2.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata dahil pakiramdam ko masusuka ako. Para akong pinaikot ikot ng ilang beses at itinapon pabalik balik. Sobrang sumasakit ang ulo ko at hindi ko alam kung paano ito pahihintuin. Para itong binibiyak sa sobrang sakit. Lahat ng nararamdaman kung sakit ay inilabas ko na lang sa taong hawak ng aking kamay ngayon. Siguro kung wala si Tita baka kanina pa ako nahimatay dito.
Humigpit ang pagkakahawak ko kay Tita at mukhang naramdaman niya yun dahil humigpit rin ang kapit niya sakin, then suddenly, an unexpected thing happen. Biglang nawala lahat ang sakit ng ulo ko. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Para akong lumulutang. I can clearly hear my breathing and I can feel the heat of my own body.
Hanggang sa bigla kaming bumagsak sa lupa pero di kami natumba. Like something keep us in balance. Binitawan ni Tita ang aking kamay. Dahil nakapikit ang aking mata ay agad ko itong iminulat. Tumambad sa akin ang napakalaking gate na kulay ginto at may naka engrave doon na 'Nexons Institute of Arcanes' at may nakasulat na sobrang maliliit sa ibaba nito. Dahan dahan kong nilapitan ang gate para mabasa ang nakasulat. Ng makalapit ako ay binasa ko ito mula sa umpisa habang hinahaplos ito ng aking mga daliri.
"A place where you truly belong. A place where charms exist. A place where your dreams can come true. A place where humans are not ordinary."
What is the meaning of this!? Asan ba talaga kami? Asan ba talaga ako!? Or should I say, sino ba talaga ako??
"Tara na Aleah. Kanina ka pa nila hinihintay."
Hinihintay nila ako? Sino sila? Bat nila ako hinihintay? Kilala ba nila ako? Asan ba ko? Anong lugar to? Bat ako andito? Sino ba talaga a-
"Stop with the questions. Masasagot lahat ng katanungan mo mamaya, my dear." wait!! Did Tita just read my mind? Can Tita read minds? That's impossible!!! "Nothing is impossible, remember that Aleah." no way! No, this is not real! Hindi 'to totoo. No one can read minds!
Naglakad na si Tita papasok sa loob ng building ng bigla na lang bumukas kani-kanina lang. Unang tingin pa lang ay talagang mapakaganda na. May napakalaking fountain ito sa gitna na napakalinis ng tubig at may kung anong kumikislap sa taas. Sa likod ay matatagpuan ang isang napakataas na building na nakapalibot rito. Sa may gilid ay may mataas na tore na may kampana sa gitna at ang toktok nito ay nakalagay ang NIOA which I think it means Nexons Institute of Arcanes. At sa gitna ng apat na letter na ito ay may gem na di man ganon kalaki ay napakakintab naman. Kulay blue ito at parang kumikinang pa.
Punong puno ang paligid ng iba't ibang klase ng bulaklak na sa tanang buhay ko ay di ko pa nakikita. Sa tingin ko ay sa mundong ito lang nakikita where -just like I read a while ago- humans are not ordinary.
Ng makarating kami na napakalaking pinto ay kumatok si Tita ng tatlong beses at may sinabing isang word na hindi ko naman naintindihan. Hindi ko alam kung ano yung word na sinabi ni Tita pero sa tingin ko ay iyon ang dahilan ng pagbukas ng pinto. At mas lalo pa akong napamangha sa aking nakita. Hindi ko alam na makakakita ako ng ganitong lugar.
Ang bubungad sayo ay napakalaking statue ng isang babae at lalaki na nakayuko habang magkahawak ang kamay at may dalawang hagdan ito sa magkabilang gilid. Habang sa taas naman ay may sobrang gandang chandelier where I never imagined that really existed. Lahat ng gamit ay kung hindi gawa sa gold, sa silver naman at mas malala dahil kung hindi gawa sa gold at silver ay gawa naman sa diamond. Ni wala nga akong makita na gawa sa kahoy dito. Pati ang tiles ay napakakintab. Kulang na nga lang ay makapagsalamin ka na sa sobrang kintab.
Everything is screaming richness and nobility.
Umakyat si Tita sa kaliwang hagdan kaya sumunod ako kay Tita habang pinagmamasdan parin ang mga gamit na sobrang kay gaganda. Hanggang sa di ko namalayan na huminto na pala si Tita.
Huminto si Tita sa malaking pinto at maganda ang disenyo. May nakasulat sa taas nito na 'Headmistress's Office'. I think isa ito sa mga pinakamahalagang kwarto sa buong lugar. Kung dito ang nakalagay ay headmistress, doon naman sa lugar ng mga 'normal na tao' daw, ang nakalagay naman ay principal.
Kumatok ng tatlong beses ulit si Tita at kusa ulit na bumukas ang pinto. Ano bang mayroon sa school na ito? Parang ang daming misteryo. Ang gulo, di ko maintindihan.
Pumasok si Tita sa loob. Pati mga gamit nito ay halatang mamahalin, ni hawakan man lang ito ay nakakatakot. Sa harap ay may long sofa at dalawang single sofa sa magkabilang gilid nito samantalang may lamesa naman ito sa gitna na ang ibabaw ay salamin. Malalaki ng mga bintana nito na natatakpan ng mahahaba ring kurtina na iginilid. Napakaganda naman dito.
Dahil sa pagkamangha ko sa lugar ay hindi ko napansin ang isang babaeng may mahabang buhok na kulay brown. Nakatayo siya sa may bintana at parang ine-enjoy ang view. Kitang kita ang kapormalan ng kaniyang suot.
Tumikhim si Tita Aly at lumingon ang babaeng nakatingin sa bintana kanina.
My mouth literally fall. The woman had a heart shape face, a perfect white skin, wavy long brown hair and that tantalizing violet eyes.
She's a freaking goddess!
Titig na titig parin ako sa kaniya ng bigla siyang lumapit at niyakap si Tita. "Aly!! I missed you, welcome back!"
Tita Aly Calvert is my aunt in father side. Si Papa ang panganay sa kanilang dalawa ni Tita. Ang asawa ni Tita Aly na si Tito Michael Calvert ay isang taon ng patay and my parents.....died twenty-one years ago, when I was two years old. Kaya kaming dalawa na lang ni Tita ang magkasama. Sa mother side ko naman ay wala akong kilala na kahit isa ko man lang na kamag-anak. Sila Tita Aly naman ay wala ring anak.
"I'm glad to be back. Of course, I missed you too Celeste. It's been a long time since I've been here and now, she's already with me." nakangiting sagot ni Tita doon sa babae tsaka siya tumingin sa akin. What's with them? "Ohh, ito na ba siya? Napakaganda mo talaga, Aleah." she knows me!! She freaking knows me! Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay ng mahigpit.
"Aleah, this is your Tita Celeste Adams, the Headmistress of NIOA." She looks too young to be a Headmistress. "It's been a long time since I last saw you. It was on your 2nd birthday, but now, your standing here, finally, in front of me." mangiyak ngiyak na sabi niya. How does she know me? 2nd birthday? I can't remember what happened on that day but I can clearly remember the smile of my parent's faces.
"Kilala niyo po ako?" naguguluhan kong tanong. Kung hindi ko tatanungin kung anong nangyayari ngayon ay paniguradong mababaliw na talaga ako. "Syempre naman, kilala kita. How can I forget the gourgeous daughter of my bestfriend that I once taken care of?" nagulat ako sa sinabi niya.
"Bestfriend?" tanong ko ulit.
Nakita ko naman ang pagkabura ng kaniyang ngiti na agad ding naman niyang ibinalik. "Yes. Your mother was my best friend. She uses to be my shield when someone bullies me, she's my crying shoulder, she's my partner. She's more than a best friend for me, we treated each other as sisters until an unexpected thing happened. That's when she and her husband -which is you father- get killed." unexpected thing? As far as I know, my parents died because of a car accident. Pero ngayon, parang nagdududa na ako na car accident talaga ang dahilan ng pagkamatay nila.
"What do you know about my parents? Why did they die? Please tell me." sabi ko at hinawakan rin ng mahigpit ang kaniyang kamay. I need to know!
Matagal na kong nagtatanong kay Tita about sa car accident na yan pero di niya ko pinapansin. Now, this is my chance. "Not now, my dear. Gusto kung ikaw mismo ang makaalam ng dahilan ng kanilang pagkawala and I want you to be ready. I want you to be ready for the consequences. Kasi alam ko na pag sinabi ko sayo ngayon ang dahilan ay magagalit ka at ayaw kong mangyari yun. Ayaw kong magpadalos dalos ka sa iyong mga desisyon. Ayaw kong matulad ka sa kinahinatnan ng iyong mga magulang." why can't they just tell me!? Can't they see!? I begging! Gusto kung malaman ang nangyari sa mga magulang. I suffered enough!
"Okay!! It's already the right time. Ngayon na magsisimula ang adventure mo sa buhay. So, Aleah, be ready. Marami kang mararanasan dito na hindi mo nararanasan sa nakasanayan mong lugar. And I want you to be familiar with it, cause this is your world, where you are the queen." nakangiting sabi ni Tita Celeste. Is this really the place where I belong?
Nagulat ako ng bigla na lang pumitik si Tita Celeste at biglang may lumitaw sa kamay niyang mga damit. Teka!! Totoo ba yun o namamalikmata lang ako?? Did those clothes really appear out of nowhere? What the heck is happening?? Again!?
Mukhang nakita ni Tita Aly ang aking reaction kaya mahina siyang napatawa "As expected, you will be surprised." natatawa paring sabi ni Tita Aly "Oh, I'm sorry. I thought you already know." sabi ni Tita Celeste. She gives me the clothes and she talked again. "Here. Yan ang uniform mo for now. Pwede pa yang mapalitan pag nalaman mo na kung saang type ng charm ka belong." here we go again with that weird things! Aish!! Tinanggap ko na lang yung uniform na binibigay ni Tita Celeste.