webnovel

Possible To Have A Crush On

Chapter 16: Possible To Have A Crush On 

Reed's Point of View 

  Pumasok ako sa loob-- sa mismong bahay nila Irish para dumiretsyo kamo sa terrace nila. Humingi kasi ako ng pabor sa kanya na turuan ako sa iilang dance step para sa gagawin naming short MV kasi nga galing siya sa dance troupe.

At wala sa mga kagrupo ko ang marunong sumayaw kaya naisipan ko na lapitan si Irish. 

  Si Haley, marunong din siya dahil sumali nga dati 'yan sa dance troupe nung high school ng isang taon pero alangan namang sa kanya ako manghingi ng tulong? Eh, may sarili rin siyang ginagawa para sa grupo niya. 

  Napakamot ako sa ulo ko nang maalala kong inunahan ako ng Jin na 'yon. 

Kung hindi lang talaga ako nag-alanganin edi sana… 

  Napahilamos naman ako sa mukha. Naiirita ako sa sobrang hina ko. 

Sana kung gaano kalakas si Jasper mapa games o sa realidad, ganoon din ako hindi lang 'yung sa mga nilalaro ko lang ako malakas. 

  "Hoy, alam mo bang ako ang naiirita sa kakaganyan mo?" Tanong ni Irish na nandoon sa harapan ko dahil sinusundan ko siya papunta sa balcony. 

Hindi ko siya pinilit na tulungan ako at sinabi kong okay lang kung hindi ako maturuan kasi baka mamaya mayroon pala siyang ginagawa. Pero siya na rin nag initiate kaya heto't sisimulan na rin namin. Tutal wala naman kaming pasok bukas kaya pwede kong gawin bukas 'yung mga assignments namin. 

  "Hindi ka kasi matuto-tuto. Hindi pa ba sapat 'yung ginagawa ng karibal mo para mas ma-push kang mag first move kay Haley?" Takang taka na sabi ni Irish kaya mas nagbuga ako nang hininga. 

  Muli nanaman akong napakamot sa likuran kong ulo. "Hindi ko nga rin alam, eh! Malay ko rin ba." 

  Naramdaman ko ang pagbalik ni Irish ng tingin sa harapan. "O baka kaya wala kang ginagawa dahil kampante ka kasi alam mong walang nararamdaman si Haley kay Jin?" Tanong niya na nagpahinto sa akin. 

  Tumigil din si Irish sa paglalakad niya at lumingon sa akin samantalang nakatungo naman ako dahil tamang tama 'yung sinabi niya. 

Hindi ko lang pinagtutuunan ng pansin. Pero tama nga ba? O pinapangunahan lang ako ng damdamin? 

  "H-Hindi naman sigu--" Pinutol niya ako. 

  "Kaya ka ganyan kasi nagbubulag-bulagan ka. At kung ako ang tatanungin mo, napaka pangit ng ugali mong 'yan." Umangat ang pareho kong kilay dahil doon. "Porke alam mo sa sarili mo na hindi interesado si Haley sa kahit na sino, ganyan ka na? O baka may napapansin ka na talaga kaya ang yabang yabang mong walang gawin?" 

  Tumingala na ako para makita siya. Inis na inis siya ayon sa mukhang suot suot niya kaya halos maurong ang dila ko. "Hindi. Hindi sa ganoon--" 

  "Gumawa ka ng kilos kung gusto mong mapasayo 'yung tao. Hindi 'yung reklamo ka nang reklamo diyan pero wala ka namang ginagawa." Tumalikod siya ulit sa akin. "Badtrip. Buti pa 'yung tinutukoy mong Jin, eh. Tara na nga nang maturuan na kita." Naglakad na siya ulit habang naiwan lang akong nakatayo rito. 

 

*** 

  BINUKSAN ni Irish ang pinto ng balcony nila kaya bumungad sa amin ang medyo malamig lamig na simoy ng hangin sa labas dahil na sa medyo mataas-taas din kaming palapag. Lumabas kami at para itong rooftop ng school namin pero medyo maliit lang ang space siyempre. 

 

  "Wow. Ganda siguro tumambay rito kapag may iniisip ka." Kumento ko nang makalabas. 

  Isinara ni Irish ang pinto. "Oo, maganda talaga. Rito ako madalas mag practice rin ng sayaw dahil presko." Tugon niya at hawak-hawak ang speaker. 

Galing kasi iyon sa loob. 

  "Pero okay lang talaga na medyo ma-late ako? Nasaan kuya mo?" Hanap ko sa kapatid niyang si Alex. 

  "Na sa part-time niya. Pero baka umuwi na iyon bukas dahil mayroong dorm doon sa pinagpa-part time-an niya kaya hindi siya masyadong umuuwi rito, malapit lang din 'yung school niya ro'n kaya tamang tama lang." Inilapag niya 'yung speaker sa lapag. 

  Na-kwento ni Irish na wala na ang mga magulang niya. Wala siyang binabanggit kung patay o ano pero nandoon lang 'yung kaisipan ko na wala nga dapat talaga akong rason na malungkot palagi dahil hindi lang naman ako 'yung iisang tao na nawalan ng magulang. Hindi ako nag-iisa. 

  "Ha? Okay lang 'yon, tumutulong lang naman ako sa baba kasi wala akong ginagawa o gusto ko lang talagang tumulong." Sagot ni Irish dahil medyo nag-aalala ako na iniwan niya 'yung trabaho sa baba. 

  Kakamangha nga, kaya nilang mabuhay na sila sila lang. At ang maganda pa rito ay kahit sila lang, at si Irish ang nagma-manage ng mini resto nila ay nakakaya nila. 

Ang kuya niya naman, hindi rin dumedepende sa business nila at nag trabaho pa. Napakasipag kung titingnan, mapapaisip ka kung saan sila humuhugot ng lakas para gawin iyon. 

  Saka galing itong lupa sa tita nila na ibinigay sa kanila para pangkabuhayan. Matanda na rin kasi ito kaya hindi na sila 'yung mababantayan pa o maaalagaan. 

 

  Tinitigan ko si Irish na pinapanood ang video na galing sa practice niya habang nakaupo. Ewan ko kung nasabi ko na 'to sa sarili ko pero kung hindi ko talaga gusto si Haley, malamang… 

  …baka magkaroon pa ako ng crush dito kay Irish. 

  Inangat ni Irish ang tingin niya sa akin saka ako kinunutan ng noo. "Ano'ng tinatayo mo riyan, halika rito. Panuorin mo rin 'to." 

  Napailing ako at pa-indian umupo para tumabi na nga sa kanya. Pinanood namin 'yung dance practice niya kaya inasar ko siya. "Hindi mo naman ba pinagyayabang na magaling ka sumayaw?" 

  "Gusto mong umuwi na, Reed?" Tanong niya sa akin na pasimpleng naiinis kaya tumawa ako. 

  "Joke lang." Pagbawi ko. 

  Pinanood lang namin 'yung dance practice niya hanggang sa magsimula na kami. Tumayo na kaming pareho at saka ako pumwesto. Siyempre inuna namin 'yung basic para sa araw na ito na hindi rin naman naging madali kasi hindi naman ako born na sumayaw. Natatapilok ako palagi. 

  "Pfft! Wala pa rin talaga akong ideya bakit ka nagustuhan ng babaeng 'yon." Banggit niya sa kung sino habang dahan-dahan naman akong umuupo mula sa pagkakadapa ko. 

  "Hindi sa nagmamayabang ako pero sino 'yang tinutukoy mo? Maraming nagkakagusto sa akin." Simangot kong sabi habang naglalakad siya palapit sa akin. Namilog ang mata ko nang iabot niya 'yung kamay niya na parang inaalok akong tumayo. 

  "Oo na, oo na." Ngiti niyang sabi. "Tumayo ka na diyan." Pagpapatayo niya sa akin habang nakatitig lang ako sa kanya. Kinuha ko naman ang kamay niya pero laking gulat ko nang pwersa niya akong itinayo kaya nagdikit ang katawan namin. Nanatili pa rin ang ngiti sa labi niya kaya namilog ang mata ko na siyang mas naging dahilan ng paglapad ng ngiti niya. "Does your heart feel like it skipped a beat?" Pang-aasar niya kaya namula ako't humiwalay sa kanya.

  "Pinagsasabi mo?" Pag-iiwas ko nung sinasabi niya. 

Hindi naman kasi normal na mangyari iyon kaya medyo oo, may pumintig sa puso ko pero hindi ibig sabihin GUSTO ko siya! Si Haley pa rin. 

  Nag curl ang mga labi niya at nagpameywang. "Ganoon magpakilig. Kung gusto mo, gayahin mo rin 'yung ginawa ko kay Haley." 

  Humawak ako sa batok ko. "Ewan ko sa'yo. Gusto mo ba munang kumain sa labas?" Pag-iiba ko ng subject. "Treat ko na, bayad ko na rin sa pagtuturo mo sa akin." 

  "Mas matutuwa pa ako kung sa amin ka bibili kaysa sa labas. Sa akin mapupunta 'yung pera." 

  Tumawa ako nang pilit. "Business minded, ano?" 

*** 

  KUMAIN NGA ako sa mini resto nila sa baba. Nag order ako nung sweet and sour pork nila at manghang mangha na mabigat sa tiyan. 

Kaya ngayong tapos na akong kumain lahat-lahat, kinuha ko na ang bag sa loob ng mismong bahay para makauwi. "Salamat. Balik na lang ulit ako rito pagkauwi mo." Sabi ko nang makalabas sa mini resto nila. 

  "Basta kung wala pa ako rito, baka na sa school pa ako kaya hintayin mo na lang ako. Kaya habang wala pa ako, mag practice ka muna sa balcony. 

Tutal ise-send ko naman sa'yo iyong iba kong dance practice. 

  Sarili niyang gawa ang mga sayaw na iyon dahil choreographer din talaga siya sa grupo nila. 

  Tumango ako. "Yeah. Salamat." 

  Inangat niya ang kamay niya bilang pagpapaalam. "Oh, siya, bye." Walang gana niyang sabi at pumasok na sa loob. Hindi na niya ako hinintay makaalis at bumalik na nga loob para tulungan ang mga empleyado niya. Napakasipag talaga. 

  Pumunta na nga ako sa sasakyan ko para makauwi na. Pero parang may nakatingin sa akin mula sa kung saan kaya lumingon ako sa pinanggalingan ng na-sense ko. Wala naman akong nakikita pero humarap ako roon at nagsalubong ang kilay. 

  Hindi naman siguro… iyon 'yon, 'di ba? 

  "Lara." Banggit ko sa pangalan ng kambal ni Haley dahil sa biglaang takot na nadarama. 

Haley's Point of View 

  Na sa kama ako ngayon at nakayakap sa sarili kong unan. Ayoko mang aminin pero nasaktan ako nang kaunti kaya medyo naluluha luha ako hanggang ngayon kahit hindi naman dapat.

Sinusubukan kong alisin sa utak ko 'yung mga posibleng scenario na pwedeng maging sakit sa puso ko pero hindi ko maiwasan. Geez! Ganito ba talaga kapag in love ka?! 

  Tumalon sa kama ko si Chummy at nilapitan ako't umupo sa tabi ko. "Meow. Meow." Nakatingala siya sa akin habang nakasilip lang ako sa kanya mula sa pagkakabaon ko ng mukha sa aking unan. 

  Inangat ko nang kaunti ang ulo ko para matingnan ng diretsyo ang pusa ko. "Oh, ano? Sa akin mo nanaman papabantay mga anak mo?" 

  "Meow." Sagot niya. Sinasabi ba niyang oo? 

  Ngumuso ako at muling binaon ang mukha sa unan. "Ayoko. Bahala ka diyan, bubuntis buntis ka, 'tapos sa akin mo lang ipapaalaga?" 

  Pagkatapos na pagkatapos ko pa lang sabihin iyon. Nagalit siya sa akin at pinaltukan ang ulo ko kaya ako naman itong napaayos nang upo. "Luh!" Reaksiyon ko. Bumaba na siya sa kama at binalikan ang mga anak niya. 

At heto nga na imbes maging okay, pati pusa ko dinamay ko pa. "Pati pusa ko, ayaw na sa akin! Wahh!" Paghagulgol ko pero natigil lang noong magring ang phone ko. May tumatawag mula sa messenger kaya kinuha ko ang phone ko na nasa ilalim lang ng isa ko pang unan. 

  Tiningnan ko ang screen at nagulat nang makita ko kung sino itong nakikipag video call sa akin. "No way…" 

***** 

Siguiente capítulo