webnovel

Caleb’s Route II - Patience and Understanding 

Chapter 38: Caleb's Route II - Patience and Understanding 

Haley's Point of View   

  Nakahintay lang kami rito sa pintuan habang sinusundan ng tingin si Mama na ngayo'y na sa labas ng gate at kumakaway bilang pagpapaalam. 

Pupunta muna raw siya sa spa at mag grocery nang kaunti bago umuwi rito. 

  Iniwan niya si Lara sa akin na ngayo'y buhat buhat ko't natutulog nang mahimbing.

Tumabi si Caleb sa akin at ibinaba ang tingin sa kapatid ko. "Tama nga 'yung sabi ni Tita, mas kumportable sa'yo 'yung bunso mo. Hindi siya umiiyak kahit nakita niya Mama niya na umalis." 

  Nakatingin lang ako kay Caleb nang ibaba ko rin ang tingin kay Lara. Kumakaway pa kasi siya kanina kay Mama. "Mmh." Pagtango ko bago kami pumasok sa loob. Hindi na isinara ni Caleb 'yung pinto. 

  Habang hinehele ko lang si Lara ay napatingin ako kay Caleb na kauupo lang ngayon sa couch at ngiti akong tiningnan. "Ang ganda mong tingnan." Matamis niyang pag ngiti na nagpasimangot sa akin. 

  "I know what you're actually thinking."

  "But I don't want to say it." Aniya. "You'll get piss off." Pag ngiti pa niya nang matamis na nagpatitig sa akin sa kanya bago ako tumalikod ng hindi hinihinto ang paghehele sa kapatid ko. 

  "Say," Panimula ko. "What if, nagkamali ka sa pagkagusto sa akin?" Tanong ko sa kanya. "What would you do?" Dagdag ko. 

  "Sinasabi mo lang naman 'yan kasi iba pa ang nagugustuhan mo." Sinasabi niya 'yan na parang wala lang sa kanya. "Tama ba ako?" Dugtong niya. 

  Naglabas ako ng hangin sa ilong. "You're quite right, but quite wrong." Sagot ko sa kanya bago ko ulit siya harapin. "Caleb, bakit mo nga ako nagustuhan?" Curious kong tanong sa kanya. 

  Nanatili pa rin 'yung ngiti sa labi niya nang humagikhik siya. "Tinatanong mo ba 'yan sa akin dahil hindi ka pa nako-convince sa nararamdaman ko? O gusto mo lang ulit marinig para magkaroon ka ng rason para mahalin ako?" 

  Namula ako. "T-That's not what I meant--! Shh… I'm sorry, I'm sorry." Paghawak ko sa ulo ni Lara dahil bigla siyang nagising sa sigaw ko kaya hinele-hele ko siyang muli. Buti nga hindi umiyak kasi mahirap na kung bigla 'tong hahagulgol. Wala pa naman akong alam magpatahan ng bata. 

  Muling humagikhik si Caleb. "Focus muna tayo kay Lara ngayon. We can talk about us kapagka may pagkakataon." Tumayo siya. "Hindi ba't hindi ka pa kumakain? Kunan lang kita ng makakain mo. Baka nagugutom ka na." 

  "Ah-- huwag na. Patulugin ko lang muna si Lara, dadalhin ko rin naman siya sa kwarto niya pagkatapos…" Sinundan ko lang si Caleb sa paglalakad niya palapit sa akin bago niya kunin sa akin ang kapatid ko. 

  Inilagay niya sa kanyang balikat ang ulo ni Lara at tinapik tapik nang mahina ang likuran nito. "Kumain ka na." Ngiti niya habang nakatitig lang ako sa kanya. 

  Tumango ako bago ako naglakad papunta sa dining area. Pero napatigil din ako sa paglalakad nang lingunin ko si Caleb na pinapatulog ang kapatid ko.

Naalala ko na may mga kapatid nga pala kasi siya kaya may alam siya sa pag-aalala sa bata. 

 

  Nakabuka lang ang bibig ko nang isara ko't humarap para dumiretsyo sa dining area. 

  The more he'll do something for me, the more na makokonsensiya ako. 

  Hinila ko ang upuan at umupo. Nandoon na rin naman kasi sa harapan ng table 'yong kanin at ulam na niluto ni Mama kanina bago siya umalis. 

Kinuha ko ang kutsara't tinidor na nandoon lang sa gilid at inalis sa pagkakataob ang nag-iisang plato para maglagay ng kakainin doon. 

  Mahahalin pa kaya niya ako kung sinabi ko 'yong tungkol sa nagyari ng mga taong 'yon? At kay Mirriam?

  Tahimik lang akong sumusubo sa pagkain ko. 

  Kung sasabihin ko kaagad sa kanya, pwede na siyang tumigil sa kakaasa sa akin. Pwede na siyang magkaroon ng rason para huminto. 

  Naglabas ako ng hangin mula sa ilong at tumingala. Is it even a good thing to do? Or I'm just using the reason to escape? 

*** 

  NATAPOS NA AKO sa pagkain at naidala ko na rin si Lara sa kwarto niya dahil tulog na tulog na siya kaya ngayon ay nandito lang kami ni Caleb sa sala at nanonood na lang ng pwedeng mapapanood doon sa NetClick. 

Umupo ako sa pahabang couches na inuupuan ni Caleb pero malayo nang kaunti sa kanya para may space pa rin. Inilagay ko sa pagitan namin 'yong pop corn na nai-microwave ko. 

  "Kakakain mo lang, may pop corn ka na." Aniya pero kumuha kuha lang ako ng pop corn at ngumuya-nguya. 

 

  "Iba naman ang snacks sa breakfast. Hindi rin naman 'to nakakabusog so it's fine." Sagot ko habang nakatutok pa rin ang tingin sa pinapanood. Sa totoo lang, gusto ko talagang matulog kahit sobra sobra na 'yung tulog ko. 

Wala talaga akong gana magkikikilos lalo na't nandito ako ngayon sa bahay, pero hindi ko naman magawa dahil may bisita ako. Ayoko namang sabihin kay Caleb na dito muna siya't matutulog muna ako sa kwarto. Nakakahiya. 

  "Caleb, ayaw mo pang umuwi? Boring dito." Bigla kong sabi na nagpatawa sa kanya. 

  "Is that your way to kick me out?" Tanong niya kaya bigla akong nakonsensiya. 

  "I'm not. I'm being considerate." Sagot ko at ngumuya. 

  Ramdam ko pa rin 'yung ngiti niya habang nakatingin sa akin. "I must say, naging malambot ka talaga for the past few years. By now, baka nga sinabi mo na sa akin na oo at gusto mo na 'kong paalisin" Natatawa niyang sabi at iniharap ang tingin. "But you didn't do it." Dagdag niya kaya ako naman itong napatingin sa kanya gamit ang gilid ng mata ko. 

  "What's your point?" Tanong ko sa kanya. 

  "You've become a mature lady." Sabay balik niya ng tingin sa akin kaya pareho na kaming nagkakatinginang dalawa. "And I can't wait to see you grow together with me." Matagal-tagal din ang tinginan naming dalawa pero inalis ko kaagad at pairap na ibinalik ang tingin sa pinapanood. 

  "Ano ka? Tatay ko?" 

  Humalakhak siya. "Ako?" Tukoy niya sa sarili. "I'm the person that loves you very much." Sagot niya. 

  Cheesy siya pero hindi naman cringed. 

  "Manood ka na nga lang." Sabi ko na lang tsaka ko siya napansin na medyo umuurong palapit sa akin kaya inis ko siyang nilingunan. "Huwag kang lalapit sa 'kin!" Bigla kong pagsigaw kaya bigla niyang itinapat sa labi niya 'yung hintuturo niyang daliri. 

  "Baka magising si Lara." Suway niya sa akin kaya napatakip bibig ako. 

  Inalis ko rin namna pagkatapos at sinimangutan siya. "Eh, ikaw kasi." 

Reed's P.O.V 

  Tanghali noong matapos ako sa dapat na gagawin ko sa E.U kaya ngayon ay pauwi na ako sa bahay para makapagpahinga. 

Nagmamaneho lang ako nang makarating na ako sa area namin, pero napatingin ako sa sasakyan na naka park sa tapat ng bahay nila Haley. May bisita yata sila. 

  Binagalan ko ang pagpapatakbo para silipin ang bahay nang bumukas na ang pinto at lumabas ang tao. 

Nangunguna si Haley kaya mabilis na tumibok ang puso ko dahil sa sobrang kaba pero napalitan iyon ng sakit noong makita ko na kasunod na niya si Jin. 

Hinahatid niya ito palabas at kinawayan para magpaalam. Sa paraan ng pagtingin nilang pareho, parang nagkaroon sila nang kaunting pagkakaunawaan, at nagkakabutihan. 

 

  Napakuyom ang hawak ko sa manibela at mabilis na lamang na pinaandar ito para makapasok na ako sa bahay. 

  Pinili ko naman ito, kaya bakit… parang nagsisisi ako? 

  Binuksan ni Yaya Yhina ang gate nang bumusina ako. Kaya pumasok na ako sa garahe at hindi kaagad lumabas ng sasakyan pagka-park ko. 

Ipinatong ko lamang ang noo ko sa manibela at napapikit para pigilan ang luhang gustong mamuo roon. Pero kapag iisipin ko 'yung mukha ni Haley na imbes na nagpapasaya sa akin, 

 

  …nagbibigay na lang siya ng sakit at lungkot sa akin. Kaya hindi ko na napigilan ang pagluha. 

  "Haley…" 

***** 

Siguiente capítulo