webnovel

Kabanata 31

[LOUISE'S POV]

"Kumusta na ang lovelife mo anak? Balita ko mula sa Papa mo ay magkakaanak na raw kayo ng asawa mo." tanong sa 'kin ni Mama.

"Sobrang saya po Ma. Excited na nga po kaming makita ang first baby namin." sabi ko sabay tingin sa tiyan ko.

Teka, ba't nawala yung umbok ng tiyan ko? Siguro nasa katawan ko ito na nasa hospital. Baka nga.

"Excited na akong maging isang lola. Kaso sayang lang dahil hindi ko siya mahahawakan man lang." sabi sa 'kin ni Mama.

"Wag po kayong mag-alala dahil ikukuwento ko kayo sa kanya kapag lumaki na siya." sabi ko kay Mama.

"Salamat anak. Ikuwento mo na rin ang Papa mo sa kanya." tugon ni Mama sa 'kin.

"Oo nga pala Mama, paano kayo nagkakilala ni Papa? Gusto kong malaman ang love story niyong dalawa." tanong ko sa kanya.

"Hindi ba naikuwento sa 'yo ng Papa mo tungkol sa relasyon namin noon?" tanong sa 'kin ni Mama.

"Naikuwento naman po pero buod po kasi siya. Gusto kong malaman ang buong kwento ng love story niyo." sagot ko.

"Nagkakilala kami ng Papa mo noong pumasok ako bilang kasambahay nila. Nang makilala ko noon ang Papa mo ay sobrang sungit niya, at malupit pa sa mga tulad naming mahihirap. Pero kahit gano'n ang Papa mo noon ay marami pa ring nagkaka-crush sa kanyang kasambahay, syempre maliban lang sa akin. Hindi tatalab sa akin ang pagiging masungit niya. Hindi ako natatakot sa kanya lalo na't hindi naman siya ang nagpapasweldo sa akin kundi ang mga magulang niya." pagkukuwento sa 'kin ni Mama.

Naalala ko bigla kung paano kami nagkakilala ni Billy. Halos katulad sa mga magulang ko ang kwento naming dalawa.

"Isang araw, habang nililinis ko ang pool nila ay nahulog ako do'n. Hindi pa naman ako marunong lumangoy noon. Akala ko nga ay mamamatay na ako, pero niligtas ako ng Papa mo. Diyan nagsimula ang pagiging magkaibigan namin. Sa tuwing malungkot at may problema ako ay lagi siyang nandiyan sa akin para damayan ako. Hanggang sa lumalim ang pagkakaibigan namin. Inamin niya sa akin na gusto raw niya ako at kung pwede ay ligawan daw niya ako. Pumayag naman ako. At niligawan nga niya ako. Hanggang sa na-inlove na rin ako sa kanya. Ilang linggo rin siyang nanligaw sa akin hanggang sa makuha na niya ang puso ko. Nang makuha niya ang puso ko ay sinagot ko na siya. Naging masaya ang pagmamahal naming dalawa. Pati mga ka-trabaho ko noon sa bahay ay masaya rin sa relasyon namin. May nangyari na nga sa aming dalawa at ikaw ang naging bunga." kwento ni Mama.

Ang ganda naman pala ng love story nila. Parang wala silang problema unlike sa amin ni Billy.

"Pero bigla dumating ang mga magulang ng Papa mo. Nalaman nila ang relasyon naming dalawa at hindi nila nagustuhan 'yon. Ayaw nila sa akin dahil mahirap lang daw ako. Kaya sinesante nila ako at napilitang nakipaghiwalay sa akin ang Papa mo kahit buntis na ako noon." malungkot na sabi ni Mama.

Ay mali pala ako. Mas masaklap yung sa kanila. Hindi pala sila nagkatuluyan nang pinanganak ako ni Mama.

"At pinagsisihan ko 'yon anak. Pinagsisihan kong iniwan ko kayo ng Mama mo at hindi ko kayo naipaglaban sa mga magulang ko. Naging duwag ako dahil sa takot kong sirain nila ang buhay niyo." sabi sa 'kin ni Papa.

"Alam ko naman po 'yon Papa kaya wala po kayo dapat ikalungkot." sabi ko sa kanya.

"Ngayon na kasama ko na ang Mama mo ay hindi ko na siya iiwan pa." - Papa

Napatigil naman ako sa sinabi niya.

"I-ibig ba sabihin no'n Pa ay hindi ka na babalik pa?" tanong ko sa kanya.

"Oo anak, dito na namin ipagpapatuloy ang pagmamahalan naming dalawa." sagot sa 'kin ni Papa na ikinalungkot ko. Pero may halong saya rin naman dahil alam kong magiging masaya silang dalawa rito.

"Wag kang malungkot dahil nandiyan naman ang asawa mo. At isa pa, malapit ka na rin maging magulang kaya hindi ka nag-iisa. Aalagaan mo parati ang sarili mo at pati na rin ang magiging anak niyo." ani Papa.

Niyakap ko ang mga magulang ko.

"Mamimiss ko kayo." sabi ko kina Mama at Papa.

"Mamimiss ka rin namin anak." tugon sa 'kin ni Mama.

Tumagal ang pagyayakapan naming tatlo.

"Wifey ko, gumising ka na. Namimiss na kita." May bigla akong narinig na isang pamilyar na boses.

Si Billy.

"Mukhang tinatawag ka na ng asawa mo. Sige na anak, bumalik ka na sa kanya." sabi sa 'kin ni Papa.

Humiwalay na ako sa mga magulang ko at nagpaalam na ako sa kanila.

Nakita kong kumaway pa sila bilang pamamaalam hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Siguiente capítulo