webnovel

Chapter Forty-Two

*PPRRRRTTT!!*

May narinig akong pito. Lumingon ako sa direksyon kung saan nanggaling at nakita ang palapit na dalawang security guards sa kinaroroonan namin.

"TOP!!" sigaw ko.

"F*ck! You're lucky today!"

Mabilis kaming tumakbo palayo sa booth na yon. Pansin ko lang kanina pa kami takbo ng takbo. Napadpad ulit kami sa may mga foodstands. Umupo kami sa bench.

"That f*cking bastard," he cussed and cussed and cussed non-stop. So colorful rainbow words.

"Calm down TOP," hinihingal na sabi ko.

Hindi na ulit sya nag-salita pero ang sama parin ng aura nya. Waaah! Kakatakot sya grabe. Naglalabas na naman sya ng negative energy. Lumayo ako sa kanya, umupo ako sa pinakadulo. Nasa magkabilang dulo kami ng bench.

"Ano'ng ginagawa mo dyan?" ang reaksyon nya nang mapansin ang distance namin sa bench.

"Huh? Uh eh." Natatakot ako sa'yo eh.

"Fool, come here."

Hindi ako gumalaw at dahil don kaya naman nadagdagan ang kunot sa noo nya. Hinigit nya ang braso ko at hinila nya ako palapit sa kanya.

"I'm tired," he put his arm around my shoulder protectively.

Hindi ako makagalaw. Ang bilis ng heartbeat ko. Pinagpapawisan ako, bakit kaya? Ano'ng nangyayari?! Naramdaman ko syang nakatingin sa'kin. Ang lapit ng mukha nya! Kapag lumingon ako sa side nya siguradong... No Samantha, hwag pairalin ang hormones. Ugh! Stupid Teenage Hormones! Unti-unti lumapit yung mukha nya sa'kin. Hindi parin ako natingin sa kanya, diretso lang ang tingin ko. Hwag kang lilingon Samantha! Hinawakan nya yung buhok ko at inamoy. EEHH?! Mula dulo ng buhok ko hanggang sa mapunta sya sa ulo ko.

"You smell good," sabi nya.

"Really?" nakahinga ako ng maluwag. Yun lang pala.

"Yes, like strawberries."

"Oh! Strawberry scent kasi yung shampoo ko!" Nakalimutan ko, paborito nga pala nya ang strawberry.

Nilagay nya yung ulo ko sa balikat nya at pinaglaruan ang buhok ko.

"Should I cut it?" tanong ko.

"No," he murmured.

Nakita ko yung bitemark sa braso nya. Kinuha ko yun at hinalikan.

"What are you doing?"

"To make the pain go away you have to kiss it. So I did."

He laughed with amusement in his eyes.

"What? It works all the time," I said defensively.

"Wifey, guess what."

"What?"

"You just turned me on," he grinned. "You turned me on... big time."

Pakiramdam ko ginapangan ng maraming langgam ang mukha ko. At uminit bigla ang mukha ko. Ang taas ng sikat ng araw pano nya nasasabi 'yon?!

"Let's go," tumayo sya.

"Saan tayo pupunta?"

"Kakain, hindi ka pa ba nagugutom?" tumaas yung isang kilay nya at humalukipkip.

Ay, oo nga pala hindi pa kami-este-sya kumakain. Kumain na kasi ako kasama si kuya Lee kanina. Naguilty naman ako bigla. Tumayo ako at naglakad kami papunta sa mga food stands.

"Ano'ng iyo?"

"Uhh. Tuna sandwich nalang at pineapple juice," sagot ko.

"You sure?"

"Yep!"

"Wifey, nagdi-diet ka ba? Bakit yun lang ang kakainin mo?"

"Hindi ako masyadong gutom?" Hala, bakit patanong?

"You didn't ditch me to eat with a wuss, did you?"

"K-Kasi ano!" Nakupo baka madamay si kuya Lee! Think fast! "P-Papano ako magugutom kung tinitignan palang kita ngayon eh busog na ako. Hehe!" Awkward akong ngumiti sa kanya.

Great! San mo napulot ang pick-up line na 'yan Samantha?! A pick-up line?! Really?! Ugh! Gusto kong iuntog ang ulo ko sa malapit na poste. Siguro ang weird na ng iniisip nya tungkol sa'kin.

Tumaas ulit yung isang kilay ni TOP at tinignan lang ako tapos binigay nya ang order namin sa babae sa counter.

Pero hindi yung order ko ang binili nya. Bumili sya ng malaking hamburger. Yung burger na kasya na para kainin ng isang buong pamilya. WHAT THE?! Paano ko uubusin to?!

"TOOOP..." I whined. "Hindi ko ubos 'to!"

"Eat it or die," -__-+ binigyan nya ako ng matinding 'obey-me-or-else-look'

"Hmph! Kasi naman eh..." tinignan ko yung burger with a pout.

"I like girls," he said. "who eat well"

Ano raw yun?! Gusto nya ng babaeng magana kumain?!

"Yum!" sabi ko at kumagat ng malaki sa burger.

Ngumiti lang sya at nagpatuloy na sa pagkain. Nasa isang picnic table nga pala kami ngayon, sa ilalim ng isang enormous oak tree.

"Wifey," tawag nya. "Lumapit ka"

Nag-lean ako palapit sa kanya. Magkaharap kasi kami. Kumuha sya ng panyo at pinunasan ang bibig ko. Sweet!

Siguiente capítulo