webnovel

To Get You

Chapter 35: To Get You 

Haley's Point of View 

 

  Sa isang lamesa sa tapat ng isang karendirya ay nakaupo kaming tatlo nila Claire at Rose habang kumakain ng tusok-tusok tulad ng Calamares, Kwek-Kwek, at Kikkiam. Hinipan-hipan ko muna ang mainit kong kwek-kwek bago kagatin 'yung gilid. Init! 

 

  "Kapag nagluluto ako nito sa bahay, ang pangit ng lasa. Kaya bakit ang sarap kapag binibili sa labas?" Takang taka na sabi ni Rose bago niya kagatin ang Kikkiam niya. "Acck! Init!" Naluwa pa niya 'yung Kikkiam na nanguya niya sa plastic na baso. Eww. 

 

  "Iyan, tanga." Sabi ni Claire. 

  Tiningnan ko naman 'yung laman ng wallet ko. "Ayaw n'yo bang tanungin sa akin kung bakit masarap kapag libre?" Tanong ko at bumuntong-hininga. "Bakit ako 'yung gumastos ng pagkain natin?" Takang taka ko pa ring sabi. 

  "Eh, kasi ikaw lang naman may dala ng wallet." Sagot ni Rose na tinanguna ni Claire bilang pagsang-ayon. 

 

  "Excuse me?" Taas-kilay kong reaksiyon. 

 

  "Bayaran ko mamaya." Paghagikhik ni Rose kasama ang labas ngipin na pagngiti. 

Ngumiwi na lamang ako bago ko ipinagpatuloy 'yung kinakain ko. 

  Lumingon-lingon si Rose sa kaliwa't kanan niya. "Pero hindi ba tayo papagalitan na nandito tayo?" Bigla niyang pag-aalala. 

  Tinusok ni Claire 'yung Calamares niya. "Siyempre, papagalitan tayo kung nalaman nilang nandito tayo imbes na nandoon tayo sa seminar." 

  "Balik na kaya tayo?" Hindi siguradong tanong ni Rose. 

  Muli kong tinaas ang kaliwa kong kilay kasabay ang aking pag ngisi kay Rose. "Alam mo na ngang papagalitan tayo bakit pa tayo babalik?" Tanong ko at uminum ng Iced Tea ko. Hindi naman sa nagpapaka bad influence ako rito, pero tinatamad na talaga akong bumalik. 

  Nginisihan naman ako ni Claire. "Ang bait na estudyante." 

  "Talagang mapapagalitan tayo kapag nagtagal tayo rito!" Inalis ko ang tingin ko kay Rose. Nandiyan nanaman 'yung student authority mode niya. "Tapusin na lang natin 'yung kinakain natin 'tapos bumalik na tayo kaagad." 

  Isinara ko ang isa kong mata at sinilip siya. Biruin ko pa nga nang kaunti. Babalik din naman kami 'no? Hindi ako papayag na hindi. Sayang ang pera. "Huwag na, mas masaya rito. Ayaw mo 'yon, malaya ka ta's nakakakain ka pa? Kaysa ro'n na ang lamig lamig, ang boring pa." 

  "And you call yourself an honor student?" Kuwestiyon ni Claire dahilan para bigyan ko siya nang walang ganang tingin. Makisama ka na lang. 

  Pinandilatan ko pa siya nang tingin. Mukha namang nakuha niya kaya tumangu-tango siya. 

  Humalukipkip si Rose. "May point ka." Pagsang-ayon niya sa akin kaya pareho kaming napatingin ni Claire sa kanya. 

  Stupid! 

  "Sabi na nga ba't nandito lang kayo, eh." 

  Pareho kaming mga nagulat sa biglaang nagsalita dahilan para tingnan namin iyon. Sila Reed at Caleb ito kaya mabilis akong umiwas nang tingin. 

Bakit sila nandito?! 

  Tumayo si Rose at nagpameywang para harapin 'yung dalawa. "Hoy, hoy. Babalik din kaagad kami, bakit sumunod pa kayo?" 

  "Eh, ang tagal n'yo kasi kaya sumunod na ako." Sagot ni Caleb. 

  Humawak naman si Reed sa batok niya. "Bibili lang sana ako ng tubig." 

  "Tsaka nandito na rin naman kami, sabay na kami sa inyo." Si Caleb. Naramadman ko pa 'yung sandali niyang paglipat ng tingin sa akin kaya kinilabutan ako. 

  Humawak si Rose sa ulo niya't napakamot. "Ugh. Bilisan n'yo, baka bumalik sina Ma'am Puccino. Ako ang malalago--" 

  "Yoh ~!" Malakas at masiglang bati ni Jasper kaya umangat ang magkabilaang balikat ni Rose samantalang nabuhayan naman ako na lumingon kung nasaan siya, kasama rin niya si Aiz. Humakbang si Jasper. "Hindi man lang kayo nag-aya na kakain kayo. Daya n'yo, ah?" 

  Pabagsak na lumuhod si Rose na tila parang na sa dramang pelikula. "Hindi ko alam na hahantong tayo sa ganito. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, hindi na sana ako nag desisyon ng isang aksiyon alam kong makakasira lang din sa reputasyon ko." 

  Nag gesture naman kaming lahat na parang 'di sang-ayon sa sinabi niya. 

"No, no, no." Sabay-sabay na sabi namin.

  "Baka nakakalimutan mong natalo ka sa eleksiyon." Tila parang may tumusok sa puso ni Rose pagka sambit ni Claire niyon. 

  "Don't worry about your reputation, duh? Ordinaryong estudyante ka lang sa college tulad namin." Dagdag ni Aiz na parang wala lang dahilan para may tumusok pa sa puso ni Rose. 

  "Tsaka kahit mapagalitan ka, damay rin kami." Ngiti naman ni Caleb. 

  "Sama-sama tayo rito. Hindi lang ikaw." Si Reed. 

  Sinuntok ni Jasper ang dibdib niya. "Ako bahala sa'yo kapag ikaw lang pinagalitan." 

  Ipinagkrus ko ang mga hita ko. "In the first place, wala ka namang reputasyon." Huling dagdag ko kaya mas na-down siya. 

  "Wala kayong kwentang kaibigan." Umaaktong umiiyak pa si Rose na ngayo'y parang naka push up posisyon doon. 

 

  Tinuro ni Claire 'yung simento kung saan nakaluhod ngayon si Rose. "Sigurado kang luluhod ka pa diyan? May dumura sa pwesto na 'yan kanina." 

  Mabilis namang tumayo si Rose dahil sa naging biro ni Claire at nataranta na nag-iiikot ikot. "Nasaan?!" Hanap niya 'tapos mabilis na pinagpagan mga kamay at tuhuran niya. "Kadiri! Ba't 'di mo kaagad sinabi?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Rose pero lumingon lang kanang bahagi si Claire. 

  Ngumiti ako nang pilit. "Binibiro ka lang niya." 

  "Ah--" 

  Sabay-sabay kaming napatingin lahat sa pinanggalingan ng tunog. 

Laking gulat na si Sir Santos iyon na subo-subo ang Cheesedog niya't may hawak-hawak pang cola. 

*** 

  WALANG GANA akong nakatingin kay Sir Santos habang sinusundan namin siya papunta sa isang area kung saan kami pwedeng kumain. Okay na ro'n sa pwesto namin kanina, eh. "Ba't kailangan naming sumama sa'yo? Should a teacher be doing this?" Tanong ko. 

  Umismid naman siya. "You know I shouldn't, you brat." Lumingon siya sa amin. "Tsaka kung wala kayong kasama na teacher at may nangyari sa inyo, ano na lang sasabihin ko sa iskul?" 

  Namilog panandalian ang mata ko sa kanyang sambit. 

  "Pero bakit hindi mo na lang kami pinabalik sa auditorium?" Tanong ni Reed sa likuran ko. 

  Humawak si Jasper sa likurang ulo niya. "Ah! Alam ko na! Nagi-guilty siya kasi imbes na nandoon sa meeting, nandito siya't kumakain." 

  "OMG! Iniwan mo si Ma'am Puccino ro'n?" Hindi makapaniwalang wika ni Aiz. 

  "Knowing Ma'am Puccino, masyado siyang seryoso sa buhay kaya hindi siya kaagad-agad aalis sa meeting, 'no?" Sagot ni Rose kaya nagalit na si Sir Santos na siyang nagpapikit sa amin. 

  Humalukipkip si Claire. "Pero mapapahamak ka niyan, Sir kung malalaman ni Ma'am Puccino." Humawak siya sa labi niya kasabay ang pagtingala na parang nag-iisip. 

  Bumaba ang balikat ni Sir Santos nang dahil doon habang parang pagod na pagod kung tingnan kami. Pagkatapos ay bumuntong-hininga na lamang. 

Huminto kami sa isang area na wala masyadong tao, medyo malapit-lapit kami sa view ng dagat. Dito sa malaking puno, may isang bench sa tabi niyon kaya nakakasilong kami mula sa liwanag at init ng araw. 

  Sabik na lumapit sila Jasper at Rose sa peak. 

Umupo si Aiz sa bench kasama si Caleb samantalang na sa likuran ko naman sila Reed at Claire. Katabi ko si Sir Santos. Pinapanood lang namin 'yung view mula rito habang inuubos ang pagkain namin. 

  Tatanungin ko sana si Sir Santos kung paano niya nalaman ang lugar na 'to. Eh, nabanggit nga pala na rito siya nagta-trabaho noon. 

  "Pwede kayong pumunta ulit dito mamaya after ng kainan sa welcome party tutal may fireworks display na magaganap, mas nakikita 'yung view mula rito." 

  Napatingin kaming lahat kay Sir Santos. 

  "Wow! Ang sweet naman ng titser namin na 'yan! Kaya mo pala kami dinala rito." Maingay at natutuwa na sabi ni Jasper kaya umismid naman itong guro namin na ito. 

"Pagkatapos n'yong kumain, bumalik na kayo sa seminar building para hindi kayo malintikan kay Ma'am Puccino. Naiintindihan n'yo?" Aniya na may awtoridad sa kanyang boes. 

Hindi naman kami nagtagal dahil naubos na rin naman namin 'yong pagkain namin kaya bumalik na kami sa auditory. Subalit pagkapasok pa lang namin sa building, nandoon na't nakaabang si Ma'am Puccino. 

  At halata sa mukha niya na hindi siya natutuwa. Nakataas ang kilay niya't naka red lipstick. 

  Animo'y narinig ko naman ang iniisip ng mga kasama ko. Yari. 

*** 

  NAKABALIK NA KAMI sa dormitory building nang matapos ang seminar. Mga ilang oras pa ang welcome party na magaganap kaya makakapagpahinga pa kami. 

  Iyong tungkol naman sa nangyari kanina, wala naman masyadong punishment-- kung mayroon man, iyon ay bantay sarado na kami. Walang freedom na makapunta sa ganyan ganito na kami-kami lang. 

  "Ano tayo, bata?" Daing ni Reed.

  "Sino nga may kasalanan?" Pagpaparinig ni Claire at binigyan kami ng walang ganang tingin ni Rose. 

  Tinuro ko ang sarili ko. "Bakit ako?" 

  Pinindut-pindot ni Rose ang hintuturo niyang daliri sa isa't isa. "Wala na, paano kung hindi na ako maging president nito next year?" 

  Pinitik ni Aiz ang buhok niya. "Ako ang tatakbong presidente!" 

  Tumingin ako sa kaliwang bahagi para iwasan ng tingin si Aiz. "Mabuti sana kung may bumoto sa'yo." 

  "Ano'ng sinabi mo?!" Inis na sabi ni Aiz. 

  "Chill lang kayo, girls. Ganyan lang 'yan si Ma'am pero hindi naman tayo niyan matitiis. Tingnan n'yo nga ngayon, hinayaan niya tayong bumalik sa dormitory." Pagpapanatag ni Jasper at nginitian si Rose. "Marami pa ring boboto sa'yo, huwag ka lang ma-down." 

  Mas na-down si Rose kumpara kanina. "Ah, kapag sinabi mong huwag akong ma-depress, mawawala na rin 'yung depression ko?" May pagka sarkastikong tanong ni Rose gamit ang kanyang malalim na boses. Animo'y parang napapagod siya na hindi mo maintindihan. 

  "H-Hindi, hindi 'yan ibig kong sabihin!" 

  Bigla naman akong natakot sa naging itsura ni Rose nang lapitan niya si Jasper. "Nag-aaral aral ka ng psychology pero wala kang alam sa mga ganyan?" Tanong niya at humawak sa kanyang noo. "What a shame." Dagdag niya kaya pumunta sa gilid si Jasper at umupo roon sa sulok. Nakaupo sa sahig habang yakap yakap ang mga binti. 

  Umaaktong umiiyak dahil sa kanyang pagsinghot. Nilalaro laro rin niya 'yung hintuturo niya sa sahig. "Mali lang pagkakasabi ko." 

  Labas sa ilong lang akong ngumiti habang nakikinig sa mga kwentuhan nila nang bigla akong hilahin ni Caleb sa kung saan. Busy ang mga kaibigan ko kaya hindi nila kami napansin. "O-Oy!" 

*** 

  DINALA NIYA ako sa balcony lobby kung saan kami nagkita ni Reed kagabi. Binitawan ako ni Caleb nang huminto kami sa malaking window. Palubog na 'yung araw at nagiging mala kahel ang kulay ang paligid. Pero mas pinagtuunan ko ng tingin ang taong na sa harapan ko. "Hinayaan kitang dalhin ako rito, pero ano kailangan mo?" Tanong ko.

"Hailes." Tawag niya sa pangalan ko at humarap sa akin. 

  "Natatandaan mo ba kung paano ko sabihin sa'yo na hahayaan kita sa gusto mo at hayaan mo rin ako sa gusto ko?" Tanong niya sa akin. 

 

  Kinunutan ko siya ng noo. "Oo," Sagot ko at tinaasan naman siya ng kilay. "Baki--" Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang pisngi ko't mabilis akong hinalikan. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya nang humiwalay siya sa akin. 

  Diretsyo ang tingin niya sa mga mata ko habang pulang pula naman ako't hindi makapaniwala sa ginawa niya. Hinalikan nanaman niya ako… 

  Hinalikan nanaman niya ako! 

  "I was trying to take it slow because I know my limitation. But at this rate, you might be taken away from me if I don't do anything." Dinaan niya sa labi ko ang hinlalaki niyang daliri dahilan para mas mamula ang mukha ko't sumabog ang puso ko lalo pa noong ngumisi siya. Tinagilid din niya nang kaunti ang ulo niya. "Kaya hindi ko na 'to i-easy-han. Prepare yourself." At kinuha niya ang kamay ko para halikan naman ako sa palasingsingang daliri. 

***** 

Again, the final book of TJOCAM series have two endings. The first half will be Caleb's Route and second will be Reed.

The ending is pretty much obvious, of course. Maliban sa ROMANCE nga ang genre-- meaning happy ending. I make it two to show different perspectives and point of view.

Yulie_Shioricreators' thoughts
Siguiente capítulo