***
Sandaling katahimikan ang nanaig sa aming dalawa.
"Nabalitaan ko pala ang nangyari sa Ball night natin kagabi. Nakaalis na kasi ako nun sa venue eh. Ipinahiya ka daw ng boyfriend ng . . . ng iyong "Ex" during the "couple of the night" set-up. S-Sorry sa pagiging chismosa ko, pero kalat na kalat kasi ang balita sa buong campus eh." I knew that she was very careful to say about Jemmi being as my "Ex".
"Hayaan mo na 'yun. Nangyari na ang mga dapat mangyari." ang pagsasawalang-bahala ko.
"As in? Seriously? Parang wala lang sa'yo ang ginawa nilang pag-ploplot ng isang pagpapahiya sa iyo in public? You should've reported them sa Guidance Council ng school natin!"
Hindi ko inakalang magiging ganoon siyang ka-concern sa aking bigla.
"Para ano pa? Upang gumawa ng gulo?. As much as possible, gusto kong iwasan ang mga ganoong bagay. At saka, hindi naman big deal sa akin ang nangyari. Wala namang masamang nangyari sa akin. Retaliation won't help me in that case."
Parang isang talunan nang nagbitaw siya ng isang mabigat na buntong hininga.
"I admire the way you think, pero maaari ka nilang abusuhin if patuloy ka lang na magiging ganyan."
"Thanks, but I would prefer to stay this way." Nasa kape ng mug pa rin nakatuon ang aking mga mata habang sinasagot ko ang lahat ng kanyang mga sinasabi.
"Or, nagdadal'wang-isip ka lang na gumawa ng hakbang dahil involve ang . . . ang "Ex" mo?"
Natigilan ako sa aking sarili doon sa kanyang sinabi sa akin. At dahan-dahan ay iginapang ko ang aking paningin papunta sa kanya, somewhat confused.
"Mataas ang kumpyansa ko na wala siyang kinalaman sa mga nangyari." 'yun lamang ang nasabi ko sa kanya.
"I-I'm sorry."
Ilang sandali na pareho kaming naging tahimik na dalawa. Walang humpay na pinagmamasdan ko pa rin ang aking kape sa mug nito.
"Ano ba ang meron sa kape mo na hindi mo mabitaw-bitawan ng tingin? 'Pag tinitigan mo lang kasi 'yan ng tinitigan ay lalamig na 'yan!" Ang bigla niyang pakli.
Bahagya akong natawa sa naging pahayag niya.
"Hindi naman talaga kasi ako umiinom ng kape eh." Ang sabi ko.
Narinig ko na kamuntikan na niyang halos maisaboy ang kanyang hinihigop na kape nang dahil sa kanyang pagkagulat doon sa kanyang narinig mula sa akin. Sa gulat ko rin naman ay tiningnan ko siya. Pinapahid na niya ng tissue ang natapong kape sa gilid ng kanyang labi.
"Grabe ka naman." Ang natatawa kong reaksyon.
"Ikaw kasi eh. Nagpapatawa ka!"
"Alin ang pagpapatawa ko do'n?"
"Na hindi ka umiinom ng kape."
"Eh, hindi naman talaga eh!."
"Loko-loko 'to. Eh ba't nag-order ka niyan? Ang mahal kaya ng coffee with a cappuccino."
Hindi na ako nakasagot. Natahimik na lang ako sa aking kinauupuan.
"Naiintindihan ko na ngayon." Ang pakli niya pagkatapos ng ilang sandali.
"Naiintindihan ang alin?" ang tugon ko naman.
"The way you behave. 'Yung mga pinagsasasabi mo. Ang ginagawa mo. Alam mo, ang akala ko noon ay mga babae lang katulad namin ang matagal makapagmove-on pagdating sa relationship. May nag-eexist din pala na kagaya mo!"
My eyes moved to her, then back to the coffee.
"Nag-momove on na ako ngayon." I simply said.
"Nag-momove on na 'yang utak mo, pero 'yang puso mo ay hindi pa. Aminin mo!"
"Hindi 'yan totoo." Ang pagkakaila ko.
"Hindi ka makakapagsinungaling sa taong pareho ang pinagdadaanan ng sa iyo. Ang akala mo ba ikaw lang? Hindi kaya ganun kadali 'no!"
Hindi ko na nagawang sumagot pa sa kanya. Ilang sandaling nanaig muli ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Maaari bang magtanong sa'yo?" siya ulit ang unang nagsalita.
"A-Ano 'yun?" walang gana ang aking tono.
"Maganda ba ako?"
Nagulat ako ng husto sa naging tanong niya.
"Ano ba namang klaseng tanong 'yan?"
"Please, just answer me honestly!" she emphasized the last word she just uttered.
"O-Oo naman!" ang direkta ko namang sagot.
"Sexy din naman ako 'di ba?"
May saltik na ba ang babaeg 'to? Hindi ko tuloy naiwasan ang magtanong sa aking sarili. Pero kung sabagay, marahil ay "moving-on" stage pa din siya kagaya ko.
"Mmm . . . Hindi naman maipagkakaila iyon." aniko.
"Kung ikaw ba ang naging boyfriend ko, ipagpapalit mo rin ba ako sa iba?"
Seryoso ang bawat bato niya ng tanong sa akin. Ngunit doon sa huling naging tanong niya ay wala akong naisagot sa kanya kundi ay isang malalim lamang na paghinga.
""Hindi ko pa rin kasi maiwasang itanong ang mga bagay na ito sa aking sarili." Unti-unti ko na namang nararamdaman ang lungkot sa kanyang boses habang siya ay nagsasalita. "Ang alam ko lang kasi ay gusto niyang makipaghiwalay sa akin, pero ay hindi ko naman alam ang totoong kadahilanan niya. Hindi ko alam kung sa'n ako nagkulang at kung ano ba ang naging mga pagkakamali ko sa kanya. Hindi man lang siya kasi naglaan ng kaunting panahon upang magpaliwanag sa akin, o mabigyan man lang niya ako ng pagkakataong maitama ang aking kamalian kung meron man. Siguro naman ay ito ang tamang panahon upang sabihin mo sa akin ang buong katotohanan. Bestfriend mo naman siya, 'di ba? So, you know about everything." ang pagpapatuloy niya.
Bestfriend. Ang hirap pala kapag naka-tag ka na bilang bestfriend ng isang tao dahil ikaw ang naiipit sa isang sitwasyon na wala ka naman talagang kinalaman eh.
"Best friend? Hindi naman sa pinuputol ko na ang pagkakaibigan naming dalawa ni Evo, pero sa palagay ko ay kailangan ko munang dumistansya sa kanya. Honestly speaking, galit ako sa mga taong kagaya niya." Huminga ulit ako ng malalim bago nagpatuloy sa aking pagsasalita. I think, she's right. "Hindi siya naging seryoso sa inyong relasyon mula nung umpisa pa man. And ayon pa sa kanya ay hindi din naman daw niya akalaing seseryosohin mo ang lahat kahit na alam mong hindi naman talaga kayo in a relationship. Kaya wala siyang maiharap na mukha sa'yo upang putulin niya ang namamagitan sa inyong dalawa." Dagdag ko pa.
"In other words, talagang pinaglaruan niya lang ako!" ang nagpipigil sa kanyang pagiyak na wika niya. "Hindi siya nagpakalalaki, kung alam lang niya!" at sa huli ay lumuha na siya.
"At itinapon niya ang kanyang sim card after nun upang hindi mo na siya ma-contact pa." ang sumbong ko pa.
"Kaya pala mula noon ay hindi ko na siya matawagan, at hindi na rin siya nagrereply sa lahat ng texts ko sa kanya."
"Ako na ang humihingi ng paumanhin para sa kanya bilang isang, sabi mo pa nga, bestfriend niya."
Mula sa aming kinaroroonan, habang nag-uusap pa din kami ay may napansin ako sa labas mula sa salaming bintana ng shop. Nagulat ako dahil nakita kong nag-park ang kotse ni Evo. Lumabas nga siya mula sa loob ng sasakyan, kasama sina Raw at Buns. At ang nakakagulat do'n ay may kasama din silang isang babae na hindi familiar sa akin, ngunit ay napagtanto ko na marahil ay iyon na nga ang sinasabi ni Evo na girlfriend niya dahil napaka-sweet nila sa isa't-isa pagpasok nila sa loob ng shop.
Ano ang ginagawa nila dito? 'di ko tuloy naiwasanang muling kabahan
***