***
Pagkalipas ng ilang sandali ay marahan kong inialis si Merlyn mula sa pagkakayakap niya sa akin. May napansin kasi akong kung sino doon sa may mesa para sa mga Juniors. Nandoon na si Evo at nakaupo kasama ang iba sa mga kaklase naming lalaki at masaya silang nag-iinuman.
"B-Bakit?" ang nagtatakang tanong ni Merlyn sa akin.
"N-Nandito na si Evo." May pag-aalinlangan sa aking pagsasalita.
Napasulyap siya sa direksyon nina Evo. At muli siyang humarap sa akin.
"Jeyson, gusto ko sanang tulungan mo ako." aniya
"Tulungan saan?"
"Suportahan mo ako sa gagawin ko, please?"
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya that time.
"A-Ano 'yon?" parang kinabahan ako sa binabalak niya.
"Just promise me na susuportahan mo ako sa gagawin ko no matter what happens."
Hindi pa man tiyak at hindi pa ako sumasang-ayon sa kanya'y nagulat ako nang bigla niyang hatakin ang aking kamay upang sumama sa kanya patungo sa kinauupuan nila Evo!
"Teka, ano ba talaga ang binabalak mong gawin?" ang nababahala kong sabi sa kanya and I tried to stop her.
Huminto siya saglit at hinarap niya ako.
"Kay Evo, may sasabihin lang ako sa kanya." she firmly stressed.
"Huwag!" kinabahan na talaga ako ng husto.
"Huh! At bakit naman ha?!"
"To tell you honestly, nagsinungaling ako sa kanya. Since that day up to this point in time ay hindi pa niya alam na hindi ko pa nagawa ang favor na hiniling niya sa akin." ang paliwanag ko.
"Huh! Eh 'di mas mabuti kung ganun!" ang saad niya at hinila niya ulit ang kamay ko.
Tinahak namin ang gitna ng stage. Grabe! Talagang doon pa niya naisipang dumaan. Hinahawi niya ang mga taong nadadaanan namin.
"Excuse me. Excuse me po. Sorry po talaga." ako na ang humihingi ng paumanhin dahil wala siyang imik sa mga halos ay nakakabangga na namin at umaangal sa pagiging raskal niya.
"Evo!!!" ang biglang tawag niya.
Ramdam ko ang nagliliyab na galit mula sa kanyang boses.
Bumaling sa aming direksyon sina Evo at ang iba pang naroon na kasama niya. Napatayo silang lahat. At napansin kong gulat na gulat si Evo nang nakita niya kaming dalawa na magkasama at magkahawak pa ng kamay ni Merlyn.
"M-Merlyn? Umattend ka pa rin pala?!"
Sarkastikong ngumiti si Merlyn sa kanya.
"Oh, ba't parang gulat na gulat ka diyan? 'Di ba dapat matuwa ka dahil nakita mo na rin ang GF mo after how many months?" ang may pang-aasar na sabi niya.
"Wh-What are you talking about?" maya't-maya ay napapasulyap si Evo sa akin, naguguluhan.
Nag-eexpect kasi siguro sya na hindi a-attend sa Grand ball night si Merlyn pagkatapos ng mga nangyari --- sa favor na ipinagawa niya sa akin that I failed to do so.
"B-Break, what's the meaning of this?"
Wala akong ma-isagot kay Evo.
"May kailangan ba akong malaman na hindi mo pa sinasabi sa akin Evo?" ang tanong niya.
Mabilis na umiling si Evo ngunit ay napapasulyap-sulyap siya sa akin.
"Hm. Well, ikaw ang dapat na may malaman ngayon!" ang matapang na saad ni Merlyn. "Jeyson!" at nagulat ako nang tawagin niya ang aking pangalan. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang aking braso. "Jeyson, sabihin mo rito sa bestfriend mo na "BREAK NA KAMING DALAWA"!"
Nagulat kaming dalawa ni Evo.
"Wh-What?" halos ay walang boses na lumabas mula sa bibig ko.
"Sabihin mo ngayon sa bestfriend mo na nakikipag-break na ako sa isang BALIW na kagaya niya!"
Batid ko sa mga mata ni Evo na maliban sa pagkagulat ay naguguluhan na din siya ng husto sa mga nangyayari. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng diretso.
"Jeyson, please..." ang sambit pa ni Merlyn.
"E-Evo, narinig mo naman 'di ba? N-Nakikipaghiwalay na raw siya s-sa... sa'yo."
Bahagyang natawa si Evo pagkatapos ng ginawa ko.
"You look so stupid Break!"
SLAP!
Mas ikinagulat namin ang biglang pagsampal ni Merlyn kay Evo.
"'Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang BOYFRIEND ko!"
Halos ay matumba ako mula sa aking pagkakatayo doon sa sinabi niya kay Evo. Boyfriend niya? Ako? Gulat ng husto na napasulyap si Evo sa akin habang nasa kanyang pisngi ang isa niyang kamay.
Wala nang iba pa na sinabi si Merlyn. Tumalikod siya mula kay Evo at hinatak niya ulit ako pabalik sa dati naming pwesto kanina.
I was still dumbfounded sa mga nangyari. Gusto ko pa sanang lumingon kay Evo ngunit ay hindi ko na 'yon magawa.
And we stopped at the center stage. Dinampot niya ang mga kamay ko at inilagay niya ang mga iyon sa beywang niya. Then, she rested her hands again on top of my shoulders.
"Ba't mo 'yon ginawa? Para maghigante?" dito'y nagkaroon na ako ng tapang upang magtanong sa kanya.
Hanggang sa natagpuan ko na lang siyang lumuluha ulit, taliwas sa napakatapang na siya kanina.
"W-Wala. Don't mind me. And please, sakyan mo lang ang ginagawa ko. This is one way upang marelieved ako sa napakabigat na nararamdaman kong sakit ngayon."
"S-Sorry."
Natawa siya doon sa sinabi ko.
"Kanina ka pa "sorry" ng "sorry" diyan!" ang sabi niya.
"I'm sorry dahil hindi ko kaagad sinabi sa iyo ang lahat noon pa man."
"Ako nga ang dapat na mag-sorry sa'yo dahil tingnan mo 'tong nangyari ngayon? Dinamay pa kita sa kahibangang ginawa ko. And baka pa nga magalit sa iyo 'yung bwisit na bestfriend mo."
Sandaling katahimikan ang nanaig sa aming dalawa.
"Thank you, ha?" ang biglang pakli niya.
"W-Walang anuman 'yun. Are you okay now?"
Huminga siya ng malalim.
"Y-Yeah. At least nabawasan rin ang sakit." Aniya.
At pagkatapos ay bigla na lamang niya akong niyakap!
"Actually, nagtatapang-tapangan lang ako dahil mahal na mahal ko pa rin si Evo!" ang humihikbi pa rin na sabi niya.
Nagulat ulit ako sa kanyang ginawa at sinabi. Saglit lang at dahan-dahan din siyang umalis mula sa pagkakayakap niya sa akin.
"Salamat ng marami. 'Bye!" 'yon ang huli niyang sinabi habang pinapahid niya ang kanyang mga luha. And then, patakbo na siyang umalis palabas ng venue.
Wala akong ibang nagawa kun'di ay ang pagmasdan na lamang siya habang papalayo.
***
May nakikita akong valid reads sa stats ng Webnovel. Thanks for that. We are now in the 6th chapter of this story. What can you say about it? Please rate this book and let me hear your feedback.
I need to hear your side. Enjoy reading.
Thank you.