webnovel

Chapter 1

Carol's PoV

"Carolina! Tanghali na, baka may balak kang pumasok sa eskwela?" Sermon ni Lola Lelia ang gumising sa diwa ko ngayong umaga. Inaantok man ay pilit kong binuksan ang aking mga mata at bumungad sa akin ang madilim pa namang langit.

'Si Lola talaga! Advance mag-isip. Hmp'

Napa-aray naman ako sa sakit ng hampasin niya ako sa hita gamit ang abaniko niya'ng pula. "Tutulala ka na lang dyan? Tumayo ka na dyan kung ayaw mong itulak pa kita." pananakot pa niya kaya wala pang limang segundo ay nakababa na ako sa kama ko. Mataas kasi iyon na kung susumahin ay mas mataas pa sa 6 footer na tao. Hindi sya double-deck. Ipinasadya lamang talaga ito na maging mataas at pinalagyan na lamang ng hagdan. Ang bubong naman dito sa kwarto ko ay transparent kaya kita ko talaga ang kalangitan anytime na gugustuhin ko.

"Tinatayo-tayo mo pa dyan? Kilos na at mahuhuli ka na sa klase!" Muling sita sa akin ni Lola kaya't kamot-ulo akong napatakbo papunta sa banyo bago pa ako muling mapalo gamit ang kanyang maalamat na abaniko. Hahaha.

Ilang minuto pa lamang ako sa banyo ay nakarinig na ako ng malalakas na katok. "Wag kang magbabad, Carolina! Malelate ka na sabi!" Si Lola na namaaann.

"Lolaaaaaa! Sobrang aga pa kaya!" Sigaw ko pabalik para magkarinigan kami.

"Bahala ka diyan... Bilisan mo at kumain ka na pagkatapos..Naghanda na si Carlos ng umagahan." Tumango ako sa aking narinig kahit hindi naman niya ito makikita. Parang timang lang.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako ng school uniform. Blouse na may necktie na green at skirt na hanggang tuhod at syempre, green. Black shoes at medyas na----may dalawang guhit na kulay green. Aba! Ewan ko ba sa school na pinapasukan ko! Addicted ata sa green ang bagong principal nito.

Monday, First week of July. I marked my calendar with a color red marker. Alam ko naman kasi na hindi na naman magiging maganda ang araw ko. Dahil paglabas ko ng Villa namin, sasalubungin na naman ako ng mga ' undying souls' na yon.

I made my gray hair into a pony tail one. Yes, its gray. Hindi ko yan pinakulayan. Sadyang pinanganak akong kulay abo ang buhok. At hindi ko alam kung bakit.

"Carolinaaaa! Ano na!? Nalunod ka na dyan!?" Malapit na ako sa pinto ng marinig ko na naman ang sigaw ni Lola. "Aish oo na." bulong ko na lamang sa sarili ko. Naiintindihan ko naman si Lola. Early bird kasi yan noong kabataan pa niya.

Nang makarating ako sa kusina ay bumungad naman sa akin ang tatawa-tawang mukha ni Lolo Carlos at ang masamang tingin sa akin ni Lola Lelia. "Bakit----"

"Ikaw na bata ka, 6:15 na pero kakain ka pa lang! Naku naku, Karlos pagsabihan mo yang apo mo. Hindi marunong ng time management. " Nakabusangot na sumbong ni Lola kay Lolo. Nagkatinginan kami ni Lolo at pareho na lamang kaming napahagalpak ng tawa. Si Lola naman ay sigaw ng sigaw na tumahimik na daw kami pero tawa parin kami ng tawa ni Lolo.

Dalawang matanda ang kasama ko sa bahay pero hindi ko feel. Hahaha. In their age of 63 para ko lang silang mga tropa ko. Lalo na si Lolo Carlos na lagi kong kakampi pagdating sa pambubully kay Lola. And if you're wondering where my parents are, they're out of Lañana working not for money but----for spiritual symbols.

Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Lola. Maglalakad lang sana ako ngayon pero nagpresinta si Lolo na ihatid na lamang ako. Gamit ang kanyang kulay pulang kotse ay nilandas namin ang mahigit kinse minutong biyahe papunta sa Lañana Academy.

Sa labas ng kotse ni Lolo ay mistula lamang itong pangkaraniwang kotse pero sa loob nito ay ang mga hindi mabilang na mga pulang simbolo na katulad ng nasa bahay at bakuran namin. Sa ganito kasing paraan ay hindi ako magugulo ng mga kaluluwang iyon. Ang tinatrabaho naman ng mga magulang ko ngayon ay ang simbolo na pwede ko ng dalhin kung saan saan para hindi na ako napagkakamalang baliw ng nakararami. Pero sa ngayon, tiis tiis daw muna sa mapanghusgang lipunan ng Lañana.

"Mag-iingat ka, Carolina. Hangga't kaya mo, huwag mo na lamang silang pansinin para walang gulo." payo sa akin ni Lolo. At akmang lalabas na ako ng kotse ng tawagin niya akong muli. "Carolina.."

"Po?" Tanong ko at nakita ko ang isang paper bag na hawak niya at iniaabot iyon sa akin. "Pinadala iyan ni Everest kahapon. Paborito mo daw ang ganyang tema ng kwento kaya ng makita nya yan ay ikaw agad ang unang pumasok sa isip nya." nakangiting saad ni Lolo ng ibigay sa akin ang paper bag. Nag- 'thank you' na lang ako sa kanya bago mabilis na pumasok sa loob ng campus. Hindi ko na muna pinansin kung dalawa ba yung guard sa main gate at yung isa ay duguan samantalang yung isa ay normal. Mas binilisan ko pa ang lakad para makarating agad sa room at makita ang librong pinadala ni Everest. I'm so excited!

Everest is my long time bestfriend. Since Pre-Elem hanggang ngayon na last year ko na ng junior highschool. Kahit nagmoved na siya sa Gascon City noong 2nd year highschool kami ay nanatili parin kaming close via social media and thru calls. Sya lang ata ang kaisa isang tao na tumanggap sa walang kwenta kong kakayahan at siya lang din yata ang hindi ko kadugo na naniwala sa mga pinagsasasabi ko.

Nakarating ako sa pinakadulong room at as usual, sobrang gulo na akala mo ay mga nasa sabungan at nagpupustahan. "Oh, the creepiest from all the creepy is here!!" Mapang-asar na saad ni Lavander Bautista. Kaklase ko. The bitchy one.

"The hell I care, Lavander? The hell I care if the most creepy man was standing at your back-----beheaded?" Nagsimula na akong maglakad papunta sa assigned seat ko pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang matindi niyang pamumutla. Tss lakas mang-asar tapos takot sa multo.

"Fvck you, Carolina Alcober!" dinig ko pang sigaw niya.

"Fvck me if you're already not a girl, Lavander!" Sigaw ko pabalik kaya naman narinig ko pa siyang nagdabog at umupo na lang.

Ganyan ang buhay namin ni Lavander pero hindi pa naman umabot sa point na nagsakitan kami ng pisikal. Hanggang salita lang talaga.

Nang makaupo ako ay agad kong pinagmasdan ang paper bag at nakita ko ang note na nakalagay dito.

From:

Everest Jimenez

Out of nowhere in Gascon City. Lol

O, ayan! Para naman madivert yung atensyon mo, binili ko yan para sayo. Kahit ang totoo parehas lang naman yan tsaka yung mga nakikita mo! Parehong horror pero ewan ko ba sayo, sinto-sinto ka nga siguro. Lols. Best seller yan sa bookstore kaya binili ko. Sana magustuhan mo. :>

Napangiti na lamang ako ng mabasa ko ang sulat nya. She's always hyper talaga! Hahaha. Naka-stapler ang paper bag pero dahan dahan ko iyong tinanggal para hindi masira yung lalagyan. Iniipon ko kasi yang mga yan tapos nilalagay ko sa loob ng isang kahon sa kwarto ko. Ng matanggal ko na ang paper bag at malagay na ito sa bag ko ay bumungad sa sakin ang isang libro na purong puti ang book cover. What the!? Walang title?

Tatawagan ko na sana si Everest para itanong kung bakit walang title ng makita ko ang isang note na nakaipit sa mismong gitna ng libro.

'Try to go on a darker place. You can see what you want to see.'

Nasisiguro kong sulat ito ni Everest kaya agad akong tumakbo patungo sa CR ng girls at pinatay ang ilaw rito. Unti-unting lumabas ang title ng libro kasama ang mga mistulang dugo na bahid rito.

'The Possession of Cassandra Abellar'

Siguiente capítulo