webnovel

WHERE'S FLORA AMOR?

"Ate naman, ang bagal mong maligo. Mali-late na ako sa school!" reklamo ni Hanna sa labas ng banyo.

"Hinampak ka talagang babae ka! Sinabi ko na sa'yo, bago ako bumangon sa higaan, kailangang nakaligo ka na nang 'di ka lagi nagdadrama d'yan!" hiyaw niya habang minamadaling magbuhos ng tubig para banlawan ang katawan, saka niya kinuha ang towel na nakasabit sa likod ng pinto, itinakip iyon sa buong katawan at nagmamadaling lumabas para sana kutusan ang kapatid ngunit mabilis na itong nakapasok sa loob ng banyo bago pa man niya itaas ang kanang kamay.

"Hanna! 'Pag bukas 'di ka pa rin naligo nang maaga, hahayaan kitang ma-late, hinampak ka!" sigaw niya sa kapatid sa inis pagkuwa'y kinalampag ang pinto ng banyo.

Tawa lang ang narinig niyang sagot nito mula sa loob.

"Ano na naman 'yan, Flor?" Napapailing na lang ang ina pagkalabas nito sa tindahan.

"Sinong papasok sa eskwelahan eh sa lunes pa ang pasukan ng mga 'yan?"

Lalong umusok ang kanyang bumbunan sa sinabi ng ina.

"Walanghiya 'tong babaeng 'to. Ang sabi'y papasok daw. Hoy Hanna! Saan ka na naman gagalang bruhilda ka!" kinalampag niya lalo ang pinto ng CR.

"Maniwala ka d'yan kay mama. Pupunta akong school, magpapa-enrol!" hiyaw ng kapatid habang nagbubuhos ng tubig.

"Ayusin mo lang asungot ka! 'Pag nakita kita sa kung saan, huhubaran kitang babae ka!"

Nakaingos siyang tumalikod at nagmamartsang nagtungo sa sariling kwarto.

"Oy, Flor. 'Asan na ang binili mong cellphone ni Devon at baka hanapin yun paggising ng bata mamaya?" habol ng ina.

Sandali siyang huminto at humarap dito.

"Ando'n na sa tabi niya," sagot niya sabay turo sa kwarto ni Harold kung saan naroon ang natutulog na anak.

"Ma, normal na ang temperature ng bata. Pero pakitingnan mo lang din baka mabinat siya. Itago mo muna ang phone niya baka sumakit ang ulo no'n pag ginamit agad. Tawag ka sa'kin Ma 'pag nagpasaway siya sayo't pagagalitan ko 'yan," bilin niya rito bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.

Ngayon ang katapusan ng kasunduan nila ni Dixal. Excited na siya, masusuot na rin niya sa wakas ang kanyang mga bodycon dress at mini dress na sleeveless. Tsaka makakapagsuot na rin siya ng 4 inches ang takong na sandals o 'di kaya'y sapatos.

Wala nang magbabawal sa kanya kung anong gusto niyang isuot. Pero kaya naman ba niya sakaling iba ang maging dating no'n kay Dixal, eh parang lagi 'yong libog sa kanya kahit anong isuot niya?

Naihilig niya ang ulo.

'Kung makapagsabi kang libog d'yan, para namang 'di ka kinikilig 'pag lumalandi sa'yo,' saway niya sa sarili.

Napahagikhik siya sa naisip. She could feel that today will be different from other days before. May MU na sila ng lalaki at tanggap na niya ito bilang asawa niya kahit 'di pa man bumabalik ang kanyang alaala. Ang sinabi ni Mariel ay patunay lang na mag-asawa talaga sila. Ano kaya ang feeling ng isang Mrs. Flora Amor Amorillo? Umayos siya ng tayo sa harap ng whole body mirror saka naglakad na tulad ng ginagawa ni Shelda.

"Hmm, not bad," an'ya pagkuwan, sinabayan ng hagikhik ang sinabi.

"Flor, andito si Kuya Ricky mo. Magpapahatid ka daw ba?" tawag ng ina sa labas.

"Ma, pakisabi magko-commute na lang ako!" sagot niyang pinalakas ang boses para marinig ng ina at nagmamadaling inayos ang sarili. Bibilisan niyang magbihis at magmake up. Paniguradong traffic na naman ngayon at ayaw niyang ma-late. Gusto niyang naruon na siya sa labas ng opisina bago pa man dumating si Dixal. Sasalubungin niya ng isang french kiss ang lalaki 'pag nagkita na sila.

Muli siyang napahagikhik, malakas kesa una, halatang kinikilig.

Hayyyyy, ang sarap ng gan'tong pakiramdam. Para siyang nakasakay sa mga ulap kasama ito.

"Flor, aba'y bilisan mo d'yan. Ano'ng oras na!" tawag na uli ng ina.

"Heto na nga, nagbibihis na. Sobra kayong excited, Ma!" pairap niyang hiyaw sa ina.

--------

ALAS SYETE PA LANG NANG UMAGA pero nasa gilid na siya ng highway at naghihintay ng sasakyan pa-Baclaran nang mapansin ang lalaki sa tabi. Ito rin ang lalaking nakasabay niya kanina sa tricycle. Seguro'y sasakay rin ito ng bus. Pero nakapagtatakang 'di niya ito kilala samantalang lahat ata ng mga kabarangay niya'y kilala niya ang mga mukha. Kung magsusurvey nga siya sa kanilang barangay, isa siya sa mga taong kilala ang bawat nakatira sa bawat bahay sa kanila, malayo man o malapit ang mga ito sa kanilang bahay. Pero ang lalaking ito, bakit ngayon lang niya nakita ang mukha? Bago lang ba ito sa kanila? Kanino kaya ito nakatira? O baka may binisita lang sa banda nila?

Sinulyapan niya nang palihim ang lalaki ngunit nahuli din siya nito't sabay pa silang nagkangitian.

Mukha naman itong mabait kaya 'di na lang niya pinagod ang isip kakatanong kung kanino ito nakatira idagdag pang may papalapit nang bus at natuon agad ang pansin niya roon. Kahit makipagsiksikan siya sa loob ng bus, kailangan niyang sumakay nang -di siya ma-late sa trabaho.

SUBALIT malas niya ata ngayon dahil tama ang hula niya, sobra ngang traffic at mas malamig pa ata ang hangin sa labas kesa sa aircon ng sinakyan niyang bus idagdag pang 'di halos mapasukan ng karayum ang loob niyon sa sobrang puno ng pasahero.

At pagpasok pa niya sa FOL BUILDERS ay ang finance director agad ang kanyang nakita na tila siya talaga ang hinihintay sa may elevator.

Tatalikod na sana siya at kunwa'y may kinukuha sa sling bag na dala nang marinig niya itong tinatawag ang kanyang apelyido.

"Miss Salvador!"

Napilitin siyang humarap sa babae at humakbang palapit rito ngunit tila nagmamadali itong lumapit mismo sa kanya bitbit ang isang folder.

"Good morning po ma'am!" bati niya.

"You don't have to go to the chairman's office today. May ipapagawa ako sa'yo. Gawan mo ng financial report ang isa nating project sa Balintawak," utos sa kanya sabay abot sa hawak nitong folder.

"Financial report?" maang niyang tanong. "Ma'am wala naman na ata sa field of work ko 'yan as PA ng chairman, liban kung ikaw mismo ang magpapasa niyon sakin at kailangan kong ireview," katwiran niya.

Tumawa ito nang mapakla.

"So, nagmamarunong ka na ngayon? Hindi mo ba alam kung anong posisyon ng nasa harapan mo?" patuya nitong wika.

"Sensya na ma'am pero sa tingin ko, kailangan itong malaman ng chairman," anya't kukunin na sana ang phone sa bag nang lumakas ang boses nito dahilan upang magtinginan ang ibang mga empleyado sa kanila.

"Do what I told you to do!" hiyaw nito saka siya pinandilatan.

Dahil sa ayaw niyang makaagaw ng pansin sa mga nagdaraan ay atubili niyang kinuha ang folder at binuklat iyon.

Hinanap niya ang sketch ng lokasyon ng kanyang pupuntahan sa loob ng folder pero wala siyang nakita. Seguro'y gusto ng babaeng iligaw siya at pahirapang hanapin ang lugar na pakay. Mabuti na lang at nasa Balintawak siya no'ng nakaraang araw. Duon na lang siya magtatanong kung saan ang building na nakalagay sa document na binigay nito sa kanya. Pangalan lang ng building ang nakasulat duon, walang address.

"Ako mismo ang magsasabi kay Dixal na pinapunta kita sa lugar na 'yon, got it?"

nakataas ang kilay na saad nito.

Wala siyang choice kundi tumango. 'Di pa man siya nakakapagsalita uli'y tumalikod na agad ito't lumayo sa kanya saka pumasok sa VIP's elevator at nakataas pa rin ang kilay habang pinagmamasdan siya hanggang sa sumara ang pinto niyon.

Dapat pala sinabi niya kay Dixal kahapon na 'wag siyang ipagtatanggol sa harapan ng mga babae nito para hindi siya napagtitripan ng mga 'to. Mamaya, sasabihin niya sa lalaki nang hindi na maulit ang gan'tong pangyayari. Pero sa ngayon ay kailangan niyang sumunod sa finance director nang hindi siya nito pag-initan.

Mula sa FOL BBUILDERS ay sumakay siya ng jeep papunta sa EDSA at duon sumakay ng LRT papuntang Balintawak. Kailangan niyang magmadali. Buti na lang nakapagpaload siya para sa Easysurf nang makapagresearch siya habang nasa loob ng LRT. Iri-research niya kung anong financial report ang gagawin bago pa man makarating sa pakay nang 'di siya mahirapan 'pag ando'n na. Buti na lang talaga at always ready siya't may sticky note laging dala sa bag saka ballpen. Duon niya isusulat ang financial report na sinasabi ng babae.

Sa halip na mainis sa ginawa sa kanya'y na-challenge pa siya ngayon. Kailangan na seguro niyang alamin ang pasikot-sikot sa trabahong pinasukan at hindi lang mag-stick sa ibinibigay sa kanyang posisyon kung gan'tong marami pala siyang amo at nag-uutos sa kanya liban kay Dixal.

Pagkapasok lang sa loob ng LRT ay nagmamadali siyang umupo sa bakante pang bench, sinimulan agad mag-research kung anong mga information ang kailangan niyang ilagay sa financial report. Gusto talaga niyang ihampas sa mukha ng finance director ang gagawing report nang malaman nitong flexible siya pagdating sa trabaho at sanay siya sa multi-tasking.Tignan niy kung sino ang mapapahiya 'pag naipasa na niya ang ipinapagawa nitong financial report.

Napabuntunghininga siya. Gan'to pala ka-stress ang maging isang Mrs. Amorillo. Ngayon pa lang pinag-iinitan na siya ng mga karibal niya. Pa'no pa kaya 'pag nalaman ng mga itong siya talaga ang tunay na asawa ni Dixal? Manganib na kaya ang buhay niya sa lagay na 'yon? Kinabahan siya bigla. Buti na lang tinuruan siya ng kanyang Kuya Ricky ng self-defense. Hindi siya mababahala sakaling may dumating na panganib sa daan.

"Dixal, alam mo kaya ang ginawa ni Veron sakin?" bulong niya sa hangin.

--------

ILANG BESES NANG PATINGIN-TINGIN SI DIXAL SA KANYANG wristwatch at sa screen ng kanyang computer pero hindi pa rin nagrerehistro ang mukha ni Amor sa nano-cam na nakalagay sa pinto ng opisina. Ibig sabihin, wala pa rin ito sa labas.

Mag-aalas nuwebe na pero wala pa rin ito.

Nang may kumatok sa pinto, akala niya'y ang asawa iyon ngunit nanlumo siya nang sa halip ay mukha ni Veron ang nakita sa screen ng computer. Automatic na bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang babae. Napansin niyang nagmamadali itong lumapit sa kanya bitbit ang isang folder.

"Good morning, Dixal!" nakangiti nitong bati sa kanya.

Hindi siya sumagot, ni hindi niya ito sinulyapan man lang.

"Oh, where's your PA? Nakita ko na siya kanina pa sa may elevator kasama 'yong isang empleyado nating lalaki," tila gulat pa nitong wika.

Duon lang niya ito pinukulan ng tingin at pakaswal itong tinitigan upang suriin kung nagsasabi ito ng totoo. Sino namang empleyadong lalaki ang tinutukoy nito? Liban sa kanya at kay Dix, walang ibang kilala si Amor sa loob ng FOL BUILDERS.

"Who's the guy?" usisa niya.

"I'm just familiar with the face kasi araw-araw ko siyang nakikita sa elevator, but I don't know his name. Maybe your PA knows him kasi nakita ko silang magkausap kanina sa may elevator. You can check the CCTV to confirm that I'm telling the truth," sabi pa nito.

Tumango lang siya at itinago ang kahit anong emosyong naramdaman ng mga oras na 'yon para makita nitong wala siyang pakialam sa sinasabi nito. Pero ang totoo, nagtataka siya kung sinong lalaki ang tinutukoy nitong kasama ni Amor.

"Before ako pumasok sa elevator kanina, nakita ko pa silang magkasamang lumabas ng building. Napaka-iresponsible naman pala ng PA mo. Alam niyang may trabaho siya'y sumama pa sa kung kanino," dugtong nito.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay inilahad niya ang kamay para iabot nito ang hawak na folder.

"Oh, I almost forgot. Ito pala 'yong financial report ko sa project natin sa Balintawak. Wala nang problema do'n, inaantay na lang matapos ang project," anito saka lumapit sa kanya.

Tahimik lang siya habang binabasa ang nasa loob ng folder.

"Dixal, pwede bang kumain tayo mamaya sa labas?" yaya nito sabay dukwang sa kanya, nang mapansin niyang nalantad ang cleavage nito sa ginawa'y lalo niyang iniyuko ang ulo.

'Amor's body is better than any other woman.' sigaw ng kanyang isip.

Ewan, pagdating sa gano'ng klaseng bagay, kay Amor lang siya nalilibugan kaya seguro mahal na mahal niya ang kanyang asawa.

"Dixal, sige na kain tayo sa labas. Kahit isama natin si Lemuel, okay lang sakin," pamimilit nito.

"I'm busy, Veron," sagot niya't agad tumayo saka tumalikod rito't tiningnan ang mesa ng asawa.

"You can leave now if you have nothing else to report," utos niyang nakatalikod rito.

Nang marinig niya ang pabagsak na paglapat ng heels nito palayo sa kanyang mesa'y saka lang siya muling humarap, lumapit na uli sa kanyang upuan pero naabutan pa niya ang kababatang palabas ng opisina.

"Amor, where are you?" nag-aalala niyang tanong sa hangin.

Saan ito nagpunta?

Sinubukan niya itong kontakin sa phone ngunit out of reach ang phone ng asawa.

Hindi siya dapat magpadalos-dalos ng desisyon sa ngayon. May tiwala siya sa asawa niya. Hindi ito basta sasama sa ibang lalaki kung wala itong tiwala sa mga 'yon. Pero pa'no kung masama pala ang intensyon ng lalaki dito? Nakaramdam agad siya ng kaba't umupo sa kanyang swivel chair at binuksan ang CCTV ng buong building, saka niya nakitang magkausap ang asawa at si Veron malapit sa elevator.

Nang mahulaan ang ginawa ng kababata'y agad niyang tinawagan sa phone si Lemuel.

"You have to check on my wife's whereabouts," utos niya sa kaibigan.

"Dixal, busy ako. Andami mong ipinapagawa sakin. Iisa lang ang katawan ko, dude." reklamo nito.

"Damn, panay ka na lang reklamo!" aburido niyang tugon at mabilis na ini-end call ang tawag. Siya na lang ang maghahanap kay Amor.

Right! Pagdating dito, siya na ang kusang gagawa ng paraan para mahanap ito.

Siguiente capítulo