webnovel

Bizarre

Chapter 31: Bizarre 

Claire's Point of View 

  Sa tabi ng railings ay nakatayo kami ni Reed na hindi naman lalayo kung saan kami kumain kanina. Pareho kaming nakatingala habang tinitingnan 'yung gumagalaw na ulap. Hindi naman ganoon kainit kaya hindi nakakasilaw. 

  "Haley, she is the type of person who likes to put a strong front but fragile on the inside that you can't helped but to feel worried whenever you're with her. She'll even distance herself kapag nalaman niyang nag-aalala ka sa kanya." 

  "Hindi ba't parang mas mag-aalala ang tao kapag lumayo siya?" Tanong naman niya kaya natawa ako. 

  "Exactly." Tatango-tango niyang sabi. "Ang stubborn kasi niyang babae, hindi siya nakikinig sa sinasabi ng iba sa kanya at gagawin lang niya kung ano 'yung tingin niyang mas okay sa kanya." Bumaba nang kaunti ang talukap ng mata ko. 

 

  I missed a lot of things about her, haven't I? 

That's not how I met her. Until now, she's just… a good awkward person. 

But pretty considerate to those around her. 

*** 

  NAKARATING NA KAMI sa sinasabing apartment ni Rose. 

Simple lang siya at hindi ganoon kalaki, pero hindi rin ganoon kaliit. Siguro sakto ito para sa kanya. 

  "You really live here alone? Pero bakit 'di ka marunong magluto?" Diretsyong tanong ko kay Rose na tinawanan nang kaunti ni Haley. 

  "How rude! Marunong naman ako kahit papaano, 'no?" Simangot na pagpapalusot ni Rose tsaka nagpameywang. "Pumasok na nga kayong dalawa nang makapagpahinga na rin kay-- Miles. I said I'm okay." 

  Ibinaba ko ang tingin kay Haley na tahimik na nasa tabi ko. Kanina pa talaga siya hindi nagsasalita. "W-Wala naman akong sinasabi." 

  "But it's written on your face. Kanina ka pa kaya tahimik din." Tugon ni Rose at nilapitan si Haley para yakapin. "Eh, hindi ka naman ganyan nung una."

  "You're still worried about what happened from earlier?" Paninigurado ko pero umiwas siya ng tingin. 

 

  Sandali siyang hindi sumagot nang tumawa siya nang pilit pagkalingon niya sa akin. "Hindi, hindi naman. Napagod lang talaga ako sa ginawa natin." Not a good liar, indeed. 

  "Huwag mong I-natin kasi ikaw lang naman talaga 'yong may mas ginawa. " Sabi ni Rose 'tapos sabik akong tiningnan. "Hindi ba't gumagawa ka ng kwento? Pwede mo rin 'tong gawing reference based on real life. Action but Slice-of-Life!" 

  Namilog ang mata ni Haley at napatingin sa akin ng hindi inaalis ni Rose ang pagkakayakap sa kanya. "R-Really?" Hindi makapaniwala niyang tanong. 

  Ngumiti ako nang pilit. Bigla kasi akong nahiya. "O-Oo--" 

"I wanna try! Sa Webnovel ba?" Mabilis na pag-iiba niya ng mood na nagpakurap sa akin. 

Recently, nandoon 'yung eagerness kong tanungin siya ng kung anu-anong bagay dahil hindi ko 'yon nagagawa sa tuwing magkakasama kami, kaya unti-unting namumuo 'yung kuryosidad sa kaloob-looban ko tungkol sa kanya. Mas dumagdag lang 'yung rason dahil sa nangyari kanina. 

  Pagkapunta nina Haley sa prisinto para sunduin ako. Tumayo ako para salubongin sana sila nang mapahinto ako. Kinilabutan ako sa paraan ng pagtingin ni Haley na nandoon sa likuran ni Rose. At mukhang hindi iyon napapansin ni Haley pero napaka blanko ng mata niya at napakalamig na pati ikaw ay mararamdaman mo. 

  Hindi na iyon bago kay Haley. Ganoon siya palagi kapag nakikita ko siyang mag-isa. Kumpara sa iba kong nakikita na mayroong intimidating aura, iba 'yung kay Haley. Parang may nakikita talaga akong visual-- at hindi ko maipaliwanag nang maayos pero para bang ganito na; kasama mo siya. Oo, nakakausap mo pero makikita mo 'yung puno't malalaking harang na hindi mo magawang pasukin sa sobrang taas. 

  Ang weird, 'di ba? Hindi naman ako ganito dati, 'lagi akong mag-isa at wala ring  problema sa akin iyon kaya bakit ngayon pa? 

 

  Pumasok na nga kaming dalawa sa apartment ni Rose. Tinanggal ang sapatos tsaka nagpatuloy para sundan si Rose. Pero pareho kaming napatigil ni Haley nang makarinig kami ng yabag ng paa. 'Tapos nagulat na lang ako noong mabilis na pumunta si Haley sa likuran ko hawak-hawak ang mga balikat ko. "A-Ano iyon?!" Patili na tanong ni Haley. 

  Nilingon ko siya. "Kaya mong mapabagsak 'yung taong may posibilidad na patayin ka pero sa multo, takot ka?" 

  "Hush!" Pagpapatahimik niya sa akin kasabay ang pagsulpot ng isang lalaki sa harapan na parang handang mangain mula sa likod ng liwanag. Kaya anino lang niya ang nakikita namin. 

 

  Napaatras ako't tinuro 'yung lalaking iyon. "Haley, I choose you!" 

  "Huwag mo 'kong gawing pokemon!" 

  Pumaabante ang lalaking iyon at tumapat sa liwanag kaya nakikita na namin ang mukha niya. "Whoa! Haley! Tumangkad ka, ah!" Sabi nung lalaking 'di ko kilala 'tapos ay napatingin sa akin. "Nagdala ka rin ng new classmate. Ako pala si John!" Labas ngipin na ngiti nung John na iyon. 

 

  Para namang nabunutan ng tinik si Haley dahil sa mabigat na pagbuga niya ng hininga. "Bakit 'yung height ko napansin mo? You know how to die?" Nakasimangot na tanong ni Haley. 

  "Spare me." si John. 

  "Nice to meet you, I'm Marie Claire." Pagpapakilala ko sa sarili ko na nginitian naman nung lalaking iyon. Pagkatapos ay walang gana kong tiningnan si Rose. "Sabi mo ikaw lang mag-isa?" 

  Tinakpan ni Rose ang bibig niya. "Oops, hindi ko pala nabanggit." Nilapitan niya si John. "Pero may ka-lived in ako." Sabay kapit sa braso ni John na para namang naging dahilan para ma-conscious ito. 

  "Hey, stop. May bisita ka." si John. 

 

  Napahawak ako sa mukha ko. "I don't mean to be rude but are you telling us to sleep here with a guy?" 

  Ibinalik kaagad ni John ang tingin niya sa amin. "A-Ah, hindi! Sa amin ako matutulog." 

  Tumaas ang kaliwa kong kilay. "Uuwi ka sa inyo nang dahil sa amin? Huwag na, rito ka na lang matulog. I'm just asking anyway. Wala namang problema." Pag-angat ko ng kamay na may pag gesture. 

  I could see naman na wala rin siyang gagawing 'di maganda. I have a keen intuition, not just a feeling. Kaya nasasabi ko. 

  "Ahm, lived in?" Pare-pareho kaming mga napatingin kay Haley na nagfi-fidgeting sa tabi ko. Nakatungo siya at medyo malikot doon sa kinatatayuan niya. "Meaning you already did it?" 

  "Did what?" Takang sabi ni John na ikinangisi naman bigla nung demonyong si Rose. Alam na niya tinutukoy ni Haley. 

"S*x." Diretsahang sagot ni Haley na nagpamula sa akin. Pasita kong tinawag ang pangalan niya kaya lumingon siya sa akin. 

  "Wala namang masama kasi sabi naman nila lived in sila, natanong ko lang kasi baka pwede mo ring gawing reference?" 

 

  Napapikit ako nang mariin. "Hindi ako erotic writer!" Pasigaw kong sabi at napahawak sa aking ulo nang lumitaw nga sa utak ko 'yung litrato na may ginagawang kababalaghan sila Rose. 

  "Iyahh ~" Rinig kong ungol ni Rose kaya halos maiuntog ko na sa pader ang noo ko. 

  "Pwede naman akong magkwento by detailed kung gusto n'yo." Mapang-akit na ngiti ni Rose habang nakadikit ang nakataas niyang hintuturo sa kanyang labi. 

  Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. "Rose!" Pulang pula na tawag ni John habang napahawak lang ako sa bibig ko. 

  Si Haley naman ay biglang na-flustered. "A-Akala ko n-nag jo-joke lang kayo! H-Hindi pa pwede 'yan! Hindi pa kayo kasal!" 

  "Huwag kang maniwala sa kanya, Haley. Hindi pa namin ginagawa!" Ginagawa talaga ni John 'yung makakaya niya para makumbinsi si Haley. 

  Tinabingi ni Rose ang ulo niya at takang tiningnan si Haley. "Kasal na kami." 

  Sa pagkakataon na ito, ako naman ang nabilaukan sa sarili kong laway. Napahawak na rin ako sa dibdib kaya hinawakan na ako ni Haley sa aking likod. "Kaya pa? Hinga."

  "Idiot!" 

*** 

  KINAGABIHAN ay na sa iisang kwarto lang kaming tatlo't nakaupo sa malaking kama. Maglalaro raw kami ng uno. 

Kinuha lang ni John 'yung extra nilang comforter mula sa cabinet. "Ilalatag ko lang 'yung higaan ko para ready na mamaya kapag matutulog." Paalam ni John bago isara ang pinto pagkalabas. 

  Mabilis naming nilingunan si Rose at nilapitan. "So natutulog kayong dalawa sa malaking kama na 'to?" 

  Binigyan kami nang matamis na ngiti ni Rose. "Parang ganoon na nga. Ang sweet, 'di ba?" Sabay hawak sa pisngi niya na parang kinikilig. 

  Napa-bored look ako ng wala sa oras. "No offense, pero nung una talaga hindi ako naniniwala sa'yong may boyfriend at straight ka." Pagkasabi ko pa lang niyon ay inilapit nanaman niya ang mukha niya sa akin. Ito kasi 'yon, eh! 

  Isama mo pa 'yung pa-curl niyang labi na parang anytime may gagawing masama. 

 

  "Huwag kang mag-alala. Kapag naging lalaki talaga ako, liligawan ko kayo ni Miles." At nagpatunog siya ng parang bulang pumutok na tinulak naman ni Haley palayo sa akin. 

  "In your dreams." Basag trip ni Haley. 

  Tumawa si Rose 'tapos ay humawak sa mga paa niya. "Okay ka na?" Tanong ni Rose kaya umangat ang ulo ni Haley at takang taka na tiningnan 'yung bruha. 

Napatingin naman ako kay Rose, biglang naging gentle 'yung paraan ng pagtingin ng mga mata niya kay Haley. At pagkatapos niyon ay pareho silang mga nag ngitian na siya namang nagpangiti rin sa akin. 

*** 

BUMALIK NA ako sa wisyo ko. Tumungo ako nang maalala ko iyon. I see… Bakit ngayon ko lang din na-realize? 

  Of course, maku-curious ako dahil ngayon lang nangyari sa 'kin 'to.

Ngayon lang ako nagkaroon ng matatawag na "companion" kung saan makikita mo 'yung pag-aalala sa isa't isa. Na may pakielam sila. 

  Both Haley and Rose have their similarities. Rose do silly things para mapagaan ang mood ng tao pero kapag alam na niyang sumasama ang timpla nung inaasar niya, bumabalik siya sa kung ano talaga siya. 

  Habang si Haley naman, gaya ng nasabi ni Reed kanina. Matapang siya pero 

'di mo rin maiwasan na mag-alala kapag kasama mo siya. 

At kapag nag-aalala ka sa kanya, ang tendency lumalayo siya-- at alam ko na ibig sabihin ni Reed doon. 

  "Ah. Nandiyan na pala si Haley." Lumingon ako sa pinanggalingan ni Haley. Kasama niya ngayon si Sir Santos kaya humarap ako kung nasaan sila. " 

  "Thank you nga pala," Naramdaman ko ang paglipat ng tingin ni Reed sa akin. "…for telling me about her." 

  Nagpamulsa siya. "And thank you for being a good friend to her." Pagpapa-salamat niya kaya labas sa ilong akong ngumiti bago naglakad papunta kay Haley. 

  Ako dapat magsabi niyan. Salamat dahil nagkaroon ako ng kaibigan tulad nila ni Rose. 

***** 

Mahaba-haba pa sana 'to kaso inatake na ako ng Dysmenorrhea. Haha. Thank you for reading!

By 50-55 chapters. Matatapos na ang final book.

Yulie_Shioricreators' thoughts
Siguiente capítulo