webnovel

DEALING WITH THE STUBBORN CHILD

Flora Amor couldn't believe herself begging for Devon na sagutan ang special exam na ibinigay ng teacher nito.

Hindi naman niya magawang paluin ang bata sa mismong silid-aralan baka ma-DSWD siya o di kaya ma-Tulfo. Ni 'di niya ito pwedeng singhalan at lalo lang siyang mahihirapang mapasunod ito.

So she had no choice but to cry begging for him to obey.

"Kawawa naman si Amor, hindi makakauwi hangga't 'di nagti-take ng exam ang bata." sinabayan niya ng singa ng sipon ang pag-iyak.

Gosh! Sino ba kasi ang walanghiyang gumahasa sa kanya at nagkaroon siya ng anak na gan'to kapasaway?

"Ma'am, kahit ano'ng gawin ko, ayaw niya talagang sagutan ang ibinigay kong test questions kasi boring daw. Itinaas ko na ang level of difficulty ng exam niya pero sinulyapan lang tapos kung anu-ano nang ginawa sa upuan pero ayaw sagutan ang papel," paliwanag ng teacher nito kanina bago niya pansamantalang pinalabas ng room at pinakiusapang isara muna ang silid-aralan at kakausapin niya ang anak.

Nakaupo ang bata sa silya nito at mataman lang siyang pinakikinggan sa kanyang drama habang hawak ang coloring pen at kung anu-anong ginagawa sa bond paper na nakapatong sa arm chair nito pero wala atang balak na sumunod sa gusto niyang mangyari.

Lalo pa niyang nilakasan ang iyak sabay singa sa hawak na panyo. Ito ang unang beses na sinundo niya ang anak. Kung alam lang niyang mapapahiya siya nang ganto katindi, 'di na sana siya pumayag na sunduin ito sa school. Hinayaan na lang sana niyang ang ina o isa sa mga kapatid ang sumundo dito, baka sakali hindi ito mag-tantrums nang ganto sa mga 'yun.

"Amor, it's just a piece of paper. Why bother yourself about it?"

'What?!' Gulantang siyang tumitig sa anak habang busy ito sa pagpipinta ng kung anu-ano sa bond paper ngunit ayaw pansinin ang iniaabot niyang dalawang pahinang test paper na nang tingnan niya ay pang-grade four na ang mga tanong do'n samantalang grade two pa lang ito.

Tama ba ang narinig niyang sinabi nito? O baka naman nabingi lang siya? 'Di bale, at least nagsalita ito.

"Sabi ni teacher 'di raw tayo pauuwiin hangga't 'di mo nasasagutan ang test papers mo."

Sa wakas ay tumigil ito sa ginagawa at tinitigan siya.

"Hindi ko mahahawakan ang lappy ni Amor 'pag 'di tayo nakauwi?" pasimple nitong tanong.

Tumango siya at parang batang suminghot. Wala, nag-iba na ang panahon ngayon. Ang ina na ang nakikisuyo sa anak. 'Di naman siya gan'to kapasaway no'ng kabataan niya bakit ito ang napala niya ngayon?

"'Di na makakapasok si Amor bukas 'pag di tayo umuwi ngayon?"

"Opo, kawawa naman si Amor, mapapagalitan na naman ng manager niya." Parang bata siyang sumagot.

"Amor, uwi na tayo. Akina na 'yong test paper, tapos uwi na tayo ha, para makapasok ka bukas."

Sa wakas! Success! Nakahinga siya nang maluwang ngunit 'di nagpahalata sa anak.

Inabot nito ang test papers saka kumuha ng lapis sa backpack nito at nagsimulang magsulat.

After 10 minutes tapos na ito't iniabot na uli sa kanya ang test papers.

Awang ang mga labing tiningnan niya isa-isa ang bawat tanong sa papel. Tama lahat sa gano'n lang kaikling minuto?

Gulat na tinawag niya ang teacher nito.

"Kita niyo po ma'am. Gano'n po talaga siya 'pag ayaw niya sa ibinibigay sa kanyang test questions. Kaya po 'wag kayo magtataka kung bakit mas mataas ang level of difficulty ng ibinibigay ko sa kanya kesa sa mga kaklase niya," paliwanag na uli nito.

"Ano ba ang karaniwang tests niya?" curious niyang tanong.

"Pang-grade six po ma'am, kaya nga po ayaw niyang sagutan 'to kanina kasi alam na daw niya ang sagot. Kaso hindi din naman pwedeng wala siyang record ngayong second grading kaya ko po kayo pinakiusapang tulungan ako para mapasunod siyang mag-take ng exam."

Wait, wait. Six years old lang ang anak niya, bakit ang exam eh pang higher level?

"You mean, mataas po ang IQ niya?!" gulat na napatingin siya sa anak habang nag-aayos ito ng mga gamit at uuwi na raw sila.

"Opo ma'am. 'Yon lang po ang problema sa kanya. Hindi siya sumusunod 'pag ayaw niya sa subject o kaya sa exam na binibigay sa kanya."

"Ate uwi na po tayo. Inaantok na po ako," anang bata nang humawak sa kanyang kamay at hinila na siya palabas ng silid-aralan.

"Good-bye po teacher," habol pa nitong paalam sa guro.

Tahimik siya habang nakasakay sa tricycle pauwi ng bahay. Kung 'di pa niya ito sinundo, 'di niya malalamang gano'n pala ang ginagawa ng kanyang anak sa school. Bakit wala man lang sinasabi ang ina at si Harold tungkol do'n?

"Naku, masasanay ka rin d'yan sa anak mo 'pag ikaw na ang naghahatid-sundo sa kanya," sagot ng ina habang nasa hapag-kainan sila at naghahapunan. Si Devon lang ang wala roon at maagang natulog pagkatapos kumain.

"Ma, 'di niyo naman pwedeng pabayaang ganon 'yong bata. Pa'no pala niya malalamang mali ang ginagawa niya kung 'di niyo siya sasawayin?" reklamo niya sa ina.

"Tignan niyo, hirap na hirap ang teacher niya kanina sa pakikiusap para lang sumunod siya dito pero walang nangyari. Kung 'di pa ako dumating, walang record ang anak ko ngayong second grading," dugtong niya.

"At ikaw naman Harold, bakit 'di mo sinasaway ang pamangkin mo? At least makikinig 'yon sayo kasi ikaw lagi sumusundo sa kanya," sermon niya sa tahimik na kapatid habang kumakain.

Ayaw na niyang idagdag pa kung ano'ng ginawa niyang kashungahan para lang mapasunod ang batang 'yon. Mabuti nga't gumana ang kanyang ginawa eh malay ba niyang pahirapan pala itong pasagutin ng exam.

"Ate, ulam," siko sa kanya ni Maureen na hanggang ngayon ay siya pa rin ang tagasandok ng pagkain nito.

"Oo na." Doon lang siya natigil kakadaldal.

Subalit kung tutuusin tama naman siya. Kelan pala niya pagsasabihan ang batang 'yon na mali ang ginagawa nito sa school kung 'di sasawayin ng dalawang siyang naghahatid-sundo sa anak? Ayaw niyang maging spoiled ang bata paglaki. Kaya wala siyang magagawa, kahit ayaw niya, kailangan niyang isali sa schedule ang pagsundo dito.

Dahil sa ukupado ang isip sa nangyari kanina sa school, 'di tuloy siya makagawa ng resume no'ng humarap na sa lappy.

Ano ba kasing construction research analyst 'yon? Kailangan pa niyang mag-search sa google para lang malaman kung ano'ng klaseng trabaho ang gustong aplayan ng kaibigan.

At nang maintindihan ang work na 'yon ay saka siya gumawa ng resume ngunit hindi siya naging satisfied sa una kaya kailangan niyang mag-search kung ano ang mas magandang panimula para ma-attract agad ang interviewer sa gagawin niyang resume.

Pagkatapos ng isang oras, nakagawa din siya ng sa tingin niya'y magandang resume para sa kaibigan, saka niya ini-print iyon at inilagay sa sliding folder at naghihikab na tumayo at tila hapung-hapong ibinagsak ang katawan sa malambot na kama.

'Di pa man siya tuluyang nakakatulog ay naramdaman niyang may humahawak sa laylayan ng kanyang pajama.

"Amor, gusto ko 'yong ginagawa mo. Turuan mo ako," lambing ni Devon na noo'y kakagising lang.

"Ano ba, inaantok na ako. Matulog ka na uli sa bed niyo ni pappy," atungal niya.

"Amor, pa'no maglagay ng picture do'n?" pangungulit nito.

Grrrrr...hindi ba talaga siya titigilan ng batang 'to?

"Insert pic mo lang," tila sumusuko na niyang sagot. Saka lang ito tuwang-tuwang bumitaw sa kanya at muling kinalikot ang kanyang lappy.

Haayyyy sa wakas makakatulog na siya.

Siguiente capítulo