webnovel

Caleb’s Route VI - Conscience 

Chapter 42: Caleb's Route VI - Conscience 

Haley's Point of View 

  "Ready ka na, Hailes?" Pabulong na tanong ni Caleb sa akin habang hawak-hawak ang baba (chin) ko. Inilayo ko ang aking tingin para maiwasan 'yung nagaganap na eye contact pero iniharap lang ulit niya 'yung ulo ko sa kanya para magkapantay ang tingin namin. 

  Nanatili pa rin akong nakatitig sa berde niyang mata nang laliman ko ang paraan ng pagtingin ko sa kanya. "Ngh. Aren't you a bit aggressive there?" 

  Nanliit ang tingin niya. "You're tempting me." At inilapit na niya ang mukha niya sa akin bago namin marinig ang film slate. 

  "Cut!" Matulis na pagkakasabi ni Claire kaya naghiwalay na nga kami ni Caleb habang nilapitan naman ako ni Rose. Pasimple naman akong naglabas ng hininga. Lakas ng pintig ng puso ko sa kaba.

  "Ang hot n'yong tingnan kanina. Da't tinuloy n'yo na lang 'yung kissing scene." si Rose pero binigyan ko lang siya nang masamang tingin kaya tumawa siya. "Siyempre, joke lang. KJ ka, eh." Pang-aasar niya. 

  Inabot ni Claire ang tumblr sa akin na kinuha ko naman. "But I must say you're actually a good actress. Naalala mo 'yung sinabi sa'yo ni Miss Puccino? Da't nag take ka na lang ng communication degree." Sambit ni Claire. 

  Ibinaba ko naman ang Tumblr na iniinum ko. "Hindi naman pagiging actress ang gusto ko." Sagot ko. 

  "Sinasabi mo 'yan ngayon, so may I assume na alam mo na kung ano 'yung gusto mo sa future?" Tanong ni Rose na naging dahilan para hindi nanaman ako makasagot. 

  Napatungo ako. "Hindi ko pa… talaga alam." 

  Nakita ko sa peripheral eye view ko ang pagtingin ni Rose at Claire sa isa't isa bago ibalik sa akin. "Well, first year pa lang naman tayo kaya take it easy." Si Rose.

  "Tama naman pero," Humalukipkip si Claire. "Hmm. Ewan ko, ha? But in my opinion, dapat pag-isipan din ni Haley kaagad dahil mabilis lang ang araw." 

  "Kapag rush, 'di ba more reason para mawala siya't malito sa kung ano gusto niya para sa sarili niya?" 

  "True, pero ang gusto ko lang sana sabihin. Huwag niyang sasayangin 'yung araw kasi hindi natin 'yan namamalayan, at kapag nangyari 'yon. Baka magsisi lang tayo sa huli." Opinyon naman ni Claire.

  "Edi nakaka pressure rin 'yon?" Segunda naman ni Rose. 

  At nagsalitan na nga sila ng opinyon nila. Si Caleb naman, bumalik sa tabi ko na kagagaling lang din sa pwesto namin kung saan nakalagay ang mga gamit. Dito kami nag shooting malapit sa lawa para pwede namin pag picnic-an pagkatapos. 

Maganda rin kasi ang scenery dito dahil na rin sa mga pine trees kaya rito namin naisipan pumunta. Buti nga rin wala masyadong tao.

  Nag indian seat si Caleb. "Kaunting scene na lang kailangan, tapos na." Aniya kaya natawa ako ng wala sa oras. 

 

  "But it's funny to think na I.T and Psychology ang kinuha natin pero para tayong under sa Multimedia Performing Arts." 

  Humagikhik si Caleb. "Ganoon talaga siguro ang school. Hindi lahat ng pinapagawa nila, magagawa natin kapag nag trabaho pero tine-take pa rin natin for some reason." 

 

  Tumango ako kasi sang-ayon din naman ako. "Sabagay, may iba ngang tao na kinuha 'yung ganitong kurso pero hindi naman in demand sa field nila." Sumandal ako sa pahaba't makapal na poste na nasa likuran ko. "Halimbawa, itong ginagawa nating acting-an pero mga I.T at Psychology naman tayo, malay mo sa hindi natin inaasahan bigla na lang tayong naging artista." 

  Tumango si Caleb. "It happens for a reason nga naman." Sabi niya habang nanatili pa ring nakatingin sa harapan. Pero lumingon siya sa akin. "Ikaw kaya, kailan ka mapupunta sa akin?" 

  Namula ako pagkatanong pa lang niya no'n kaya pasimple akong huminga nang malalim para kalmahan ang sarili't hindi magpakita ng kahit na anong pagka flustered. "Ang bilis mong magbago ng topic." 

  Humagikhik siya at ipinatong ang kamay sa aking ulo. "But thank you, for giving me a chance to show my love to you." 

 

  Nanatili lang na nakababa ang tingin ko. Nung nakaraang araw… 

Flashback: 

  "I have something to tell you." Seryoso kong sabi habang nakatingala sa kanya. 

 

  Nanatili naman na nakababa ang tingin niya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. "Hmm?" 

  Inangat ko pa lalo ang ulo ko. Iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya 'yung buong kwento tungkol sa nakaraan kasama 'yung nangyari sa kapatid niya. Pero dahil sa takot, hindi ko naituloy. 

  Iniba ko na lang 'yung sasabihin ko para hindi niya mahalatang may tinatago pa ako. At isa pa, gusto ko rin naman talaga itong sabihin sa kanya. "Naalala mo 'yung sinabi mo sa akin dati na subukan ko?" Panimula ko. "I'm thinking na ayoko talaga siyang I-consider kasi alam natin sa sarili natin na kapag ginawa ko 'yon, parang ginagawa kitang panakip butas kaya--"

  "Hindi." Mabilis na sagot niya kaya napatigil ako. "You saying this to me is the proof that you're not." Humakbang pa siya palapit sa akin. "You always consider how I feel kaya alam ko na hindi mo 'ko gagawing panakip butas. However, I am willing to wait hanggang sa maging okay ka na." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang palasingsingan. "No matter how it takes." Dagdag niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. 

  Tumitig pa 'ko sa kanya bago ako huminga nang malalim tsaka ko iyon ibinuga. 

Nginitian ko siya. "I see, then…" Ibinaba na ni Caleb ang kamay ko ng hindi inaalis ang pagkakahawak niya roon. "Let's try." 

End of Flashback 

  I honestly don't know what to do. Is it a good thing na sabihin pa sa kanya 'yung bagay na natapos na? Or masyado lang akong nagiging idealistic sa part na gusto kong malaman niya para wala siyang isisisi sa akin for liking me? 

  "Ngh." Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko. "Ang corny at cringed." Parang nandidiri kong sabi. 

  "Mahal kasi kita." Matamis na ngiti niya kaya mas dumoble 'yung conscience na nararamdaman ko. 

  "Hoy, kayong dalawang love birds diyan. Baka gusto n'yong tulungan na kaming maghanda 'no?" Pagpapameywang ni Rose na nandoon sa foldable table. Naghahanda na sila ng kakainin namin. 

 

  Umalis na nga ako sa pagkakasandal. "Parang tanga talaga 'to." Iritable kong sabi bago ko sila lapitan. Sumunod na rin si Caleb para tumulong sa paglalabas ng iba pang gamit. 

*** 

  TINAPOS LANG namin 'yung ibang scene tsaka kami nagpasyang umuwi. 

Pinasok lang ni Caleb 'yung mga gamit sa ginamit na sasakyan ni Claire. Bale sa bahay nila iiwan 'yung mga ginamit namin kasi sa kanila kami makikitulog bukas para sa editing. Mostly trabaho na namin 'yon ni Rose. 

  Isinara na ni Claire ang pinto ng sasakyan at sumilip mula sa nakabukas na bintana. "Hindi talaga kayo sasabay?" Tanong ni Claire mula sa passenger seat. 

  "Hindi, may pupuntahan pa actually ako." Sagot ni Rose at binigyan kami ng mapang-asar na tingin. "Ewan ko lang sa dalawa, baka may date pa." 

 

  Binigyan ko siya nang walang ganang tingin. "Stop, I'll smack you."

  Nagtaas-kilay si Claire. "Well, text n'yo na lang ako kapag may problema." Aniya bago ipinasok ulit ang ulo sa passenger seat. Pero inilabas niya ang kanan niyang kamay para kawayan kami bilang pagpapaalam. "Bye!" 

  Pinaharurot na ng driver niya ang sasakyan kaya naiwan na lang kaming tatlo. 

  Naglakad naman na si Rose bago siya humarap sa amin. "Maiwan ko na rin kayo rito, makikipagkita pa ako kay John sa grocery kasi bibili pa kami ng kakainin sa bahay." 

  Taas-kilay ko siyang nginitian. "Para na kayong mag-asawa." 

  Binelatan niya ako. "Mag-asawa naman na talaga kami." Ngiti niya at mabilis na lumapit sa akin para bulungan ako habang na sa likuran lang namin si Caleb. "If nag work out 'yung relationship n'yong dalawa." Kinuha niya ang kamay ko at palihim na may inilagay roon. "You can have this. Use it if necessary." 

  Tiningnan ko naman iyon. May box wrapper of candy siyang binigay sa akin na may parang bilog doon sa loob. "Ano 'to? Candy?" Ibinandera ko pa 'yon paitaas. "Bakit ko 'to kakailanganin?" Taka ko pang sabi.

  "Ano iyon?" Curious na tanong ni Caleb at naglakad palapit sa amin. 

  Nataranta si Rose at mabilis na ibinaba ang kamay ko para ngitian nang pilit si Caleb na sisilipin sana 'yung hawak-hawak ko. Kabado itong natawa. "Ah, wala wala. Wait lang, ha?" Pagkasabi niya niyon ay mabilis akong hinila ni Rose. 

  Ta's nagulat na lang ako nang hampasin niya ako sa braso. "Gaga ka! Huwag mong ibandera 'yan!" 

  Humawak naman ako sa braso ko. "Ha?" Takang-taka kong sabi. 

  In-extend niya ang kamay niya na parang may hinihingi sa akin. "Akin na wallet mo." 

  "Bakit nanaman?" Taka ko pang sabi. 

  "Ang sabi nila su-swertehin ka kapag inilagay mo 'yan," Tukoy ni Rose sa hawak-hawak ko. "…sa wallet. Take note," Pagtaas niya ng hintuturo niyang daliri para ituro sa akin. "Don't ever take this out lalo na kapag may lalaki sa paligid mo." 

  Mas naintriga ako nang dahil doon. "Bakit ba kasi? Ano ba'ng mayroon sa candy na 'to?" At iaangat ko pa sana nang ibaba niya ulit. 

  "Haley, hindi ko alam kung matatawa ako sa'yo o maiiyak." Parang nalulungkot siya kung tingnan ako kaya nainsulto ako. 

  Napikon din ako nang kaunti. "Ano ba kasi 'to?" Tukoy ko sa hawak ko. "Bakit swerte sa wallet? Pamahiin?" Tanong ko pa. 

  "Kunin ko muna 'yung wallet mo." Hiram ni Rose sa wallet ko kaya wala naman akong nagawa kundi kunin sa bag ko at ibigay sa kanya. Kinuha niya ang candy tsaka niya iyon pasimple na inilagay sa loob. 

  Ibinigay niya pabalik sa akin at tiningnan ako ng diretsyo sa mata. "Actually condom 'yan, hindi candy." 

  Natulala pa ako ng ilang segundo bago mag sink in sa akin 'yung sinabi niya kaya namula ako at balak siyang batukan nang mabilis siyang tumakbo. 

"Mauuna na ako!" Pagtakas niya. 

  "Hoy!" Pasigaw kong tawag sa kanya. 

  "See you tomorrow!" Paalam niya sa aming dalawa tsaka niya ako binigyan ng flying kiss. T*ng ina mo, Rose! Iyon pala ibig mo sabihin! 

  Tumabi sa akin si Caleb habang sinusundan namin ng tingin ang papalayong si Rose. "Ano 'yung binigay niya sa 'yo?" Pagiging curious ni Caleb na hindi ko nasagot at mabilis lamang naglakad. 

 

  Ilang beses ko na ring minura mura si Rose sa utak ko. Humanda talaga siya bukas sa akin. 

*** 

  NAKAUWI NA kaming dalawa ni Caleb matapos naming kumain nang kaunti sa labas. Na sa tapat na ako ng gate at kalalabas lamang sa sasakyan niya. 

  Humarap ako kay Caleb na nakapamulsa na na sa likuran ko. "Thank you sa treat kanina at paghatid sa akin." 

  Ngumiti siya. "Anything for you." Nakaawang-bibig lang ako nang itikum ko. Ganito niya ako kagusto, ano? 

  I see. More reason to tell him. 

  Nakatungo lang ako at nanahimik sandali kaya nag-alala na si Caleb. "Hey, what's wrong?" Tanong niya at sinilip pa ang mukha ko kaya tumingala na ako. 

  "Can you stay for a bit?" Tanong ko sa kanya. "May gusto lang akong pag-usapan." 

***** 

 

Siguiente capítulo