webnovel

Chapter Twenty-Eight

Mahabang katahimikan ang dumaan sa'min ni Timothy. Naghihintay kung sino ang magsasalita. Hinihintay ko parin na mag-sink in sa'kin ang mga sinabi nya. Ang tungkol sa nararamdaman ko kay Red. This is madness! Hindi ko mahal si Red katulad ng pagmamahal ko kay Timothy! Mahal ko si Red bilang kaibigan pero si Timothy talaga ang mahal ko, ang gusto kong makasama.

"Dumating ang kapatid ko kanina and she gave me this," may ipinakita si Timothy sa'kin. "Sinamahan ako ni Ami sa bayan para makipag-kita sa kanya kanina."

Isang airplane ticket. Araw ba ng gulatan ngayon? Bakit sya may ticket?

"Aalis ka?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Everything's set," huminga sya nang malalim. "I'm leaving. I'm going to Japan, Miracle."

"Sasama ako," tintigan ko sya. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya.

"No Miracle," umiling sya at tipid na ngumiti. "Ako lang ang aalis...at si Ami."

Napatayo ako. "Pero bakit?! Bakit si Ami kasama at ako hindi?! Timothy! Sasama ako! Hindi tayo pwedeng mag-hiwalay hindi ba?!"

"At maiiwan si Angelo? Hindi Miracle, hindi pwede."

"Pero—" Hindi ko magawang dugtungan ang sasabihin ko.

Tama sya. Hindi ko pwedeng iwan si Angelo nang matagal. Nasa England si Mama at si Papa naman ay naiwan sa France ngayon. Hindi ko rin naman sya pwedeng iwan kay Red nang matagal. Hahanapin ako ni Angelo.

Matagal ako na nanahimik. Naiinis ako. Ngumiti si Timothy na nagsasabing naiintindihan nya ang sitwasyon ko. Sa sobrang frustration napaiyak na naman ako.

"Miracle, bukas ng umaga ang alis ko."

Natigilan na naman ako sa sinabi nya. Bakit ang bilis naman?

"Bakit ba ang dami mong sinabi na nakakagulat ngayon Timothy?" Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. "Bakit ka aalis Timothy? Iiwan mo na ba ako? Kaya ka ba nakikipag-hiwalay sa'kin? 'Yon ba ang dahilan? Pero di'ba sabi mo hindi ka naman makikipagbreak? Sinabi mo 'yon kanina sa'kin!"

"Babalik ako Miracle," ngumiti sya. "At ibabalik ko na ang dating Timothy na nakilala mo, 'yong madalas mong kainisan at sigawan."

"Kung ganon pupunta ka sa Japan para sa surgery?"

Tumango sya.

"Yes." Niyakap nya ako. "Dahil ngayong nandito ka na, gusto na kitang makita. Gusto ko'ng makita kung ano ang nagbago sa'yo at kung gaano kabagay sa'yo ang maiksing buhok. Wala nang dahilan pa para tanggihan ko ang surgery."

Napahikbi ako.

"Gaano katagal ka mawawala?" pinunasan ko ang luha ko na patuloy lang sa pagpatak.

"Not that long. Magugulat ka nalang isang araw na nandyan na ako sa harap mo." Hinaplos nya ang buhok ko. "Gusto kong pahabain mo ulit ang buhok mo Miracle."

"Gusto mo'ng pahabain ko ulit ang buhok ko pero gusto mong makita ang hitsura ko kapag maiksi ang buhok. Ano ba talaga ang gusto mo'ng gawin ko?" Umupo ako sa tabi nya.

Ngumiti lang sya. Hinalikan nya ang noo ko.

"Nothing. Just wait for me."

Lumunok ako at huminga nang malalim para naman gumaan ang sakit sa dibdib ko. Isipin ko palang na mawawala sya nang matagal, ngayon palang na-mimiss ko na sya.

Kahit na magkayakap kami ngayon. Isipin ko palang na aalis sya bukas nang umaga. Sobra ko na syang na-mimiss. Ayoko nang mag-umaga pa.

"I think I can do that," sabi ko.

Hinigpitan nya ang yakap nya sa'kin.

"Thank you."

Sinulit namin ni Timothy ang huling gabi na magkasama kami. Huling gabi namin bago sya umalis papuntang Japan. Tinulungan ko syang ayusin ang gamit nya at nang matapos na 'yon nahiga kami sa kama nang magkayakap.

Hindi kami natulog. Tahimik lang kaming dalawa. Sinusulit ang nalalabing oras. Naubos ang oras na 'yon sa yakap at halik. Pareho naming ayaw mahiwalay sa isa't-isa. Pero nangako syang babalik at nangako naman ako na maghihintay. At gagawin namin 'yon kahit na mahirap.

Babalik sya sa'kin at sa panahon na 'yon magiging kumpleto na ulit kami. Dahil sa oras na maghiwalay kami, alam ko na may mawawalang bahagi sa'min. Sa paghihiwalay na 'yon dadalhin namin ang puso ng isa't-isa.

So soon, kinailangan na namin maghiwalay. Too soon, dumating ang umaga. Umalis sya. Naiwan ako sa bahay. Natatakot ako na makita syang umalis kaya naman naiwan ako sa kwarto. Alam kong pagsisisihan ko 'yon, na hindi ko sya nakita. At nagsisi nga ako nang marinig ko na ang tunog ng sasakyan paalis. Hindi kami nagpaalam sa isa't-isa. Isang pangako lang ang kailangan namin. Sana dumating kaagad ang araw na 'yon.

Siguiente capítulo