na si Sirius ang buong akala niya ay sumang ayon na ako sa plano niya kaya makikipagkita ako sa kanya.

Ilang saglit lang ay nakarating na din ako sa lugar na sinasabi ni Sirius.

"Astrid, mabuti naman ay natauhan kana at naisipang makipagtulungan sa akin"  nalingin ako sa nagsalita, hindi ako nagkamali ng hinala nasi Sirius ang may ari ng boses na iyon.

"Matagal ko nang binabalak na maghiganti " sagot ko sa kaniya. Sana lang ay hindi niya mapansin ang pagkukunwari ko.

"Hahaha Don't worry, sa panahon na ito ay tyak na nagbukas na ang Portal ng Virtual World di magtatagal ay makakatawid na doon ang mga taga Virtual world" parang baliw na sabi ni Sirius.

"Ha? Paano?" pagkukkunwari ko na naguguluhan sa mga sinasabi niya. Tama nga kami ng hinala ni Ren siya ang may kakagawan ng lahat, napakasama niya.

"I hacked his system and copy all the data on this" He said habang pinakita sakin ang Flashdrive.

Napabaling ako sa di kalayuan at nahagip ng mata ko si Ren, Papaanong nalaman niya kung nasan ako? Nag tama ang aming mga mata.

"May I see?" I manage to asked, Mukhang na intindihan naman ni Ren ang pagsensyas ko sa kaniya dahil tumango ito sa akin.

"Sure" then he handed at me the flash drive.

Huminga ako ng malalim bago ibinato papunta kay Ren ang flash drive, mabuti na lamang ay na abot niya ito.

"What the hell are you doing!? How dare you to trick me!" galit na galit na sigaw ni Sirius. Aalis na sana ako  nang mahawakan niya ako at tinutukan ng baril. Bahagya akong napabuntong hininga.

"Sirius pakawalan mo si Astrid!" sabi ni Ren. Nakatutok pa din ang mga baril sa akin.

"Damn you Oren! Nakuha mo nga ang susi paa maging maayos ang virtual world, kapalit naman ito ng buhay ng pinakamamahal mong Virtual Human hahahaha!" sagot ni Sirius habang nakatutok ang baril sa akin.

"Did you know the only weakness of the Virtual Human..." huminto ako ako bago magsimula muli. "Madali tayong magtiwala"

"Tumahimik ka!" sigaw ni Sirius.

Napapikit ako nang makarinig nang sunod sunod ng putok ng baril. "Sumuko kana, ibaba mo ang baril mo ngayon din " sigaw ng isa sa mga pulis.

Wala na ngang nagawa si Sirius kung hindi ibaba ang kaniyang baril, at pakawalan ako. Pero tila nga tusosi Sirius nang makakuha ng tyempo ay inagaw niya ang baril sa isa sa mga pulis at pinutok ito patungo sa direksyon ni Ren.

Nag tama ang mata namin ni Ren.

Pero bago pa man tumama ang bala ng baril sa kaniya ay niyakap ko siya ng mahigpit, and then everything went blank.

"Astrid!"

***

Jewel's note 📝

Stay tuned! And don't forget to vote and comment your reaction 😘 keepsafeeee! Happy reading!