webnovel

Amend

Chapter 26: Amend

Reed's Point of View 

  Sumandal na ako sa lean seat matapos kong mai-edit 'yung pinaka final draft ng practicum namin na Short MV. Iilang araw na lang kasi ay pasahan na kaya inaasikaso na rin talaga namin ngayon sa mansiyon ng Villanueva. 

"Done. Bukas naman 'yung iba." 

  Inilapag ni Aiz 'yung pancit canton sa tabi ko. "S-Sigurado kang magluluto lang ako ng pancit canton sa buong project natin? Wala talaga akong gagawin?" Paninigurado niya kaya nginitian ko siya. 

  Tumango rin ako. "Oo, wala ka ng ibang gagawin." 

  "Mayroon ka bang magagawang maayos kapagka nagbigay ako ng gagawin mo?"  Hindi ko pa rin inaalis ang pilit kong ngiti. At 'yung sinabi ko, hindi ko napansin na lumabas na pala sa bibig ko, eh dapat na sa utak ko lang 'yan. 

  Siniko ako ni Jasper sa braso. "Your internal monologue is leaking." Bulong ni Jasper nang lingunin ko siya kaya ibinalik ko 'yung tingin ko kay Aiz na naguguluhan sa naging akto ko. 

  Tumawa ako nang pilit. "Sorry that was a strange thing to ask. It's nothing." Sagot ko. 

  Iniikot ng blockmate namin ang gaming chair para humarap sa amin. Nandito kasi kami ni Jasper sa baba na nakaupo tutal may maliit na lamesa at may Butt Cushion kaya hindi naman nakakangalay kung dito kami. 

"Reed, pinasa ko 'yung file sa email mo. Tingnan mo kung okay 'yung sequence nung mga screenshots." 

  Tumango ako. "Got it. Thanks." Ngiti kong sabi at nag-unat. "Mag miryenda na muna tayo." 

  Sa grupo naming apat, hindi ganoon naging ka-smooth ang flow nung paggawa namin ng project, iyong conflict madalas ay 'yung mga schedule ng mga kasamahan ko. Palagi silang may mga excuses na hindi makaka-attend sa nasabing meet up dahil may mga kanya-kanyang ginagawa kaya gumawa talaga ako ng plans, at nag adjust din ako para magawa namin kaagad ang nasabing project. 

  Umupo si Aiz sa isa pang Butt Cushion doon sa kabilang edge ng lamesa. Ipinadikit niya ang mga tip ng dalawa niyang hintuturo kaya tiningnan ko siya. "Ahm, tatanong ko lang. Paano kung tanungin tayo kung ano mga ginawa natin? A-ano sasabihin ko?" Tanong niya't tumungo. "Hindi mo ba 'ko babawasan ng points?" 

  Ako kasi ang in-charge sa pagbibigay ng points. 

  Umiling ako. "Hindi. Kung tanungin ka nung prof. Sabihin mo sa kanya ikaw tagaluto ng canton." Sagot ko kaya umangat kaagad ang ulo niya para tingnan ako. 

  "Eh?! Seryoso ka ba diya-- Eek!" 

  Tili niya dahil sa pasimpleng pagbibigay ko ng mala-demonyong ngiti. "Kung wala kang reklamo palagi, gaganahan siguro ako na bigyan ka ng trabaho. Pero ano'ng ginagawa mo? Panay lapit ka kay Jasper, ta's noong binigyan kita ng gagawin, puro pa palpak. Ano'ng gusto mong gawin ko sa'yo, huh?" Gumagamit ako ng malalim na boses dahil pikon na pikon na rin talaga ako dahil maliban sa wala na nga akong masyadong tulog, panay trabaho rin ako sa office ng E.U. 

  Nanginginig siya nang umurong siya paatras at lumuhod na madalas gawin ng isang hapon. "Patawarin mo 'ko, ano'ng gusto mong gawin ko, Sir Reed? Halikan ka paa? Gagawin ko na--" Aabutin pa lang niya ang paa ko noong tumayo na ako. 

  "Okay na! Sabihin mo na lang kay prof na ikaw nag attached ng mga background music." Iritable kong tugon sa kanya kaya tumayo rin siya't tumalon-talon sa tuwa. 

 

  "Yieeh! Thank you! Mahal na mahal mo talaga ako, ano? Pero sorry, mahal ko kasi si Jasper." Sinabi niya iyan na may pag intertwine sa mga daliri niya kasabay ang pagkinang ng kanyang mga mata. 

  Napaurong ang ulo ni Jasper pagkarinig pa lang sa pangalan niya. "Eh?" Reaksiyon niya kaya ako naman itong napasapo sa noo saka napatingin sa screen ni Jasper. May ka-chat siya sa internet, at nakita ko 'yung pangalan ni Haley kaya dali-dali naman akong nagpa-indian seat para silipin 'yung usapan nila. 

 

  "Oy, ano 'yan? Sabi ko tapusin mo na pinapagawa ko bakit kausap mo si Haley?" Pasuway kong tanong habang ini-scroll up 'yung usapan nila kaya ako naman itong tinulak ni Jasper palayo sa screen. 

 

  "Ano ba 'yan, bro. Muntanga." At ibinalik niya 'yung tingin sa screen. "Nagpapasama kasi si Haley mamaya." 

  "Bakit sa'yo nagpapasama?" Takang taka kong tanong habang tinutuktok ang tip ng daliri sa lamesa. Hindi ako mapakali. 

  Hininto ni Jasper ang pag click niya at tiningnan ako. 'Tapos ay malapad akong nginisihan na animo'y inaasar ako. "Curious ka?" Mapang-asar niyang tanong pagkalapit niya ng mukha sa akin. 

  Sinimangutan ko naman siya 'tapos umiwas ng tingin. "H-Hindi. Bakit ako maku-curious?" Deny ko naman. 

  "Ang immature mo talaga, p're." Parang napapago niyang sabi kaya ako naman itong inis na tiningnan siya. Akmang magsasalita noong tumunog ang selpon ni Jasper kaya pareho kaming napatingin sa cellphone niyang nakapatong lang din sa tabi ng laptop niya. Sinilip iyon ni Jasper at kinuha. "Oh, si bayaw." Banggit niya't tukoy kay Jin kaya mas lalong sumama ang timpla ko. 

  Sinagot niya ang tawag 'tapos tumayo para lumabas ng kwarto. "Oh, bayaw! Napatawag ka?" Sagot ni Jasper at lumabas nga ng kwarto. 

  Napatingin ako kay Aiz na ngayo'y ginugulo ang blockmate namin sa ginagawa niay kaya napabuntong-hininga na nga lang ako. 

*** 

  KUMAWAY ANG dalawa naming kaklase bago sila pumasok sa kani-kanilang mga sasakyan. 

Humarap naman ako kay Jasper na nakapamulsa na nakangiti bago tumalikod. "Maliligo na ako nang makaalis na ako. 

  "Kay Haley?" Tanong ko habang nakasunod ng tingin sa kanya. 

  "Oo," Sagot niya kasabay ang paghinto. Lumingon siya sa akin. "Bakit?" Tanong niya na ngayo'y nakahawak sa likurang ulo. 

  Tumungo ako nang kaunti at ibinaba ang tingin sa kaliwang bahagi. "Ah, wala naman." Sagot ko. 

  Hindi siya sumagot at pumaharap lamang ng tingin. "Sige," Maglalakad na sana siya noong tawagin ko siya kaya muli siyang tumigil para lingunin ako. "Ano?" Tanong niya kaya napaawang-bibig ako. 

  "W-Wala pala," Pagbawi ko. "Aalis na rin ako." 

  Tumalikod na ako sa kanya at maglalakad na sana pero pumikit ako nang mariin. Gusto kong sumama! 

  Humarap ako kung nasaan si Jasper pero nagulat ako dahil nakasimangot siyang nakaharap sa akin na parang inaasahan niya na haharap ulit ako sa kanya. "Ang awkward mong tingnan." 

  Humawak ako sa batok ko. "Sorry na," 

  Tiningnan muna niya ako ng panandalian bago siya bumuntong-hininga. "Gusto mong makita si Haley?" Tanong niya na mabilis kong tinanguan. "Gusto mo siyang makausap?" Dagdag niya at tinanguan ko ulit. "Sige, tutal mas maganda nga kung ikaw ang sasama sa kanya pero sana naman itong ibibigay kong chance sa'yo, huwag mo na sayangin." Seryoso ang tono ng boses niya na medyo nagpa-surpresa sa akin, mukhang hindi na nga talaga siya natutuwa sa nagiging ugali ko. 

  May kinuha siya sa bulsa ng shorts niya habang kumuyom naman ang noo ko. "P're, suportahan mo 'ko." 

  Napatingin siya bigla sa akin. "Alam ko, marami akong mga naging pagkukulang. Hindi ko rin inaayos 'yung ginagawa ko, at parang hindi ako sincere sa babaeng nagugustuhan ko dahil palagi ko na lang dinadaan sa biro lahat," Tumingin ako ng diretsyo sa mata ni Jasper na diretsyo lang din na nakatingin sa akin. "Pero susubukan ko-- hindi. Gagawin ko, sasabihin ko sa kanya kapag nakakita ako ng magandang pagkakataon. Sa ngayon, uunti-untiin ko na. Hindi na ako mag-aatubili gawin kung ano 'yung gusto kong gawin." 

  Kumurap-kurap muna siya bago siya matawa. 

May inilabas na siya sa bulsa niya, dalawang ticket iyon na inabot niya sa akin. Ibinaba ko ang tingin doon tsaka ko iyon kinuha. "Fireworks festival?" Basa ko na naroon sa ticket. 

  Tumango siya. "Oo, once in a year lang 'yan mangyari at next week magaganap kaya makakapaghanda ka pa. Chance mo rin 'yan kaya ayusin mo na," Tumagilid siya ng tayo ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "Marami ng naibigay sa 'yo na pagkakataon kaya kung hindi mo pa 'yan magagawa, ikaw na bahalang dumiskarte. Labas na ako." Pagpikit niya bago siya magsimulang maglakad papunta sa loob. "Ite-text ko si Haley." Dugtong pa niya habang nakasunod lang ang tingin ko sa kanya. 

Haley's Point of View 

  Kararating ko lang ngayon sa mall habang papunta na ako kung saan kami magkikita ni Reed. Tinawagan ako ni Jasper kanina na hindi siya 'yung pupunta kaya naghanap talaga ako nang maayos-ayos na damit para presentable naman akong tingnan sa mata ni Reed. Baka iyon pa ang mag trigger sa kanya na umamin sa akin.

  Bigla naman akong napabuntong-hininga dahil sa bigla kong naisip. Ayoko kasi talaga 'yung ideya na ako ang aamin sa aming dalawa kahit alam ko namang gusto namin ang isa't-isa pero alangan namang walang gumalaw, 'di ba? 

Kaso naisip ko rin na baka kapag diretsyo ko ng inamin, baka makuha ko na 'yung sagot. 

  Pero siyempre hindi ito ang magandang pagkakataon sa pag-amin, ano? Magpapasama lang naman kasi talaga ako mamili ng regalo para sa darating na birthday ni Papa, at wala akong ideya masyado sa mga gusto ng mga kalalakihan kaya nagpapasama rin ako kay Jasper. 

  Hindi ko naman kasi maaya si Reed dahil nakita kong umalis siya kanina nang maaga. Alam ko ring pagod siya both sa projects at duty niya sa E.U. 

  Nakatingin lang ako sa screen ng phone ko. Hindi pa nagte-text si Reed. 

Baka naman masyado akong napaaga? 

  Na sa 3rd floor din ako nang huminto ako sa tabi ng railings para silipin ang pinakaibabang palapag. Tiningnan ko isa-isa ang mga tao roon nang makita ko si Reed na nakatayo sa artificial Sakura Blossom na nasa likuran niya. 

Lumilinga-linga siya na parang sinisilip kung dumating na ako. 'Tapos titingin siya sa wrist watch niya. 

  Kanina pa kaya siya nandiyan? 

  Tanong ko sa isip ko't ngumiti bago ako humarap sa gawi niya at ipinatong ang mga siko ko sa railings para pagmasdan siya mula rito sa itaas. 

Naka white sleeves syia pero bukas ang dalawang buttones 'tapos nakatupi ang manggas na hindi aangat sa siko, 'tapos fitted na brown pants, may suot na relo't black neckwear at nakaayos na buhok. 

 

  Humagikhik ako. "Hindi naman halatang nag-ayos ka rin, ano?" Bulong sa sarili saka may isang lalaking lumapit. 

  "Miss, pwede mahingi number mo?" Tanong nung lalaking tumabi sa akin pero hindi ko siya pinansin at ngiti lamang akong naglakad pababa sa escalator. 

Nakasuot ako ngayon ng Retro Style-- white blouse top na may ribbon at disenyo ng bird feather, and suspender striped pants. 

Ang suot ko naman sa paanan ay heels, pero hindi ganoon kataasan kasi mahirap ng maglakad lalo na't gagala-gala kami para magtititingin ng regalo. 

  Humawak ako sa buntot ng nakatali kong buhok. "Okay na kaya 'yung buhok ko kahit pony tail lang?" Tanong ko pa sa aking sarili. 

  Nakababa na ako't huminto na muna sa tabi kung saan makikita ko pa rin siya. 

Nakatayo pa rin siya kung saan ko siya nakita kanina, habang tiningnan ko naman 'yong cafe sa likuran ko't um-order na muna ng frappe para mayroon kaming naiinum habang naglalalakad. 

  "Welcome!" Bungad ng mga tao sa loob nung cafe. 

  Natapos yata 'yung order ko ng mga 10-15 minutes kaya pagkakuha ko pa lang sa order ko ay lumabas kaagad ako kasi masyado ko na siyang pinaghintay. 

Sa hindi kalayuan, kita ko pa rin 'yung paglingon lingon ni Reed. Hindi na siya mapakali dahil tingin siya nang tingin sa relo niya. 'Yung mga babae naman, halata mo ring nabibighani sa kapogian niya. Para naman kasing magpo-photoshoot itong si Reed kung pumorma. Masyadong ginalingan. 

  Na sa likod na niya ako't naghintay pa ng ilang sandali. Tiningnan niya ang cellphone niya't inilagay sa chat heads ko. Naghihintay rin pala siya ng reply ko. 

  Napangiti tuloy ako ng wala sa oras. 

Kinalabit ko na nga si Reed kaya siya naman itong nagulantang na humarap sa akin. "O-oy, ginulat mo naman ako--" Napatigil at napatitig siya bigla sa akin noong bumungad ako sa kanya kaya ako naman itong na-conscious dahilan para pasimple akong umiwas ng tingin. 

  "Wala namang nakakagulat," Sabi ko at muling ibinalik ang tingin sa kanya. "Siya nga pal--"

 

  "You look good." Biglang pagpuri niya sa akin kaya ako naman itong napatulala sa kanya. Natameme rin ako sa biglaan niyang pagputok ng bala. 

Hindi ko napaghandaan! 

  Hindi rin ako makapaniwala na sasabihin niya 'yan sa akin ng harap-harapan.

"A-ano nakain mo?" Nauutal kong tanong kaya pati siya namula. 

  "Ikaw na nga 'tong pinupuri, eh. Kung ayaw mo, edi huwag mo. Hindi ko na babawiin 'yan." 

  I growled a little. Tumikhim at diniretsyo na ang tingin sa kanya. "Were you waiting long?" Tanong ko. 

  Umiling siya. "I just got here." He lied. 

  Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay kasabay ang pag ngiti. "You liar. I've been watching you standing here for atleast 20-25 minutes from afar. But anyways," Inangat ko ang dala kong supot na may lamang frappe. "I got you something." Kinuha naman niya ang supot at sinilip ang loob. "Sa'yo iyong cookies and cream. Bayad ko dahil na-late ako." 

  Nakita ko ang pag-angat ng mga kilay niya na parang nagulat bago ibinalik ang tingin sa akin. "Alam mo 'yung flavor na gusto ko." 

  Labas ngipin akong ngumiti. "Siyempre. Matagal tagal na rin tayong magkakilala." 

  Bumuka ang bibig niya nang mapalitan din iyon ng pag ngiti. "Oo nga naman," At labas ngipin din itong ngumisi. "Tara, inumin na natin bago matunaw." 

  Tinanggal niya sa plastic ang straw ko bago itinusok sa aking inumin. 'Tapos ay inabot sa akin. Kinuha ko naman iyon kasabay ang aming paglalakad. 

  Sa kalagitnaan niyon, habang iniinum namin ang frappe namin. 

Hindi ko napansin, mas napapatitig na pala ako sa kanya kumpara sa usual. 

Ewan ko kung dahil sa medyo naninibago ako sa pag-akto ni Reed o ano, pero kung palagi kaming ganito. Parang gusto ko na lang talagang itigil 'yong oras. 

***** 

Siguiente capítulo