"I'm okay now, Dixal. 'Wag mo na akong alalayan," awat niya sa lalaki nang sa pagtalikod niya'y nakahawak pa rin ito sa kanyang braso.
"Amor, namumutla ka--"
"I'm okay," giit niya, nagmamadaling lumabas ng kusina at nagtungo sa kanyang silid saka humarap sa salamin.
Namumutla nga siya. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya, kung bakit mas madalas na ata ang pananakit ng kanyang ulo. Ang alam lang niya, hindi siya masaya sa araw na ito. Madami siyang iniisip, marami ang gumugulo sa kanyang utak.
Pa'no nasabi ni Dixal na gagamitin siya ni Joven laban sa lalaki? Hindi gano'n ang pagkakakilala niya sa pinsan ni Elaine. Kahit noon pa man, hindi ito gano'n kabastos. May respeto ito sa kanya. Subalit sa nakita niya kanina at mga narinig mula rito, napansin niyang marami ang nabago kay Joven. Dati hindi halos ito makatitig sa kanya. Kahit magkatabi sila, hindi ito nag-aattempt na hawakan ang kamay niya. Pero kanina, ibang-iba ang ipinakita nitong ugali lalo na nang makita siyang bagong ligo at naka-cut off shorts na kung tutuusin sanay na ito sa gano'ng ayos niya kahit noon pa kasi burara din siya noon at hate talaga niya ang mahahabang damit.
Marahil ay tama si Dixal. Hindi siya pwedeng basta-basta na lang magtiwala sa tao lalo't matagal na silang hindi nagkikita ni Joven. Marahil ay binago na ito ng panahon lalo't matagal itong nanirahan sa Canada, higit sa lahat, mas liberated marahil ang mga babaeng nakasalamuha nito doon kesa dito sa Pilipinas.
Na-conscious na siya sa suot na damit, biglang nakaramdam ng pagkaasiwa. 'Di nga maganda sa tulad niyang umasta pa ring dalaga kahit na may anak na. Mas higit na 'di maganda kung makikipaglapit pa rin siya sa ibang lalaki kahit naniniwala siyang totoong mag-asawa sila ni Dixal.
Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. Seguro panahon na para umasta siyang matured woman. Ibibigay niya ang mga damit niya kay Hanna. Bibili na lang siya ng mga bago, 'yong kahit wala sa uso pero desente siyang tingnan kahit nakapambahay lang.
Lumapit siya sa malaking kabinet at naghanap ng ipampapalit sa damit niya ngunit nahalungkat na niya ang kanyang mga pambahay pero wala siyang nakitang mahabang shorts do'n, halos lahat cut off shorts o 'di kaya boy shorts at Jamaican shorts na maiikli. Ngunit nang mapansin sa isang gilid ng kabinet ang isang capri pants na kulay itim ay biglang nagliwanag ang kanyang mukha. Three-fourths 'yon below the knee at tamang tama sa panlasa ni Dixal.
Naghalungkat na uli siya ng pang-itaas at sa tagal ng paghahanap niya, sa wakas ay nakakita siya ng isang maluwang na t-shirt. Iyon ang isinuot niya kapalit ng sleeveless na blouse.
Napabuntunghininga siya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Para siyang manang sa suot lalo't hindi pa niya nasusuklay ang buhok. Pero sa isang banda, ginagawa niya 'to para kay Dixal, nang hindi na ito manggigil sa galit sa kanya, idagdag pang malaki ang kanyang kasalanan sa ginawa niyang pagsisinungaling dito tungkol kay Devon.
Sunod niyang hinanap sa ilalim ng kama ang kanyang mga cosmetics. Kahit wag na 'yon, 'yong suklay na lang pero magaling magtago ng gamit ang anak, 'di niya mahanap ang mga 'yon sa loob ng kanyang kwarto kaya wala siyang nagawa kundi suklayin na lang ng daliri ang medyo tuyo nang buhok, saka siya lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala kung saan nakita niya ang dalawang nagtatawanan habang nakaupo sa mahabang sofa at pinapapak ang 'di pa rin nauubos na nilutong hipon ni Dixal.
"Dixal, are you still mad at Amor?" usisa ng bata sabay subo ng binalatang hipon.
Napatingin ang lalaki sa kanyang nakatayo sa 'di kalayuan sa mga ito.
Naiyakap niya ang mga kamay sa katawan nang titigan siya ng lalaki at sinuyod nang tingin mula ulo hanggang paa.
"If you tell me about Amor's secret, I'll forgive her for everything she did to me," makahulugan nitong sagot.
Bahagya pang kumunot ang noo ng bata pagkuwa'y bigla itong pumilantik saka bumulong sa amang napaawang ang bibig nang magsimulang magsalita ang bata.
"Really?" pigil ang ngiting sumilay sa mga labi nito habang patuloy pa ring nakatitig sa kanya.
Siya nama'y biglang lumukso ang puso sa nakikitang seryosong usapan ng dalawa.
"Yes. You can check it if I'm telling the truth," pakaswal na sagot ni Devon saka humarap na uli sa kinakain at bahagya pang nagulat nang makita siyang nakatayo sa di-kalayuan.
"Amor, mauubos ko na ang niluto ni Dixal," pasimple nitong wika saka kumaway sa kanya para umupo sa tabi ng mga ito.
"Tama na bata, baka sumakit na naman ang tyan mo niyan," awat niya, akmang kukunin na niya ang mangkok nang hablutin iyon ni Dixal.
"I'm not done eating yet," anito ngunit naipatong uli ang mangkok sa ibabaw ng center table nang biglang tumunog ang mobile nito sa bulsa ng suot nitong pants.
Kusa nang tumayo ang bata at lumapit sa kanya saka hinawakan ang kanyang kamay paupo sa sofa.
"Ubusin natin 'to, Amor," yaya sa kanya.
"Ako na ang uubos at marami ka nang kinain," sagot niya, pagkuwa'y sinimulang isa-isahing balatan ang natira pang hipon at sabay sabay na isinubo sa bibig.
"Amor, ang daya mo. Isa-isa lang," awat ng bata.
Isang hagikhik lang ang isinagot niya.
"Let them do what they want! It's not up to you to decide, Lemuel!"
Napatingin siya sa lalaking 'di napansing napalakas ang hiyaw habang kausap ang vice-chairman. Malaki seguro ang problema nito sa trabaho kaya kanina pa ito tinatawagan ng kaibigan.
"You're dealing with the anay in your company, Dixal?" usisa ng bata habang kunut-noong nakatitig rito't nagulat din sa hiyaw ng lalaki.
"It's okay, kiddo. I can handle them," pakaswal na sagot ng ama pagkuwa'y tumabi sa kanya.
"May maitutulong ba ako, Dixal?" baling niya rito.
Tumawa ito nang mapakla.
"Nothing else can anger me unless it's about you, Amor," anito't inupakan uli ang laman ng mangkok.
Takang napatitig siya rito. Anong ibig nitong sabihin? Siya ang dahilan kung bakit kanina pa tawag nang tawag si Lemuel? Pa'no siyang napasali sa problema nito?
Nang mapansin nitong nagtataka siya'y saka ito bumuntunghininga at napatitig sa kanya sabay kabig ng kanyang balikat palapat sa katawan nito.
"Just stay by my side Amor, and never do foolish things again. Sapat na sakin 'yon as my wife," anito saka siya hinalikan sa noo.
Sandali siyang natahimik, maya-maya'y tumango.
"Maybe I can help you," giit niya pa rin.
Ngunit sa halip na sumagot ay nilagay nito ang tinapong mga ulo at balat ng hipon sa said nang mangkok at binitbit iyon papasok sa kusina.
Ang bata nama'y tumakbo na rin sa loob ng kusina at pagbalik ay may dala nang basahan saka ibinigay sa kanya para punasan ang nadumihang center table, pakuwa'y tumayo siya't bitbit ang basahan na pumasok din siya sa loob ng kusina deretso sa banyo hawak ang kamay nang nakasunod na anak.
"Mag-halfbath ka na bata nang makatulog ka na uli. Bawal sa tulad mo ang nagpupuyat," utos niya't hinubaran na ito ng damit.
"Amor, 'pag bumalik na ang alaala mo, 'di ka na magtatrabaho, aalagaan mo na lang ako?"
Natigilan siya sa tanong na 'yon. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip ng bata't gano'n na ka-matured ang tanong sa kanya.
"Amor--"
"Pwede naman kitang alagaan kahit nagtatrabaho ako, bata. See, tulad ngayon, inaasikaso kita." Napilitan siyang sumagot, pagkuwa'y 'di na ito nangulit pa.
------
ALAS OTSO NA NANG GABI AND EVERYTHING'S DONE, sa isip ni Flora Amor. Nakatulog na agad ang anak pagkatapos niyang linisan ang katawan at ihiga ito sa ibabaw ng kanyang kama. Mula ngayon, gusto na niyang sa kwarto niya ito matutulog. Siya ang mag-aadjust para dito sa halip na ito.
Pinagmasdan niya ang inosente nitong mukha habang nakatihaya sa pagkakahiga.
Manang mana talaga kay Dixal ang halos lahat ng anggulo ng mukha nito, maging ang ilong at mga mata, pati tenga at kulay ng balat maliban lang sa mga labi nitong halatang sa kanya namana.
Hinimas niya ng palad ang pisngi nito. Ang kawawa niyang anak, mula nang matuto itong magsalita'y ngayon lang nagpahayag ng totoo nitong damdamin. Ngayon lang ito naghanap ng pagmamahal ng mga magulang, ng kalinga nilang dalawa ni Dixal. Ngayon lang nito ipinaramdam sa kanyang kailangan din nito ng atensyon niya, maging ng ama nito.
Napasinghot siya sa naisip. Alam niyang mahihirapan siyang punuan ang pagkukulang niya rito pero unti-unti siyang babawi. Sisimulan niya ngayon. Hindi na siya papayag na kay Harold ito tumabi sa pagtulog. Bukas kukunin niya ang mga gamit ng anak sa kwarto ng kapatid, dadalhin niya rito sa kwarto niya.
Isang malalim na buntunghininga ang kanyang pinakawalan pagkuwa'y hinalikan ang noo nito bago tumayo at lumapit sa harap ng tokador at pinagmasdan ang sarili sa salamin ngunit ang isip ay na kay Dixal, Kung anong ginagawa nito sa sala, kung nakikipag-usap pa rin ba ito sa vice-chairman o nakatulog na sa sofa.
Gusto niya itong kausapin pero nagdadalawang-isip siya baka nagkukunwari lang itong okay kanina dahil kasama nila si Devon o talagang kumalma na ang galit nito sa kanya.
Ilang beses siyang napabuntunghininga at naglakad palabas sana ng kwarto ngunit bumabalik din agad 'pag nasa may pinto na hanggang sa sumuko siya't nanlulumong naupo sa silya paharap sa tokador.
Ito ang araw kung kelan matatapos ang kanilang kasunduan noon. Ito din ba ang araw na matatapos ang relasyon nilang dalawa dahil sa mga nangyari kanina? Nasapo niya ang noo pagkuwa'y napapikit. Hayaan na lang kaya niya itong magalit sa kanya. Tama, 'yon na lang ang gagawin niya. Hindi na niya ito kakausapin. Pero nakahanda na siyang sundin ang gusto nitong mangyari sa kanila. Kahit ang mga damit niya'y igi-give up na niya 'wag lang uli itong magalit. Hindi na rin niya kakausapin si Joven kung 'yon ang gusto nitong mangyari. Subalit bakit ang hirap lumapit dito't makipagbati?
Ginulo niya ang sariling buhok at idinilat ang mga mata saka dumiretso nang tingin sa salamin, upang magulat lang sa nakitang repleksyon ni Dixal doon.
"Dixal--" sambit niya sa pangalan nito't akma na sanang tatayo nang pigilan nito ang magkabila niyang balikat.
"Amor, did you really cry just because I scolded you?" hindi pa rin makapaniwalang tanong nito.
Hindi siya sumagot, sa halip ay nanatili lang nakatitig dito sa harap ng salamin.
Yumukod ito sa kanya saka siya hinalikan sa likod ng tenga.
"Amor, pwede bang manligaw uli sayo?" napapitlag siya nang bumulong ito sa kanyang tenga kasabay ng paglalagay nito ng kwintas sa kanyang leeg.
"D-ixal--" Hindi niya alam kung anong nararamdaman nang mga sandaling 'yon.
Ang lalaking ito, walang ginawa kundi sorpresahin siya lagi sa kahit anong maisip nitong pakulo habang siya nama'y walang ginawa kundi pagdudahan ang katapatan nito.
"You like it?" nakangiti nitong tanong habang nakatitig sa repleksyon niya, derekta sa isinuot nitong kwentas kung saan, isang singsing ang ginawa nitong pendant.
"'Yan ang wedding ring natin. Hindi ko alam kung bakit ibinigay mo 'yan sa matandang 'yun pero ibinabalik ko na 'yan sa'yo ngayon." paliwanag nito.
Kahit wala siyang naunawaan sa sinabi nito, hindi na 'yon mahalaga.
"Dixal." Wala siyang masabi kundi sambitin lang ang pangalan nito habang ang dibdib niya'y gustong magpakawala ng isang impit na iyak.
Bakit ba ang lalaking ito, sa kabila ng mga kalokohang pinaggagawa niya'y 'di pa rin nagsasawang unawain siya.
Hindi niya mapigilan ang nararamdaman at agad tumayo't yumakap nang mahigpit sa lalaki.
"Dixal--" usal niya habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito.
Mahina itong tumawa.
"Why, ayaw mo ba no'n? Ikaw ang nagkasala sa'kin, ako ang nakikipag-reconclie?" pabiro nitong wika sabay ganti ng yakap.
Napahagulhol na siya sa mga bisig nito.
"Hindi kita niligawan noon. Kung gusto mo liligawan kita ngayon. 'Pag sinagot mo na ako, magiging magjowa uli tayo. And then magpapakasal uli tayo," anitong medyo gumaralgal ang boses.
Nanatili siyang nakayakap rito habang umiiyak.
"Hindi kita iniwan noon kahit madami tayong pinagdaanan. Hindi rin kita iiwan ngayon kahit 'di mo ako maalala. Hayaan mong ligawan kita, Amor. Magsimula uli tayo," madamdaming wika nito na lalong nagpatulo ng kanyang mga luha.
Maya-maya'y humiwalay ito sa pagkakayakap niya saka siya hinalikan sa noo.
"I just love you so much Amor. Hindi ko kayang mamuhi sa'yo nang matagal."
Iniangat nito ang nakayuko niyang mukha at tinitigan siya sa mga mata.
"Amor, call me insane but I just can't live without you. Ibibigay ko sa'yo ang lahat, manatili ka lang sa tabi ko."
"Damn! Call this corny but this is me."
Napangiti siya sa sinabi nito sabay halik sa nakaawang nitong bibig na nagulat sa kanyang ginawa at 'di agad nakakilos kahit nang ilayo niya ang mukha mula rito.
"Kelan mo ako liligawan?" biro niya sa kabila nang pagpatak ng mga luha sa mga mata.
"Bukas?" sandali itong nawala sa sarili pagkuwa'y napayakap sa kanya.
"Silly girl! You didn't even say sorry for what you've done," tila nagtatampo nitong sambit.
Napahagikhik siya ngunit ang higpit ng yakap sa lalaking 'di niya alam kung ga'nk kalalim ang pagmamahal sa kanya pero proud siya na nagkaruon siya ng asawang katulad ni Dixal. Mas maswerte pa nga yata siya kay Mariel.
"See, ni 'di mo masabing mahal mo ako," nagtatampo na naman nitong wika.
Napahagikhik siya.
Ngunit mas malakas ang hagikhik ng batang hindi pa pala tulog at matagal nang nakamasid at nakikinig sa drama nila.
Natatawa siyang niyakap ng lalaki, pagkuwa'y hinawakan ang kanyang kamay at hinila pahiga sa kama at pinagitnaan nila si Devon na hanggang nang mga sandaling 'yon ay panay pa rin ang hagikhik habang kinikiliti ng ama.