webnovel

"YOU KILLED MY PARENTS! YOU KILLED THEM!"

Naalimpungatan si Flora Amor sa mahihinang boses na nag-uusap sa may kusina.

Kahit 'di niya makita ang dalawa, alam niyang sina Lemuel at Dixal ang mga 'to. Si Dixal, pigil ang malakas na tawa habang si Lemuel naman ay 'di malaman kung pumupuri o nanenermon sa tuloy-tuloy at walang gatol nitong magsalita. Ngayon siya nagtataka kung ano talaga ng relasyon ng dalawa bakit ito lang ang tanging kaibigan ng asawa. Mas naniniwala siya ngayong matalik ang mga 'tong magkaibigan kesa sa amo-empleyado sa trabaho.

Nag-unat siya ng katawan ngunit tinatamad pa ring hinatak ang isang unan at idinagan sa ibabaw ng kanang hita. Ang sarap pang matulog. Pakiramdam niya, umakyat siya ng sampung bundok sa sakit ng kanyang katawan lalo na sa parteng baba, ang balakang niya, ang mga binti at sa pagitan ng mga hita.

Napangiti siya nang maalala ang nangyari kagabi. Ilang ulit ba siyang inangkin ng asawa, isa, dalawa, tatlo--? Hindi niya mabilang. Saka lang siya nito tinantanan nang mapagod na at antukin. Madaling araw na yata sila nang makatulog.

Napahigpit ang yakap niya sa unan habang binabalikan sa isip ang nangyari, saka siya marahang napahagikhik.

Gano'n pala kasarap ang tinatawag nilang sex. No, she must never call theirs as simple sex, but lovemaking-----honeymoon? Muli siyang napahagikhik nang marahan.

Nakakaantok. Tinatamad talaga siyang bumangon kung 'di lang naaamoy ang mabangong ulam na 'yon galing sa kusina. Amoy hipon. Bakit parang ang bango no'n na humahalo sa amoy ng butter, bango talaga. 'Di niya mapigilang magdilat ng mata.

Ano kayang niluluto ng kanyang cook? Dahan-dahan niyang hinatak ang kumot at bumangon para tignan ang dalawa sa baba nang mapansin ang dugo sa may bedsheet patunay na naibigay na niya sa asawa ang kanyang pagkababae.

Ngunit napansin din niyang nakasuot na siya ng damit.

Kunut-noong sinilip niya ang panloob. Bago ang kanyang panty at bra?

Huh?

Bumili ba ng undies ang asawa niya? Pa'no nitong nalaman ang size ng kanyang undies?

Nagtatakang lumapit siya sa barandilya ng mesanin saka tiningnan sa baba ang dalawang seryoso nang nag-uusap.

Nakita niya ang asawang nakasuot ng apron at naghihiwa ng spices sa ibabaw ng mesa habang ang kausap nama'y nakaupo sa silya paharap dito.

"What did you do to him?" narinig niyang usisa ni Lemuel sa asawa.

"I tied him up and imprisoned in his own room. He deserved it," sagot ng huli.

Malakas na tumawa si Lemuel.

Ano kayang pinag-uusapan ng dalawa?

Bumalik siya sa kama at naupo sa gilid no'n saka naghanap ng orasan ngunit ang nagba-vibrate na phone ang kanyang unang napansin, sunod lang ang alarm clock sa tabi no'n. Dinampot niya ang phone saka tiningnan kung sino ang tumatawag.

Unknown ang nakalagay sa screen. May tumatawag sa asawa niya? Sino kaya 'yon?

Napadako ang tingin niya sa alarm clock at biglang tumayo nang makitang alas dose na nang tanghali.

Bitbit ang phone ay mabilis siyang tumakbo pababa ng mesanin papunta sa kusina. Masakit man ang buong katawa'y pinilit niyang tumakbo nang normal.

"Hey, sweetie don't run. Baka madapa ka!" saway agad ng asawa pagkakita sa kanya.

Napalingon naman si Lemuel.

"Don't look at her!" hiyaw agad nito sa kaibigan na agad napaharap dito nang masulyapang maikli ang suot na damit ng babae.

"Fine! I didn't stare, I swear," anitong itinaas pa ang dalawang kamay.

"Hey, why is she wearing your t-shirt?" dugtong nito.

Gigil na binatukan ito ni Dixal.

"Dixal! Bakit 'di mo ko ginising kanina? Baka nag-aalala na si Harold sa'kin ngayon."

Tumatakbo siyang lumapit dito't inilapag sa mesa ang smartphone.

"May tawag ka. Maliligo muna ako, babalik akong ospital pagkatapos ko maligo," an'yang dere-deretso na sa banyo.

"Sweetie, easy. Bumisita na ako do'n kaninang umaga. Kasama niya si Mamay Elsa. Tawagan mo na lang 'pag may kailangan ka,"

ani Dixal.

"Dixal tuwalya, nakalimutan ko!" hiyaw niya mula sa loob ng banyo.

"There's inside the cabinet sweetheart!" sagot nito.

Maang na napatitig ang kaibigan dito.

"Bro, ander ka?" 'di makapaniwalang sambit nito.

"Isa pa't masasapak na kita!" banta ng lalaki.

Humulagpos ng tawa ang huli.

"Dixal, damit ko!" hiyaw niya uli mula sa loob.

"Okay po, I'll get it!" sagot nito.

Namimilog ang matang tinitigan ito ni Lemuel.

"Dude, naglaba ka ng damit niya?!"

"You damn--" nanggigil itong lumapit sa tumakbong kaibigan habang walang tigil sa kakatawa.

Walang pumansin sa phone na kanina pa panay vibrate.

Bago naligo'y pinagmasdan niya muna ang katawan sa tapat ng whole body mirror na nakadikit sa dingding sa tapat ng shower.

"Dixal, damit ko!" hiyaw niya nang maalalang wala din pala siyang bitbit na damit sa pagmamadaling makapasok agad ng banyo.

Pinasadahan niya ng tingin ang parte ng katawang higit na pinagnasaan ng asawa. Namumula 'yon hanggang ngayon at mahapdi pa rin. Kinapa niya 'yon saka napangiwi. Hapdi talaga, para pa ngang namamaga.

"Amor, your clothes," anang asawa sa labas ng pinto.

Wala sa sariling binuksan niya ang pinto at tumapat na uli sa harap ng salamin.

Ilang beses na lumunok si Dixal habang pinagmamasdan ang hubad niyang katawan.

"Dixal, tignan mo namamaga dito oh," tawag niya sabay baling rito upang mamula lang ang pisngi sa nakita sa mga mata nito.

Subalit bago pa ito nakahirit, mabilis na niya itong naitulak palabas ng banyo.

Natatawa niyang inilock ang pinto saka agad na naligo.

Nakabihis na siya gamit ang bagong damit na binili ng binata. Marahil ay nag-shopping ito kanina pagkatapos bumisita sa ospital.

Paglabas niya ng banyo'y nakahain na ang kanilang tanghalian.

"Woow ang sasarap naman!" bulalas niya nang makita kung ano ang niluto ng asawa.

Hipon ang lahat ng nakalapag sa mesa, iba-iba lang ang pagkakaluto pero ang tumatak sa isip niya'y 'yong sticky honey garlic butter shrimp.

Amazed na bumaling siya sa asawa. Ang galing naman nito, ang daming alam na luto ng ulam!

"Magtira ka ha? Darating pa si Ybeth, baka ubusan mo," parinig ni Lemuel.

Napahagikhik siya, paano'y nahulaan nito ang balak niyang gawin.

------

MAGKASAMA sila ni Dixal na nagpunta sa ospital pero may binisita din itong kakilalang doctor kaya nauna siyang umakyat sa second floor bitbit ang tira pang ulam na niluto ng asawa kanina at sadyang itinira para sa dalawang bantay ng mama niya.

Nagtaka siya kung bakit bukas ang pinto gayong sinabihan naman niya ang kapatid na laging ila-lock 'yon.

"Harold, ba't hinayaan mong nakabukas ang pinto?" sita niya sa kapatid habang hawak nito ang isang newspaper at nakaharap sa isang lalaking nakaluhod sa natutulog na ina.

Ngunit wala naman do'n si Mamay Elsa.

"Harold, sino 'yan?" usisa niya.

Namutla ang kapatid pagkakita sa kanya at agad na itinago sa likod ang hawak na pahayagan. Lalo tuloy siyang nagtaka.

Nakaluhod pa ring umikot paharap sa kanya ang estrangherong lalaki ngunit nagulat siya no'ng matandaan ang mukha nito.

"Ikaw 'yon! Ikaw 'yong lalaking nagligtas sakin no'ng gabing muntik na akong mabugbog nina Phoebe!" bulalas niya.

"Pero ano'ng ginagawa mo dito?" maang niyang tanong saka inilipat ang tingin sa napayukong kapatid.

Hagulhol ang isinagot nito at nakaluhod siyang nilapitan.

"Patawarin niyo ako. Hindi na kayang dalhin ng kunsensya ko ang lahat. Patawarin niyo ako!"

"Harold, pa'no siyang nakapunta rito?" usisa niya sa kapatid ngunit nanatili itong nakayuko at agad nagpunas ng kung ano sa pisngi.

Kinabahan tuloy siya.

"Kuya, ano po bang kasalanan mo sa'min? Wala naman po kaming natatandaang atraso mo samin tsaka 'di ka po namin kilala," an'ya.

Nagulat siya nang bigla nitong sinuntok ng kamao ang dibdib.

"Ako! Ako ang pumatay sa ina niyo! Ako ang bumaril sa kanya!" hiyaw nito sa pagitan ng paghagulhol.

Napaatras siya sa pagkagulat.

"S-sino ka?"

"Ako ang inutusan ni Director Diaz para bantayan ka at seguraduhin ang kaligtasan mo. Dalawa kaming inutusan pero ako lang ang nanatili rito. Ako ang bumaril sa inyong ina pero maniwala kayong 'di ko sinasadya ang lahat."

Paulit-ulit siyang umiling, 'di makapaniwala sa ipinagtapat ng lalaki. Pa'no nitong nabaril ang ina kung ang kabit ng kanyang ama ang may pakana ng lahat?

"Harold, alam mo ba ang sinasabi niya?" garalgal na ang boses niya.

Humikbi ang kapatid ngunit hindi sumagot.

"Akina na 'yang hawak mo," paasik niyang utos.

"Ipinambalot lang 'to ni Mamay Elsa ng pagkain namin kanina." Noon lang ito nagsalita.

Pero inagaw pa rin niya mula rito ang newspaper at biglang nanlambot ang mga paang napaupo sa sahig habang nanginginig ang mga kamay na binasa ang nasa front page na balita kalakip ang larawan ng ama.

Nakasaad doon na ni-raid ng mga NBI ang kanilang bahay dahil sa pinaghinalaang doon nakalagay ang mga drugang ibinibenta ng ama sa mga kliyente. Merun nga raw isang kahong puro druga ang laman, may isang notebook na puro pangalan ng mga kliyente ang nakasulat. Pinagmasdan niyang maigi ang nasa unang pahina ng notebook. Hindi! Hindi iyon ang notebook na nakita niya. Walang pangalan ng kanyang ama sa unang pahina ng notebook na kinunan ng litrato.

Nakasaad pa do'n na bago ma-raid ang kanilang bahay ay tila baliw ang ama sa ipinagbabawal na druga no'ng umuwi at tutukan ng baril ang ina, ang ina nama'y sandaling nakatakas at tinawagan sa cellphone ang ama ni Anton at mabilis na rumesponde ang director at nabaril sa noo ang ama, ang ina nama'y aksidenteng nabaril sa dibdib. Dead on arrival ang dalawa pagdating sa ospital, ayon doon. Ngunit inalam ng NBI kung may kinalaman ang kabit ng ama tungkol sa pagkakalulong ng una sa druga at dinakip nang mapaghinalaang pinainom nito ang ama ng shabu dahilan para mabaliw ang mayor niyang ama at ang mga tauhan nito ang nagdala sa una pauwi sa bahay nila para doon magwala. Pero pagkatapos ng isang araw ay pinalaya din ito agad dahil sa walang mabigat na ibidensya sa alegasyong isinampa rito.

'Hindi! Hindi 'yon totoo!'

Itinapon niya ang newspaper saka bumaling sa kapatid.

"Harold, sabihin mo sa'kin. Hindi totoong si Sir Diaz ang pumatay kay papa, 'di ba? Sabihin mo sa'kin. Sabihin mo!" sigaw niya sa kapatid habang niyugyog ang balikat nito.

"Ate--" tangi lang nitong nasambit.

Panay ang iling niya habang hilam sa luha ang mga mata.

Hindi totoo ang nabasa niya. Si Mamay Elsa pa nga mismo ang nagsabing kagagawan ng kabit ng ama ang nangyari sa mga magulang. Hindi magsisinungaling ang matanda sa kanila.

Wala sa sariling sinunggaban niya ang nakaluhod na lalaki.

"Sabihin mo sa'kin, huh? Hindi si Sir Diaz ang pumatay kay papa 'di ba? Kagagawan 'yon ng kabit niya 'di ba? 'Di ba?!"

"Patawarin mo kami! Patawarin mo kami!" paulit-ulit lang na sambit nito.

Doon na siya napahagulhol at pinaghahampas ng kamay ang lalaki.

"Mga hayup kayo! Mga hayup kayo! Pinatay niyo ang mga magulang ko! Wala kayong mga puso! Mga hayup kayo!"

Tila wala na sa sariling sumigaw siya nang sobrang lakas. Hindi siya naniniwala sa nasa balita. Hindi totoo ang lahat ng 'yon. 'Yung notebook na kinunan ng picture, hindi 'yon ang nakita niya noon. Ang mama niya, patay na raw ayon sa balita pero buhay ito. Mabubuhay ito. Lahat ng paraan gagawin niya para lang mabuhay ito.

Muli siyang lumapit sa kapatid, pilit pinapakalma ang sarili saka pinahid ang mga luha sa mga mata.

"Harold, halika. Punta tayo kay sir Diaz. Sabihin nating hindi totoo ang nasa balita. Magkaibigan sila ni mama. Hindi niya papatayin si papa."

"Siya ang pumatay kay papa, ate!" sigaw nito.

"Pinatay niya si papa at nilagyan niya ng shabu ang bahay natin para mapagbintangang si papa nga ang drug lord. Tumigil ka na sa pagkukunwaring 'di mo 'yon alam!"

"Hindi, Harold. Maniwala ka kay ate. Hindi ko 'yon alam. Mabait na tao ang papa ni Anton. Hindi niya gagawin 'yon sa mga magulang natin," paliwanag niya habang pumapatak ang mga luha at hawak ang magkabilang balikat ng kapatid.

Pumiglas ito't itinulak siya.

Nanghihina siyang napaupo sa sahig. Nasa gano'n silang kalagayan nang biglang bumukas ang pintong 'di pala niya naisara kanina. Iniluwa doon si Dixal kasama ang mag-amang Anton at sir Diaz.

"Amor, what happened?" kunut-noong usisa ng asawa saka agad na lumapit sa kanya't itinayo siya.

"Mamamatay-tao siya, Dixal," mahina niyang sambit ngunit naro'n ang galit sa tinig habang idiniduro ang kasamang ginoo.

"Ha?" maang na sambit nito saka nilingon ang director.

"Wala siyang puso, Dixal. Pinatay niya ang mga magulang ko. Pinatay niya si papa ko. Parehas silang mag-ama, kinontrol nila ang buhay namin at ginawa kaming tanga!"

"Hey, calm down. Calm down sweetie." Niyakap siya nito at hinagud ang likod upang kumalma siya.

"Flor, you've misunderstood everything," S

sabad ng ama ni Anton habang ang binata nama'y namumutlang nakatingin sa kanya.

"Misunderstood everything?!" Nagpantig ang kanyang tenga sa sinabi nito, dahilan upang lalo lang siyang magngitngit sa galit.

Pilit siyang kumawala sa pagkakayap ng asawa at nanlilisik ang mga matang lumapit dito't agad na lumipad ang palad sa pisngi nito. Walang nakakilos sa pagkabigla sa ginawa niya.

"Halimaw ka! Wala kang puso! Pinatay mo ang papa ko at nagkunwari kang mabait sa mama ko para malagyan mo ng druga ang bahay namin! Hindi ka pa nakuntento, pinasubaybayan mo pa ako sa mga tauhan mo at inalam ang bawat galaw ko! Para ano? Para mapapaniwala si mama na nanganganib nga ang buhay ko nang madali mo siyang mauto at pumayag sa lahat ng gusto mo! Wala kang kasing sama! Halimaw ka! Halimaw ka! Halimaw kaa!!" pinagsusuntok niya ang dibdib ng ginoo habang paulit-ulit na sumisigaw ngunit 'di man lang ito umiilag sa ginagawa niya.

"Flor, you've really misunderstood. Hindi mga ordinaryong tao ang mga kalaban ko. Kaya nilang baligtarin ang lahat. Hindi ako ang nagtanim ng druga sa bahay niyo. Kahit ako, nagulat din do'n."

"Tama na! Tama na!"

Do'n na sumabad si Anton at lumapit sa kanya.

"Flor, maniwala ka kay papa. Napilitan lang siyang barilin ang papa mo kasi wala ito sa sariling katinuan at balak nitong barilin sa noo ang 'yong mama. Ang mama mo, 'di siya mababaril kung 'di niya hinarangan ang katawan ng 'yong ama."

Ngunit kahit anong paliwanag nila, sarado na ang kanyang isip. Ang gusto lang niyang gawin ay sumigaw sa galit sa mga 'to upang maramdaman ng dalawa kung ga'no kasakit ang ginawa ng mga 'to sa pamilya niya.

"Sweetie, calm down. Baka kung mapa'no ka niyan." Niyakap siya uli ng lalaki at pinakalma, do'n lang siya tila natauhan at humagulhol ng iyak sa mga bisig nito.

"Dixal, paalisin mo sila. Ayuko silang makita," sa pagitan ng pag-iyak ay pakiusap niya sa asawa.

"Okay, okay. I'll do it. But please calm down," anito saka lumayo sa kanya at nagpatiunang lumabas kasama ang mag-ama maging ang nakaluhod na lalaki.

Wala siyang magawa nang mga sandaling 'yon kundi humagulhol ng iyak sa 'di matanggap na katotohan sa nangyari sa mga magulang.

Siguiente capítulo