Nabigla ang mga taong nakakita napaka bilis ng pangyayari, napakalaking sasakyan ang bumangga sa isang babae ang kasama naman nitong isang babae napaupo lamang sa daan.
palapit ang dalawang lalaki sa babaeng nabangga kitang kita ng mga tao na ang isang lalaki ay napapaligiran ng nag liliyab na apoy sa buong katawan habang palapit sa biktima.
hindi man lang bumaba ang driver na nakabangga, agad agad naka tawag ng mga pulis at ambulansya ang mga tao, ngunit ang lalaking napapaligiran ng apoy sa katawan ay patungo sa kinatatayuan ng sasakyan napansin nalang ng lahat na nag sisimula na ring umapoy ang sasakyan kasamang nasusunog ang driver sa loob.
takot na takot ang mga tao sa kanilang nasaksihan ngayon lamang sila naka kita ng ganitong klaseng tao na may kakayahan, dumating ang mga pulis at ambulansya agad agad na sinakay ang babaeng nabangga kasama ang kasamang babae nito kanina at yung isang lumapit na lalaki sa kanya ngunit hindi na nila makita kung nasaan na ang lalaking may kakayahang gumamit ng apoy.
Nagising ako agad agad tumayo sa aking kinahihigaan panaginip lang ba yon? napalingon ako sa aking harapan kitang kita ko ang aking sarili na nakahiga pinapalibutan ng nurse at doktor.
nakita ko ang aking mga magulang at mga kapatid na naghihintay sa labas ng kwartong kinaroroonan ko, sinubukan kong lumapit at kunin ang kanilang atensyon ngunit tila hindi nila ko naririnig.
Kaluluwa nalang ba ako? bakit kailangan mangyari sakin to? gustong gusto kong punasan ang luha ng aking mga magulang at kapatid, ayokong makita silang Umiiyak ng dahil sa akin.
Nakita ko din ang aking nobyo ang matikas na lalaking nakilala ko ay parang hinang hina halos hirap siyang lumakad pula na ang kanyang mga Mata ngunit patuloy pa din ang agos ng kanyang mga luha.
"mahal tahan na wag kang mag alala magkakasama pa tayo, papakasalan mopa nga ako diba?" naluluhang bulong ko sa kanya ngunit alam kong hindi niya na ako nadidinig
patuloy pa din siya sa pagluha may lalaking lumapit sa kanya ngunit hindi ko ito kakilala
"Mr. Garen Firo? Ang aking pangalan ay Francisco, kailangan kitang makausap" pag sisimula ng lalaki napalingon naman sa kanya ang aking nobyo, pilit pinupunasan ang kanyang mga luha ngunit patuloy pa din itong tumutulo.
"batid kong alam mo ang nangyari kanina, Alam kong naguguluhan ka din kung papaano mo nagawang mag palabas ng apoy sa iyong katawan" pagpapatuloy ng lalaki nakikinig lamang ang aking nobyo, hindi nga ako nag kakamali sa aking mga nakikita kayang mag palabas ng apoy ng aking nobyo.
"nanganganib ang iyong buhay at buhay ng mga taong nasa paligid mo, kaya inaanyayahan kitang sumama sa akin upang mag aralan mong mabuti ang iyong kakayahan"
"ngunit paano ang aking nobya? nasa kritikal siyang kalagay ngayon hindi ko siya maaring iwan" pag protesta ng aking nobyo
"Mr. Garen Alam mo ba kung bakit nasagasaan ang iyong nobya? hindi iyon aksidente sinadya iyon para mapatunayan ng dark kingdom na ikaw nga ang prinsipeng nag tataglay ng apoy dahil alam nilang lalabas ang iyong kapangyarihan kapag sinaktan nila ang isang taong malapit sa iyo. matagal ka na namin hinahanap ganun din ang dark kingdom dahil Isa ka sa pinakamalakas na nilalang sa white kingdom na tatatalo sa kanila, Kaya para sa ikakabuti ng mga nasa paligid mo kailangan mong sumama sa amin. wag kang mag alala sasagutin namin lahat ng gastusin dito sa hospital ng iyong nobya sa kalagayan niya ngayon kailangan na kailangan niyang manatili dito sa hospital"
lalong tumulo ang luha ng aking nobyo, marahil ay lalong sinisisi nito ang kanyang sarili unti unti siyang tumango sa lalaking kanyang kausap.
"maari bang makapag paalam muna ako sa kanya alam kong di niya ko maririnig pero gusto ko lang mag paalam" pakikiusap niya tumango naman ito, nabigla na lamang ako nang mawala sila sa aking harapan.
nakita kong nasa loob na sila ng kwartong kinalalagyan ko. paano nangyari yon? may kapangyarihan din ang lalaki? nakakamangha hindi ba nila kayang gamutin ako? baka sakaling sila ang makatulong sa akin.
"brain dead siya ngayon ang mga aparatong naka kabit sa kanyang katawan ang tumutulong sa kanya para manatiling buhay wag kang mag alala babantayan pa din namin siya para sayo mahal na prinsipe" pagpapaliwanag sa kanya ng lalaki ng lalaking si Francisco
unti unting lumapit ang aking nobyo sa aking katawan hinawakan ang aking mga kamay patuloy pa din ang kanyang pagluha. Ang sakit sakit makitang nag kakaganun siya, Ang lalaking walang ibang ginawa kundi pasiyahin ako ay lumuluha ng dahil sa akin. patawad mahal patawad kung nasasaktan ka ngayon ng dahil sa akin.
"mahal ako'y aalis muna may kailangan lang akong gawin, wag kang mag alala babalikan kita at sa pagkakataong bumalik na ako pinapangako ko sayong napagbayad kona ang gumawa sa iyo nito. mahal na mahal kita hintayin mo ako ha" pabulong niyang sinasabi sa aking katawang nakahiga ngayon sa kanyang harapan lalong nadurog ang aking puso. Oo mahal hihintayin ko ang iyong pagbabalik ngunit hindi mo na kailangan mag higanti para sa akin.
hinalikan niya ako sa aking noo at tumayo na, pinahid niya na ang kanyang luha at tumango na sa lalaking kanyang kasama, bigla na lamang silang nag laho mahal hihintayin kita lalaban ako para sayo.
bigla nalamang tumunog ang aparatong nasa gilid ng aking hinihigaan, nagmamadaling nag si pasok ng mga nurse at doctor sa loob unti unti na din lumalabo ang aking paningin.