webnovel

Chapter 3

Umuwi rin kami kinabukasan ni Kennedy. Natulog nalang ako pagka tapos kong i confront ang Exercise na 'yun. Bwisit na bwisit ako sakaniya!

Sinabi rin sa akin ni Kennedy na ang gumugulo pala sakaniya ay ang walanghiyang 'yun. Magka team pala sila sa basketball team ng SWU. Tanong daw ito ng tanong nang kung ano ano kay Kennedy. Kinukulit daw siya ng kinukulit. Nainis na daw si Kennedy na pati ang size ng bra at panty ko ay tinanong niya. Tinanong pa tuloy ako ni Kennedy kung nag titinda ba ng Avon ang lalaking 'yun kasi nag tatanong nga raw ng size! Aba't malay malay ko ba ron!

Tinanong ko  si Kennedy kung hiningi ba ni England ang number ko at oo raw pero hindi niya binigay. Noong una nag taka ako kung paano niya nakuha ang number ko kung hindi niya naman binigay, pero na alala ni Kennedy na nang hiram daw ito ng cellphone sakaniya si pag katapos nila mag practice ng game at pinahiram naman niya dahil mabait daw siya. 'Yun pala kinuha niya na ang number ko! Bwisit siya. MAH! /Mapagsamantala ang hayup/ Mautak!

Pero infairness naman talaga sakaniya, dahil hindi ko maitatanggi na gwapo at hot siya. Nagpa background check din ako about him and I found out na galing siya sa isa sa mga sikat na pamilya rito sa Pilipinas.

Mayaman, gwapo pero malibog. PS! /Punyeta siya/ Kapag ako nainis sakaniya gagantihan ko talaga ang kalibugan niya ng kalibugan ko. Sinasabi ko talaga ha.

So as usual, today is Monday kaya may pasok nanaman. Ugh! I really hate Monday. Lunch break namin kaya umalis ako kanina ng school at naisipan kong kumain sa labas. Ayaw ko ng pagkain sa Cafeteria, nauumay na ako. Pa ulit ulit! NNSM! /Nothing's new sa menu./

So I'm here now in the restaurant at kumakain ng lunch magisa ATM. Enjoy na enjoy ako sa pagkain kasi napaka delicous naman. Like yes, it's expensive pero worth it. Parang ako lang. Masarap at worth it.

"Would you mind if I join you?" Napa angat ako ng tingin sa lalaking nag salita at kung seswertehin ka nga naman.

"Did I already say yes para umupo ka na?" Umupo siya sa may tapat ko. FCA. /Feeling close ampota/

"I know you're generous and I know too that you'll let me sit here."

"Assuming ka rin no? Anyway, patapos na rin naman ako. So sa'yo na 'tong table. Kainin mo na rin kung gusto mo."

"Mas masarap kung ikaw mismo ang kakainin ko." Tsaka siya nagsmirk ng nakaka kilabot. Oo na! Hayop siya. Ang gwapo niya na.

"Pero alam mo, palagay ko pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana. Sana magtagpo na din tayo sa kama."

Napa poker face ako dahil sa huli niyang sinabi. Never kami magtatagpo sa kama. At pinagtatagpo? Baka naman stalker ko lang talaga siya. Assuming na kung assuming pero yun ang pakiramdam ko! MIIC! /My instinct ks correct/

"Talaga ba? Biruin mo nga naman sinuntok na kita lahat lahat may lakas ka pa ng loob magpakita sa akin at sabihin yan."

"Para ka kasing Red Horse. Ang lakas ng tama ko sayo."

"NKY?" /Nakaka kilig yon?/

"What NKY?"

Hindi ko siya sinagot. Bahala siya mag isip diyan.

"Can I use your spoon and fork?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. My spoon and fork?

Napa what the hell face nalang ako ng bigla niyang hablutin ang gamit kong kutsara at tinidor.

"What the hell are you doing?!" Sigaw ko sakaniya.

"Barrowing your spoon and fork because I'll use it."

Ginamit niya nga talaga ang pinagamitan kong kubyertos kahit meron naman siyang sarili niya. Ibang klase na din talaga ang tama sa utak ng lalaking to. Hindi ko na mareach.

Siguro nung nagpa ulan ng kalandian, sinalo niya lahat! Kawawa ang mga magiging anak nito. Malamang sa malamang, maipapasa at maipapasa niya ang kalandiang taglay niya pati sa ka apo apohan niya. Kawawang mga bata. Team malanadi ang magiging theme ng family tree nila. Napailing ako sa na isip ko.

"I know I'll enjoy my lunch using your spoon and fork. Hmm, so delicious."

Kinagat kagat niya pa yung tinidor ko at dinila dilian ang kutsara ko. Jusko! Like wtf? Oo na hot na siya! Pero paano kung may sakit pala ako? Punyeta. Mamatay siya ng dahil sa kalandian niya. At hindi ba siya nahihiya na ginagawa niya yan sa harapan ko? Wala na talagang delikadesa ang lalaking to!

"Yes. You're tasting the saliva of a person who has tuberculosis. You idiot."

"What?"

"I have tuberculosis. Moron."

"What the fuck? Really? But y-you look healthy!"

"BM. /Bobo mo/"

Joke lang na may tb ako. Healthy ako no. Tumayo na ako atsaka ko siya iniwan. Lumabas ako ng restaurant at sumunod naman siya sa akin. Kailan ba ako titigilan ng hampas lupang to? Patayin ko na kaya siya? Pero siguro bago ko siya mapatay tetekman ke mene. Joke lang.

"You can ride in my car."

"I have my OWN."

"Let me ride in your car, then."

Ang kulit! Garapata ba siya? Ang sarap tirisin.

"You just said that you have your own car."

"No. I was actually joking. Sige na. Payagan mo na akong sakyan ka."

Tinignan ko siya ng masama.

"Yung car mo." Pahabol niya.

"You want a ride huh?" Tanong ko sakaniya dahil may pumasok na ideya sa isip ko. Tumango naman siya ng parang baliw habang naka kagat labi.

Hindi ko dala ang sasakyan ko. Naka motorcycle ako ngayon. Good thing I have spare helmet na lagi kong dala in case na puntahan ako ni Kennedy sa school para may magamit siya. Huminto kami sa harap ng motor ko at napahinto naman siya.

"Akala ko ba may kotse ka?"

"Yes I do, in my house. At ito ang gamit ko ngayon. What? Sasakay ka o sasakay ka?"

"Ohh. You gave me no choice huh? I like it." Nagsmirk siya at hinagis ko sakaniya ang helmet at sinoot niya yun.

Nakangiti naman ako ngayon sa kaloob looban ko. Tignan lang natin kung hindi ka himatayin sa takot. Sumakay na ako sa motor at sumakay na din siya.

"Hold on." Iniyakap niya ang sarili niya sa may tiyan ko at mabilis kong inalis ko iyon.

"On my shoulders."

"But mas safe kung nakayakap ako right?"

"Ihuhulog kita diyan."

"Okay! Okay! Fine."

Pinaandar ko na ang motor ko. Humanda ka sa akin ngayon.

Habang pabilis ng pabilis ang andar ng motor ko ay pahigpit ng pahigpit ang kapit niya sa balikat ko. Hmm I think someone is scared now. Gusto ko ng matawa dahil sa reaksyon niya na binibigay niya. Binilisan ko pa lalo ang pagpapa andar ko.

"WHAT THE FUCK LUCIA?! MAMAMATAY TAYO SA GINAGAWA MO! FUCK!"

Malandi ka ha. Dahil sa sigaw niya natuwa ang ka loob looban ko. I even do some motor tactics para mas lalo siyang manginig sa takot. Tignan ko lang kung hindi mo pa ako tigilan.

"Fuck! Lucia! Fucking slow down!"

Naramdaman kong wala na sa balikat ko ang mga kamay niya kung hindi nasa tiyan ko na. Napaka higpit ng yakap niya sa akin. Gusto ko siyang tanungin ng, TNBY? /Takot na ba you/

"Putangina!! Bababa na ko!! Ihinto mo! Ihinto mo! Fucking stop!"

"WHAAAAT?! I can't hear you." Tanong ko sakaniya. Dinig na dinig ko siya dahil sa sigaw niya. Pero nagbibingi bingihan lang ako.

"PUTANGINA! PAANO MO AKO MARIRINIG E ANG BILIS BILIS NG PAANDAR MO?! BABABA NA AKO!"

Akala mo diyan. I told you don't mess up with me. Hindi na siya nadala sa suntok ko sakaniya sa resort. Pwes magdusa siya ngayon.

Nakakatuwa palang marinig sumigaw ang isang lalaking ubod ng landi.

Bigla kong pinreno ang motor ko sa tabi ng daan at napsubsob siya sa likod ko.

"Oh my god! A-am I dead?"

Nakayakap pa din siya sa akin. Inalis ko ang helmet ko at inalis kona din ang kamay niya na nakayakap sa akin habang nakasandal ang ulo niya sa may likod ko.

"Baba. "

"Wait, I'm still alive right?"

"Yes. You're fucking alive. Kaya baba."

"What the? Matapos mong iparamdam sa akin ang langit at nalalapit na kamatayan papababain mo ako dito?!"

"This is mine. So if I say go down, bumaba ka. Kaya baba. Huwag mo ng ipaulit sa akin yun dahil ihahampas ko sa ulo mo itong helmet ko."

Bumaba naman siya. Susunod din naman pala.

"You almost killed me!" Sigaw niya sa akin. Para siyang sira ulo ngayon dahil soot niya pa din yung helmet. LL? /Lutang lang/

"So next time, huwag ka ng makisakay okay?" I said and gave him my sarcastic smile.

"Tandaan mo itong ginawa mo sa akin Lucia! Ipaparamdam ko din sayo ang langit!" Nag walk out naman si gagu.

Tangina yung helmet ko. Nasa ulo niya pa din habang naglalakad siya. Hindi ko na siya tinawag pa. Hinayaan ko nalang siyang maglakad habang soot ang helmet. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Tawang tawa naman ako. Sumakay na ulit ako ng motor ko at umalis na. May pasok pa ako. KTTM! /Kakatamad to the max"

⚓️ ⚓️ ⚓️

Kanina ko pa hinihintay ang walanghiyang Hong dito sa isang Cafe dahil gusto niya daw akong makausap. Tumawag si Kennedy sa akin kanina at gusto daw makipagkita nitong si Hong sa hindi ko malaman na dahilan. Nasa mga 20 minutes na yata akong naghihintay! Ang gwapo niya ha.

Kada may papasok na customer ay napapatingin ako sa may entrance. Anong karapatan niyang paghintayin ako? SGKT! /Sa ganda kong to/

Sinulyapan ko ulit ang relo ko.

"Magbibilang ako ng 10 seconds at kapag wala ka pa, humanda ka talaga sa akin Hong! Isusumpa ko ang magiging lahi mo. IMYSBM! /Itaga mo yan sa bayag mo/

10

9

8

7

6

5

4

3

"I'm sorry, I'm late!" Napatingin ako sakaniya na bagong dating habang hinahabol niya ang hininga niya. Hawak hawak niya pa ang dibdib niya.

"Anong karapatan mong paghintayin ako?! DK!"

"Anong DK?"

"Dimunyu ka!"

Umupo naman siya dito sa may table ko at nanghingi siya agad  ng tubig sa waiter. PNPL? /Pagod na pagod lang/

Dumating naman ang tubig at ininom niya yun agad agad. UNUL? /Uhaw na uhaw lang/

"Bakit late ka? 20 minutes din akong naghintay sayo. Letse ka."

"Isang taon akong naghintay sayo noon, pero sinaktan mo lang ako."

Napa poker face ako. Sumbatan na ba to ng nakaraan?

"Hong, mag move on ka na. Makakahanap ka din ng para sayo. Pero hindi ka makakahanap ng isang katulad ko."

"Iba din ang taas ng confidence mo. Naka move on na ako sayo. First love lang kita at makakahanap ako ng iba. Pero sorry na. Na traffic kasi ako. Kasalanan ko bang may bungguan?"

Naging ka fling ko siya noon. Ang usapan namin hanggang fling fling lang, pero ang gago na fall. Kaya itinigil ko na. Gwapo si Dred at mabait. Yung kalandian ko lang din talaga minsan ang hindi ko maintindihan. Malandi ako oo, pero smooth lang.

"Syempre hindi! Hindi naman ikaw ang bumunggo e. Anyway, ano bang meron? Miss moko no?"

Kahit naman nagkaroon kami ng something noon, we're good friends now. No malicious feelings with each other na kami. At iyun naman ang gusto ko kay Hong. Isinantabi niya ang nararamdaman niya noon para magkaroon kami ng magandang friendship ngayon. But it was a long story kung paano namin na isurvive ang friendship na meron kami. Sometimes it makes me feel sad just by thinking about it. I'm really sure na rin naman na naka move on na talaga siya at sure din akong wala na talaga siyang feelings sa akin. Isa nalang naman ang ipinagdarasal ko ngayon. Ang makahanap na siya ng babaeng mamahalin niya. Well, different and long story na ang sa amin ni Dred and I actually don't wanna talk about it.

"Hindi. Wag kang assuming. May importante lang talaga akong sasabihin sayo." Sumeryoso naman ang mukha niya.

"Spill it."

"Do you know Evan? Evan Palermo."

Napapoker face naman ako ng marinig ko ang pangalan ni Echos. Bakit ba laging na iinvolve yang lalaking yun sa buhay ko?

"O napano naman siya? Yan lang ang itatanong mo sa akin? At talagang nakipag kita ka pa? Style mo din Hong."

"E kung ibinigay mo number mo sa akin. Edi sana nakapag usap tayo sa cellphone."

Oo nga pala. Wala siyang number ko. Bigay ko na nga sakaniya mamaya. Kawawa naman.

"E ano bang meron? Pabitin bitin ka naman. Ano bang pake ko diyan kay Ebak."

Tumawa naman siya.

"Hindi ka pa din talaga nagbabago when it comes to names. Anyway, he's my team mate sa basketball. And I heard something about their conversation."

"Tsismoso ka din no? E ano namang meron? CCMSAG?"

"Huh?"

"Sabi ko, Chi-chika mo sa akin ganern? Sabihin mo na nga! Pa bitin ka naman e. Kokonyatan na kita."

"I heard they're having a bet."

"Bet? Ano namang pakialam ko sa bet na yan? Sabong ba yan? Hindi naman ako pupusta."

"Makinig ka nga kasi muna. Puro ka side comment! And yes, they're having a bet with my other team mates. At ikaw lang naman ang pinagpupustahan nila. I heard them talking sa boys' locker room after ng practice namin. Susuntukin ko na sana kaso pinigilan ko ang sarili ko. It's better if malaman mo and play with his game."

"Aba punyetang lalaki na yun ha!" Napahampas ako sa table namin. Napatingin naman ang ibang customer dito sa gawi namin. WAPS. /Wala akong pake sa inyo/

Kaya pala panay ang pagpapansin niya sa akin dahil may hidden agenda pala siya! NIK! /Now I know/ Akala ko pa naman gandang ganda siya sa akin!

"Chill ka nga lang! That's why I'm here to tell you this. He wants game then play with him. I know you're good at it."

"You mean, I will pretend that I don't know anything about their pathetic bet and play along?"

"Exactly!"

Hmm. Napangiti naman ako. I like the idea. Sounds good.

"Okay. Chill na ako. I'm in. Tell me about their bet."

"I heard na ang pustahan nila ay ang maikama ka ng gagong Palermo na yun. Evan is a casanova. Malandi pa sa pokpok ang gagong yun. He even flirted with my sister before! And I think ikaw na ang magiging karma niya."

"So ano? Tagapagtanggol ako ng mga inapi at niloko niya ganon?"

"Oo. Ikaw ang savior. I didn't tell this one to Kennedy. Dahil malamang sa malamang mag aaway silang dalawa. Ayaw kong magkaroon ng issue sa basketball team namin lalo na't nalalapit na ang tournament. So please, don't tell him. Kilala mo kung paano magalit si Kennedy."

"Okay. And yes I will never tell him! So ano pa ang about sa bet?"

"With in 1 month dapat maikama ka niya. I don't know everything about the prizes. Hindi ko na masyadong narinig. Pero ang isang prize na narinig ko is Condo unit and a million."

What the hell? Yan talaga ang premyo nila? Punyeta talaga ang lalaking yun! Pinagkakitaan pa ako! Puro na nga kalandian ang alam, nakuha pang manugal. At ako pa talaga?! Ginagawa niya akong pang kabuhayan show case! Hindi ko matanggap! Kailangan may gawin din ako! Pinapataas niya ang bra ko sa inis!

"Kung may bet sila. Let's have a bet too, Hong." Seryoso kong sabi kay Hong habang nakangiti.

"What? I don't like that smile of yours Lucia. What do you mean? Anong balak mo?"

"Give me 1 month, Hong. I'll make him fall in love with me and I'll leave him hanging. I'll name my prizes because I'm sure I'll win this game."

Never akong natalo sa ano mang laro. Like what Dred said, I'm good at it. I'm an expert.

I'm Lucia Dela Rosa and no one dares to mess up with me. But you Esperanza Pinocchio, how dare you to make fun of me? I'll make you fall inlove with me. And when I say fall inlove, you will fall HARD.

Author's note: Hi guys! I'm a new writer here on Webnovel. I'm actually writing stories on wattpad originally. But I tried to publish my stories here as well because my friend told me that this app is actually good. I hope you'll enjoy reading this one. If you have a wattpad account, you can check my account and my works on Watty. My username is darlinreld. Thank you. If you have questions, feel free to ask.

Siguiente capítulo